Detailed Lesson Plan (DLP) Format: Gabayan NG Pagkatuto: Code

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the


instructional process by using principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP) Format


DLP Blg.: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras(haba): Petsa:
  ARALING PANLIPUNAN VI UNA 50 HULYO 9,2019
Gabayan ng Pagkatuto: Natatalakay ang pagtatag at paglaganap ng Katipunan Code:
(Taken from the Curriculum Guide)  AP6PMK-Ic-5
Ang Kataastaasang, Kagalanggalang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK)
Susi ng Konsepto ng Pag- o Katipunan, ay isang lihim na samahan na itinatag noong Hulyo 7,1892 upang itaguyod
unawa ang kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino
Ang Kartilya  ang naging opisyal na talaan ng alituntunin ng Katipunan
Adapted Cognitive
Domain Process Dimensions Mga Layunin:
(D.O. No. 8, s. 2015)
Knowledge Remembering
 
The fact or condition (Pag-alala)
of knowing something
with familiarity gained Understanding Natatalakay ang pagtatag at paglaganap ng katipunan
through experience or (Pag-unawa)
association

Skills Applying Nakakagawa ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng pagtatag ng Katipunan


The ability and capacity (Pag-aaplay)
acquired through
deliberate, systematic, Analyzing
and sustained effort to
smoothly and adaptively
(Pagsusuri)  
carryout complex Evaluating
activities or the ability,
coming from one's (Pagtataya)  
knowledge, practice,
aptitude, etc., to do Creating
something (Paglikha)  
Attitude Responding to Naipapakita ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa anumang gawain
(Pangkasalan) Phenomena

Values Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili


Valuing
(pagpapahalaga)
Pagtatag ng Samahang Katipunan
2. Content (Nilalaman)
Projector / LED TV, manila paper, pentel pen, bondpaper,
3. Learning Resources CG,Batayang Aklat-Yaman ng Pilipinas, Makabayan:Kasaysayang Pilipino, Pilipinas:
(Kagamitan) Bansang Papaunlad at AP Kasaysayan ng Mamayan ng Pilipinas mga Hamon at Tugon
sa Pagkabansa K-12
4. Pamamaraan
4.1.Panimulang Pagbabalik-aral
Gawain: 1. Tumawag ng 2-3 bata na magpapakita at basahin sa harap ng klase ang nalikom na larawan ng
bayani at ang kanilan kontribusyon.

2. Gamit ang projector/ LED TV ipapakita ang larawang ito. Suriin kung ano ang makikita at
masasabi tungkol sa larawan.

http://3.bp.blogspot.com/_BggfYciVOBY/TBL7s8grFCI/AAAAAAAAAgw/blaZwhMmXqU/s160
0/62014_f520.jpg

Itanong ang mga sumusunod:


Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Ano naman ang masasabi ninyo tungkol sa larawan?
Ano kaya ang tawag sa samahang ito?

4.2. Mga Pumili ng anim na bata para isaayos ang sumusunod na pangyayari sa batayang aklat.
Gawain/Estratehiy
a:
4.3. Pagsusuri: Pagsusuri: Bilugan ang letra ng pinakawastong sagot.
1. Ang pagkaaresto kay Rizal ay nagbigay-daan sa
a. Pag usbong ng nasyonalismo
b. Pagbuo ng samahang Katipunan
c. Patuloy na pananatili ng mga Espanyol sa bansa
d. Pagsisimula ng rebolusyon
2. Ang Kartilya ng Katipunan ay nagsilbi bilang
a. Pagsisiwalat sa kamalian ng Espanyol
b. Kalendaryo ng gawain ng Katipunan
c. Gabay at aral ng mga kasapi ng Katipunan
d. Pahayagan ng Katipunan
3. Ang kadaldalan ni Honoria Patiño ay nagresulta sa
a. Pagkawatak-watak ng Katipunan
b. Napadaling pagbitay kay Rizal
c. Pagsamsam ng mga guwardiya sibil sa mga ari-arian ng mga Katipunero
d. Pagkatuklas ng Katipunan
4. Ang pagkakaroon ng dalawang paksyon sa Katipunan ay nagdulot ng
a. Kawalan ng pagkakaisa sa loob ng samahan
b. Kawalan ng namumuno sa samahan
c. Kalimutan sa samahan
d. Pagkawatak-watak ng samahan
5. Ang pang-iinsulto ni Daniel Tirona kay Bonifacio ay nagpapakita ng
a. Kawalang-galang sa nagtatag ng samahan
b. Utak-talangka
c. Pagmamaliit sa kapwa
d. Mataas na pagtingin sa sarili

4.4. Pagtatalakay: Ang Kataastaasang, Kagalanggalang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan,


ay isang lihim na samahan na itinatag noong Hulyo 7,1892 upang itaguyod ang kaisipang maka-
bayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino . Layunin ng samahan na sugpuin ang patuloy na
pagmamalabis at di makataong pamumuno ng mga Espanyol  sa Pilipinas  tungo sa pagkakamit ng
kasarinlan ng bansa.
[baguhin ]Pagkakatatag ng Samahan
Noong 3 Hulyo 1892, sa pagdating ni Jose Rizal sa Pilipinas matapos ang kanyang paglalakbay sa
Europa, kanyang itinatag ang La Liga Filipina  – isang samahang nangangalap ng tulong at suporta
mula sa mayayaman at may pinag-aralan, o Ilustrado . Sa likod ng patuloy na pagsuporta
nina Domingo Franco  at Andres Bonifacio, hindi nagtagal at nabuwag din ang samahan. Nahati ito
sa dalawang pangkat – ang Cuerpo de Compromisarios  at Katipunan.
Kasabay ng balitang pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892 ang pagtatatag
ng Katipunan. Sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz , Teodoro Plata , Ladislao Diwa , at Deodato
Arellano , kasama ang ilang kasapi ng La Liga Filipina, ay nagtipon sa 314 Calle Azcarraga  (na
ngayon ay Daanang Claro M. Recto), malapit sa Calle Elcaño  sa Tondo, Maynila. Sa munting
tahanan dito ay kanilang binuo ang Katipunan. Itinataguyod ng samahan ang paggamit ng dahas at
madugong rebolusyon, sa halip na mapayapang repormasyon na adhikain ng La Liga Filipina,
upang makamit ang tunay na kalayaan. Batid ng mga Katipunero ang naiibang pananaw ni Jose
Rizal sa usaping kalayaan. Ngunit sa kabila nito, kinilala nila si Rizal na pangulong pandangal
(o honorary president) ng samahan.

Adhikain at Paniniwala
Umiikot ang adhikain ng Katipunan sa konseptong “pamilya” at pagnanais na magkaroon ng
isang patas na lipunan. Bilang Supremo ng Katipunan, pangarap ni Bonifacio ang makapagtatag ng isang
bansang kikilalaning “Inang Bayan” na pamumunuan ng isang pamahalaan na tatawaging “Haring Bayang
Katagalugan.” Ito ay kanyang ibinalangkas sa lipunang matriyarkal ng sinaunang Pilipinas, kabaligtaran ng
sistemang ipinakikilala ng mga Espanyol. Hangad ng mga Katipunero ang tuluyang pagkawala ng Pilipinas
sa burukrasyang Espanyol at pagtatatag ng estado na pamumunuan ng mga katutubo. Naniniwala din sila na
ito'y makakamit lamang sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan.

Ang Kartilya
Si Bonifacio ang unang nagbalangkas ng kautusan ng Katipunan na tinawag niyang
“Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan” o “Dekalogo.” Kasabay nito, si Emilio Jacinto,
na kanyang tagapayo, ay lumikha rin ng sarili nitong listahan ng alituntunin na tinawag
na Kartilya (hango sa salitang Espanyol na “cartilla” na nangangahulugang paunang pangaral sa
mga mag-aaral sa elementarya). Ang Kartilya ang naging opisyal na talaan ng alituntunin ng
Katipunan, at nilalaman nito ang mga sumusunod:
1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi
damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang
gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat
kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.
4.Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y
hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
5.Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban,
inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita'y panunumba.
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong
nagdaan ay di na muli pang magdadaan.
8.Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.
9.Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.
10.Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay
tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at
karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at
alalahanin ang inang pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at
kapatid ng iba.

Pagiging Kasapi

http://fil.wikipilipinas.org/images/thumb/0/06/Trianglesystem.jpg/200px-Trianglesystem.jpg

https://lh3.googleusercontent.com/-
duNG8GVavhI/VeCDGmdkBwI/AAAAAAADYLk/4pBiSjm4eqk/wpsC168.tmp_thumb
%25255B2%25255D.png?imgmax=800

Hindi madali ang maging kasapi ng samahang Katipunan. Di gaya ng ibang organisasyon, ang sinumang
magnais na mapabilang sa samahan ay kinakailangang dumaan sa masusing pagkilatis, masinsinang
pagtatanong at matinding pagsubok. Ang mga nagtatangkang sumapi sa Katipunan ay yaong mga kakilala
na ng mga dati nang kasapi nito. Gamit ang sistemang tatsulok, mapapanatiling lihim ang samahan.
Naging masigasig ang mga Katipunero sa paghihikayat ng mga bagong miyembro, lalo na bago sumiklab
ang rebolusyon. Kasabay nito, dumami rin ang mga tanggapan ng Katipunan sa Pilipinas, at umabot sa
30,000 hanggang 40,000 ang kasapi ng samahan.
Ang nagnanais na sumali sa Katipunan ay nakapiring na dinadala sa isang lihim at madilim na silid.
Makapasok sa silid ay tatanggalin ang kanilang pagkakapiring at doon ay ipababasa sa kanila ang mga
katagang makikita nila sa pader ng silid.
Bago mapabilang sa samahan ang sinuman, ilang katanungan muna ang kailangan nilang masagot na dapat
ay naaayon sa nais marinig ng mga Katipunero:
Tanong 1: Ano ang kalagayan ng bansa noong sinaunang panahon?
Sagot 1: Bago dumating ang mga Espanyol, matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan, maayos
ang kalakalan at may sapat na yaman at ari-arian na tangan ang bawat isa.
Tanong 2: Ano naman ang kalagayan nito ngayon?
Sagot 2: (Kailangang isagot dito ang di mabilang na pang-aabuso at di makatarungang pamamahala ng
mga Espanyol sa Pilipinas.)
Tanong 3: Ano ang magiging kalagayan nito sa hinaharap?
Sagot 3: (Kailangang isagot dito na isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa mamamayan
kung sila'y magsasasama-sama at magtutulungan upang tuldukan na ang kasamaan ng Espanya.)

*Gaya ng masoneriya, binubuo rin ng tatlong antas ang kasapian ng Katipunan. Bawat isa ay may
sariling pananamit at banal na salita.
1. Katipun ay ang unang baitang ng pagkakasapi. Sa antas na ito,suot ng Katipunero ang isang itim na
telang pandong na may mga titik Z, Ll  at B na nangangahulugang Anak ng Bayan , ang banal na salita sa
nabanggit na antas.
2. Kawal ay ang ikalawang antas ng pagkakasapi. Isang luntiang pandong naman na mayroong puting
tatsulok ang suot ng mga Katipunero. Nakatali sa kanilang leeg ang isang luntiang laso na may palawit na
medalyong mayroong titik K. Gomburza  naman ang kanilang gamit na banal na salita.
3. Bayani ay ang pinakamataas na antas ng pagkakasapi. Suot naman nila ang pulang pandong na
napalilibutan ng luntian. Ang kanilang banal na salita ay Rizal .
Maliban sa mga banal na salita, ang bawat kasapi ng Katipunan ay may sariling kontrasenyas na ginagamit
upang ipaalam ang pagkakakilanlan nila sa kapwa Katipunero. Sa ganitong paraan, mapapanatili ring lihim
ang samahan.

4.5. Paglalapat: A. Ibigay ang salitang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang daluyan na nagpadali sa paglalakbay mula sa Europa patungong Pillipinas.


2. Pahayagang itinatag ni Marcelo H. del Pilar
3. Tagapayo ni Andres Bonifacio
4. Pumalit kay Carlos Maria Dela Torre bilang gobernador-heneral ng Pilipinas
5. Nagsimula ng kampanya para sa sekularisasyon ng Simbahan sa Pilipinas
5.Pagtataya: Analohiya: Pag-aralan ang sumusunod. Isulat ang katugma sa batayan ng paghahambing.

1. La Solidaridad: G. Lopez Jaena / : Emilio Jacinto


2. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa: / Huling Paalam: Rizal
3. Pagpapalit sa Katipunan ng bagong porma ng gobyerno: Magdalo / ___________________ :Magdiwang
4. Pangulo ng unang Kataas-taasang Konseho ng Katipunan: Deodato Arellano /
: Emilio Aguinaldo
5. Rebolusyon: Bonifacio / : Rizal

6.Takdang Aralin:
Sumulat ng talambuhay ng bayaning nagbuwis ng buhay sa panahon ng himagsikan para maipakita ang
tiwala sa sarili para makatulong sa pag-unlad ng ating bayan.

7. Pagtatala o
Panapos na
Gawain/Pagninilay
:

Inihanda ni:

Pangalan: JOAHER G. SODICTA Paaralan: MANGYAN ELEMENTARY SCHOOL


Posisyon: TEACHER I Sangay: CEBU PROVINCE DIVISION
Telepono: Email Address:

You might also like