Lesson 22

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. LAYUNIN
Napapahalagahan ng mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang mga impluwensiya nito sa
pang-araw-araw na buhay.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Impluwesiya ng mga Sinaunang Paniniwala Tradisyon sa Pang araw-araw na Buhay
B. Sanggunian: Ang Bayan Kong Pilipinas 4, 2009 DIWA LEARNING SYSTEM INC.
C. Kagamitan: tsart, cd/usb, cd player, larawan ng iba’t ibang pagdiriwang sa bansa.
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang importansiya ang mga paniniwala at tradisyon ng mga
sinaunang Pilipino.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita tungkol sa mga uri ng pagdiriwang sa bansa.
2. Balik-aral
1. Ano ang kultura?
2. Ano ang kaibahan ng Kulturang Materyal at Kulturang Di-materyal?
3. Pagganyak
a u u l t r k

m a a l e r y t

- d i l e r y t a a m

B. Paglinang ng Gawain

Iugnay ang nasa larawan noong unang panahon at sa kasalukuyang panahon.

 Ang kultura ay may dalawang bahagi, ang materyal at di-materyal.


 Ang materyal na bahagi ng kultura ay tumutukoy sa mga bagay tulad ng tirahan,
kasuotan, mga kasangkapan at pagkain.
 Ang di-materyal naman ay binubuo ng paniniwala, kaugalian, panitikan, sining, wika
at pamahalaan.
 Ang tirahan na ating mga ninuno ay kadalasang yari sa kahoy, kawayan o kugon.
Mayroon din itong silong. Dito itinatago ang mga sinibak na panggatong at
pinagsisilungan ng alagang manok, pato at kambing.

1. Pagsusuri

Tanong: Ano ang ipinakikita ng mga larawan? Ganito ang unang Pilipino noon.
2. Paghahalaw
1. Anu-ano ang mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino?
2. Anu-ano ang mga tradisyon ng mga sinaunang Pilipino?
3. Anu-ano ang mga pagdiriwang sa bansa?

IV. PAGTATAYA

Lagyan ng tsek ( / ) kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa paniniwala at tradisyon ng


mga Pilipino at ekis ( x ) kung hindi.

1. Hindi pagmamano sa mga matatanda.


2. Si Jerry ay tumakbo ng mabilis sa harap ng dalawang gurong nag-uusap at hindi man
lang ito humingi ng paumanhin sa mga gurong nabanga.
3. Nagdarasal bago at pagkatapos kumain.

V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN

Gumawa ng isang album na nagpapakita ng mga paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino.

You might also like