Detailed Lesson Plan in MC Ssci 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY SA KULTURA 4

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang maga mag- aaral ay inaasahang:


• Mailalahad ang simpleng kahulugan ng Kultura.
• Mailalarawan ang pagkakaiba sa pagitan ng materyal at hindi materyal na
kultura
• Matutukoy ang mga elemento ng Kultura.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang ating Kultura


Kagamitan: Mga larawan, viual aid at mga kultural na materyales.
References: https://classbasic.com/our-culture-meaning-types-of-
cultures-elements-of-cultures-weekly-assessment-test-primary-4-basic-4-
social-studies/

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

o Panalangin
Magsitayo ang lahat upang manalangin.

(Magtatawag ng isang mag-aaral upang Panginoon maraming salamat po sa araw na ito


pangunahan ang panalangin) na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa`y gabayan
niyo po kami sa mga gawain na aming gagawin sa
araw na ito. Gabayan niyo rin po ang aming guro
na siyang magtuturo sa amin. Amen.

o Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw po Bb.Luisa

o Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtetsek ng liban at hindi liban.

Bago kayo umupo, pakipulot ng mga kalat sa ilalim (Magpupulot ng mga kalat ang mga mag-aaral at
ng inyong upuan at pakiayos ng linya ng inyong mga aayusin ang mga upuan)
upuan.

Maari na kayong umupo.


Nagagalap ako at walang lumiban sa araw na ito.

B. Motibasyon

Sa araw na ito ay magkakaroon na naman tayo ng


bagong aralin. At upang bigyan kayo ng ideya
tungkol sa ating paksa ngayon, meron ako ditong
mga larawan na ipapakita.

Handa na ba ang lahat? Opo.

Unang larawan

Ano ang nakikita nyo sa larawan? Kumot po ma’am.

Mahusay, kumot nga.

Pag tinanggal natin ang MOT sa salitang kumot, ano


ang matitira? KU

Pangalawang larawan.

Ano ang nasa larawan? Plato

Tatanggalin ko ang PAO, ano ang matitira? LT


Magaling! Tandan nyo ang mga natirang salita mga
bata.

Dumako na tayo sa ating huling larawan.

Ano ang nakikita nyo? Pambura po ma’am.

Tanggalin natin ang PAMB, mula sa salitang URA po


pambura. Ano ang matitira?

Mahusay!

Ngayon ay pagsama-samahin na nating ang mga


natirang salita.

KU_LT_URA

Ano ang nabuong salita? KULTURA

Magaling! Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang


kultura at ang dalawang uring mayroon ito.

C. Pagpapaliwanag

o Talakayan

Ano nga ba ang Kultura? Ano ang unang


pumapasok sa utak nyo kapag naririnig ang salitang Paniniwala po ma’am ng mga tao.
Kultura?

Tama. Kapag sinabing kultura, ito ay ang paraan ng


pamumuhay ng isang grupo ng mga tao.

Magkakaiba ang ating mga kultura dahil sa ating


mga kasaysayan, lokasyon at panlabas na
impluwensya.

Naiintindihan ba mga bata? Opo Bb. Luisa.


Mainam.

Mayroong dalawang uri ang Kultura, at ang una ay


ang Materyal na kultura.

Kapag sinabing materyal na kultura, ay ang mga


pisikal na bagay, mapagkukunan at espasyo na
makikita, mahahawakan, nararamdaman at
matitikman.

Ang mga materyal na kultura ay mga bagay na


gawa ng tao na kumakatawan sa kultura.

Mga halimbawa ng Materyal na Kultura:

Materyal na kultura ay mga materyales na


ginagamit ng mga tao na kinabibilangan ng;

Pagkain

Damit

Bahay

Mga kasangkapan

Mga tindahan

Simbahan

Mga palamuti

Sining at produkto, atbp.

Naiintindihan ba? Opo

Magbigay nga ng uri ng pagkain? Manok

Tama, magaling!

Dumako naman tayo sa ikalawang uri ng Kultura

Ang hindi-materyal na kultura.

Ang di-materyal na kultura ay mga materyal na


hindi nakikita, nahawakan, nararamdaman,
natitikman o nahawakan.
Kabaliktaran ito ng materyal na kultura.
Mga halimbawa ng hindi-materyal na kultura;
wika
mga paniniwala
musika
mga halaga
mga tuntunin
mga pamantayan
moral
etika
panitikan
organisasyon

May alam ba kayong mga musika? Meron po.

Ano yun? Magbigay ng tatlo. Bahay kubo


Budots
Mapa

Magaling!

Mga elemento ng kultura:


Pinagsasama ng kultura ang maraming elemento
na lumikha ng isang natatanging paraan ng
pamumuhay para sa iba't ibang mga tao, kabilang
dito ang mga sumusunod;
- Wika
- Pagkain
- Damit
- Kasal
- Relihiyon
- Mga pagdiriwang
- mga seremonya
- Ritwal
- Pamantayan
- Mga organisasyong panlipunan

Kayo ba, ano ang inyong mga relihiyon? Roman Catholic po.

Naiintidihan ba ang ating talakayan? Opo

Sige nga, ano ang dalawang uri ng kultura? Materyal at hindi-materyal na kultura po ma’am.

Magaling!

Magbigay ng isang halimbawa ng materyal na Pagkain po.


Kultura?

Magaling, palagi nyo yang tatandaan mga bata .


D. Pagsasanay
Gawain 1
1. Magbigay ng simpleng pagpapakahulugan ng
kultura.
2. Ibigay ang dalawang uri ng kultura at ipaliwanag
ito.

Gawain 2: Matching type.


Piliin ang tamang sagot mula sa hanay B. Isulat ito
sa espasyong nakalagay sa hanay A.

A B
___1. Wika A. Pauwi na ako
___2. Relihiyon B. Bikol
___3. Musika C. Cake
___4. Pagkain D. T-shirt
___5. Damit E. Muslims

Post Activity
1. Ibigay ang mga halimbawa ng element ng kultura.

IV. Pagsusuri

1. Ibigay ang kahulugan ng materyal at hindi materyal na kultura. Magbigay din ng


tig-tatlong mga uri nito.
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang ating kultura?

V. Takdang-Aralin
Pumili ng isang rehiyon sa ating bansa at ibigay ang mga kulturang mayroon ang
lugar na iyon.

Prepared by:
BOLIMA, MA. LUISA JEO S.
BEED 2 BLOCK 24

Submitted to:
Mrs. Virginia Galan
Instructor (MC SSCI 1)

You might also like