DLP 27-35

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura : Baitangl: 5 Markahan : 1 Duration:


DLP Blg.27 Araling Panlipunan 40 minutes

Mga Kasanayan: Natatalakay ang kontribusyon ng kabuhayan sa pagbuo ng Code:


sinaunang kabihasnan AP5PLP-Ig-7

Susi ng pag-unawa Nasusuri ang iba’t ibang mga Teknolohiyang ginamit ng mga Pilipino ayon sa
na Lilinangin: kanilang pagkilanlan.
1.Mga Layunin:
Kaalaman Naiisa-isa ang uri kabuhayan ng mga Pilipino ayon sa kanilang panahon
Kasanayan: Napapahalagahan ang mga ibat’ibang kabuhayan at gamitan sa pagkilanlan
sa mga sinaunang Pilipino
Kaasalan Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng mga Pilipino ayon
sa kanilang kagamitan
Kahalagahan Pagpapahalaga sa mga teknolohiyang ginamit sa mga sinaunang Pilipino
2. Nilalaman Kontribusyon ng Kabuhayan sa Pagbuo ng Sinaunang Kabihasnan
3. Mga Kagamitang Multimedia ,larawan ,tsart
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Ipakita ang sumusunod na larawan.
Gawain ( 2
minuto)
Itanong sa mga bata.
Ano ang masasabi mo sa larawan? Ano-ano ang puedeng makukuha dito?
Paano ito nakatutulong sa ating mga ninuno?
4.2 Mga Gawain Pangkatin ang klase sa apat. Sa bawat pangkat ay may sasaguting
/Estratehiya (8 gagawin.Unang Pangkat: Ano-ano ang mga likas na yaman? Ikalawang
minuto) Pangkat: Mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino.Ikatlong Pangkat : Mga
kagamitan sa iba’t ibang kabuhayan.Ikaapat na Pangkat: Mga produktong
pangkalakalan.
4.3 Pagsusuri (2 Ano ang masasabi ninyo sa pangkatang gawain ninyo?Madali lang ba
minuto) ninyong nagawa ito? Bakit?Mailalarawan ba ninyo kung anong klaseng tao
ang ating mga ninuno?
4.4 Pagtatalakay Mga Teknolohiyang Ginamit sa Paghahanap
(12 minuto)
Mauuri sa tatlo ang teknolohiyang ginamit ng mga ninunong pilipino ayon sa
panahon sa kasaysayan. Ang mga panahong ito ay ang Panahon ng Lumang
Bato, Panahon ng Bagong Bato at Panahon ng Metal.

Panahon ng Lumang Bato

Sa panahong ito ay pagala-gala ang mga sinaunang tao sa kapuluan ng


Pilipinas. Tinawag na nomad ang mga taong palit-lipat ng tirahan. Nananatili
sila sa mga lugar na mayroong makakain. Nagsilbing pansamantalang tirahan
nila ang mga yungib at kweba.
Gumamit sila ng mga kagamitang bato sa kanilang paghahanap ng pagkain.
Tinatapyas nila ito upang mapatulis. Ginagamit nila ito sa pagpatay sa mga
hayop na kanilang hinuhuli.

Panahon ng Bagong Bato


Sa panahong ito ,napaunlad ang mga ninuno ang kanilang mga kagamitang
bato para sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Natutuhan nila ang
paggawa ng palayok at banga. May mga banga rin na ginawa para sa
paglilibing ng yumao. Sa Kweba ng Manunggul sa Palawan, natagpuan ang
Manunggul Jar na isang patunay sa kakayahan ng mga ninuno sa paggawa
ng mga banga at palayok.Tinatayang sa panahong ito ay naglalayag na sa
kapuluan ang mga Austronesyano.May kaalaman ang mga ito sa pagtatanim
at agrikultura. Sa panahong ito nag-umpisa ang pagtatanim sa mga gilid ng
bundok sa anyo ng mga payoh o hagdan-hagdang palayan.
Dahil sa kaalaman sa pagtatanim at paghahanapbuhay,natutuhan ng mga
ninuno ang pagbuo ng mga permanenteng tirahan. Nabuo ang mga
pamayanan sa tabing-ilog at tabing-dagat. Sapagkat sila ay mga mandaragat,
natutuhan din nila ang paggawa ng mga bangkang panlayag.
Panahon ng Metal

Ang panahon ng Metal ay panahon ng pagkatuto ng mga ninuno sa


paggamit ng mga kagamitang bakal sa kanilang paghahanapbuhay. Gumamit
sila ng mga kagamitang metal sa pagtatanim,paglililok at pagtotroso.
Natuklasan din nila ang paghabi ng tela kaya’t naging karaniwan ang
pagdadamit. Napaunlad din ang paggawa ng mga sasakyang panlayag dahil
sa paggamit ng mga metal na kagamitan.
Sa panahong ito nagsimulang mabuo ang mga baranggay at ang political
na sistema sa pamayanan ng mga ninuno.

5.Pagtataya (6
minuto)
a.Pagmamasid
B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-
aaral/Kumperensiy
a
C.Pagsusuri sa
mga Mag-aaral
D.Pasulit Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat kung ito ay
Panahon ng Lumang Bato, Panahon ng Bagong Bato at Panahon ng
Metal

____________1. Natuklasan nila ang paghahabi ng tela.


____________2. Napaunlad nila ang kanilang kagamitang bato para sa
kanilang pang-araw-araw na buhay.
____________3. Nagsisilbing pansamantalang tirahan nila ang mga yungib at
kweba.
____________4. Tinatayag sa panahong ito naglalayag na sa kapuluanang
mga Austronesian.
____________5. Natuto silang gumamit ng bakal sa kanilang
paghahanapbuhay.
____________6. Gumamit sila ng mga kagamitang metal sa pagtatanim ,
paglililok at pagtotroso.
____________7. Sila ay tinawag na nomad.
____________8.Natutuhan nila ang paggawa ng palayok at banga.
6. Takdang -Aralin
. Pagpapatibay / Gumawa ng poster na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng sinaunang Pilipino
Pagpapatatag sa ayon sa mga teknolohiyang ginamit sa paghahanap.
kasalukuyang
aralin
.Pagpapayaman/
pagpapasiga sa
kasalukuyang
aralin

.Pagpapalinang/pa
gpapaunlad sa
kasalukuyang
aralin
.Paghahanda
para sa bagong
aralin
7. Paglalagom Tumawag ng dalawang bata na makapagsabi sa tatlong teknolohiyang
/Panapos na ginamit ng mga ninunong Pilipino.
Gawain

Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]


DETAILED LESSON PLAN

Asignatura : Baitang : 5 Markahan: 1 Duration:


DLP Blg.28 Araling Panlipunan 40 minuto

Mga kasanayan: Naipapaliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon Code:


at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na buhay AP5PLP-Ig-7

Susi ng Pag-unawa May sariling sistema ng paniniwala ang mga sinaunang Pilipino bago pa
na lilinangin: man sila masakop ng mga dayuhan. Ito ay nahahati sa dalawang uri ang
animismo at ang Islam.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang sinaunang paniniwala at tradisyon
Kasanayan Nakapagbibigay halimbawa ng mga sinaunang paniniwala at tradisyon ng
mga sinaunang Pilipino
Kaasalan Nagugunita ng may pagpapahalaga ang mga sinaunang paniniwala at
tradisyon
Kahalagahan Pagbibigay halaga at respeto sa mga sinaunang paniniwala at tradisyon
2. Nilalaman Mga Sinaunang Paniniwala at Tradisyon ng Pilipino
3. Mga Kagamitang CD Player,larawan ,tsart,manila paper
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Pakinggan ang awiting “kanlungan’ ni Noel Cabangon.
Gawain (2 minuto) Talakayin ang nilalaman nito sa Klase.Bigyan diin sa awitin ang katanungan
na “maibabalik ba ang kahapon?
Iugnay ang awitin sa pagbabalik tanaw sa mga ginawa o pangyayaring nakita
nila sa komunidad noong nakaraang taon o mga kwentong narinig mula sa
kanilang mga magulang.
4.2 Mga Gawain / Gamit ang iba’t ibang larawan tulad ng pagdiriwang,pagtatanim ng palay ,mga
Estratehiya ( 8 kagamitan ,paniniwala at iba pa.Tanungin ang mga bata kung ano ang mga
minuto) paniniwala o tradisyon ng ating mga ninuno.

4.3 Pagsusuri ( 2 Paano ito nakakatulong sa kanilang pang -araw -araw na kabuhayan?
minuto)

4.4 Pagtatalakay Tradisyon at Paniniwala ng Sinaunang Pilipino


(12 minuto) . Ang Animismo ay pananampalataya sa dakilang lumikha ng tao , daigdig at
kalikasan. Kung tayo ay may Diyos na tinatawag sa Dakilang Lumikha
ngayon, ang mga unang Pilipino ay may ibat-ibang katawagan dito batay sa
lugar o pangkat-etniko
Tawag sa Dakilang Lumikha 1. Tagalog-Bathala 2. Bisaya- Laon o Abba 3.
Zambal-Ikasi 4. Bikolano-Gugurang 5. Ilokano-,fugao-Kabunian 6. Bagobo-

. May mga ritwal o seremonyang ginaganap kung saan naghahandog ng


kanilang ani at hayop bilang pasasalamat, pagmamakaawa para maalis ang
kamalasan o masamang kapalaran sa buhy o paghingi ng tulong sa mga
gawain o pangyayari tulad ng mga sumusunod: 1.Pagsasaka-Idiyanale 2.
Pag-aani- Lalahon 3. Kamatayan-sidapa 4. Digmaan-Apolaki 5.
Siginarugan-Apoy 6. Ridul- Kulog 7. Dal’lang-Kagandahan

Ang mga seremonya ay pinamumunuan ng mga babaylan sa mga Bisaya o


catalonan sa mga Tagalog. Sila ang pinaniniwalang nakakausap ng mga
diyos at espiritu o anito ng mga Tagalog at diwata naman ng mga Bisaya. Ang
mga espiritu ay maaaring mabuti o masama. Ang mga mabuting espiritu ay
mga namatay na nilang kamag-anak at ang masamang ispiritu ay yaong mga
kaaway nila. Ang mga mabuting espiritu ay nakatutulong samantalang ang
masasama ay nagdadala ng sakit o kamalasan.

Ang sibat, pana at palaso ay ginagamit sa pagpatay ng hayop o


Pangangaso at sa pakikipaglaban. Ang mga itak at balisong ay dala-dala nila
kahit saan. Mayroon silang kalasag na kahoy na ginagamit na pananggalang
kapag nakikipaglaban.

.May paraan silang paglilibing.Napapanatili nilng buo ang anyo ng namtay sa


mahabang panahon. Tinatawag itong mummy. Matatagpuan ang mga ito sa
Sagada , Mt. Province.

. Pagtugtug ng Instrumento at Pag-aawit. Noon pa mang unang panahon,


bahagi ng buhay ng Pilipino ang musika. Mahusay silang tumugtog ng
instrumentong etniko. Ang mga katutubo nating awitin ay nagpapahayag ng
ibat-ibangg pangyayari sa buhay tulad ng pag-iibigan at pagkamatay. Ang
mga Ifugao o Hilagang Luzon ay mahuhusay tumugtog ng mga
instrumentong yari sa kawayan kagaya ng tungatong ,
bungkaka,akubing,bamboo flute at iba pa.

.Kilala ang mga unang Pilipino sa kanilang mataas ng sining. Makikita ito sa
mgainukit at disenyo sa kanilang mga kagamitan,paggawa ng mga palamuti
sa katawan,pagtatatu,paglililok at paghahabi
. Datu o Raha ang tawag sa puno ng barangay. Siya ang bukon at puno ng
hukbo kung panahon ng digmaan sa tulong ng matatanda bilang katulong at
tagapayo. Ang Pinakamatapang na Datuang pinipiling pinuno ng mga
Barangay. Namamana ang pagiging Datu. Kung walang tagapagmana, ang
pagpili ay ibinabatay sa talino, lakas ng katawan at kayamanan.
. Ang batas ay ginagawa ng datu sa ulong ng kanyang mga tagapagpayo at
isasaguni sa matatanda at marurunong sa buong barangay. Halimbawa ng
mga kalipunan ng batas ay ang Kodigong Maguindanao at Kodigong Sulu
na kilala rin sa tawag na Luwaran

. Bilang tanda ng pagkakaibigan gumawa ang mga ninuno ng isang


sanduguan sa pamamagitan ng pagpatak ng dugo mula sa bisig at paghalo
ng alak at iinumin.
4.5 Pagtatalakay Paano mo mailalarawan ang sistema ng paniniwala ng mga sinaunang
(12 minuto) Pilipino?

5.Pagtataya (6
minuto)

A.Pagmamasid

B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-aaral/
Kumperensiya
C. Pagsusuri sa Pangkatang Gawain:
mga Produkto ng 1. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope kung saan nakasulat ang mga
mga Mag-aaral bugtong at ginupit na istrip na naksulat ang sagot sa bawat bugtong.
2. Idikit ang sagot sa bawat bugtong.
3. Idikit sa paskilan ang natapos na gawain.
Mga Bugtong:
1. Bugtong bugtong kalibugtong
Yaring kawayan kugon ang bubong
2. Sinigang ,tinola kanin kaniya
Masarap ang niluto sa mukha ng paso
3. Hindi salakot , hindi sombrero
Kakapiraso nakapatong sa ulo
4. Sakbit-sakbit ,dala dala
Kahit saan ila pumunta
5. Ihip,pukpok para tumunog
Parang ugong,parang kulog
6. Kubli, kubli nandyan na ang hari
Hukom at pinuno,kataway matipuno
7. Kankanaey, Ilonggot, ibanag,Igorot
Hagdan hagdang palayan saan matatagpuan?
8. Sinipa ,hinila ,pinagtabi-tabi , nilala
Makulay nilang buhay inilapat sa tela

D. Pasulit Pagtambalin ang Hanay A at B.Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
notbuk.
Hanay A Hanay B

1.Pinaniniwalang makakausap ng mga diyos a. Mummy


at espiritu o anito
2.Halimbawa ng mga kalipunan ng batas b. sanduguan
3. Tandang pagkakaibigan c.Kodigong Maguindanao
4.Pananampalataysa dakilang lumikha ng tao, d.Animismo
daigdig at kalikasan
5.Pagpapanatiling buo ang anyo ng namatay sa e.Babaylan
mahabang panahon
6.Takdang Aralin (2 minuto)

. Pagpapatibay
/Pagpapatatag sa
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/ Gumuhit ng isang paniniwala o tradisyon na ginagawa ng inyong pamilya at
pagpapasigla sa isulat sa ibaba ang paraan ng paggawa nito
kasalukuyang
aralin
.Pagpapalinang/
Pagpapaunlad sa
Kasalukuyang
aralin
. Paghahanda para
sa bagong aralin

7. Tumawag ng apat na mag-aaral. Ang dalawa dapat ay makapagsabi sa mga


Paglalagom/Panap paniniwala ng ating mga ninuno noon, at ang natirang dalawa naman ay
os na Gawain magsasabi ng mga tradisyon.

Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]


\

DETAILED LESSON PLAN

Asigntura: Baitang:5 Markahan :1 Oras:


DLP Blg.29 Araling Panlipunan 40 minuto

Mga Kasanayan: Nasasabi ang mga epekto ng impluwensiya ng mga Code:


sinaunang paniniwala at tradisyon sa pang-araw-araw na AP5PLP-Ig-8
buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan
Susi ng Pag-unawa Sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang isang mayamang
na Lilinangin: kulturang maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyan.Tumutukoy ang kultura
sa paraan ng pamumuhay ng tao. Kabilang dito ang kanilang mga paniniwala,
kaugalian, relihiyon at pagpapahalaga.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Nasasabi ang mga epekto ng impluwensiya ng mga sinaunang paniniwala at
tradisyon sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan

Kasanayan Nasusuri ang mga epekto ng impluwensiya ng mga sinaunang paniniwala at


tradisyon sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan

Kaasalan Naiguguhit ng may pagpapahalaga ang mga sinaunang paniniwala at


tradisyon sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan

Kahalagahan Pagpapahalaga sa mga Sinaunang Paniniwala

2. Nilalaman Sinaunang Paniniwala at tradisyon

3. Mga Kagamitang Larawan tsart


Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Pagbabalik-aral
Gawain ( 2 minuto) Magpakita ng mga larawan ang guro: Tulad ng kutsara at tinidor ,singkit na
saging ,pansit ,damit pangkasal.

Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa mga larawan.Ano ang inyong mga
ideya sa mga larawang ito?May nabanggit ba sa inyo ang inyong mga
magulang nito?

4.2 Mga Gawain/ Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.


Estratehiya (8 Pumili ng leader para makabuo ng isang dula-dulaan ng mga paniniwala o
minuto) tradisyon na nakukuha sa kanilang pamilya.

4.3 Pag-susuri (2 Talakayan sa bawat grupo.


minuto) Anong mga paniniwala o tradisyon ang ipinapakita sa bawat grupo?
Nakatutulong ba ito sa atin?Ano ang epekto nito sa ating pagkatao o sa ating
pamilya?

4.4 Mga Sinaunang Paniniwala


Pagtatalakay(12
minuto)
Sa araling ito,tukuyin ang ilan sa mga umiiral na pamahiin, paniniwala
at kaugalian sa tahanan at komunidad. Mga kinasanayang gawi ito sa pamilya
mla sa panganganak hanggang paglibing sa patay,maging pamahiin sa
pagluluto o paghahanda ng pagkain sa panliligaw o pag-aasawa
Panganganak

Ang pagkakaroon ng anak ay ang pinakamagandang biyayang


matanggap ng isang mag-asawa. Kaya naman sa mga sandaling ito lubos na
pag-iingat ang ginagawa nila upang maging maayos ang pagbubuntis at ng
magkaroon sila ng isang malulusog na supling na siyang bubuo ng isang
kompletong pamilya.

1. Kapag bilog ang tiyan, lalaki ang anak kapag lapad babae naman ang
ipinagbubuntis.
2. Kung papasok ka sa isang pinto ,dapat dire-diretso, hindi hihinto sa pintuan
kasi da kapag manganganak na ito mahihirapan siyang magpalabas ng bata.
3. Kapag maganda daw ang nagbubuntis, babae ang anak at kung siya ay
pumapangit lalaki ang magiging anak.
4. Hindi dapat maligo kaagad ang bagong panganak.

Pagluluto at Paghahanda ng Pagkain

Nasa atin ng mga Pilipino ang mahilig magluto. Hindi maaaring


walang handaan kapag may okasyon.

1. Upang mabilis na lumambot ang karne, maglagay ng tatlong piraso ng


posporo pagkakulo ng tubig.
2. Kung magprito ,bahagyang pukpukin ang gilid ng kawali upang maiwasan
ang pagbula ng mantika.
3. Kailangang may mahabang pangkain (pansit) ang mesa upang hahaba ang
buhay ng may kaarawan.
4. Huwag magligpit ng pinagkainan habang di pa tapos kumain ang lahat.
5. Maghanda sa mesa ng mga pagkaing bilog tuwing bagong taon para
maging masagana ang buhay buong taon.

Pangingisda

Ang mga sinaunang Pilipino na nakatira malpit sa Karagatan.


Pangigisda ang kanilang ikinabubuhay. May sarili silang paraan upang
masiguri ang masagana nilang huli.

1. Pagpapausok o pagpapabaho ng kanilang mga kagamitan upang


matanggal ang malas nito ang makahuli sila ng maraming isda.
2. .Ibalik sa ilog ang unang huli bilang kabayaran sa espiritung nagmamay-ari
sa lugar.
3. Maraming mahuhuling isda kapag hugis kaliskis ang ulap sa kalangitan.
(Oriental Mindoro)
4. Kaunti ang mahuhuling isda kapag walang buwan.(Bulacan)

Pagtatanim/ Pagsasaka

Maraming paraan at sistema ng pagtatanim noong unang panahon


na sinusunod pa in natin hanggang ngayon.

1. Bawal magtanim ang isang babaing may buwanang dalaw.


2. Hintayin ang pagtaas ng tubig sa pag-aani.
3. Nasa tamang posisyondapat itatanim ang kamoteng kahoy para hindi
maging mapait ang ugat nito.
4. Pasanin ang anak sa likod kapag magtatanim ng langk upang mamunga ng
marami ang puno.(Sorsogon)
5. Palaging pausokan ang isang bungang -kahoy upang mas madali itong
mamunga.

Praktikal o Siyentipikong

Walang siyentipikng batayan ang mga nabanggit na katutubong


kaalaman at kaugalian. Subalit may praktikal na gamit sa ating mga ninuno.
Mahalata mo na laging .
Ibinabatay ng pagtatanim at pag-aani sa lunar calendar. Kapag mataas ang
tubig sa dagat maliwanag din ang buwan. Kapag masama ang
panahon,kadalasang hindi natapos ang mga gawain sa bukid kaya
ipinagpapatuloy ito sa gabi. Hindi na rin kailangan ng sulo o lampara dahil
makakatulong na ang liwanag ng buwan.

Klima , Panahon, Oras at Direksyon

1. Nagbabadya ng tag-init ang paglitaw ng mga bulate sa lupa kapag tag-


ulan. (Oriental Mindoro)
2. Palatandaan ng mabuting panahon ang huni ng ibon. (Sorsogon)
3. Kapag naghahakot ng pagkain pataas ng bahay ang mga
langgam,babaha o uulan. (Bulacan)
4. Babaha kapag may masamang amoy ang sapa.(Sorsogon)
5. Palatandaan ng nalalapit na anihan ang huni ng Kwago. (Sorsogon)

Kamatayan at Paglilibing

1. Hindi dapat sasabit ang kabaong sa anumang bahagi ng bahay kapag


inilabas.Kung ito ay sumabit may susunod na mamatay.
2. Bawal magsuot ng pula.
3. Huwag maglilibing kung lunes.
4. Kailangang buhusan ng tubig ang lahat ng panig ng bahay upang maalis
ang kamalasan.
5. Bawal magwalis kapag nakaburol ang patay at baka may sumunod na
mamatay at bilang respeto sa patay.
6. Agad linisin ang bahay pagkaalis ng patay.

Pag-aasawa

1. Huwag isukat ang damit pangkasal baka hindi matuloy ang kasal.
2.Huwag lalabas ng bahay ang magkatipan kapag malapit na ang
kanilang kasal upang hindi maaksidente.
3. Huwag magpakasal sa buwan ng Pebrero dahil mabubuwag ang
pagsasama.
4. Huwag magpakasal sa taong may nunal sa pisngi, mapupuno g
hinagpis at kalungkutan ang pagsasama.
5. Kapag ang kasal ay sukob mamalasin ang mga kinakasal.

Nasa sa atin nalang kung susundin natin ang mga pamahiin/paniniwalang


ito.Wala namang mawawala sa atin kapag sumunod tay. Maaring pagtaasan
lang natin ng kilay ang mga ilan sa lumang paniniwala at pamamaraan ng
ating mga ninuno, ngunit kung susuriing mabuti ang ilan dito ay may praktikal
na gamit sa buhay.Napatunayanding may siyentipikong batayan ang ilan sa
pamamaraan ng mga ninuno nating masinsinang pinag-aralan ang kalikasan.

4.5 Paglalapat (6 Ano-ano ang mga paniniwala sa ating mga ninuno? Ano ang epekto nito sa
miuto) ating kabuhayan ngayon? Naniniwala pa ba tayo nito o nagiging gabay ito sa
ating araw-araw na gawain?

5. Pagtataya
( 6 minuto)

A. Pagmamasid

B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-
aaral/Kumperensiy
a
C. Pagsusuri sa
mga Produkto ng
mgs Mag-aaral

D.Pasulit I. Lagyan ng (/ ) ang patlang kung naniniwala ka sa binanggit at ekis (x)


naman kung hindi.
____1. Hindi dapat binubuksan ang payong sa loob ng bahay.
____2.Kapag kumakanta habang nagluluto ay tatandang dalaga.
____3.Kung ang buntis ay maganda , babae raw ang kanyang magiging
anak.
____4.Huwag gagasta ng pera kung Bagong Taon, kasi buong taon kang
walang maiipon.
____5.Huwag palabas ang pagwawalis ,lalabas ang suwerte.

II. Magbigay halimbawa ng mga kaugalian o paniniwala ukol sa sumusunod.


6. Pagbubuntis
7. Kasal
8. Pag-aasawa

6. Takdang Aralin 2 (minuto)

. Pagpapatibay/ Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga sinaunang


Pagpapatatag sa paniniwala at tradisyon.
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/
pagpapasigla sa
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapalinang/
pagpapaunlad sa
Kasalukuyang
aralin
. Paghahanda para
sa bagong aralin
7. Paglalagom / Tumawag ng isang mag-aaral at makapagsabi kung ano-ano ang kanyang
Panapos na natutunan sa mga kaugalian ng ating mga ninuno.
Gawain

Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]


DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Baitang: 5 Markahan :1 Oras:


DLP Blg.30
Araling Panlipunan 40 minuto
Mga Kasanayan: Naihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang Code:
maipaliwanag ang mga nagbago at nagpapatuloy hanggang AP5PLP-Ig-8
sa kasalukuyan
Susi ng Pag-unawa Naihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang maipaliwanag ang
na Lilinangin: mga nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan
1. Mga Layunin:
Kaalaman Nasasabi ang kaibahan ng paniniwala noon at ngayon
Kasanayan Napangangatwiran ang pagsasabi ng kaibahan ng paniniwala noon at ngayon
Kaasalan Naipapahayag ang sariling damdamin ukol sa paniniwala ng lahing Pilipino
Kahalagahan Pagpapahalaga sa mga sinaunang paniniwala ng lahing Pilipino
2.Nilalaman Paghahambing ng Paniniwala ng Sinaunang Pilipino sa kasalukuyan
3. Mga Kagamitang Larawan,metacard ,manila paper
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 {Panimulang Pagbabalik-aral
Gawain ( 2 minuto) Magpakit
a ng mga larawan na may pagbabago.
Halimbawa:sanggol-binata , pagkakaroon ng mga gusali sa bakanteng
lupa ,paglaki ng puno at iba pa.Talakayin ito sa klase.
Iugnay ang mga pahayag sa pagbabago ng mga bagay sa paglipas ng
panahon.
4.2 Mga Gawain Laruin ang “Nasaan ang Nanay Ko?”
/Estratehiya (8 Ang bawat kasapi ng pangkat ay pipili ng maging “nanay” nila.Maaring gawin
minuto) ang pagpili bago pa ang klase para mabihisan ito bilang nanay.Ang natirang
mag-aaral ay magiging mga anak.
Ang guro ay maghanda ng mga salita o parirala na may kinalaman sa mga
paniniwalan noon at ngayon na ididikit sa may harapan ng mga kasapi ng
pangkat na gumanap bilang mga anak.Kasunod nito ang pagbibigay ng mga
salita na may nakasulat na NOON at NGAYON sa mga gumanap bilang
nanay.Paupuin ang mga nanay na magkakahiwalay.
Ang mga anak ay magsasayaw pabilog sa lahat ng mga nanay. Sa paghinto
ng musika ay hahanapin nila ang kanilang nanay at uupo sila katabi nito.Isang
kasapi ng pangkat ang magbabasa ng mga salita na nakadikit sa lahat ng
kasapi.

4.3 Pagsusuri (2 Gabayan ang mga bata sa pag-tuklas na ang mga salita na iyon , ay may
miuto kinalaman sa mga paniniwala noon at ngayon.
Para maintindihan pa, ng mga mag-aaral ay maaring ipagpapalit ang mga
salita na nakadikit sa mga gumanap ng mga anak sa ibang kasapi sa kabilang
pangkat. Gayahin pa rin ang alituntunin sa itaas at titingnan ng guro kung
naayon ba ang mga salita sa pangpapangkat nito.
4.4 Mga Kagawiang Panlipunan ng Mga Sinaunang Pilipino at sa
Pagtatalakay(12 Kasalukuyan
minuto)
Panliligaw at pag-aasawa- May kaugalian ang mga Unang Pilipino na mag-
asawa sa babae o lalaking nabibilang sa uri ng lipunang kinabibilangan nila.
Ngunit ang ganito;y hindi mahigpit na ipinatutupad. Ang datu ay karaniwan
nang nag-aasawa sa pamilyang nabibilang sa uring datu, ang maharlika ay
nag-aasawa ng maharlika rin, at ang alipin ay nag-aasawa ng gaya rin niyang
alipin. Ngunit ang kaugaliang ito ay hindi lubos na sinusunod. Ang
maharlikang may hangad mag-asawa ng alipin ay hindi pinagbabawalang
mag-asawa rito at ang datung nais mag-asawa ng maharlika ay malaya ring
nag-aasawa ng nais niyang maging -asawa. Ang babaing hindi asawa ng
isang lalaki ngunitmay di-karaniwang kaugnayan doon ay tinatawag na
kaibigan, na kung bigkasin ay ka-ibigan na ang ibig sabihiy kapwa nag-
iibigan. Ang mga anak sa asawa ay lehitimo o tunay samantalang ang mga
anak sa labas, wika nga ay hindi tunay kaya;t hindi maaaring magmana ng
ari-arian sa kanyang ama.
Ang pag-aasawa noong unang panahon ay hindi madali,sapagkat ang
lalaki ay maraming pagdaraanang mga ‘baiting’ kung baga sa hagdan, bago
maging karapatdapat sa mga magulang ng babaing pinipintuho. May ugali
noon-na hanggang ngayo;y sinusunod sa isang liblib na pook ng pilipinas-na
ang nanliligaw ay maglilingkod muna sa mga magulang ng dalaga sa loob ng
ilang buwan o kung minsa’ymga taon. Mahirap ito kung sa ngayon, ngunit
noon ang mga lalaking umiibig ay handang magpakasakit at magtiis ng hirap
alang-alang sa kanyang minamahal. Sa likod ng mataimtim na paglilingkod na
ito ay hindi pinahihintulang makipag-usap ang lalaki, sa dalaga, mga mata
lamang nila ang nag-uusap at nagpapahyag ng kani-kanilang
dinaramdam.Matapos matanto ng mga magulang ng dalaga na ang nanliligaw
ay karapatdapat,ang pag-sang-ayon ng mga yaon ay ipakilala sa lalaki,
datapwa’t ang ganitong pagsang-ayon ay may kondisyon. Siya;y
magkakaloob ng bigay-kaya o dowry sa mga magulang ng dalaga. Ang bigay-
kaya ay karaniwan nang lupa, ginto o anumang ari-ariang mahalaga.
Kasal- Ang paraan ng pagkakasal ay iba-iaba ayon sa katayuan ng isang tao
sa lipunan. Sa mga dugong mahal, ang panliligaw ay dinaraan sa
tagapamagitan. Pagkatapos na maayos ng mga magulang ang tungkol sa
pag-aasawa ng kanilang mga anak ay ipakukuha ang nobya sa isang
tagapamagitan. Pagdating sa paa ng hagdan bahay ng lalaki ng isang regalo
at siya’y papanhik na. Pagkapanhik ay hindi tutuloy sa kalooban ng bahay
hangga’t hindi siya nadudulutan ng isa pang regalo. Pagkapasok sa loob ng
bahay ay hindi uupo ang dalaga at bibgyan na naman siya ng isang pang
regalo. Hindi kakain o iinom ang dak\laga hangga;t hindi na naman siya ng
isang pang regalo.
Pagkatapos nito, ang dalaaga ‘y binatang ikakasal ay iinom sa isang tasa.
Sa bahaging ito ay ipahahayag ng isang matandang lalaki na magsisimula na
ang seremonya.Isang matandang babaing may tungkuling pagka-pari ang
lalapit sa ikakasal, pagdadaupin ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng iang
pinggang bigas, at kasabay ng isang hiyaw ay ihahagis ang bigas sa mga
panauhin.
Ang Edukasyon di pormal ang edukasyon ng ating mga ninuno.
Edukasyong pangkabuhayan ang itinuturo ng ama sa mga anak na lalaki at
pantahanan namn ang mga kababaihan. Sa kabuuan, ang kanilang pagtuturo
ay upang ihanda ang kanilang mga anak na maging mabuting ama at na ng
tahanan.
Ang sinaunang katutubo ay may alpabetong kilala sa tawag na alibata. Ito
ay binubuo ng labimpitong simbolo na kumakatawan sa mga titik. Tatlo
lamang ang patinig at a
Labing-apat ang katinig. May kaibahan kaya ito sa kasalukuyang ito?
Paglilibing at Pagluluksa- ibat’iba ang paraan ng paglilibing ng ating mga
ninuno. Ang bawat paraan ay ayon sa kanilang pinaniniwalaan. Isang paraan
ay ang pagsisilid ng buto sa isang gusi o urna. Ang takip ng gusi ay
sumasagisag sa kalagayan o katayuan sa buhay ng namayapa, gayundin ang
kasarian nito. Ang ilan naman sa namamatay ay inililibing sa yungib o gubat.
Karaniwng isinasama ang mga kagamitan tulad ng paboritongdamit at alahas
nito. Puti ang kulay ng pagluluksa. Ang pagluluksa ay may akmang
katawagan ayon sa kasarian . Larao kung datu , Morotal kung babae at
Maglahi kung lalaki.

4.5 Paglalapat Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga
sumusunod na henerasyon?
5. Pagtataya (6
minuto)

A. Pagmamasid

B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-aaral/
Kumperensiya
C. Pagsusuri sa
mga Mag-aaral

D. Pasulit Isulat ang kabutihan at di kaaya-aya ng mga paniniwala noon at sa


kasalukuyan.Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
Paniniwala Kabutihang Dulot Di-kaaya-ayang Dulot
1.Pagkaroon ng
edukasyon

2.Pista

3.Pampaswerte sa
bagong taon

4.Pagkakabuklod ng
pamilya

Maging marumi ang tahanan Paggalang walang sariling


panindigan
Pagmamahal sa pamilya Kasaganaan dahilan ng pagkaroon
ng aksidente
Pagiging relihiyoso magandang kinabukasan labis na paggasta
Mayroon hindi na nakikinig sa pasya o mungkahi ng mga magulang

6. Takdang Aralin ( 2 minuto)


. Pagpapatibay/ Sa bahay gumawa ng collage ng mga paniniwala ng lahing Pilipino.Isulat sa
Pagpapatatag sa talata ang sariling pananaw o opinyon ukol dito.
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/
Pagpapasigla sa
kasalukuyang
aralin
. Pagpapalinang /
Pagpapaunlad sa
Kasalukuyang
aralin
. Paghahanda
para sa bagong
aralin
7. Paglalagom / Tumawag ng dalawang mag-aaral na makapagsasabi sa mabuting
Panapos na naiidudulot ng mga kagawian ng ating mga ninuno.
Gawain
Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Baitang : 5 Markahan : 1 Oras: 40


DLP Blg. 31 Araling Panlipunan minuto

Mga Kasanayan: Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa paniniwala ng lahing Code:


pilipino noon at ngayon AP5PLP-Ig-8

Susi ng Pag-unawa May sariling sistema ng paniniwala ang mga sinaunang Pilipino bago pa man
na Lilinangin: sila masakop ng mga dayuhan. Ito ay mahahati sa dalawang uri; ang
Animismo at ang Islam
1. Mga Layunin:
Kaalaman Natutukoy ang mga nagbago at nagpapatuloy na paniniwala noon at ngayon
Kasanayan Naiisa-isa ang mga paniniwala noon at ngayon sa mga sinaunang Pilipino
Kaasalan Napapahalagahan ang mga paniniwala ng lahing Pilipino
Kahalagahan Nasusunod ang ibang kaugalian ng mga ninuno
2. Nilalaman Ang Pilipinas sa Iba’t ibang Panahon
3. Mga Kagamitang Larawan, tsart,krayola, manila paper
pagtuturo

4.1 Panimulang Pagbalik-aral sa mga nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng


Gawain ( 2 minuto) kahulugan sa mga salitang natutunan.
Halimbawa:Paniniwala,Relihiyon
Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan
na may kinalaman sa sinaunang kabihasnan.
4.2 Mga Gawain/
Estratehiya (8 1.Bumuo ng apat na pangkat
minuto) Ipapaalala o ipabalik tanaw ang mga natutunan sa nakaraang mga aralin.

2.Pasagutan ang mga tanong.

1. Paano nakatutulong sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang pilipino


ang pamumuhay, paniniwala,tradiyon at edukasyon sa sinaunang panahon.
2. Sa bawat grupo ay magbigay ng pagkakakilanlang Pilipino Noon at
Ngayon.
Pangkat 1-Pamumuhay Pangkat 2- Paniniwala

Noon Ngayon Noon Ngayon

Pangkat 3- Tradisyon Pangkat 4- Edukasyon


Noon Ngayon Noon Ngayon
4.3 Pagsusuri (2 1.Ano ang napapansin ninyo sa larawang nakita?
minuto) 2.Ganito pa rin ba ang paraan ng pamumuhay natin sa kasalukuyan?
Talakayon ang sagot ng mga bata at iugnay sa aralin.

4.4 Pagtatalakay(12 Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang Pilipino


minuto)
May sariling sistema ng paniniwala ang mga sinaunang Pilipino bago pa
man sila masakop ng mga dayuhan. Ito ay mahahati sa dalawang uri; ang
Animismo at ang Islam

Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan

Naniwala ang mga sinaunang pilipino na may mga espiritung nananahan sa


kanilang kapaligiran. Tinawag itong anito ng mga Tagalog at diwata ng mga
Bisaya. Pinaniwalaan din ng mga sinaunang pilipino na ang mga bagay sa
kalikasan tulad ng araw, bundok, at ilog ay tirahan ng kanilang yumaong mga
ninuno. Ang tawag sa paniniwalang ito ay animismo. Bago simulan ng mga
sinaunang pilipino ang anumang gawain tulad ng pagpapatayo ng tahanan,
pagtatanim at paglalakbay ay humingi muna sila ng gabay at pahintulot mula
sa mga espiritu ng kalikasan. Ang rituwal na ito ay pinangunahan ng mga
katalonan (sa mga Tagalog)at babaylan (sa mga Bisaya) na silang mga
tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos at yumao.
May mga sinaunang Pilipino rin na sumamba sa maraming diyos at
pinaniwalaang banal ang daigdig. Pinaniwalaan nila na may isang
pangunahing diyos o Dakilang Nilalang na siyang maylikha ng langit, lupa at
tao. Tinawag siyang Bathala ng mga Tagalog, Abba ng mga
Cebuano,Kabunyian ng mga Ifugao at Laon ng mga Bisaya.

Naniwala rin ang mga sinaunang pilipino sa kakayahan at


kapangyarihang taglay ng ilang piling tao na maaaring magbigay at mag-alis
ng sumpa o magdulot ng sakit at paghihirap sa isang kaaway o nakapanakit a
kapwa. Ito ay mga mangkukulam at mangangaway ng mga Tagalog at
aswang ,alakawat ,barangan at dalondongan ng mga Bisaya. Ang
paniniwalang ito ay patuloy na umiiral sa mga tagong lugar sa Pilipinas sa
Kasalukuyan.

Marami sa mga pangkat-etniko ng Pilipinas ang napanatili ang kanilang


paniniwalang animistiko. Halimbawa ay ang mga Igorot at ang kanilang 12-
yugtong rituwal sa pagtatanim at pag-aani ng palay.
Ito ay isinasagawa sa gabay ng isang mumbaki sa loob ng panahon ng
pagtatanim ng palay sang-ayon sa sinusunod nilang kalendaryong agraryo.
Ipinagpapatuloy nila ang tradisyong ito upang mapanatili nila ang
kanilangmabuting ugnayan sa kalikasan(bilang pasasalamat at paghingi ng
pabor o gabay)nang sa gayon ay matiyak nila ang isang masaganang ani.

Masasalamin din ang paniniwalang animismo ng mga katutubo sa mga


pamahiin na kanilang nabuo. Ang pamahiin ay paniniwala batay sa kutob,
kinagawian, tradisyon at relihiyon ng isang pamayanan. Nagsilbi itong gabay
ng mga katutubo sa pagbuo ng desisyon o paliwanag sa mga pangyayari sa
kanilang kapaligiran. Halimbawa ng pamahiin ay ang paniniwala na ang
pananatili ng isang bisita sa labas o sa may hagdanan ng tahanan ng isang
nagdadalang-tao ay maaaring magdulot ng mahirap na panganganak.

Dagdag dito, naniniwala rin sila na nagbibigay ang kalikasan ng mga


babala, palatandaan at pangitain sa mga maaaring mangyari sa hinaharap.
Ito ay maaaring sa biglang pagsulpot ng uwak, o buwaya o pag-iingayng mga
hayop. Ang paglabas ng bulalakaw ay nagsilbing babala sa parating na
delubyo, epidemya, o digmaan. Ang pag-alulong ng aso ay sang pagbabadya
sa kamatayan ng isang malapit sa buhay.
4.5 (Paglalapat( 6
minuto)
5. Pagtataya ( 6 minuto)

A. Pagmamasid

B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-aaral/
Kumperensiya

C. Pagsusuri sa
mga produkto ng
mga Mag-aaral
Noon Ngayon/ Kasalukuyan
D. Pasulit

A.Pangkatin ang mga kaisipan. Isulat ang bilang sa tamang hanay.

1. Nakatira sa mga yungib at ilalim ng punong kahoy.


2. Palipat-lipat ng tirahan.
3. Naniniwala sa mga espiritu sa kalikasan.
4. Nakatira sa bahay na yari sa semento.
5. Nangangaso sa kagubatan.
6. Nakapag-aral sa pormal na paaralan.
7. Mga dahon o balat n kahoy ang ginagawang sulatan.
8. Naniniwala sa Diyos na Makapangyarihan.

6. Takdang Aralin ( 2 minuto)

. Pagpapatibay /
Pagpapatatag sa
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/ Gumawa ng collage gamit ang mga larawan tungkol sa sinaunang Pilipino
Pagpapasigla sa mula sa mga lumang magasin. Idikit ito sa bondpaper at ibahagi sa klase
kasalukuyang bukas.
aralin
. Pagpapalinang /
Pagpapaunlad sa
kasalukuyang
aralin
. Paghahanda
para sa bagong
aralin
7. Paglalagom / Tumawag ng dalawang mag-aaral at ibabahagi ang kanilang natutunan sa
Panapos na kagawian ng sinaunang Pilipino noon at ngayon.
Gawain

Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Baitang: 5 Markahan : 1 Oras: 40


DLP Blg.32 Araling Panlipunan minuto

Mga Kasanayan: Natatalakay ang pagpalaganap ng relihiyong Islam sa ibat- Code:


ibang bahagi ng bansa AP5PLP-Ih-9
Susi ng Pag-unawa Nailalarawan ang pagpalaganap ng relihiyong Islam sa ibat-ibang bahagi ng
na Lilinangin: bansa
1. Mga Layunin:
Kaalaman Nailalarawan ang katangian ng relihiyong Islam
Kasanayan Naisasadula ang ilang katangian ng relihiyong Islam
Kaasahan Naibibigay ang kahalagahan ng relihiyong Islam para sa mga Muslim
Kahalagahan Napapahalagahan ang pagkakaiba ng pananampalataya
2. Nilalaman Paglaganap ng Relihiyong Islam
3. Mga Kagamitang Tsart , larawan ,
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Magbalitaan tungkol sa mga kaganapang panrelihiyon sa kanilang sariling
Gawain ( 2 minuto) komunidad.Itanong sa mga bata.Ano ang iyong relihiyon?Saan/Kanino
namana ang inyong relihiyon?Bakit mahalaga ang relihiyon?
4.2 Mga Gawain / Hatiin sa dalawang pangkat ang klase.Ang bawat pangkat ang magpapakita
estratehiya (8 ng katangian na kanilang nalalaman tungkol sa Islam.
minuto)
4.3 Pagsusuri Ano ang masasabi ninyo sa mga ginagawa ng bawat grupo?Saan nila
nakukuha o nalalaman ang mga katangiang ito?
4.4 Pagtatalakay Talakayin ang relihiyong Islam at ang mga haligi ng pananampalataya at iba
(12 minuto) pang katangian nito.
Ang Limang Pillars ng Islam
.Pananalig
.Panalangin
.Pagpapalimos
.Pag-aayuno
.Paglalakbay
Pananalig- Ang pagpapahayag na walang ibang Diyis kung hindi si Allah at
Muhammad
Panalangin- Panalangin ng limang ulit sa loob ng isang araw. Muezzin ang
taguri sa tagapahayag ng mga Muslim sa oras ng pananalangin.
Pagpapalimos- Pagbabahagi ng ita o kayamanan ng isang Muslim sa mga
mahihirap.
Pag-aayuno- Isinasagawa ng mga Muslim ang pag- aayuno sa loob ng isng
buwan.
Paglalakbay- Paglalakbay patungong Mecca kahit minsan lamang sa buhay
ng isang Muslim.

Iba Pang Ritwal/ Tradisyon


. Pagbabwal sa Pagkain ng karne ng baboy at pag-inom ng alak.
. Ang lalaking Muslim ay maaaring magkaroon ng hanggang apat na asawa
. Nagtitipun-tipon sa mga Mosque upang doon manalangin ng nakaharap sa
Mecca ng limang ulit sa isang araw.
. Holy war o Jihad- ang kaganapang nagpalaganap sa Islam mula Jerusalem
patungong kanluran.

Ramadan
.Pag-aayuno ng mga Muslim mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.
. Isinasagawa bilang tanda ng kanilang pagsunod,pagpapakumbaba at
pagpigil sa sarili.

. Ito ay nagtatapos sa pagkain ng ilang dates at gatas o ubig at muling


pagdarasal bago lumubog ang araw.
.
Ang pinakamahalagang gabi ng Ramadan ay tinatawag na “Gabi ng
Kapangyarian’. Ito ay pinaniniwalaan ng mga Muslim na gabi nang kausapin
ni Angel Gabriel si Muhammad

Crescent Moon-Simbolo ng Islam. May Kaugnayan sa bagong buwan ng


kalendaryong lunar ng mga Muslim.

4.5 Paglalapat (6 Anu-ano ang limang (5) pillars ng Islam?Paano nila ito ginagawa?
minuto) Ano pa ang ibang Ritwal o Kaugalian ng mga Muslim?
Bakit tinatawag ng pinakamahalagang gabi ng Ramadan na “Gabi ng
Kapangyarihan”?
5. Pagtataya ( 6
minuto)
A. Pagmamasid
B.Pakikipag-usap
sa mga Mag-aaral /
Kumperensiya
C. Pagsusuri sa
mga produkto ng
mga Mag-aaral
D. Pasulit I. Pagtapatin ang mga salita o parirala sa Hanay A sa paglalarawan nito sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Islam A. Ang unang sultan sa kasaysayan ng Pilipinas
2. Sayyid Abu Bakr B. Diyos ng mga Muslim
3. Crescent moon C. Gabi ng Kapangyarihan
4. Moske F. Simbahan ng mga Muslim
5. Tuan Masha’ika G. Banal na aklat ng mga Muslim
6. Allah H. Relihiyon ng mga Muslim
7. Mohammad I.Pinakamahalagang gabi ng Ramadan
8. Koran J. Pinakadakilang propeta ng mga Muslim
8. Takdang Aralin ( 2 minuto)
. Pagpapatibay/ Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa pananampalataya ng relihiyong
Pagpapatatag sa Islam.
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/
pagpapasigla sa
kasalukuyang
aralin
. Pagpapalinang /
Pagpapaunlad sa
kasalukuyang
aralin
. Paghahanda para
sa bagong aralin
7. Paglalagom / Tumawag ng isang mag-aaral at ilalarawan ang mga katangian ng Relihiyong
Panapos na Islam.
Gawain

Prepared by:
Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Baitang: 5 Markahan: 1 Oras:


DLP Blg.33
Araling Panlipunan 40 minuto
Mga Kasanayan: Nahihinuha kung paano lumaganap sa ibang bahagi ng Code:
bansa ang relihiyong Islam AP5PLP-Ih-9
Susi ng Pag-unawa Lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas sa ilang kadahilanan dahil
na Lilinangin: pinakasalan ng mga dayong Muslim ang anak ng mga makapangyarihang tao
sa lipunan ng mga ninuno.Pagkakatulad ang paniniwala ng mga ninuno at
ang paniniwalang itinuturo ng Islam. Naging mabuti ang mga misyonerong
Muslim.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Nahihinuha kung paano lumaganap sa ibang bahagi ng bansa ang relihiyong
Islam
Kasanayan Natatalunton sa mapa ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas
Kaasalan Napapahalagahan ang mga kaugalian ng isang Muslim
Kahalagahan Pagrespeto sa iba’t ibang Relihiyon
2. Nilalaman Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
3. Mga Kagamitang Mapa, globo,tsart
Paampagtuturo
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang 1. Balitaan: Mga Pangyayari na naganap sa nakaraang Linggo sa kani-
Gawain ( 2 minuto) kanilang simbahan.
4.2 Mga Gawain / Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Estratehiya (8 Magpakita ng mapa sa Pilipinas.
minuto) 1.Sa pamamagitan ng isang laro magpaunahang ipahanap at ipaturo sa mga
bata ang mga lugar sa bansa na may mga komunidad ng mga Muslim.
Itanong: Bakit kaya may mga Muslim sa ating bansa?
2. Isulat sa pisara ng guto ang mabubuong mga katanungan ng mga bata
tulad ng mga sumusunod:

A.Sino-sino kaya ang nagpalaganap ng relihiyong Islam sa Pilipinas?


B.Saan-saan kaya sila nanggaling?
C.Paano kaya lumaganap ang relihiyongg Islam sa ilang bahagi ng ating
bansa?
3. Ipabigay ang kanilang opinyon o hakahak sa mga nagawa nilang
katanungan.

4.3 Pagsusuri (2
minuto)
4.4 Pagtatalakay Ang Pagdating at Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas
(12 minuto)
Ang relihiyong Islam ay dumating sa pilipinas bunga ng pakikipag-ugnayan
ng mga ninuno sa mga Arabe. Gayunpaman, ang relihiyong Islam na
ipinakilala sa Pilipinas ay mula sa Malaysia at hindi sa Saudi Arabia.

Sinasabing si Tuan Masha’ika ang marahil isa sa mga kauna-unahang


Muslim na nagpakilala ng Islam sa Pilipinas nang duamting siya sa Sulu
noong 1280. Pinakasalan niya ang anak na babae ni Raja Sipad na kabilang
sa makapangyarihang angkan ng Sulu. Nakapagtatag siya ng pamilyang
Muslim dahil dito.

Sumusunod na duamting sa Sulu noong 1380 si Karim ul-Makhdum galing


ng Malacca, Malaysia. Kalaunan ay tinawag siyang Tuan Sharif Aulia.
Nagtayo siya ng moske sa Jolo (noon ay tinawag na Buansa). Nang
magtungo siya sa Simunul,Tawi-Tawi ay muli siyang nagtayo roon ng moske.
Pinalaganap niya at hinikayat ang mga katutubo roon na manampalataya sa
Islam.

Taong 1390 ay sunod na dumating sa Sulu si Raja Baguinda mula sa


Sumatra,Indonesia. Tinungo niya ang Zamboanga at Basilan. Napakasalan
niya ang isang prinsesa sa Buansa. Pinagtibay niya ang relihiyong Isam sa
Sulu at pinalaganap pa sa ilan pang panig nito.
Lalo pang lumaganap ang Islam noong 1450 nang itatag ang unang
sultanato sa pilipinas. Napangasawa ni Abu Bakr ang anak ni Raja Baguinda
na si Paramisuli. Sa pagkamatay ni Baguinda noong 1450 ay hinirang ni Abu
Bakr ang sarili bilang sultan at itinatag ang pamahalaang Sultanato. Simula
noon ay naipakalat pa ang relihiyong Islam sa iba pang panig ng Sulu.

Noong 1515 ay dumating sa Maguindanao sa Malabang naman ang


maharlikang si Muhammad Kabungsuwan na tumakas mula sa Indonesia
dahil nasakop ito ng mga Portuges noong 1511. Nagpakasal siya sa ilang
mga babaeng anak ng datu sa Gitnang Mindanao. Siya ang nagpakalt ng
relihiyong Islam at ng pamahalaang sultanato sa Maguindanao nang
mapakasalan niya ang prinsesa ng Cotabato.

4.5 Paglalapat ( 6 Ang paglaganap ng Islam sa ilang bahagi ng bansa ay dala ng mga
minuto) mangangalakal ng mga Muslim mula sa bansang Arabe. Ang Islam ay
lumaganap sa bansa lalo na sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
5. Pagtataya ( 6 minuto)
A. Pagmamasid
B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-aaral /
Kumperensiya
C. Pagsusuri sa
mga Produkto ng
mga Mag-aaral

D.Pasulit Isulat sa talaan ang mga hinihinging impormasyong tungkol sa paglaganap ng


relihiyon Islam sa bansa.

Taon Pangalan Pook Pangyayaring


Naganap
Ika-13 dantaon
1380 Nagpagawa ng
moske
1390
1450
6. Takdang Aralin (2 minuto)
. Papapatibay / Sa limang pangungusap, isulat ang mga dahilan ng paglaganap ng relihiyong
Pagpapatatag sa Islam sa Pilipinas.
kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/
Pagpapasigla sa
kasalukuyang
aralin
. Pagpapalinang/
Pagpapaunlad sa
Kasalukuyang
aralin
. Paghahanda
para sa bagong
aralin
7. Paglalagom / Tumawag ng isang mag-aaral at ibabahagi ang kanyang natutunan sa
Panapos n Gawain Relihiyong Islam.

Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Baitang: 5 Markahan: 1 Oras: 40


DLP Blg. 34 Araling Panlipunan minuto

Mga Kasanayan: Nasusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang Code:


panlipunan ng sianunang pilipino sa Kasalukuyan AP5PLP-lh-9
Susi ng Pag-unawa Tumutukoy dito ang kultura sa paraan ng pamumuhay ng tao. Naipamalas ng
na Lilinangin: mga sinaunang Pilipino ang kulturang ito sa kanilang kaugalian.
1.Mga Layunin
Kaalaman Naiisa ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan
Kasanayan Nakagagawa ng maikling sanaysay tungkol sa pagkakapareho at pagkakaiba
ng mga kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino sa Kasalukuyan
Kaasalan
Kahalagahan Pagmamalaki sa mga Kagawiang Pilipino
2. Nilalaman Pagkakapareho at Pagkakaiba ng mga kagawiang Panlipunan ng Sinaunang
pilipino sa Kasalukuyan
3. Mga Kagamitang Larawan , Flash card ,Tsart ng mga Kagawian ng Sinaunang Pilipino
pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang 1.Magkaroon ng balitaan tungkol sa mga ugali ng kanilang pinakamatalik
Gawain ( 2 minuto) Na kaibigan.
2.Bilang balik-aral, ipagamit ang show me board sa pagsagot sa mga
katanungan tungkol sa relihiyong Islam.

A. Ano ang Islam? Sino ang kauna-unahang Muslim na nagpakilala ng mga


Islam sa Pilipinas?
4.2 Mga Gawain/ Hatiin ang klase sa dalawang grupo.Bigyan ang bawat grupo ng tig-iisang
Estratehiya (8 envelop.Sa kanilang pagtutulungan makabuo sila ng isang salita na galing sa
minuto) ibat ibang titik na nanggaling sa envelop. Ang unang makabuo sa salitang
KAGAWIAN sila ang mananalo.

4.3 Pagsusuri Ano ang masasabi ninyo sa pangkatang gawain ninyo? Madali lang ba
ninyong nagawa ito? Bakit?
4.4 Pagtatalakay Ilahad at pag-usapan ang mga kagawian ng mga Pilipino na nasa tsart.
(12 minuto)

Mga kagawian at Kaugalian ng mga Pilipino

1.Matapat
2.Pagiging malapit sa Pamilya
3.Pananampalataya sa kinikilalang Diyos
4.Magalang
5.Marunong magbiro
6.Masipag
7.Paghaharana sa linigawan
8.Pagbibigay ng dote
9.Paninilbihan bago ikasal
10.Pamamanhikan
11.Mataas na pagpapahalaga sa kababaihan

Sa panahon natin ngayon may pagkapareho ba o kaibahan sa mga kagawian


o kaugalian ng ating mga ninuno noon?

4.5 Paglalapat (6 Gawing tatlong (3 ) pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay mag-iisip ng
minuto) mga kagawian/kaugalian ng mga Pilipino at itatala nila ang mga ito sa manila
paper. Pagkatapos at ipapaskil sa harap at ipapaulat nila ito sa klase.

Unang Pangkat: Mga Kagawian/ Kaugalian ng Sinaunang Pilipino

Ikalawang Pangkat: Mga kagawian / Kaugalian ng Sinaunang Pilipino sa


Kasalukuyan

Ikatlong Pangkat: Mga Kagawian/ Kaugalian ng Pilipino na Magkatulad Noon


at Ngayon

5. Pagtataya ( 6 min uto)


A. Pagmamasid
B. Pakikipag-usap
sa mga Mag-aaral/
Kumperensiya
C. Pagsusuri sa
mga Produkto ng
mga Mag-aaral
D. Pasullit Lagyan ng tsek (/) ang mga nakagawian pang gawain ng mga Pilipino
hanggang ngayon at ( X) kung hindi

____1. Harana
____2.Pagdalaw sa nililigawan
____3. Pagbibigay ng kita ng lalaki sa asawa
____4.Pagbibigay ng dote
____5.Nauuna sa paglalakad ang babae
____6.Paninilbihan bago ikasal
____7.Pagiging matulungin sa mga matatanda
____8.Paggamit ng po at opo sa mga nakakatanda

6. Takdang -Aralin ( 2 minuto)


. Pagpapatibay/
Pagpapatatag sa
Kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/ Maglista ng mga kagawian /kaugaliang Pilipino na inyong napapanin sa
pagpapasiglan sa inyong sariling barangay. Isulat sa nyong kwaderno ang inyong mga sagot
kasalukuyang
aralin
. Pagpapalinang/
Pagpapaunlad sa
Kasalukuyang
aralin
. Paghahanda para
sa bagong aralin
7. Paglalagom / Tuwamag ng tatlong bata na makapagsabi sa mga kagawiang Pilipino noon.
Panapos na
Gawain

Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City


Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN

Asignatura: Baitang : 5 Markahan: 1 Oras: 40


DLP Blg. 35 Araling Panlipunan minuto

Mga Kasanayan: Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon ng Code:


sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng lipunan at AP5PLP-Ii-10
pagkakakilanlang Pilipino
Susi ng pag-unawa Ang mga sobra sa kanilang mga pangangailangan ay natutunan nilang
na Lilinangin: ipagpalit para sa ibang produkto ng ibang pamayanan
1. Mga Layunin:
Kaalaman Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa mga
pagkakakilanlang Pilipino
Kasanayan Nasasabi ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
pagkakakilanlang Pilipino sa larangan ng pamumuhay,kultura at tradisyon,
paniniwala ,edukasyon
Kaasalan Napapahalagahan ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
pagkabuo ng pagkakakilanlang Pilipino
Kahalagahan Naipapakita ang pagtutulungan at pagkamalikhain ng sinaunang Pilipino
2. Nilalaman Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagkabuo ng Lipunan at
Pagkakakilanlang Pilipino
3. Mga Kagamitang Larawan , tsart
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Pagbabalik -aral
Gawain ( 2 minuto) Paano mo mailalarawan ang sistema ng paniniwala ng mga sinaunang
Pilipino? Nakakatulong ba ito sa panahon natin ngayon?
4.2 Mga Gawain / 1.Papangkatin ang klase sa apat.
Estratehiya ( 8 A. Unang pangkat.Ano-ano ang naging kontribusyon ng mga Arabe sa
minuto) pangkabuhayan ng ating bansa?
B. Ikalawang Pangkat: Ano-ano ang naimbag ng mga Tsino sa kabuhayan ng
Pilipinas?
C. Ikatlong Pangkat: Ano ang naging impluwensya ng Bansang India sa ating
bansa?
D. Ikaapat na pangkat: ano ang naging kontribusyon ng mga Hapones sa
kabuhayan ng Pilipinas?
2. Pag-uulat ng bawat pangkat
4.3 Pagsusuri (2 Ano ang masasabi ninyo sa mga pangkatang gawain? Madali lang ba ninyong
minuto) nagawa ito? Bakit? Paano natin maipakita ang pagpapahalga ng
pagtutulungan at pagkamalikhain ng mga sinaunang Pilipino.
4.4 Pagtatalakay Pakikipagkalakalan ng mga Sinaunamg Pilipino
(12 minuto)
Pakikipagkalakalan sa Arabia
Pinapaniwalaang sila ang unang dayuhan na nakikipagkalakalan. Pinagpalit
ng mga Arabo ang kanilang kasangkapanng yari sa metal tulad ng tanso at
ginto,muslin,cotton,lana, alpombra at ceramics
Pakikipagkalakalan sa Tsina
Naging mahaba ang panahon ng pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa
Pilipino. Sila man din ay dumarayo sa ating bansa upang ipagpalit ang mga
kalakal na payong , gong, tingga,porselana,seda, at iba pa. Ipinagpapalit din
ng ating mga ninuno ang produktong perlas,tabla,ginto ,bulak at yantok. Sa
tagal ng kalakalan dumami ang himpilan ng kalakalan sa pagitan ng mga
Tsino at Pilipino sa ating bansa at lumaki na rin ang kanilang pamayanan.
Pakikipagkalakalan sa India
Noong panahon ng Srivijaya (1180 CE) ang India ang pinakamaunlad na
bansa sa Asya. Ang Industriyang paghahabi ng bulak,paggawa ng barko at
bangka at pagmimina ay natutunan natin sa kanila.Dinala rin nila ang mga
halamang mangga, langka,sampaguita at amplaya at marami pang iba.
Ang pagsusuot ng sarong (sayang ‘tapis) putong sa ulo,pantalong hapit at
burdadong balabal na ginamit ng mga katutubong Muslim na Pilipino ay
sinabing minana sa mga taga Hindu. Sa kanila din tayong natuto sa paggamit
ng belo at kordon at pagsaboy ng bigas sa kasal. Sa mga bansang katoliko
dito lamang sa Pilipinas ang may kaugaliang ganito.

Pakikipag-ugnayan sa mga Hapones


Dumayo noon ang mga Pilipino sa Kyushu (unang pangalan ng Japan)
upang makipagkalakalan ganon din ang ginawa nila sa ating bansa.
Ang pakikipag ugnayan ay nagkakaroon ng Malaking Impluwensya sa
pamumuhay ng ating mga ninuno

5. Pagtataya ( 6 minuto)
A. Pagmamasid
B.Pakikipag-usap Ano anong mga bansa ang nakikipagkalakalan sa ating mga ninuno?
sa mga Mag-aaral/ Paano nagsisimula ang kalakalan ng ating mga ninuno?
Kumperensiya
C. Pagssusuri sa
mga Produkto ng
mga Mag-aaral
D. Pasulit Panuto: Ang sumusunod ay impluwensiya ng mga bansang nakikipag
ugnayan sa Pilipinas. Tukuyin ang bansang inilalarawan dito.

____1. Dito sinasabing nagsisimula ang industriyang paghahabi ng bulak at


paggawa ng barko at bangka?
____2.Nanggagaling sa bansang ito ang mga telang seda at mga palamuti
tulad ng porselana.
____3. Nanggaling sa kanilamang kasangkapan yari sa metal tulad ng tanso
at ginto.
____4.Ang pagmimina ay industriyang natutunan natin sa bansang ito.
____5.Ang pag-aalaga ng itik at pagpapakawala ng binhing isda sa
palaisdaan.
____6.Dinala nila ang mga halamang mangga, langka ,sampaguita at
ampalaya.
___7. Sa kanila tayong natuto sa paggamit ng belo at kordon at pagsaboy ng
bigas sa kasal.
___8. Sila man ay dumarayo sa ating bansa upangipagpalitang mga kalakal
na payong,gong at tingga.

6. Takdang Aralin ( 2 minuto)

. Pagpapatibay/ Sumulat ng maikling sanaysay kung paano pinapahalagahan ng ating mga


Pagpapatatag sa ninuno ang kabuhayan nila hanggang sa umunlad nito
kasalukuyang
aralin
. Pagpapayaman/
pagpapasigla sa
kasalukuyang
aralin
. Pagpapalinang/
pagpapaunlad sa
Kasalukuyang
aralin
. Paghahanda para
sa bagong aralin
7. Paglalagom / Tumawag ng dalawang bata at makapagsabi tungkol sa pagkalakalan ng mga
Panapos na Arabe,Tsino,Indio at Hapones.
Gawain
Prepared by:

Name: Mayshel Y. Lao School: Guinsay Elementary School

Position/Designation: Teacher III Division: Danao City

Contact Number: 09332331806 Email Address: [email protected]

You might also like