Demo 101

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Banghay Aralin Tayutay

Layunin
Natutukoy ang kahulugan at iba’t ibang uri ng tayutay.
Natutukoy at nakabubuo ng mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng tayutay.
Nalilinang ang pagiging patas sa pamamagitan ng pagpapakita ng kooperasyon sa buong klase.
 
Paksang Aralin
Paksa : “Tayutay”
Sanggunian: Almario Virgilio S., et al., Sining ng Pagsasaling-wika. Rex Book Store., Sampaloc,
Maynila
Kagamitan: Kopyang-sipi, teksbuk
 

 Pamamaraan

Gawaing Pang-guro Gawaing Pang-mag-aaral

1.      Panimulang Gawain:  
 
a.       Paglilinis ng klasrum –          Magandang umaga din po Bb. Rosie!
–          Magandang umaga sa inyong lahat!  
  (gagawin ng mga mag-aaral)
–          Bago tayo magsimula, magsitayo ang lahat at  
ayusin ang inyong mga upuan, pakipulot ng mga basura at
itapon sa basurahan.  

   

–          Maraming salamat…  

   

b.      Panalangin  

–          Ngayon, ipikit natin ang ating mga mata at iyuko  


ang ating mga ulo at tayo ay taimtim na manalangin.  
–          (nananalangin)  
 
   
c.       Pagtatala ng liban  
–          Amapola, bilang kalihim ng seksyong ito, pakitala  
ng mga liban sa klase.
 
 
 
d.  Pagbabalik-aral
 
 
 
–          Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang
–          Opo Ma’am.
tungkol sa panitikan.
 
 
 
–          Base sa iyong natatandaan Dorothy, ano ang
kahulugan ng panitikan?  
   
   
–          Tama. Ano ang iba’t ibang uri ng panitikan,  
magbigay ng isa at ang kahulugan nito, Allysa.
 
 
–          Ang panitikan ay nasusulat na tala ng mga
–          Magaling Allysa! buhay, buhay-buhay, pamumuhay at pakikipamuhay ng
mga tao.
 
 
–          Mark, magbigay ng isa pang halimbawa.
(Sasagot ang estudyante)
 
 
–          Magaling, Mark!
 
 
 
e.       Pagganyak / Motibasyon
 
 
 
–          Ngayon naman, hulaan ninyo kung ano itong ipa-
flash ko sa screen. (Sasagot ang estudyante)
   

–          Paglayo sa karaniwang kayarian ng wika upang  


makapagbigay ng kasiya-siyang pagpapahayag.  
 
–          Masining na pagpapahayag.
 
 
– –          Tayutay po Ma’am!
–  

   

   

   

   

   

   

   

–          Tumpak ang iyong sinabi, Clarence!  

   
 
 

2.      Panlinang na Gawain:  
a.      Paglalahad ng layunin / paksa  
   
–          Ang ating tatalakayin ngayon ay ang tungkol sa –
tayutay at ang ibat ibang uri nito.
 
–          Ituon ang inyong atensiyon sa klase sapagkat
 
pagkatapos ng ating talakayan kayo ay inaasahang:
–          Opo maam.
a)      Natutukoy ang kahulugan at iba’t ibang uri ng
tayutay.  
b)      Natutukoy at nakabubuo ng mga halimbawa ng iba’t  
ibang uri ng tayutay.
 
c)      Nalilinang ang pagiging patas sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kooperasyon sa loob ng klase.  

   

–          Maliwanag ba klas?  

   
b.      Pagtatalakay  
   
–          Ang tayutay ay isang paglayo sa karaniwang  
kayarian ng wika upang makapagbigay ng sariwa, naiiba at
 
kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay-katuturan sa
tulong ng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba  
ngunit napagtutulad sa isa’t isa.
 
–          Ang tayutay hindi mabulaklak na paggamit ng wika
kundi masining na pagpapahayag.  

–          Ito ay isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa  


karaniwang paraan ng pananalita; Maaaring patalinghaga  
na hindi literal ang kahulugan ng mga salita.
 
1.      Simile – tayutay na ang isang bagay, tao o hayop ay
inihahambing, itinutulad o ipinapalit sa ibang bagay, tao o  
hayop. Gumagamit ito ng mga kataga o pariralang “tulad  
ng, gaya ng, animo’y, parang, para ng, kawangis ng, tila,
atbp.  

Halimbawa: Sintigas ng bato ang puso ng ama sa  


pagmamakaawa ng nagkasalang anak.  
   
–          Pete, saan dito ang tayutay na simile?  
   
   
–          Tama!  
   
2.      Metapora – tayutay na tuwirang inihahambing ang  
isang bagay, tao o hayop. Hindi gumagamit ng mga kataga
o pariralang tulad ng, gaya ng, animo’y, parang, para ng,  
kawangis ng, tila, atbp.  
Halimbawa: Bato ang puso ng ama sa pagmamakaawa ng  
nagkasalang anak.
 
 
 
–          Jay Anne, ano ang kaibahan ng metapora sa simile?
 
 
 
–          Magaling!
 
–  
3.      Metonymy – Maaari rin itong tawaging pagpapalit-  
tawag. Itoy isang uri ng tayutay na kung saan ang tawag sa
 
isang bagay ay ipinapalit o inihahalili bilang
patalinghagang pantawag sa ibang bagay na ipinahihiwatig  
niyon.
 
Halimbawa: “Dalawang bote pa lang ang naiinom ni Ben,
nalasing na siya kaagad.”  

Hindi ang “dalawang bote” ang iniinom ni Ben kundi ang –          Ang sintigas ng bato ang puso po maam.
lamang alak ng mga ito. Inihalintulad po sa bato ang puso ng ama.

4.      Hyperbole – Maaari rin itong tawaging eksaherasyon  


o pagmamalabis. Ito ay isang eksaheradong pahayag na  
sinasadyang gamitin ng nagsasalita o sumusulat upang
mapag-ibayo ang katindihan o epekto ng diwa o  
mensaheng kanyang ibig ipahatid.  
Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan.  
   
–          Ruel, saan diyan ang hyperbole at bakit?  
   
   
   
–          Mahusay!  
5.      Personipikasyon – Itoy matatawag din padiwantao  
ayon sa ibang awtor. Nagbibigay-buhay o nagbibigay-
katauhan ito sa mga bagay na walang buhay; sa ibang –          Ang metapora po ay tuluyang paghahambing at
salita, inililipat ang katangian ng tao sa mga karaniwang hindi na ginagamitan ng mga pahayag na kasin.
bagay.  
Halimbawa: Pinasan ng magsasaka ang kanyang matapat  
na araro.
 
 
 
–          Leonard, saan diyan ang personipikasyon at bakit?
 
 
 
 
 
 
 
 
–          Magaling! Maliwanag ba sa inyo klas ang ating  
tinalakay tungkol sa tayutay?
 
 
 
–          Papangkatin ko kayo sa dalawang pangkat. Bawat
 
pangkat ay pipili ng representante na siyang bubunot ng
katanungan at sasagutan ito. Gagawin natin ito sa  
pamamagitan ng traffic signal. Ilan nga ang traffic lights
natin, klas?  

   

–          Tama!  

   

–          Makinig nang mabuti! Mayroon akong tatlong  


kulay, katulad ng kulay ng traffic lights. Kapag itinaas ko  
ang kulay dilaw o yellow, ibig sabihin binibigyan kita ng
ilang sandali para pag-isipan ang kasagutan sa iyong  
katanungan. Kapag itinaas ko ang kulay berde o green, ibig  
sabihin maaari mo nang ilahad ang iyong kasagutan.
Panghuli, kapag ipinakita ko ang Red, ibig sabihin tumpak –          Ang kumukulo ang dugo po maam. Isa po itong
ang iyong sagot. Maliwanag ba? eksaherasyon sapagkat hindi naman kumukulo ang
dugo ng tao.
 
 
–          2 puntos sa bawat tamang sagot. Kung sino ang
may mas maraming sagot, siya ang panalo. Kapag hindi  
masagot ng tama ng unang grupo, ang pangalawang grupo  
ang sasagot at kapag tama ang kanilang sagot, sila ay may
puntos.  
–          Para malaman natin kung sinong grupo ang unang  
sasagot, para patas, daanin natin sa bato-bato pik.  
   
(ang mga katanungan ay mga halimbawa ng tayutay at  
sabihin kung anong uri ito. 10 katanungan.)
 
 
 
(magbabato-bato pik at sisimulan na ang aktibidades,
pagkatapos ay ilahad kung sino ang nanalo)  
–          Ang matapat na araro po. Ang matapat ay isang
katangian ng isang tao na inilapat sa isang araro.
 
 
–          Opo, ma’am!
 
 
 
–          Tatlo po, ma’am! Green, Yellow at Red po!
 
 
 
 
 
 
 
 
 
–          Opo, ma’am!
 

3.      Pangwakas na Gawain  
a.      Paglalahat  
   
–          Maliwanag na ba sa inyo ang ating naging –          Opo, ma’am!
talakayan, tungkol sa tayutay, klas?
 
 
 
–          Bakit kaya mahalaga ang paggamit ng tayutay,
 
Allysa?
–          Mahalaga po ang paggamit ng tayutay para mas
 
mabigyan ng ganda ang akda at mas gumana ang
  imahinasyon ng mga tao habang binabasa o
pinapakinggan ito.
 
 
 
–          Nagbibigay buhay po ito sa mga pahayag at
 
nahuhuli pa nito ang atensiyon ng mga tao.
–          Magaling! Ano pa, gracia?
 
 
 
–          Tama! Sadya ngang naunawaan ninyo ang ating
topiko.
 
 
 

 
 
 

1. Ebalwasyon:

 Kumuha ng kalahating papel. Pumili ng 5 uri ng tayutay at magbigay ng isamg


halimbawa bawat isang tayutay.

1. Takdang-aralin

 Sa inyong aklat, sa pahina 131, basahin ang tulang “Ang Guryon”. Hanapin ang tayutay
at isulat kung anong uri ito ng tayutay. Ipasa ito bukas sa ating pagkikita.

June 3, 2019

, 2019

, 2019

April 28, 2019

28, 2019
tayutayIto ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin.tayutaySinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o
paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin

Uri ng TAYUTAY (Figures of Speech)

Pagtulad

Pagwawangis

Pandiwantao/Pagtatao

Pantawag

Pagmamalabis

Pag-uyam

Paglilipat-wika

Pagpapalit-saklaw

Pagpapalit-tawag

Pagsalungat

Paglulumay

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.

Ginagamitan ito ng mga salitang:

tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,sing-,

Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. sim-, magkasing-, magkasim-, parang, gaya, atbp.

HALIMBAWA Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.Ang pangako mo ay parang
hangin.

Metapora o Pagwawangis

tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng panandang panulad.

Ito ay tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibigang bagay.

Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

HALIMBAWA Ang puso mo ay bato.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.


Personipikasyon o Pagtatao

Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.

PERSONIFICATION

HALIMBAWA Sumasayaw ang mga bulaklak.

Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.Paglilipat-wika Katulad din ng Pagtatao (personification) ang
pinagkaiba lamang ay gumagamit lamang ito ng mga PANG-URI.

Transferred EpithetHALIMBAWAMapapait na langit.Matiising sipilyo.Pagmamalabis o Eksaherasyon


isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa
katotohanang pinagmamalabisan.

Hyperbole

HALIMBAWABumaha ng dugo sa awayan ng mga magsasaka.Namuti ang mga mata ni Joan sa kakahintay
kay Joy.Panawagan/Pagtawag (Apostrophe)

- ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na
tao o isang taong parang naroon at kaharap gayongwala namanHALIMBAWADiyos ko, iligtas po ninyo
ang aming bayan sa masamang elemento.O, pag-ibig nasaan ka na?

Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)pagbanggit sa bahagi bilang katapat ng kabuuan, o ng kabuuan bilang


katapat ng bahagi. isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit

HALIMBAWAAng panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.Hiningi ko na ang kamay ni Kim sa kanyang mga
magulang.

Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na


magkakaugnay.

HALIMBAWAAng anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.Siya ang nag-akyat ng ginto sa
kanilang pamilya.

Pagsalungat/Pagtatambis (Oxymoron) - Paggamit ng dalawang salitang magkasalungat bilang


paglalarawan sa taong kausap o pinag-uusapan

HALIMBAWAIkaw ang unat huli kong mamahalin.Urong-sulong siya kung magpasya.

Paglulumanay (Eupimism) - Paggamit ng salitang nagpapagaan sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita.

HALIMBAWASumakabilang-buhay na si Aling Dolores.Isang mababang lipad ang napangasawa niya.-


pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay
tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay nakahulugan ay may bahid na pang-uyam

Pag-uyam/Balintunay(Irony)HALIMBAWAUbod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng


bahay.Yumaman si Napoles sa laki ng pangungurakot nito sa bayan.

You might also like