Written Reports Mula Pangkat 1 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 51

LAYUNIN:

1. Maunawaan ang kahulugan ng balita at ang pamatnubay nito. Maging ang pagwawasto at pag-
uulo ng balita.

2. Magkaroon ng kaalaman, disiplina at kakayahan makabuo at makaggawa ng balita, pamatnubay,


pagwawasto at pag-uulo.

ANG BALITA AT ANG PAMATNUBAY NITO


Ang balita ay nagsasalaysay ng mga pang araw-araw na pangyagari na maaaring makaapekto saatin at
mga bagay na kailangan natin malaman mapa politikal man, mga aksidente at maging mga balitang pang
aliw.

Mayroong mga Paraan na maaaring magamit sa pagbabalita:

1. Pasalita - sa ganitong paraan maaari nating maging midyum ay ang radyo at TV na kadalasan mayroon
tayo saating tahanan

2. Pasulat - ito ay ang paglilimbag sa iba't ibang uri ng babasahin. Makakatagpo ka rin nito kahit saan
higit saating paaralan ahil isa ito sa mga paraan ng karaniwang pagbibigay balita sa ating eskwelahan.

3. Pampaningin - ito naman ang mga ating napapanood.

Mga katangian:
Ano-ano nga ba ang dapat taglayin ng isang balita.
• Ang balita ay dapat payak o simple - tumbukin ang nais mong iparating. Hindi nakailangan
pang paikutin ang impormasyon

• Ito rin ay dapat sariwa at bago - laging isaalang alang ang pagiging bago ng balita

• Dapat ay napapanahon - kung ano ang kasalukuyang pangyayari o pinag-uusapan ganon din
dapat ang iyong ibabalita.

• Walang kinikilingan - Mahalaga ang pagiging tapat sa pagbibigay ng balita walang pinipili lahat
ay pantay pantay

• Makatotohanan - Ang isang balita ay dapat hindi lamang gawa gawa

Mahalagang mayroong balita, dahil ang balita ay nakatutulong upang:

• Tayo ay makakalap ng impormasyon at makapagbigay impormasyon saatin.

• Maaaring magturo saakin ng mga bagay na hindi pa natin alam.


• Ito rin ay nagbibigay aliw sa atin.

• Nagsasalaysay din ito ng mga pagbabago sa ating lipunan.

Maging ang mga balita ay may sangkap din.

1. Kapanahunan- kagaya ng nakasaad sa itaas ay mahalaga ang ang pagiging bago ng balita sapag mas
interesado makinig o manood ang mga tao kung ito ay bago.

2. Kalapitan- Ang mga tao ay interesado kung ang balita ay may kinalaman sa kanilang kapaligiran.

3. Kabantugan- kung may mga kilalang tao na kasangkot sa balita

4. katatwahan o kaibahan- Gusto din ng mga tao ang mga di pangkaraniwang balitang kanilang
naririnig.

5. Tunggalian - Ang balita ay maaring tumukoy sa iba't ibang problemang ating kinakaharap.

6. Makataong kawilihan - Mayroon itong layuning pukawin ang ating emosyon.

7. Romansa at pakikipagsapalaran - Hindi lamang mga sikat na personalidad ang nilalahok aa balita
kundi maging mga ordinaryong tao rin na may mga kawili wiling nagagawa.

8. Pagbabago at kaunlaran- Nagsasaad din ito ng mga pagbabago sa iyong kapaligiran kagaya ng sa
kalsada, gusali atbp.

URI NG BALITA

A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos

1. Tuwirang Balita -Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng


kombensyonal o kabuurang pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain- Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng
makabagong pamatnubay

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan

1. Lokal na Balita -Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o


tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.
a. Pambarangay
b. Panlalawigan
c. Pambayan
d. Panrehiyon
e. Panlunsod
f. Pambansa

2 Balitang Pang-ibang bansa

C. Ayon sa Nilalaman

1. Pang-agham at teknolohiya
2. Pangkaunlarang Komunikasyon
3. Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkunan

1. Batay sa aksyon -Ang manunulat/mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng


aksyon o pangyayari.
2. Bataysa Tala -Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng
pulisya, ospital at iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati -Kung ang pinagkukunan ng datos ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam -Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam
sa mga taong sangkot o may alam sa pangyayari.

E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina

1. Balitang may iisang tala -Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.


2. May maraming talang itinampok. Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa
iisang araw at halos magkaparehong oras.
3. Balitang kinipil -Balitang pinaikli nalamang dahil sa kawalan ng espasyyo.
4. Dagliang Balita -Pahabol na balita na dahil kawalan ng espasyo ay nilagyan na lamang ng
salitang flash at kasunod nito ang isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang Pangkatnig -Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa kaugnay na
pangunahing balita.
6. Bulitin -Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na
nakākahon at nasa tipong margin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

1. Balitang pamukaw-kawilihan -Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop


na umaantig sa damdamin ng mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan -Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, saligan,
katauhan, katauhan ng mga pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.

ANG PAMATNUBAY
Ang pamatnubay ay ang pinakamahalagang bahagi ng isang balita. Sa panahon ngayon ay napakarami
ng maaring mapagkuhanan ng impormasyon gaya na lamang ng telebisyon, internet o pahayagan. Ang
mga mambabasa sa ngayon ay hindi na binibigyang pansin ang unang talata ng isang pahayagan o kahit
ang panngungusap nito maliban na lamang kung mapupukaw nila ang kanilang interes rito kaya
mangyayari lamang ito kung mayroong maganda at malinaw na nilalaman ang pamatnubay sapagkat ang
bahaging ito ay ang nagbibigay sa mga mambabasa ng pinakamalinaw na impormasyon na nararapat na
nasa kawiliwiling paraan, maigsi at mayroong malinaw na impormasyon. Dahil ang bahaging ito rin ay
nagtataguyod ng direksyon at boses ng isang artikulo. Dagdag pa ang pamatnubay ay ang nagsisilbi bilang
pang-akit sa mga mambabasa.

Sa pagsulat ng patnubay nararapat na ito ay simple lamang at iwasan ang paggamit ng kumplikadong
wika o labis na mga salita. Mahalaga na tinataglay sa pagsusulat ng patnubay ang katumpakan na kung
saan nararapat na ito ay tama at totoo, ikalawa ang kaiklian sapagkat nais malaman ng mga mambabasa
kung bakit mahalaga sa kanila ang kwento at hindi sila maghihintay ng matagal para sa sagot. Ang mga
pamatnubay ay madalas na isang pangungusap, kung minsan dalawa. Pangkalahatan, ang mga ito ay 25
hanggang 30 salita at dapat bihirang maging higit sa 40.Ikatlo ay nararapat din nagtataglay ito ng
kalinawan, ang mga pandiwa o salitang kilos ay magiging malaki ang tulong sa pamatnubay upang ito ay
maging kawili-wili.

MGA URI NG PAMANUTBAY


1. Kombensyonal o Kabuurang Pamatnubay
• Ito ay sumasagot sa tanong na Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano. Nararapat na ang balita
ay inilalahad sa baligtad na piramide ito ay ang ay isang talinghaga na ginagamit ng mga
mamamahayag at iba pang mga manunulat upang ilarawan kung paano dapat unahin at
buuin ang impormasyon sa tuluyan. Ito ay isang pangkaraniwang pamamaraan para sa
pagsusulat ng mga balita at may malawak na kakayahang umangkop sa iba pang mga uri
ng teksto, tulad ng mga blog, mga haligi ng editorial.
• Halimbawa:
Digong aalis na sa puwesto ,
DDS umalma

Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatubay


• Pamatnubay na Ano – Nagsasaad ito kapag ang balita ay pangyayari Halimbawa:
Malakas na bagyo tumama sa lugar ng Pateros, nagdulot ng mataas na pagbaha.

• Pamatnubay na Sino – Sa bahaging ito ay mas binibigyang pansin ang tao o oraganisyon
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep.Rodolfo Agbayani,kasapi ng LDP ang
kaniyang pirma sa impeachment complain na inihain ng oposisyon
kahapon, matapos itong katayin sa komite

• Pamatnubay na Saan – Nakasaad sa bahaging ito na mas mahalaga ang pagtukoy sa lugar
kaysa sa pangyayari.
Halimbawa: Sa Pateros Metro Manila nagaganap ang balut festival,
dahil ang lugar na ito ay kilala na balut country.

• Pamatnubay na Kailan – Ito ang uri ng pamatnubay na hindi masyadong nagagamit


sapagkat ginagamit lamang ito kung mas mahalaga ang petsa kaysa sa pangyayari.
Halimbawa: Hanggang sa Disyembre 13, 2020, klase ng mag-aaral sa kolehiyo

• Pamatnubay na Bakit – Nakasaad sa bahaging ito ang pinakamahalagang pangyayari ito


ay ang dahilan o sanhi.
Halimbawa: Upang maayos at madaling mauunawaan ng mga mag-aaral ang itinituro ng
Guro, mahalaga na gumamit siya ng estratehiya na kung saan magiging malaking tulong
sa kaalaman ng mag-aaral.

• Pamatnubay na Paano: Sa bahaging ito itinatampok ang kaparaanan ng pangyayari.


Halimbawa: Nagpanggap na doktor, isang lalaki ang tumangay ng bata sa loob ng ospital
at nagnakaw pa ng ibang gamit sa pasyente sa lugar ng Pasig.
Sa paglalagay ng kumbensyonal na pamatnubay mahalaga na isinasaalangalang natin
kung ano ba ang mahalagang anggulo ang dapat itampok. May pagkakataon na parehong
matimbang ang Ano at Sino ngunit, mas mahalaga rito ano Sino dahil tao ang
binabanggit, kaysa sa Anon a bagay ang itinatampok.

2. Di-kumbensyonal na pamatnubay - Ang balitang lathalain ang gumagamit ng pamatnubay na ito.


Inilalahad dito ang intensyon ng pagpupunyagi ng manunulat sa pagpapakilala ng kanyang balita sa
paraang naiiba.

Ang Makabagong Pamatnubay


Ang Makabagong Pamatnubay ay ginagamit sa lathalaing balita at hindi naman ginagamit sa
tuwirang balita. Kapag isusulat ito ay nararapat na makapukaw pansin upang makaakit ng mga
mambabasa, dapat rin ay simple lamang at hindi gumagamit labis na wika o mga salita. Ang pandiwa ay
may malaking papel na ginagampanan sa makabagong pamatnubay sapagkat ito ang magbibigay kulay
rito.

Narito ang mg Uri ng Makabagong Pamatnubay


• Una ay Patanong na pamatnubay ito ay isang batayan na ginagamit upang maging
malinaw sa mga mambabasa ang paksa sa papamagitan ng pagbibigay ng kasugatan dito.
Halimbawa: Sino ang kaya ang tatakbong senador sa halalan 2022? Ito ay malalaman
natin pagdating sa araw ng botohan.
• Ang Siniping Sinabi na Pamatnubay ay ginagamit tungkol sa sinabi ng isang tao o akdang
sinipi.
Halimbawa: "Malaki ang magagawa ng pagkakaisa"
Binigyang diin ito Gng. Ana Santos ang punong Guro ng PNHS sa pulong ng mga Guro
at magulang tungkol sa pagsubo ng pinagbabawal na gamot.
• Ang Paglalarawang Pamatnubay ay ginagamit upang makaintal ng isang malinaw na
larawan sa mga mambabasa.
Halimbawa: Puting-puti ang kasuotan, tangan ang diploma, ang 800 na nagsipagtapos ay
masayang nagmartsang pababa ng entablado habang tinutogtog ang rondalya ang Aida
March.
• Ang Pamatnubay na Isang Salita ay paraang pagsisimula sa makatawag pansin na salita,
maaring paglalarawan ng tao ginagamit ito upang makaintal ng isang malinaw na larawan
sa mga mababasa.
Halimbawa:
SUGOD!
Ito ang utos ni G. Orencio Romero sa mga batang iskawt nang tangkain nilang akyatin
ang Bundok Arayat.
• Ang Pamatnubay na Panggulat ay ginagamitan ng pariralang panggulat sa
panimula.Ginagamit ito sa tala kung ito ay lubhang mahalaga, nakagugulat, nakasisindak
o nakagugulantang.
Halimbawa:
KAMPEON ANG NSPC
Nagwaging muli ang dakoy sa pambansang paligsahan na hinanap sa Isabela nang ito ay
napiling pinakamgaling na pahayagang pang-elementarya.
• Ang Pamatnubay na Paghahambing ay sinisimulan sa isang pagkukumpa4a na ng isang
lathalain
Halimbawa:
Higit na mas marami ngayon ang nakapasa sa Neat kaysa noong isang taon.

• Ang Kasabihang Pamatnubay ay ginagamitan ng mga kilakang kawikaan o taludtod.


Halimbawa:
"Kung gaano ang ama, ganoon din ang ama
Si Juan Dela Cruz isang binatang katatapos lamang sa pag-aaral ng abogasya, naguna
siya sa pagsusulit gaya siya ng kaniyang ama noong 1987 bar examination

• Ang Pamatnubay na Sanligan ay mas nagbibigay ng pokus sa lugar o sa pook na


pinangyarihan kaysa sa tao at naglalarawan ito sa pangyayari.
Halimbawa:
Ang Mababang Paaralan sa Benitez ay mistulang munting karnabal noong sabado nang
nagfiwang ng ikawalumput limang taong pagkatatag.
PAGWAWASTO AT PAG-UULO NG BALITA

Mga Pananda sa Pagwawasto ng Kopya


Pagbibiilang ng Yunit

Pag-uulo ng Balita
Ang ulo ng balita ay ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa teksto o
katawan nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulo ng Balita

1. Basahin ang istorya upang makuha ang pangkalahatang kaisipan.

2. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag-uulo.

3. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay karaniwang nasa patnubay

4. Gamitin ang pinakaikling mga salita sa pag-uulo.

5. Gamitin lamang ang tuldok – padamdam kung kinakailangan.

6. Iwasan ang nagbanggaang ulo o dalawang ulo ng balitang magkalinya at may magkasinlaking tipo.

7. Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng balita.

8. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita. Simulan ito sa simuno at huwag sa pandiwa.

9. Maglagay ng kuwit sa dulo ng simuno bilang pamalit sa ay.

10. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa panimula.

11. Huwag paghiwalayin ang mga tambalan o mga salitang magkaugnay.

12. Gamitan ang kuwit, bilang pamalit sa at.

13. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi lamang.Ngunit kung ang
pinagkunan nito ay ibinigay, huwag nang lagyan ng panipi. Lagyan na lamang ng gatlang ang huling
titik ng ulo at ibigay ang apelyido o dinaglat na pangalan ng kilalang taong nagsabi.

14. Ang unang titik lamang ng ulo at ng mga tanging pangalan ang ilimbag sa malaking titik.

15. Gamitin lamang ang mga kilalang daglat tulad halimbawa ng RP para sa Republika ng Pilipinas, Pnoy
para kay Pres. Aquino at iba pa.

16. Huwag magtapos sa pang-angkop, pantukoy o pang-ugnay sa dulo ng unang linya.

17. Huwag bumanggit ng pangalan maliban kung tao ay kilala.

18. Iwasan ang opinyon sa ulo ng balita.

19. Iwasan ang masaklaw ng pagpapahayag.

20. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.

21. Gumamit ng mabisa at makatawag-pansing pandiwa.

22. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol sa layon nito.

Pamamaraan sa pagsulat ng ulo ng balita


• Pagkatapos makabuo ng ideya para sa ulo ng balita, ang kasunod na hakbang na gagawin ng
editor ng kopya kung paano ito pagkasyahin sa nakalaang espasyo sa pahina.
• Upang maisagwa ito ito, kailangan magbigay ng tagubilin sa tagapag-anyo kung anong tipo ng
pagkasulat ang ilalapat sa teksto at kung paano ito isasaayos sa pahina.
Halimbawa: 3-20TNR
• Ang unang bilang na 3 ay para sa uo ng balita ng balita na pagkasyahin sa tatlong kolum sa
pahina. Ang bilang na 20 ay ang laki ng tipo ng titik na gagamitin. Ang TNR naman ay para sa
Times Neww Roman, ang tipo ng titik na gagamitin ay B na nangangahugang bold o maitim na
tipo ng titik.
• Ang dalawang linya sa ibaba ay tumutukoy sa bilang ng dek o linya ng ulo ng balita kung
lalagyan ng kiker o panimulang ulo ang balita, Lalagyan lamang ng bar pagkatapos ng B at ilagay
ang salitang kiker.

Halimbawa. 3-20 TNRB/Kiker

Ang pampaaralang pahayagang tabloid na may sukat na 12” x 8” ay magtataglay ng limang kolum na ang
bawat sukat ay 12 ems o dalawang pulgada.

Mga Anyo ng Ulo ng Balita


1. Pantay Kaliwa - ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay ng unang
titik sa kaliwa.

Halimbawa:

20 miyembro ng Tau Gamma


kinasuhan na

2. Pantay Kanan - ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay ng mga
hulihang titik sa kanan.

Halimbawa:

4 mangingisdang Pinoy iniligtas


ng Chinese ship sa Palawan

3. Dropline - binubuo ito ng dalawa o mahigit pang linya na ang mga kasunod na linya ay may palugit sa
bawat linyang sinundan.

Halimbawa:

Algieri wala pang desisyon


kung lalabanan si Pacquiao

4. Hanging Indention - binubuo ito ng mahigit dalawang linya kung saan ang mga kasunod sa unang
linya ay may pantay na palugit.

Halimbawa:
Ex-Makati Vice Mayor
pinagbabayad ng P1-M

VP Binay wagi sa kaso

5. Baligtad na piramide - ito ay binubuo ng dalawa o higit pang linyag iniayos na parang piramide.

Halimbawa:

CIDG pinabulaanan ang 'suicide'


ni Deniece Cornejo

6. Crossline o Barline - ito ay iang linyang ulo ng balita na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong
kolum.

Halimbawa:

Global award ng WB, ipinangalan sa Pinoy

7. Flushline o full line- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang magkasinghabang linyang pantay sa kanan
o kaliwa.

Halimbawa:

Pamamaril sa dating PTA chief,


kinondena ni VP Jejomar Binay

SANGGUNIAN:
Bernal, R. (2018, Enero 7).PAGSULAT NG ULO NG BALITA. Nakuha sa:https://ww wfacebook
.com/not es/rene-bendal/pagsulat-ng-ulo-ng-balita/524889967888063/
Jung, J. (w.t.). Pagsulat ng Balita. Kuha sa: https://www.academia.edu/30574957/Pagsulat_ng_Balita

Bloch H. (2018) A good lead is everything — here’s how to write one. (2016, October 12).

Nakuha sa: https://training.npr.org/2016/10/12/leads-are-hard-heres-how-to-write-a-good-one/


Cesilliano, J. et.al. (2003)Sanayang Aklat Sa Pagwawasto Ng Sipi at Pag-uulo Ng Balita' 2003 Ed. (p.1).
kuha sa:https://books.google.com.ph/books?id=sHPj0sQvLaUC&printsec=f rontcover#v=onepage&q
&f=false

Krause M. (2019) How to write a lead: 10 dos, 10 don'ts, 10 good examples. (2020, June 18).

Nakuha sa :https://www.clearvoice.com/blog/the-dos-donts-of-writing-a-good-lead-according-to-
dearmegan/

Olama, S. (2020). Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Nakuha sa: https://www.academia.edu/10598407/


1_PAGWAWASTO_AT_PAG_UULO_NG_BALITA?
auto=download&email_work_card=downloadpaper
Saklauso M. (2015 Pagwawasto at Pag-uulo Ng Balita, Sipi, o Kopya Mila pagwawasto. (2015,
September 22). Nakuha sa: https://www.slideshare.net/MilaSaclauso/pagwawasto-at-paguulo-ng-
balitasipi-o-kopya-mila-pagwawasto

Inihanda Nina: Ipinasa kay:


Amarile, Clariz L. Bb. Alexandria Castillo

Blances, Patricia

Calisa, Catherine L.

Clitar, Alexandra Jewel S.

Daño, Clarisse D.

Mula Sa : Unang Pangkat.


Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

LAYUNIN:

1. Mabatid ang Pangulong Tudling at ang Kartung Pang- editoryal (kahulugan, katangian at
pagkakaiba)
2. Makapaglikha ng Kartung Pang-editoryal
3. Nakasusunod sa paraan at tuntunin sa pagsulat o paggawa ng pangulong tudling at kartung
pang-editoryal.

PAKSA:

“Ang Pangulong Tudling at Ang Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal

PAGTATALAKAY:

“PANGULONG TUDLING O EDITORYAL”

Ang Pangulong Tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay kaalaman, makapagpaniwala o makapaglibang sa
mga mambabasa. Tinatawag din ito na “Tinig ng Pahayagan”.

Bahagi ng Pangulong Tudling

1) Panimula- kung saan binabanggit ang isyung tatalakayin at karaniwang napapanahon o


tumutukoy sa kalagayan ng lipunan. Makikita sa panimula ang:

a) Balitang batayan (newspeg) o ipotesis (hyphothesis)

b) Reaksyon sa balitang batayan o sa ipotesis

2) Katawan ng Editoryal- dito naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban o sang-
ayon sa paksa.
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

- kung saan nagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro ang pahayagan sa pamamagitan ng


pagpapaliwanag o paglalahad ng isyu sa paraang madaling maunawaan at malinaw para sa mga
mambabasa.

3) Pangwakas o Konklusyon- naglalaman ng pagpapatibay sa kuro-kuro, mga tagubilin o mga


mungkahi.

- nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal. Maaari itong maglagom o magbigay diin sa kaisipang
tinatalakay.

Uri ng Pangulong Tudling

1) Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial Information)- ipinaaalam ang isang pangyayari


na may layong magbigay-diin ang kahalagahang iyon o magbigyang linaw ang ilang kalituhang
bunga ng pangyayari. Hal: Ano ang COVID-19?

- hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas na pasya o kuro-kuro, hindi tumutuligsa o


nakikipagtalo sapagkat ang tanging layunin ng uri na ito ay magkibay lamang ng kabatiran sa
mga mambabasa.

2) Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)- nagpapaliwanag ng


kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring napabalita o ng isang kasalukuyang ideya,
kalagayan o katayuan. Hal: Ano ang maidudulot ng COVID-19 sa mga mamamayan?

- binibigyang katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa
pangyayari. Kung minsan, ito’y nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.

3) Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation)- hikayatin ang


mambabasa na pumanig sa kaniyang ideya o paniniwala. Hal: tama ang sinasabi ng WHO na
nakamamatay ang nasabing virus, kaya kailangan na mag-ingat ang lahat.
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

4) Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Critism)- tinatalakay ang mabuti at


masamang katangian ng isyu. Hal: Ang Diborsyo: Makabubuti ba o Makapipinsala?

5) Pangulong Tudling na Nanghihikayat (Editorial of Persuasion)- binibigyang-diin ang


mabisang panghihikayat. Hal: Panukalang Batas laban sa Diborsyo, suportahan.

6) Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri (Editorial of Appreciation.


Commendation or Tribute)- pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa,
nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa na maaring may nagawang
pambihirang kabutihan o sa isang bayani bilang pagpupugay sa araw ng kaniyang
kapanganakano kamatayan. Hal: Mga pagkain at medical supplies, inihandog para sa mga
frontliners.

7) Pangulong Tudling na nagppahayag ng Natatanging Araw (Editorial of Special


Occasion)may kalakip ding pagpapakahulugan, may ibinubukod bilang isang natatanging uri.
Dito ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga natatanging okasyon. Hal: Pasko, Bagong Taon,
Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika o Linggo ng Pag-iiwas sa Sunog (Fire
Prevention)

8) Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)- hindi karaniwang


isinusulat at bihirang malathala sa mga pahinang pang-editorial sapagkat ang layunin ay
maglibang.
Isinusulat sa paraang Di-pormal, masaya, minsa’y sentimental at karaniwang maikli lamang. Hal:
Bagong moda sa kasuotan, Mga lalaking nakahikaw

9) Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)- bihira ding isinusulat


ito. Kalimitang pinapaksa ay kalikasan Nagpapahayag ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo, hindi
nagpapaliwanag. Hal: Isang takipsilim, isang maya ang dumapo sa isang sanga. Ito’y humuni ng
isang napakalambing na sonata. Pagkatapos, ito’y tuluyan ng natulog.
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

-nagbibigay ito ng inspirasyon sa isang mamamahayag upang sumulat ng isang editoryal kung
saan paglalarawan ang kaniyang ginamit na pamamaraan. Ito’y winakasan niya ng isang
paghahambing kung saan niya pinagtulad ang tao at ang mga hayop na kapwa naghahangad ng
katahimikan at mapayapang pagtulog paglipas ng isang pagal na maghapon.

10) Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)- ito’y sinusulat ng lupon ng mga
patnugot sa iba’t ibang paaralan at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan.
Hal: Pagtaas ng Matrikula, Huwag Pairalin.
11) Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)- ang layner ay isang
pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita. Nasusulat
sa paraang masaya, mapanukso, o di-pormal batay sa kung ano ang hinihingi ng paksa. Nalalagay
sa katapusan ng tudling pang-editorial. Kung minsan ay hindi ito sarili ng sumulat, kundi
pangungusap ng isang dakilang tao. Hal: Isang mahalagang pangungusap ng Pangulo ng Bansa,
pangungusap ng bayani na angkop sa isang kalagayan ng bansa, siniping kawikaan na angkop sa
isang kalagaya, matalinghagang pangungusap na may kaugnayan sa isang kalagayan o
pangyayari o isang palasak na kasabihang may ipinahihiwatig na aral.

Tuntunin o Paraan at Paghahanda sa Pagsulat ng Pangulong Tudling

1) Magkaroon ng kawili-wiling panimula ng maikli lamang upang akitin ang mambabasa.


2) Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mgakatibayan nang maayos
at malinaw.
3) Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay: 1) gumamit ng mga
halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula, 2) gumamit ng paghahambing at
pagiiba-iba, 3) gumamit ng magkatulad na kalagayan at 4) banggitin ang pinagmulan ng mga
inilalahad na kalagayan.
4) Tapusin ng naangkop.
5) Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at wakas. Paraan sa pagsulat ng
Panimula:
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

 Pagtatanong
Halimbawa: Ano ang nangyari tungkol sa pinalabas na palibot liham (circular) ng DECS na
nagbabawal sa pagtaas ng matrikula?

 Payak na paglalahad ng paksa

Halimbawa: Nagbabalak nanaman ang pamahalaan upang humiram ng pera sa ibang bansa.
Napapanahon na upang tayo’y sumalungat sa binabalak ng Pangulo.

 Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may kaugnayan sa paksa

Halimbawa: Masigla at maayos ang mock election na idinaos ng kagawaran ng araling


panlipunan noong Oktubre 14 bilang paghahanda sa darating ng pambansang halalan na
gaganapin sa Enero 20.

 Pagsipi

Halimbawa: At sinabi ng Panginoon kay Cain “Saan naroroon si Abel na iyong kapatid?”

At sinagot niya, “Aywan ko; ako ba’y tagapagbantay sa aking kapatid”

 Kapansin-pansing panimula

Halimbawa: Ganitong araw rin, labing-walong taon na ang nakakaraan nang ang mga
sibilyanbata, matanda, babae, lalaki, madre at pari ay nagsama-sama sa EDSA at sa pamamagitan
ng pag-aalay ng mga bulaklak at ng pagrorosaryo ay naibagsak nila ang isang mapanghimagsik
na Pangulo.

6) Gawing maikli lamang.


7) Huwag mangaral o magsermon (No Preaching) Ilahad lamang ang katuwiran at hayaan ang
mga mambabasa ang gumawa ng sariling pagpapasya.
8) Sundin ang paraan ng mabisang pagsulat
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

 Kaisahan (unity)
 Linaw (clarity)
 Pagkakaugnay-ugnay (coherence)
 Diin (emphasis)

9) Iwasan ang isahang panauhan isahang panghalip. Gamitin ang editorial na “tayo” (editorial
“we”).
10) Sulatin ng payak lamang.

“Ang Kuro-kurong Tudling o Editorial Column”

Isang palagiang babasahin sa pahina ng pangulong tudling ay ang kuro-kurong tudling o ang
tudling pang-editoryal. Sa ibang seksyon ng pahayagan ay mababasa ang tudling pampalaruan o
pampalakasan (sports column), tudling para sa kapalitang-pahayagan (exchange column), tudling
panglathalain (features column) at tudling pampanitikan (literary column).

Katuturan ng Tudling/Kolum

Ito ay isang palagiang lathalain sa pahayagan na nagtataglay ng palagiang pamagat (kagaya ng


Point of Order ni Joe Guevarra) at kadalasang hindi nagbabago ng lugar sa pahina sa bawat isyu.

Katuturan ng Kuru-kurung Tudling (Editorial Column)

Ang kuru-kurong tudling ay isang pitak na naglalaman ng kuru-kuro; ideya, opinyon o


paninindigan ng manunudling (columnist) sa isang paraang kawili-wili tungkol sa iba’t ibang
paksa. Sariling opinyon ito ng manunudling, di tulad ng pangulong tudling na opinyon o
paninindigan ng buong patnugutan.

Katangian ng Kuru-kurong Tudling

1) Napapanahon (timely)
2) Tulad ng pangulong tudling, ito’y may balitang batayan (News Peg)
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

3) Nasusulat ayon sa istilo ng pagsulat ng manunudling


4) Karaniwangnanunuligsa; paminsan-minsan nagpapatawa, nagpapabatid, nagtuturo,
nagpapaala-ala at nanlilibang.
5) Maaaring ito’y isang buong salaysay na may isang paksa lamang. Maaari ring binubuo ng iba’t
ibang paksa sa walang kaugnayan sa isa’t isa.
6) Maaaring patula o pasalaysay.

Katangian ng isang Manunudling

1) Malawakang kaalaman at interes sa buhay.


2) May sariling istilo at pagkapamanlikha (style and originality) 3) Mahusay sa
displomasya.
4) May kakayahang sumulat sa pamamaraang lathalain (feature) .
5) May malakas na pang-unawa sa kahalagahan ng balita.
6) May dalubhasang kaalaman sa pinapaksa ng tudling.
7) Makatarungang pagpapasya o paghahatol.

Halimbawa:

Palagiang Pamagat – Tingnan Natin

Pamagat ng Tudling – “Pumpon ng mga Bulaklak”

Manunudling (kolumnista) – Ka Uro (Arturo S. Kabuhat)

Pahayagan – The Torch Katangian

ng Pangulong Tudling

1. May kapangyarihang humikayat.


2. Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad.
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

3. Makatarungang pangangatwiran at pagpapasya.


4. Hindi masalita
5. Isang paksa ang tinatalakay.
6. Walang pagmumura, pangangaral o pagsesermon.

Layunin ng Pangulong Tudling

1. Magpabatid, magpakahulugan at pumuna.


2. Magbigay-puri, magpaunawa, manlibang, magturo o manuligsa.
3. Magpahalaga sa isang tanging araw, tao o lunan.

“PAGGUHIT NG KARTUNG PANG-EDITORYAL”

Ang Kartung Pang-editoryal ay isang ilustrasyon o Comic strip na naglalaman ng mensaheng


panlipunan o politikal. Ito ay ang pinaka-exciting na nilalaman o bahagi ng pahayagan. Pagguhit,
pagdidibuho, pagdo-drawing ng kartun na gumagamit ng "Humor" o katatawanan at "Satire" o
pagbibigay ng hindi seryosong pagtatalakay o paglalarawan. Ang Journalist ang gumuguhit ng
kartung pang-editoryal, hindi artist at hindi lamang basta cartoonist.

Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal

1) Magbasa
2) Gumawa ng posisyon sa isyu
3) Mag-isip ng imahe o representasyon at konteksto
4) Magdrowing/gumuhit. Mga Kagamitan: Simbolo, Karikatura (Caricature),
Stereotipo
(Stereotype), Analohiya (Analogies)

a) Simbolo- Hal. Lapis, Pluma , Pahayagan, Kalapati, Salakot, Kadena, Buwaya, Malaking
bato sa daan, Baretang ginto, Buto't balat na bata, Agila, Araw.
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

b) Caricature- Pagguhit ng mga kilalang


personalidad (politika) na ineeksahera ang mga
katangian pisikal.

c) Stereotypes- Mga imahe na ikinakabit sa


tiyak na mga grupo.
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

d) Analohiya- Paghahambingsa dalawang bagay o pangyayari na may


magkatulad na katangian.

Mga dapat tandaan:

a) Maaaring gamitin ang lapis, itim na pluma, uling atbp.


b) Pinaiitim ang ilang bahagi.
c) Isang paksa
d) Limitasyon ng salita
e) Gawing malinaw ang mensahe
f) Ekspreyon ng mukha
g) Nagsisilbing “Puso” ng Pahayagan Pagguhit ng Kartung Pang-editoryal

a) I-edit
b) Tapusin at isumite

Katangian ng Pagguhit ng Kartung Editoryal

1. Paglalarawan sa impormal na pagguhit.


2. Bahagi ng opinion section ng pahayagan.
3. Nagtataglay ng humor at satire.
4. Pagmamalabis.
5. Tools

Layunin ng Pagguhit ng Kartung Editoryal

1. Magpaunawa sa isang isyu.


2. Magpagaan ng komplikadong isyung panlipunan.
3. Magpuna ng napapanahong usapin
PAGSASANAY: (Kung mayroon man)
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Lumikha ng Kartung Pang-editoryal tungkol sa mga sumusunod:

a) Dolomite sa Manila Bay


b) Struggle ng mga guro sa New Normal
c) Pagsibak sa puwesto sa mga opisyal ng Philhealth na corrupt.

Pumili lamang ng isa.

SANGGUNIAN:

BarangayRP. (2009). EDITORIAL CARTOONING IN JOURNALISM(Lektyur na Ihinanda


para sa mga Mag-aaral ng PUP-College of Communication). Nakuha mula sa
https://barangayrpwordpress-
com.cdn.ampproject.org/v/s/barangayrp.wordpress.com/2009/07/24/gearing-towardsa-new-
beginning-cartooning-injournalism/amp/?
amp_js_v=a6&amp_gsa=1&usqp=mq331AQFKAGwASA%3D#aoh=1601888
5307847&csi=1&referrer=https%3A%2F%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s
&ampshare=https%3A%2F%2Fbarangayrp.wordpress.com
%2F2009%2F07%2F24%2Fgearingtowards-a-new-beginning-cartooning-in-journalism%2F

Olaya, J.A. (2017). Pagguhit ng Kartung Editoryal. Nakuha mula sa


https://www.scribd.com/presentation/340676740/Pagguhit-Ng-Kartung-Editoryal

Pagsulat ng EDITORYAL. (2017). Nakuha sa https://all-


aboutfilipino.blogspot.com/2017/08/pagsulat-ng-editoryal.html

Radaza, I. N. (2017). Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal. Mula sa


https://www.slideshare.net/IrahNicoleRadaza/pagsulat-ng-pangulong-tudling-oeditoryal?
fbclid=IwAR3t2_IgdOxGvEkLiJ5oOioyegNaVTKW0T5fsvxRMfZPi6SPQ4LwoR21 V_w
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Samson, E.A. (2014). Kwentuhang Kartuning. Nakuha mula sa


https://kwentuhangkartuning.weebly.com/

Inihanda nina:

ABEQUIBEL, Glaiza

ALOJADO, Elma Jane

AMBAS, Gdynia Sydney

BANTILAN, Carla

SEQUEG, Bryan

Mula sa:

Ikalawang Pangkat

Ipinasa kay:

Prop. Alexandria Castillo


Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

LAYUNIN:
1. Malaman ang kahalagahan at pagkakaiba ng balitang Pampalakasan at Lathain.

2. Matukoy ang nilalaman, uri at paraan ng pagsulat ng balitang Pampalakasan at Lathalain.

PAKSA:

A. Balitang Pampalakasan
B. Lathalain

PAGTATALAKAY:

Balitang Pampalakasan

Ang balitang pampalakasan ay isang uri ng balita na tumatalakay sa mundo ng


pampalakasan o isports (sports). Ang pahinang ito sa diaryo ay isa sa mga nakaaaliw na
parte ng nasabing babasahin sapagkat ito ay tumatalakay sa balitang isports mapaloob man
o labas ng bansa.Maraming isports ang nababalita rito at ilan na ang isports na basketball,
volleyball, boxing, golf, soccer at marami pang iba.

Uri ng Balitang Pampalakasan.

1. Paunang Balita/Advance News

 Katulad ng tawag dito ang uri ng balitang ito ay tumatalakay sa mga manlalaro
o koponan bago pa man maganap ang labanan.
1.1 Kasalukuyang Balita (Actual Footage)
-Nangyayari naman ito habang nangyayari ang laro.

2. Resulta ng laro

 Sa parting ito, ibinabalita naman kung sino ang nanalo sa labanan ng bawat
koponan.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

3. Sport Profile

 Ibinabalita naman dito kung anong koponan ang maglalaro, o kung sino ang
bago sa koponan. Halimbawa na lamang sa si Davies sa NBA siya ay galling sa
Atlantis at lumipat sa lakers.

4. Editoryal o Opinion

 Dito naman papasok ang manunulat sapagkat gagawa siya ng editoryal o


opinion na balita tungkol sa naganap o magaganap na labanan ng bawat
koponan.

Bahagi ng Balitang isports

1. Pamatnubay – Ang bahaging ito ng balitang sports ay makikita sa unahan.


Nakasaad sa mga sumusnod ang mga lalamanin ng pamatnubay: (1) kahalagahan ng
laro, (2) koponang naglaban, (3) natatanging laro, (4) iskor o kinalabasan, (5) pook
nang pinagdausan, (6)Araw ng pagdaraos.

2. Katawan (Detalye) – Sa bahaging ito ng balitang isports dito makikita (1) ang
pagkakasunodsunod ng laro. (2) Sariling kagalingan ng manlalaro (3) Kilos o kaasaran
ng mga manonood (4) kalagayan ng panahon. (5) tanyag o kilalang tao na nanood (6)
mga kapana panabik na bahagi ng laro (7) mga di pangkaraniwang nangyari (8) iskor
ng bawat set, quarter at iba pa.

3. Wakas- Dito naman makikita ang (1) Panayam sa manlalaro (2) Background (3)
Laro sa hinaharap

Paraan ng Pagsulat ng Balitang Sports

 Mayroon itong sinusunod na pormat at laging nauuna ang mga malalaking


pangyayari sa paraang inverted pyramid na makikita ang mukha sa ibaba.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

 Marapat na gumamit ang manunulat ng mga magaganda, makukulay at buhay na


salita upang makuha ang atensyon ng mambabasa
 Ang resulta o kinahinatnatnan ng isang laro ay laging nakasaad sa pamatnubay na
makatutulong upang makita at maakit ang mga mambabasa
 Hindi rin dapat kinalilimutan ng manunulat ang dahilan ng pagkapanalo ng koponan
o ng bibalitang sports.
 Pinakikita rin dapat ang naging dahilan ng pagkatalo ng isang balitang sports.
 Sa pamatnubay, hindi dapat nakaliligtaan ang pamatnubay na paano’. Dito papasok
ang pagsagot sa dahilan ng pagkapanalo ng koponan.
 Ang pagsusulat din ng balita ay dapat pabor sa mga mambabasa at naiitindihan.
Iniiwasan dapat ng manunulat ang paggamit ng ‘slang’ na mga salita at mga lubhang
teknikal na salita.
 Paglalagay ng litrato sa pahayagan. Mas makatutulong ito upang makuha ang
atensyon ng mambabasa.

Mula kay Ulpindo (2019)

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Katangian ng Balitang Pampalakasan

 Balitang may kaugnayan sa isports – ang balita ay dapat nay kinalaman sa


balitang isports upang maisama ito sa bahagi ng balitang pampalakasan.
 Bahagi ng pahayagan na nakakaaliw – Isa ang bahaging ito sa pinaka-inaabangan
ng mga mambabasa. Inaabangan kung ang kanilang manok o paboritong lalaro ay
lumaban o magkakaroon ng laban.

Katangian ng Isang Manunulat ng Balitang Sports

 May kaalaman sa kaniyang isusulat na balita at Maalam sa mga salita hinggil sa


sports.
 Marunong gumawa ng plano sa paraan ng kaniyang pagbabalita.
 Marapat na kritikal at na-aanalisa niya nang mabuti ang kaniyang napanood na laro.
 Hindi dapat siya magkaroon ng kinikilingan sa pagbabalita.
 Mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at kinikilos ng mga manlalaro.
 Matalas ang mata nang makita ang mga malilit na detalye sa larong ibabalita.
 Mangalap ng iba’t ibang artikulo mula sa iba’t ibang sanggunian.
 Gumamit ng mga salitang makakukuha nga atensyon ng mambabasa.

Pangangalap ng Impormasyon

1. Bago Maglaro
 Maaring kapanayamin ang mga kasangkot sa larong magaganap.
 Maaring alamin ang pangalan ng mga manllaro at mga numero nila.
 Maari ding dumalo sa mga pgasasanay bago ang laro.
 Habang ginagawa ang mga ito, maaring magtala ang manunulat ng mga
mahahalagang datos na nakalap.
2. Kasalukuyang Laro
 Magkaroon ng magandang pwesto sa panood ng laro.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

 Itala ang mga datos na magagamit sa pagbuo ng balita.


3. Pagkatapos ng Laro
 Alamin ang kabuoang score ng laro
 Maaaring kapanayamin ang coach at ilang mga manlalaro ng nanalong koponan.
 Alamin ang panloob na kaganapan tulad ng dahilan ng pagkapanalo.

Jargons sa Balitang Isports

• Magulang - Madalas itong naririnig sa larong basketball at ibig sabihin nito ay


madaya
• Supalpal - nagagamit ang terminong ito ay kapag ang isang koponan ay na-block
ang bola sa laro.

• Sinalaksak - nagagamit ito sa larong basketball kapag ang isang taong may
hawak na bola ay nilagpasan ang nagbabantay na kalaban at naipasok sa ring ang
bola
• Dakdak - ang salin nito sa Ingles ay Dunk. Ang ganitong estilo ng pagtira sa bola
ay astig at sikat sapagkat lumalambitin pa madalas ang gumagawa ng tirang ito

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

• Bakaw/Buwaya – suwapang
• Patay ang Butiki -sablay
• Bek - shoot arounds
• Pektus -teknik
• Panis – pagyayabang

Pagbasa sa Score Board

Makikita sa itaas ang isang halimbawa ng Scoreboard


• Time/Oras - makikita sa gitna ang oras kung ilang minute nalang ang matitira sa
isang period o quarter (09:18)
• Grupo ng Manlalaro - Makikita sa bandang kanan at kaliwa ang dalawang grupo ng
manlalaro. (GSW at Cavaliers)
• Shotlock - May 24 na Segundo ang isang grupo upang upang I shoot ang bola sa ring.
Kapag hindi pa nai-shoot ng manlalaro sa ring ang bola, mapupunta na ito sa kabilang
grupo. (10)
• Period - O mas kilala sa tawag na quarter. (10)
• Fouls - Gumawa ng isang maruming laro. (2)  Player - Bilang ng manlalaro sa
loob.

Ang halimbawa naman na ito ay mas


pina simpleng score board. Ang ganitong uri
ng scoreboard ay madalas na ginagamit sa
barangay na liga. Makikita na ang Home ay
ang grupo sa liga na kung sino ang taga-roon.
Samantalang ang Visitor naman ay mula sa
ibang lugar o mas kilala sa tawag na dayo.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Lathalain
 Ito ay sulatin o artikulo ng isang pahayagan na naglalayong sa natatanging isyu sa
paraang Hindi nagbabalita.
 Ang lathalain ay mula sa sariling opinyon ng may-akda o sumulat. Sinasabi rin na
hindi kailangan na ang nilalathala ay nagsasaad ng isang pangyayari na katatapos pa
lamang. Ito rin ang pinakamalayong bahagi ng pahayagan. Kadalasan Ito ay
tumutukoy o nakatuon sa personalidad, lugar, pangyayari at kung ano pa mang
bagay. Nabanggit din ang karaniwan na iba pang bahagi ng pahayagan gaya nang
Lifestyle, Society, Tourism, Reviews, Entertainment at culture pages na Kabilang sa
anyo ng lathalain.

Kahalagahan ng Lathalain

Mahalaga ang Lathalain sapagkat ito ay isang artikulo na tinatawag na espesyal na


balita, Bukod sa pagiging tuwid na balita, tinatalakay dito ay mga makatotohanang
pangyayari o kaganapan lamang. Sa paglalathala, Hindi lamang Ito sa pag-uulat nakatuon
kun'di sa panunuri at pagbibigay ng interpretasyon ng mga pangyayari Kung saan
pinadadaloy o nililinang ang opinyon at kaisipan upang maisaayos ang kahingian. Sa
lathalain Kasi Hindi pinagbabawalan ang mambabasa na makiaayon sa katangian at
pagkataong mayroon ang may-akda o manunulat.

Mga Katangian ng Lathalain

1. Walang Tiyak na haba


2. Pinakamalaya sa lahat ng uri ng Pamahayagang Artikulo
3. Batay sa Katotohanan
4. Gumagamit ng Makabagong Pamatnubay
5. Nasusulat sa paraang pataas kawilihan

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

6. May panimula, Katawan, at Wakas


Katuturan
Sinasabi na ang Lathalain ay isang uri ng pag-uulat ng mga may katotohanang
pangyayari mula sa pag-aaral, pananaliksik, o Pakikipanayam at isinusulat sa paraang
kawili-wili. Dahil Tiyak hindi tatangkilikin ng mambabasa Kung pawang Hindi
makatotohanan ang ilalagay ng sumulat ng akda at maaaring magkaroon sila ng
pagdududa.

Uri ng Lathalain

1. Lathalaing Pabalita (News Feature)- ang lathalaing ito ay batay sa isang


balitang nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng balita
na ang mga pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong
likha na nakapagbibigay kaalaman at kawilihan sa mambabasa.

2. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature)- ang pinakapaksa sa


uring ito ay ang kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

3. Lathalaing Interbyu (Interview Feature)- ang pinapaksa rito ay ang kuru-


kuro at kaisipan ng isang kilalang tao na nakukuha sa pamamagitan ng
pakikipanayam.

4. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature)- naglalahad ng


kapakipakinabang na ulat, naghahatid ng kaalaman at karunungan na may layuning
magturo.

5. Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature)-


inilalarawan dito ang mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain,
patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

6. Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature)- ang lathalaing ito ay


nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa
pagkakasalaysay.

Layunin ng Lathalain

1. Magpabatid

2. Magturo

3. Magpayo

4. Manlibang

Mga karaniwang paksang ginagamit sa pagsulat ng Lathalain

1. Paglalarawan ng isang tanawin o pook, tao o pangyayari.

2. Karanasan o pakikipagsalalaran ng isang tao.

3. Pangkasaysayan.

4. Panggawain.

5. Pangkatauhan.

6. Salaysay-tulad ng kawili-wiling kuwento o sanaysay.

7. Pangkaunlarang lathalain.

Proseso sa Pagsulat ng Lathalain.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

1. Paghahanda

Ang manunulat ay kailangang batid kung ano ang isusulat. Kailangang may malawak na
kaisipan at ang paksa ay malapit sa puso ng mga tao.

Ang pagpili ng paksa ay bahagi rin ng paghahanda sa pagsulat. Ang paksa ay ang
nagbibigay ng disenyo sa balangkas ng mga pangyayari na nais buhayin.

Ang publikasyon ay kailangang mabatid ang interes ng iba't ibang sektor ng lipunan
at may malawak na kaalaman sa pagpili ng paksa. Ang sakop ng mga pangyayari ay higit na
mahalaga. Sa pampaaralang publikasyon ang itinatampok ay ang mga nasyonal na isyu na
may kinalaman sa mga estudyante. Ang mga balitang tampok o artikulong lathalain ay
batay sa pangangailangan upang higit na epektibo.

2. Pananaliksik at Pangangalap ng datos

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Ang manunulat ay kailangang lumabas at humanap ng mga kasagutan sa mga


katanungan. Kailangan niyang manaliksik hinggil sa mga paksa at damhin ang damdamin ng
mga mamamayan at hanapin ang landas upang matagpuan ang tunay na mundo.

Isang mahalagang pagmumulan ng katotohanan ay ang mga sariwang impormasyon,


bago magsagawa ng interbyu, kailangang magsakatuparan ng pananaliksik hinggil sa taong
kakapanayamin upang hindi magkamali o makaligtaaan ang mga pangyayari na may
kinalaman sa paksa.

Ang pananaliksij ay isang mahalagang sangkap sapagkat dito nakasalalay ang


kakayahan ng manunulat na kumuha ng mga patunay. Kailangang siya ay masistema sa
pananaliksik sapagkat mahalaga ang mga tala. Ang pagkuha ng mga patunay at
impormasyon ay kailangang masistematiko upang madali ang pagsasaayos ng mga iyon.
Ang maayos na sistema ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng pahayag.

3. Pagsasaayos at Pagsusuri

Sa pagsasaayos at pagsusuri ng balita, hanapin ang bahaging nagdudulot ng


kalituhan sa interes ng babasa. Alamin ang puntos ng kalituhan at ang puntos ng pagkakaiba
o pagkakaisa. Suriin ang mga pananaw ng pinagtatalunang mga puntos at itala ang lahat ng
panig sa usapin. Ang paninindigan ay kinakailangan upang gumawa ng aksyon.

SANGGUNIAN

Argentina, C. et.al. (2019) Ano ang Kahulugan ng Lathalain. Mula sa :


https://www.scribd.com/document/427326912/Ano -Ang-Kahulugan-Ng-Lathalain

Basa, J. R. (2014) Pagsulat ng balita mula sa


https://www.slideshare.net/TeacherJenny2216/pagsulat -ng-balita-
37855501?next_slideshow=1

Orito, R (w.t) Balitang Pampalakasan mula sa

11
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

https://www.academia.edu/9398896/BALITANG_PAMPALAKASAN

Orito, R. (w.t.) LATHALAIN. Mula sa:


https://www.academia.edu/9398124/LATHALAIN

Pinoy Exchange (w.t). Mula sa


https://www.pinoyexchange.com/discussion/163743/sports-jargons-
andterminologies-the-best-and-worst

Pocz, J. (2017). Balitang Isports. Mula sa


https://www.slideshare.net/jake292014/balitang -isports/

Ulpindo, R. (2019). Balitang Isports. Mula sa


https://www.slideshare.net/mariaramelia/balitang-isports-august25/

Inihanda nina:

Casano, John Kevin

De Leon, Maria Louisa

Gregorio, Carl Malone

Senar, Ma. Celeste

Seno, Chingbee

Mula sa Pangkat: Pangkast Tatlo

ng CED – 03 501 A Ipinasa kay:

12
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Prop. Alexandria Castillo

13
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

LAYUNIN:
1. Maunawaan ang kahulugan ng larawang pamamahayag. Maging ang iba’t ibang klase
ng Larawang Pamamahayag at aspeto nito.

2. Matukoy ang mga katangian ng Larawang Pamamahayag at ng Balitang Pang-agham at


Teknolohiya

3. Malaman kung paano isinusulat ang Balitang Pang-agham at Teknolohiya

PAKSA: LARAWANG PAMAMAHAYAG

Ano nga ba ang larawang pamamahayag?

- Ito ay isang sining o agham ng pagkuha ng larawan at ang pagsasama ng larawan at ng


sulatin tungkol dito. Ito rin ay isang proseso ng paglalahad ng kwento gamit ang medyum
ng kamera. Kung ang journalist ay gumagamit ng lapis at papel upang mailahad ang
istorya. Ang photographer naman ay gumagamit ng lente upang mailahad ang isang
istorya.

Kahalagahan ng mga larawan sa Pahayagan at Magasin.

• Nakakatulong sa isang mabisang paglalahad – Ito ay mahalaga upang matukoy o


mabigyang importasya ang isang balita. Pinatotohanan nito ang isang balita at upang
makita ng mga mambabasa ang tunay na pangyayari.
• Nagbibigay ng buhay at sigla sa mga lathalain – Laging isinaalang-alang ang
kagandahan ng balita sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan dahil dito makikita kung
ang isang lathalain ay may saysay at pagpagana sa mambabasa.
• Nagiging makatotohaan ang mga balita sa mga mambabasa – May mga mambabasa
na hindi naniniwala sa mga nababasa lamang kaya mahalaga ang litrato sa isang artikulo
upang paniwalaan.
• Ang isang larawan ay katimbang ng 10,000 na salita – Ang isang larawan ay maaring
maging isang buong balita na para sa mambabasa dahil nakikita na nito ang nangyari at
pumapasok na sa kanilang imahinasyon ang posibleng nangyari sa litrato kahit hindi pa
nito nababasa ang buong istorya.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

• Nagbibigay buhay sa kaanyuan ng pahina sa pamamagitan ng paghidwa sa abuhing


talataan – Ito ay nagbibigay-buhay sa isang balita upang sa isang maayos at
makatotohanang balita.

KATANGIAN AT PANGHALINA NG LARAWAN

• Tunggalian
• Takot o Sindak
• Mga Bata
• Mga Hayop
• Kasarian
• Ganda
• Lubos ng Pagkakilala
• Galaw at Aksyon
• Kahalagaan ng Balita

PAMANTAYAN SA PAGPILI NG LARAWAN

• Kahalagahang Pang-tekniko - larawang ganap, maliwanag, walang dumi o mantsa, at


madaling kopyahin sa pamamagitan ng kamera
• Kahalagahang Pang-editoryal - larawang kawiliwili at may mga saglit na katotohanan
at kabuluhan

TAGUBILIN SA PAGPILI NG LARAWAN PARA SA PAHAYAGAN:

• Laging gamitin ang mga larawang may kaugnay sa Balita - Ito ay mahalaga para sa
isang mambabasa upang matukoy kung ang litrato na nasa balita ay tama at nararapat.
• Piliin ang mga larawang may aksyon at buhay – Kailangan isaalang-alang ang tagpo
ng isang litrato upang mabigyang halaga ang isang balita.
• Piliin ang larawang maayos ang kompusisyon - Mahalaga
• Gamitin ang tamang proporsyon ng larawan
• Alamin ang kahalagahan ng pang-editoryal at ang pang-teknikal ng bawat isa
• Lalong mabisa ang larawang malapitan ang kuha – Mabisa ito upang mas madaling
malaman ang isang litrato kung ano talaga ang nangyari sa balita.
• Para sa larawang sakuna, iwasan matanghan ng mga tagpong kakila-kilabot –
Kailangang isaalang-alang ang censorship ng pangyayari.

PAG-UURI NG MGA LARAWAN:

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

• News Photography - upang maitala ang panlabas at panloob na mundo sa paglitaw nito.
• Documentary Photography – Ginagamit para sa nagpapahiwatig o pagbibigay kahulugan sa
isang balita. Kadalasan ay ginagamit ito sa mga balita upang ipamulat ang isang pangyayari o
pagsasalarawan ng estado ng buhay ng isang tao.
• Commercial Photography – Ginagamit upang iendorso ang isang produkto. Kadalasan
ay mga artista o sikat na personalidad ang ginagamit at ginagamit ito sa mga billboard o
sumasakop sa isang pahina ng mga pahayagan para manghikayat ng produkto.

NEWS PHOTOGRAPHY

• Spot – Ito ay tumutukoy sa mga “Breaking News” na event, Mga balitang hindi
inaasahan at mga balitang kaaya-aya na maaring makuhaan lamang sa sandalling
panahon lamang.
▪ Hal: Pagputok ng Mount Pinatubo noong 1991.
• General – Tumutukoy sa mga balita o kaganapan na binalak, inaasahan o mahuhulaan.
▪ Hal: Litrato sa Panagbenga Festival, Street Parade
• Sports – Sumasaklaw sa malawak na hanay ng paksa. Mapa-indibidwal, o Team Sports. ▪
Hal: UAAP Volleyball Photography.
• Feature – Larawan na hindi nalilimutan ng oras. Minsang tinatawag ito na “evergreen”
dahil kinukupas ang panahon ngunit nananatiling sariwa ang litrato nito.
▪ Hal: Sampaguita (Pambansang Bulaklak ng Pilipinas)
• Picture Story – Serye ng mga litrato na pinagsama sama upang magbigay ng istorya.
Minsan ay sinasabi nito ang serye ng mga pangyayari sa pamamagitan ng isang litrato.

PAKSA: Balitang Pang-agham at Teknolohiya

Pagsulat ng Agham at Teknolohiya

Scientific writing

• Technical writing
• Journals, research proposal
• Journalistic writing
• Popular writing
• News, magazine, blogs at iba pa
Ano ang pinagkaiba ng balitang agham at teknolohiya sa ibang balita?

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

• Nagagawang magkaroon ng kaalaman ang publiko patungkol sa kagandahan at kakaibang


hatid ng S&T
• Naipaliliwanag ang mga konsepto sa agham gamit ang mga simpleng salita
• Nagagawang maiugnay ang agham at teknolohiya sa buhay ng tao
Balitang Agham

➢ Ang balitang agham ay kailangang sumasagot sa tanong na “ano”


➢ Kinakailangan na ito ay makatotohanan
➢ Kinakailangan na ang lalamanin ng balitang ito ay madaling maunawaan ng mga
mambabasa
➢ Ang lalamanin ng balita ay magagawang mapukaw ang interes ng mambabasa o
manonood sa agham bilang paksa
Ang balitang pang-agham at teknolohiya ay tuwirang balita na ginagamitan ng kabuuang
pamatnubay na sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino , Saan, Kailan, Bakit at Paano o
balitang lathalain na ginagamitan ng angkop na uri ng makabagong pamatnubay.
Isinasaalang-alang din rito ang tamang pag-aanggulo upang mapukaw ang interes ng
mambabasa na basahin ang buong istorya.

Halimbawa

First Filipino made satellite “Diwata 1” launched into space

By

Arra Perez , CNN Philippines

Updated 18:25 PM PHT Wed, March 23,


2016

Metro Manila (CNN Philippines)-Diwata


1, the country's first microsatellite,
launched into space on board an Atlas V
rocket on Wednesday (March 23) at
around 11 a.m. PHT.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

The rocket took off from Cape Canaveral, Florida in the U.S.

The Filipino made microsatellite will be brought to the International Space Station (ISS), where
it will be calibrated before rocketing into mission.

At the space station, Diwata will be housed in the Japanese Experiment Module (JEM)
nicknamed “Kibo,” and by the end of April, the JEM Small Satellite Orbital Deployer (JSSOD)
will release Diwata 1 into space at an altitude of 400 kilometers from the Earth's surface.

Diwata 1 will be in orbit for about 18 to 20 months.

The microsatellite has four specialized cameras for imaging weather patterns, agricultural
productivity, and land and water resources. Diwata 1 is expected to be in orbit for approximately
20 months, taking images twice daily (Ipinaliwanag ang konsepto ng agham sa wikang mas
makapagpapaintindi sa mga mambabasa o manonood).

And while country's first microsatellite is still in orbit, its sister Diwata 2 will be launched late
2017 or early 2018.

Ano?

• DIWATA 1 is the Philippine's first microsatellite. It weighs 50 kg and carries four


optical payloads (telescopes & cameras) Saan at kailan?

• Launched to the International Space Station (ISS) on March 23, 2016 Paano?

• Deployed into orbit from the ISS on April 27, 2016 at an altitude of 400 420 km with
speed of around 7 km/sec

Sino?

• First satellite built and designed by Filipinos Bakit?

• To carry out scientific earth observation missions for 20 months

Isa pang halimbawa:

A viewing session of the rocket launch was organized at the Electrical and Electronics

Engineering Institute, University of the Philippines (UP) Diliman

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

The session will connect the Philippines (UP and Department of Science and Technology) and
Japan (Hokkaido University and Tohoku University) through video conferencing.

A 'heavyweight fairy'

Named after a Filipino mythological character, the 50 kilogram Diwata , or "fairy," was designed
and developed by an all Filipino team of scientists and engineers who are now based in Japan.

Diwata is a flagship project of the Department of Science and Technology (DOST) meant not
just to place the Philippines in the map of space innovation, but also to reap its contributions to
agricultural productivity, food security, and even tourism.

❖ "[They] were trained in this technology in our hope of providing vital information to our
farmers so they will be prepared on what crops to plant, when to plant and how they can
provision contingencies in overcoming the ill effects of El Nino up to the middle of
2016,” said DOST Sec. Mario Montejo (sa bahaging ito ng balita makikita ang relasyon o
ugnayan ng agham sa pamumuhay ng mga tao).
❖ “The satellite will also aid the rest of the country in terms of agriculture and tourism, with
the satellite giving data that will help farmers decide what crops to plant and where, while
also capturing the country’s natural wonders."
Once launched into space, the microsatellite will be able to send critical information on
weather systems which are crucial for local farmers in adjusting their planting methods
and procedures with the prevalence of climate change (makikita sa bahagi ng balitang ito
ang pagbibigay impormasyon tungkol sa agham at teknolohiya sa mga mambabasa o
manonood).
❖ Now that satellite data and imageries will be more accessible, Montejo expressed
optimism that this satellite technology will also boost the capability of the Philippine
Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) to
make accurate forecasts and weather monitoring.
❖ "These same data can be used to monitor our forest cover and natural resources,
implement a responsive disaster risk management program like Project NOAH
(Nationwide Operational Assessment of Hazards), enhance water resources management
systems, and improve weather monitoring and forecasting," said Montejo.

Mga Katangian ng Balitang Pang-Agham at Teknolohiya

1. Kawastuhan

Ang mga datos ay inilalahad nang walang labis at walang kulang.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

2. Katimbangan

Inilahad ang mga datos ngbawat panig sa isangkontrobersyal na isyu natimbang at walang
pinapanigan.

3. Makatarungan

Katotohanan lamang ang inilalahad at walang bahid ng pagkiling sa alinmang panig na sangkot

4. Makatotohanan

Ang mga impormasyonay tunay at hindi gawa-gawa lamang.

5. Kaiklian

Diretsahan ang paglalahad ng datos sa hindi maligoy na paraan

6. Napapanahon

Ang pangyayari ay bago lamang naganap Iba

pang halimbawa:

Agham at Teknolohiya

Ang pagsulat/pag-uulat ng balitang Agham ay ang pagpapabatid ng mga impormasyon hinggil sa


Agham sa karaniwang salita na madaling maintindihan ng karaniwang mambabasa.

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Ang pagsulat ng teknikal naman ay ang paglathala ng kasulatan ng isang siyentipiko para ssa
kapwa siyentipo. Ito ay ginagamitan ng "Jargon" o mga salitang naiintidihan lamang ng kapwa sa
kanilang Propesyon.

Katangian ng Manunulat

• Abilidad upang maunawaan ang mga konseptong pang-agham


• Maging isang tulay sa siyentipiko at sa kaaniwang mambabasa
• Taglay ang malawak na kaalamang sa larangan ng agham
• May kakayahang ipabatid ang mga konsepto sa simpleng salita Gabay sa Pagsulat ng
Agham at Teknolohiya

1. Iwasan ang paggamit ng jargons.

-Hangga't maaari ipaliwanag at ilarawan mo ito

-Isipin mo na lang na ika'y agsusulat sa isang bata at sa isaang matanda.

-Gawing simple hanggat kaya.

-Gumamit ng wika na naiintindihan ng nakararami.

2. Pagdating naman sa pagsulat ng sukat o bilang ng isang bagay, mas magandang ihambing ito
sa mga bagay na alam ng mga tao. Upang matulungan ang mambabasa na ma-visualize ang
sukat nito.

3. Parating isipi kung saan kinuha ang impormasyon

-Isipin na ika'y isang mamamahayag at hindi isang eksperto o scientist.

Sanggunian ng Agham

Ilan sa mga ito ay maaring sanggunian ng isang balitang agham

• Scientist/Experts
• Press Conferences

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

• Scientific Conferences
• Paaralan
• Sariling lungsod o siyudad
• Internet
• Sciencedaily.com
• Popsci.com
• Scientificamerica.com
• Research Papers
Sa research paper mahahanap mo ang mga kwentong pang-agham at teknolohiya sa:

• Abstract or summary
• Discussions or Conclusions
• Methods and Results
Mahahalagang Impormasyong Nilalaman ng Balita sa Agham

• Totoong impormasyon
• Pagpapaliwanag sa paksa
• Mga pahayag ng mga mananaliksik o kung saan nakuha ang balita
• Mga ideya na may kaugnayan sa paksa
• Magbanggit ng mga Pangalan
Dapat Gawin Bago ang Interview

• Marapat na manaliksik muna at mangalap ng mga impormasyon tungkol sa paksa na


gagawan ng balita
• Gumawa o maghanda ng mga tanong na itatanong sa kakapanayamin upang hindi
masayang ang oras sap ag-iisip ng tanong
• Siguraduhin na ang kakapanayamin ay may alam sa paksa

1
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Dapat Gawin Habang Isinasagawa ang Panayam

• Maaaring magbigay ng mga tanong na open-ended


• Iwasan ang pagbibigay ng mga mahahabang tanong upang hindi lumayo sa
pinaguusapang paksa
• Siguraduhing wasto ang pagsulat ng mga pangalan at impormasyong sinasabi o
binabanggit ng kakapanayamin

Paano Gawing Kapanapanabik ang Balitang Agham

• Pumili ng mga bagong paksang pag-uusapan


• Bigyang pansin ang mga makabagong ideya
• Maaari rin na magpakita ng kwento ng buhay ng tao na makapag-bibigay inspirasyon
• Magpakita ng kapaki-pakinabang na kwento
Maaaring Pagkunan ng Balitang Agham

• Online
a. Philippine Men and Women of Science: http://www.science.ph/stiipub.php?
type=pmws
b. Science.ph (www.science.ph)
c. DOSTv (www.dostv.ph)
• DOST Offices
• LGU’s Universities

SANGGUNIAN:

Ortega, N.S (2017) Pagkuha ng Larawan Para sa Pahayagan. Mula sa


https://www.slideshare.net/greenermango/lecture-in-photojournalism

Sanchez, A. (2013) Larawang Pampahayagan. Mula ssa


https://prezi.com/vu1osgdm9cu3/larawang-pampahayagan/

Flores J.C. (2019). Pagsulat ng Balitang Agham at Teknolohiya. Mula sa


https://www.scribd.com/presentation/411206187/Pagsulat-Ng-Balitang-Agham-at-Teknolohiya
Inihanda nina:

10
Rizal Technological university
COLLEGE OF EDUCATION
SUBJECT: Introduksyon sa Pamamahayag

Balbin, Ericson Mangmang


Dela Fuente, Camille Shane Tomas
Escandor, Michael Joshua Fulo
Graciano, Nicole Solayao
Lanuza, Sophia Kristine Alejaga
Santos, Joshua Mari
Villamor, Trixia Mae Villanueva

Mula sa Pangkat:

Pangkat 4

Ipinasa kay:

Bb. Alexandria Castillo

11

You might also like