Dekretong Edukasyon 4.4.2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Kagawaran ng Edukasyon
DEPARTMENT OF EDUCATION

REHIYON VIII
REGION VIII

SANGAY NG TACLOBAN
SCHOOLS DIVISION OF TACLOBAN
Tacloban City, Philippines

DI-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

I. Layunin:
Naipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo at ang
pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863
(AP6PMK-Ib-4.4.2)
II. Nilalaman at Kagamitan:
A. Paksa
Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
Integrasyon: Gender and Development (No to Bullying)
B. Sangunian at Kagamitan
CG 2016,p. 119
Kayamanan 6, p. 24-25
Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan 6, p. 30
Lakbay ng Lahing Pilipino 5,p. 93; 97

mga larawan , slides, manila paper, marker

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Magbalitaan
Tatawag ng dalawang bata ang guro para magbahagi ng mga balitang
napakinggan mula sa telebisyon o radyo.

2. Balik- aral
Ano-ano ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan?

3. Pagganyak
Sagutin ang palaisipan sa ibaba. Gawin mong gabay ang mga
larawan sa at mga titik sa patlang upang mas madali itong masagutan.

1. Tanging yaman na hindi mananakaw ninuman

e___a___n
2. Isa sa mga banyagang sumakop sa Pilipinas

_s___y__

3. Pananampalatayang pinalaganap ng mga Kastila

_r_____a___m_

B. Paglalahad:

Mga Gabay na Tanong:

Ano ang mestizo?


Ano ang Doctrina Christiana?
Naging pantay ba at makatarungan ang pagtingin ng lipunan noon sa babae
at lalaki? Ipaliwanag.
Ano ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo sa pagbuo ng kamalayang
nasyonalismo?
Ano ang epekto ng pagkakaroon ng pambayang edukasyon para sa lahat?
Sa kasalukuyan ano ang mga kadalasang nagiging problema sa mga paaralan?
Paano natin maiiwasan ang bullying?
Ano ang naging ambag ng pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863 sa
pagbuo
ng kamalayang nasyonalismo?

C. Panlinang na Gawain

Gawain A

Pagsusuri sa mga Pangyayari

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga naging epekto ng edukasyong kolonyal
sa buhay ng mga Pilipino.

__1. Nagbukas sa isipan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran


at tagumpay sa buhay ng tao.
__2. Lalong nawalan ng ganang mag-aral ang mga Pilipino.
__3. Natuto ang mga Pilipino sa mga bagay na may kinalaman sa kagandahang-asal.
__4. Lumawak ang kaisipan at pananaw ng mga Pilipino sa maraming bagay.
__5. Ang mga babae ay lalong iginalang.
Gawain B

Gawin ang Think-Pair-Share (TPS),sa tulong ng kapareha talakayin at ipaliwanag ang


mga epekto ng pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863.

Gawain C

Pangkatin sa apat ang mga bata. Sa pamamagitan ng Tri-Question Approach, ay


suriin kung paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan ang
edukasyong ipinakilala ng mga Espanyol. Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba.

Tanong 1 Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa buhay ng mga


Pilipino?

Tanong 2 Bakit ikinatakot ng mga Espanyol ang mabubuting epekto nito sa


mga Pilipino?

Tanong 3 Paano ito nakaaapekto sa mga mamamayang Pilipino hanggang sa


kasalukuyan?

Sagot 1

Sagot 2

Sagot 3
Gamitin ang rubric sa ibaba bilang gabay at pagtataya sa iyong gawain.
Rubric sa Gawain
Pamantayan 4 3 2 1
Wasto ang lahat Wasto ang ilang May dalawang Hindi wasto ang
Kawastuhan ng datos o datos o hindi wastong lahat ng datos o
ng impormasyon impormasyon datos o impormasyon
impormasyon impormasyon.
Inilalahad ang Inilalahad ang Maayos na Hindi
lahat ng mga ilang ideya inilalahad ang maunawaan
Kaayusan ng ideya nang nang maayos at ideya ang paksa dahil
paglalahad maayos at kawili-wili sa walang
kawili-wili kaayusan ang
inilalahad
Lubhang Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw
Kalinawan ng malinaw ang pananalitang malinaw ang ang mga
sinasabi pananalitang ginamit mga pananalitang
ginamit pananalitang ginamit
ginamit

D. Paglalahat

Ano ang lahing mestizo?


-isang taong may mga magulang na magkaiba ang lahi
- anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o tsino
Ipaliwanag ang epekto ng pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng
1863.
-Nakita ng mga Pilipino ang halaga ng edukasyon para sa
kaunlaran ng bansa. Namulat ang kanilang kaisipan at
pananaw sa buhay at sa bayan.
E. Paglalapat

Paghambingin ang Sistema ng edukasyon noong panahon ng Espanyol at ngayon.


Lagyan ng tsek (/) ang angkop na hanay.

Sistema ng Edukasyon Noon Ngayo


n
Layunin Mapaunlad ang pamumuhay
Mapalaganap ang relihiyong Katolliko
Guro Mga pari at madre
Mga ordinaryong mamamayan
Espanyol
Wikang Panturo Filipino
Ingles
Tagasubaybay Simbahan
Paaralan

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang wastong sagot tungkol sa mga paaralang itinatag ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

__1. Bakit nagtatag ang mga Espanyol ng mga paaralan noon?


a. upang matuto ng iba’t ibang kaalaman ang mga tao
b. upang umunlad ang pamumuhay ng mga tao
c. upang mapalaganap ang relihiyong Katoliko
d. upang magkaisa ang mga Pilipino
___2. Sino-sino ang nagtuturo sa mga unang paaralang kolonyal ng Espanya?
a. Hari ng Espanya c. Misyonerong Pilipino
b. Mamamayang Pilipino d. Misyonerong Espanyol

__3. Ano ang pangunahing paksang itinuro sa mga paaralan?


a. Relihiyong Katoliko c. Sining at Musika
b. Sibika at Kultura d. Agham at Matematika

__4. Alin ang hindi kabilang sa ilalim ng Educational Decree?


a. pagbubukas ng mga paaralang normal
b. pagbubukas ng mga paaralang pampubliko
c. pag-aaral ng mga babae sa unibersidad
d. pagkakaroon ng paaralang bokasyunal

__5. Bakit hinahadlangan ng mga Espanyol na maging mahusay o maging dalubhasa


ang mga Pilipino?
a. dahil likas na tamad ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino
b. dahil ayaw nilang lumawak at mabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino
c. dahil naiinggit sila sa mga Pilipino
d. dahil walang pambayad sa paaralan ang mga Pilipino

V. Takdang Aralin/ Karagdagang Gawain:

Buuin ang mga pangako sa gawaing ito upang magsilbing paalala sa mga
tungkuling dapat mong gampanan bilang anak, kapwa, at mamamayan ng bansa.
Pagkatapos ay isulat ang iyong buong pangalan at lagda sa huling patlang.

Kapag ako ay nakatapos na sa pag-aaral, ipinapangako ko sa aking mga


magulang na ________________________________________________________________________________
Sa aking kapwa Pilipino naman, ipinapangako kong ___________________________
___________________________________________________________________________
Sa minamahal kong bansa, ipinapangako kong ________________________________
__________________________________________________________

______________________________________________________________
Buong Pangalan at Lagda

Inihanda ni: Sinuri nina:

SALVACION P. YU MARY ANN P. NALDA


Teacher III Princpal III
Tigbao-Diit Central School Caibaan Elementary School
Tacloban City Tacloban City

JUDITA V. ARANDIA
School Head
Camansihay Elementary School
Tacloban City
Karagdagang Kaalaman: Naipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring
mestizo at ang pagpapatibay ng dekretong edukasyon ng 1863
(AP6PMK-Ib-4.4.2)

You might also like