Filipino 3 Modyul II

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MODYUL II

KABANATA I:
WIKA: PAHAYAG NG BUDHI, SALAMIN NG LAHI

ARALIN:
1.4: Ang mga Barayti ng Wika
1.5: Baryason Ayon sa Uri

PANGKALAHATANG LAYUNIN:
Sa Kabanatang ito, inaasahang matatamo ng mag-aaral ang mga sumusunod;
Mabigyan ng malinaw na kahulugan ang mga barayti ng wika;
Matutukoy ang mga gamit ng barayti ng wika; at
Maibahagi sa kapwa mag-aaral ang kaalaman sa mga barayti ng wika.

SANGGUNIAN:
Garcia, Lakandupil C.2010. Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino(Ika-3 Edisyon). Malabon City: Jimcyzville
Publishing House.

Elektronikong Sanggunian:
Barayti ng wika (slideshare.net)
https://www.slideshare.net/REGie3/barayti-ng-wika-116585802
https://www.slideshare.net/MoroniChavez/kahulugan-ng-dayalek-at-idyolek-63483580

TALAKAYAN

MGA BARAYTI NG WIKA


“Mga barayti ng wika’y mahalagang matutuhan
Makatutulong ito upang tayo’y higit na magkaunawaan.”

ALAM MO BA?
Ang wika ay namamatay o nawawala rin. Mangyari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang
pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na dating gumagamit nito.
Maaari ding namatay ang wika kapag marami nang tao ang nandyuhan sa isang lugar at napalitan na
ang salitang dala nila ang mga dating salita sa lugar.
Minsan nama’y may mga bagong salitang umusbong para sa isang bagay na higit na ginagamit ng mga
tao kaya’t kalaunay nawawala o namamatay ang orihinal na salita para rito.
Ilan sa mga salitang Filipino na nawala:
alimpuyok - amoy o singaw ng kaning sunog

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


anluwage - karpintero
awangan - walang hanggan
hidhid - maramot
hudhod - ihaplos
salakat - pagkrus ng mga binti
sipnayan - matematika

Homogenous at Heterogenous na Wika


homogenous – ito ang pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika
heterogenous – ito ang pagkaiba-iba ng wika sanhi ng iba’t iabng salin-lipunan tulad ng edad,
hanapbuhay, antas ng pinag-aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag
ding etnolingguwistikong komunidad.

MGA BARAYTI NG WIKA


I. DAYALEKTO
Tinatawag itong wikain, lalawiganin o dayalek.
Varyant lamang ito ng isang malaking wika.
Mas maliit at limitado ang saklaw nito gayundin ay kaunti ang gumagamit kumapara sa wika.
Madalas na nakabatay ito sa heograpiya/maliit na lugar. May mutual intelligibility ito.
Nangangahulugang kapag may dalawang taong nag-uusap, kahit magkaiba sila ng lugar na kinalikhan
subalit nagkakaintindigan, diyalekto ang gamit nila bilang midyum ng usapan.
Halimbawa:
Ang isang bisayang nagsasalita ngTagalog o Filipino ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng
mga leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamangTagalog at Bisaya na tinatawag ding “TagBis”.
Pinapalitan ang panlaping “um” ng “mag”
▪ MAGkain tayo sa mall- (Tagalog- Bisaya)
▪ “kUMain tayo sa mall- (Tagalog sa Maynila)

Ilang bokabularyo na ginagamit ng taong parehong nagsasalita ng isang wika:


Tagalog sa Rizal Tagalog sa Teresa, Morong, Cordona at Baras
palitaw diladila
mongo balatong
ate kaka
lola amba
timba sintang
latek kalamay hati
May mga pagkakahawig din ang baybay at tunog ng mga salita sa isang diyalekto. Madalas na
pinagsimulan din ito ng Stereotyping o pagkakahon sa isang tao batay sa lugar na pinaggalingan
Sinasabi rin na halata ang punto ng isang taong nasanay ang dila sa diyalektong kanyang gamit sa pang-
araw-araw sa buhay. Kung gayon, diyalekto ang Pangasinan-Lingayen, Pangasinan-Dagupan,
Pangasinan-Pozorobio, Pangasinan-Labrador. Subalit sa pangkalahatan wika ang Pangasinan.
Kapag hinati-hati ang Bikol sa mga subkategorya, nagiging diyalekto ng taguri ito.

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


Madalas magkaiba ang isang diyalekto sa kapwa diyaleto sa tatlong aspeto: Pagbigkas, Gramatika at
Bokabularyo.

Tatlong Uri ng Dayalek [Curtis Mc Farland]


A. DAYALEK NANG SOSYAL.
Ito ay naiiba sa heograpikal na dayalek dahil ito ay ginagamit nang iba’t ibang uri nang tao sa lipunan.
Ang isang taong kabilang sa isang pangkat ay may ibang pananalita kumpara sa iba na mula sa ibang
uri nang lipunan kahit na sila ay nasa iisang lugar.
Tinatawag na dayalek ang mga pagkakaiba-iba sa loob ng wika at Jargon o Register naman ang tawas
sa mga salitang lumilitaw sa mga pangkat na propesyunal o sosyal na bunga ng trabaho o kaya’y
gawain sa isang grupo.
Kaya masasabi natin na may sariling salita ang mga mangingisda na iba sa mga doktor at mga pulitiko.
Sa mga naglalaro nang bilyar ay may nabubuo ring wika na ikinaiiba sa mga naglalaro ng golf.
Halimbawa ng Dayalek na Sosyal
Narito ang ilan sa mga halimbawa nang salitang
Tagalog- Batangas na nauunawaan din ng mga taga- ibang rehiyon
Batangas -galong, abuhan, kalibkib, kibal, bayuhan, mabanas, busilig, tubal, binangi, bilot, matamis,
apuyan, lagyi, lukban, tingni, sinturis
Tagalog -banga, asuhan, kopras, sitaw, kiskisan, maalinsangan, mata, maruming damit, inihaw, tuta,
asukal atbp.
B.DISKRETONG DAYALEK.
Masasabing ito ay hiwalay sa ibang dayalekto dulot iyo ng heograpikong lokasyon at pagiging
“distinct” na dayalekto.
Halimbawa nito ang Tagalog- Marinduque na hindi maikakaila na malayo ang sa ibang dayalektong
Tagalog.
C. DAYALEKTIKAL NA VARYASYON.
Ang pokus dito ay pagbabahagi ng salita o distribusyon ng ilang salita,aksent at pagbigkas ng wika sa
loob nang isang ‘languare area’. Halimbawa, katulad ng wikang Tagalog sa Laguna, wikang Tagalog sa
Cavite at wikang Tagalog sa Batangas

II. IDYOLEK
Ito ay ang varayti ng wikang may kaugnayan sa personal na abilidad ng tagapagsalita; ang
varayti ng wikang ginagamit ng isang partikular na indibidwal. Ito rin ay ang indibidwal na paggamit ng
isang tao sa isang wika.
Tulad halimbawa na pagkakaiba ng bawat indibidwal ng ‘finger prints’. Bilang panlahat, ang
idyolek ang pangkalahatang katipunan ng mga linggwistikang pekyularidad ng isang tao. Ang
partikular na balangkas ng istraktura at semantika ng bawat idyolek ay nabubuo, naaapektuhan at
idinidikta ng lugar na kung saan siya pinadpad ng tadhana o kapalaran.
Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa
pamamahayag at pananalita.

Halimbawa:

Ilang mga kilalang gumagamit ng Idyolek

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


 “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
 “Hoy Gising” – Ted Failon
 “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
 “Di umano’y -” – Jessica Soho
 “To the highest level na talaga itooh!” – Ruffa Mae Quinto
 “Anak, paki-expalin. Labyu” – Donya Ina [Micahael V.]
 Marc Clogan – kilala sa paggamit ng makatutugmang salita sa mga nakakatawang pahayag.
 Pabebe Girls – nakilala at ginaya nang marami sa nausong dub smash/tiktok dahil sa kanilang
“pabebeng” idyolek.

III. SOSYOLEK
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.
Kapansi- pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian tulad ng
kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp.
Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hind; ng babae o sa lalaki; ng matanda sa mga
kabataan; ng may kaya sa mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba pang pangkat.
Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng
isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito
batay sa kaniang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
Mga Sosyolek na Wika
1. Wika ng Beki o Gay Lingo
Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman
binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
Halimbawa:
churchchill- sosyal
Indiana Jones- nang- indyan
bigalou- Malaki
Givenchy- pahingi
Juli Andrew- Mahuli
2. Coñoc (Coñoctic o Conyospeak)
Ito isang baryant ngTaglish na may ilang salitang Ingles na I nihalo sa Filipino kaya’t masasabing code
switching na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang may kaya at nakapag-aral sa eksklusibong paaralan.
Halimabawa:
Kaibigan A: Let’s make kain na.
Kaibigan B: Wait lang. I’m calling Ana.
3. JOLOGS 0 “JEJEMON”
Ito ay nagmula saltang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang
Hapon na”pokemon”.
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghaha- halong
numero, simbolo, at Malaki at maliit na titik kayat mahirap o intindihin lalo na hindi pamilyar ang
tinatawag na jejetyping.
Halimbawa:
“D2 na me’ – “nandito na ako”
MuZtaH – “Kamusta?”

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


iMisqcKyuH – “I miss you”
aQcKuHh iT2h – “Ako ito”
4. JARGON
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang
trabaho o gawain.
Halimbawa:
Exhibit, Appeal, Compliant (Abogado)

IV. ETNOLEK
Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.
Halimbawa:
Vakkul- Pantakip sa ulo
Bulanon- full moon
Kalipay- tuwa o ligaya
Palangga- mahal o minamahal

V. REGISTER
Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit
niya sa sitwasyon at sa kausap.
Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may
mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya masyadong kakilala.
Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba
o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp.
Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan, malalapit na pamilya,
mga kaklase, o mga kasing edad, at matagalna kakilala.
kuha mula sa Barayti ng wika (slideshare.net)

VI. PIDGIN at CREOLE


kuha mula: (1) SAFE Wikapedians 2019-2020 | Facebook

PIDGIN – ito ay barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binasagang “nobody’s
language” ng mga dayuhan.
- Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang
wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-
shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
halimbawa:
Ako bili pagkaib – Ako ay bibili ng pagkain
Ako kita ganda babae – Nakakita ako ng magandang babae.
Kayo bili alak akin. – kayo na ang bumuli ng alak para sa akin.
Ako tinda damit maganda – Ang panindang damit ko ay maganda.
Suki ikaw bili akin ako bigay diskwant – Suki, bumili ka na sa paninda ko bibigyan kita
ng diskawnt.
Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag- usap subalit pareho silang may magkaibang
unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t- isa.

CREOLE – ito naman ang mga barayti ng wika na na-debelop dahil sa mga pinaghalo-halong
salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
particular na lugar.
Halimbawa rito ay pinaghalong salita ng Tagalog at espanyol (ang Chavacano), halong Arican
at Espansyon (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese)

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika


PAGSASANAY

Panuto: Ilagay ang kasagutan sa long coupon band lamang.

Isulat ang iyong pangalan at kurso, at ang petsa ng pagsumite.

[Ang pagsusumite ng kasagutan ay sa Abril 7, 2021.]

GAWAIN BILANG 1
A. Magsaliksik nang hindi kukulangin sa labin-limang(15) mga salitang Filipino na hindi na
ginagamit/nawala na, at ibigay ang salitang pumalit.

B. Saliksikin ang mga katumbas na balbal na salita ang mga sumusunod:


gumala
kumain
ama
mahirap
mali
barkada
katulong(kasambahay)
pulis
kasintahan
hindi kagandahan
kotse
talo
hingin ng libre
guwardiya
kapatid na lalaki

C. Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at igalang ng isang tao ang iba’t-ibang barayti ng
wikang ginagamit ng iba’t ibang tao sa kanyang paligid? Ipaliwanag sa sariling pangungusap.

Filipino 3: Barayti at Baryasyon ng Wika

You might also like