Arts 5 Q3 ML4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MAPEH 5

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Arts – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pamamaraan ng Paglilimbag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Emily L. Macalintal
Editor: Alvin P. Manuguid
Tagasuri: Jane V. Soria
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 5
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Pamamaraan ng Paglilimbag
Writer: Emily L. Macalintal
Editor/Validator: Alvin P. Manuguid
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 5 ng Modyul para sa araling
Pamamaraan ng Paglilimbag!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts 5 Modyul ukol sa Pamamaraan ng Paglilimbag!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
 nailalarawan ang mga katangian ng paglilimbag sa ginawang
likhang sining;
 nakasusunod sa proseso o pamamaraan ng bawat hakbang sa
likhang sining sa paglilimbag; at
 nakagagawa ng isang dibuho ayon sa mito o alamat buhat sa ating
mga ninuno gamit ang sunod-sunod na proseso ng bawat hakbang
sa paglilimbag.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin sa hanay B ang pinakamalapit na kahulugan ng mga salitang


nasa hanay A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Mitolohiya A. kwento ng mga pinagmulan ng tao,


2. Alamat hayop o bagay.
3. Printmaking B. uri ng sining
4. Kwentong bayan C. magkakabitkabit na kumpol na
5. Proseso tradisyonal na kwento.
D. pamamaraan sa pagsunod sa bawat
hakbang
E. kathang isip na kwento o salaysay

BALIK-ARAL
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na may kaugnayan sa
sining.

1. Rhythm o Ritmo
2. Contrast o Kontras
3. Paglilimbag
ARALIN

Ang paglilimbag o printmaking ay isang uri ng sining. Madalas, ito ay


nagpapakita ng mga dibuho na maaaring gawing paulit-ulit. Ang ilan sa
mga halimbawa ng paglilimbag sa pamamagitan ng paglalagay ng papel sa
ibabaw ng limbagang plato at pagkukuskos sa likod ng papel na ang
dibuhong gagawin ay nagpapakita ng mito o alamat galing sa ating mga
ninuno.

Ang mitolohiya o mito ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng


mga tradisyonal na kwento o mito, mga kwento na binubuo ng isang
particular na tao, relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga
kwentong mito ang mga anito, diyos at diyosa na nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa at kung paano
nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa
alamat at kwentong-bayan.

Ang ilan sa mga kilalang-kilala na mitolohiya sa Pilipinas ay Si


Malakas at si Maganda, Maria Makiling, Bernardo Carpio, Duwende, Kapre,
Sirena, Ibong Adarna at marami pang iba.

Pagmasdan ang mga iba’t ibang larawan ng kwentong bayan o alamat


na maaari ninyong gamitin sa paglilimbag gamit ang iba’t ibang proseso.
Gawaing Sining:

Paglilipat ng Disenyo

Mga Kagamitan:
papel, plato o limbagan bato, krayola o iba pang kulay

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang limbagang bato o plato.
2. Kumuha ng isang papel na gagamitin sa paglilimbag ng dibuho
o
disenyo.
3. Ipatong sa ibabaw ng limbagan bato o plato ang papel na
paglilimbagan.
4. Kuskusin ang likuran ng papel para makuha ang disenyo ng
limbagan bato o plato.
5. Maging maingat sa pagkuskus upang makalikha ng magandang
disenyo.
6. Siguraduhin ang disenyo ng limbagan bato ay nailipat ng
maayos at maganda sa papel.
7. Ipaskil na ito sa exhibit area upang makita rin ng iba at
maghanda sa pagpapahalaga.
8. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawaan ng proyekto o
disenyo.

MGA PAGSASANAY

Gawaing Pansining.
Panuto: Pumili ng isang larawan na ipinakita sa aralin na ito. Ihanda ang
mga kagamitan upang magsagawa ng Cardboard Printing.

Mga kagamitan:
2 piraso ng cardboard (8.5 X 11 inches)
Gunting, pandikit o glue, puting papel
Acrycolor o cray pas color

Hakbang sa paggawa:
1. Pag-isipan ang larawan na napili ayon sa iyong imahinasyon.
2. Sa isang cardboard, gupitin ang mga hugis na bubuo sa
larawan na iyong napili.
3. Idikit ito sa isang pirasong cardboard at ayusin ang larawan
ayon sa iyong nais.
4. Lagyan ng acrycolor ang bahagi ng nakaumbok sa cardboard
sa pamamagitan ng maliit na paint brush.
5. Ipatong ang puting papel sa bahaging may kulay at dahan
dahang iangat.
6. Patuyuin.
7. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawaan.

Panuto: Pagkatapos gawin ang ginuhit na larawan. Piliin ng buong


katapatan
sa mga sumusunod na pamantayan ayon sa paglilimbag gamit ang
cardboard. Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa
sagutang papel.

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


Mga Sukatan pamantayan pamatayan nakasunod
nang higit sa ayon sa sa
inaasahan inaasahan pamantayan
5 3 2
1. Nagamit ko ang aking
imahinasyon sa pagbuo
ng larawan ng mito o
alamat.
2. Nailarawan ang disenyo
ng mito o alamat mula sa
imahinasyon sa
pamamagitan ng
cardboard printing.

3. Nagamit ang ibat-ibang


linya, hugis at tekstura
upang mabuo ang
larawang mito o alamat.

4. Naiayos at nalinis ang


lugar kung saan ginawa
ang likhang-sining.

5. Nakadarama ng
kasiyahan sa likhang-
sining.
PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Magbigay ng apat na halimbawa ng mitolohiya sa ating bansa.


a. _____________________________
b. _____________________________
c. _____________________________
d. _____________________________

2. Uri ng proseso o pamamaraan ng paglilimbag na ginamit sa iyong


likhang sining?
a. _____________________________

PAGPAPAHALAGA

Paano mo pinahahalagahan ang mga disenyong mitolohiya o mito ng


ating bansa?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang proseso sa paggawa ng paglilimbag.


_______ Lapatan ng acrycolor ang bahagi na nakaumbok sa cardboard sa
pamamagitan ng brush.
_______ Planuhin ang larawan ng disenyong nagustuhan mo.
_______ Ipatong ang puting papel sa bahaging may kulay; iangat at
patuyuin.
_______ Idikit ito sa kapirasong cardboard at ayusin ang larawan ng
disenyong nagustuhan mo ayon sa inyong nais.
_______ Sa isang pirasong cardboard, gupitin ang mga hugis at linya na
bubuo sa larawang nagustuhan.
SUSI SA PAGWAWASTO
isang kinulayang bagay.
pamamagitan ng pag-iwan ng isang bakas ng
3. Paglilimbag ay pansining na gawain sa
D 5. diin ang mga ito.
E 4. likhang-sining upang mabigyan ng emphasis o
B 3. magkakaiba na kulay, linya o hugis ng isang
A 2. 2. Contrast ay ang paggamit ng magkakasalungat o
na makikita sa isang obra.
C 1.
kulay, hugis, tekstura at iba pa na may kaibahan
likhang-sining. Ito ang paulit-ulit na disenyo,
Pagsubok magpakita o magparamdam ng paggalaw sa isang
Paunang 1. Rhythm o ritmo sa sining ay ginagamit upang
Balik Aral

2
3
5
1
4

Panapos na Pagsusulit

Copiaco, Hazel P. et al. Halinang Umawit at Gumuhit. Vibal Group, Inc.2016.


Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me. Missionbook Publishing, Inc. 2014.

Photo Source:
Jim Lloyd. Alamat ng Ibong Adarna. 2009.
https://buklat.blogspot.com/2009/09/alamat-ng-ibong-adarna.html

Madilumad. Kapre. Creatures, Asian Creatures, Jungle Creatures.


https://nonaliencreatures.fandom.com/wiki/Kapre?file=Kapre_by_madilumad.jpg

IBO63GAMOS. Bernardo Carpio. August 8, 2016


https://www.deviantart.com/ibo63gamos/art/bernardo-carpio-626808463
2. Cardboard printing
"Alamat ni Maria Makiling," Pinoy Collection.
marami pang iba.
Batangas History. A Forgotten Mariang Makiling Legend Set in Balayan, Batangas.
e. Sirena, Ibong Adarna at
July 24, 2019 https://www.batangashistory.date/2019/07/a-forgotten-mariang-
d. Kapre
makiling-legend-set-in-balayan-batangas.html
c. Bernardo Carpio
b. Maria Makiling
1. a. Si Malakas at si Maganda
maaring sagot:
Paglalahat

SANGGUNIAN
Rodsan18. Wikipedia, the free encyclopedia. Malakas and Maganda Emerging from
Bamboo BambooMan. August 10, 2007. Last edited December 25, 2009
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/f3/Malakas_and_Maganda_E
merging_from_Bamboo_BambooMan.jpg

You might also like