Talahanayan NG Ispisipikasyon

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng

Kognitibong Akademikong Kahusayang


Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa
Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa
Kolehiyo

DR. ESTER T. RADA


2ND INTERNATIONAL CONFERENCE
ON FILIPINO AS A GLOBAL LANGUAGE
SAN DIEGO, CA, USA
JAN 15-18,2010

Layunin ng Pag-aaral
Pangunahing layunin ng pag-aaral ang makabuo ng instrumento upang matanto ang kognitibong
akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyante sa kolehiyo
Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod:

Matukoy ang mga batayan sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong


akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyanteng nasa Una at
Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng San Beda

Mailarawan ang proseso ng pagbibigay-bisa ng mga eksperto sa tulong ng mga batayan tulad
ng organisasyon ng mga pagsusulit sa instrumento, aspektong tekstwal nito, nilalaman o
kognitibong aspekto at sa kabuuan, maisa-isa ang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap
(acceptability), kapaki-pakinabang (usefulness), komprehensibo ng instrumento, at iba pa

Matukoy kung anong aytem sa instrumento ang dapat baguhin o tanggalin batay sa item
analysis;

Makabuo ng talatuntunang may kinalaman sa katumpakan at kahusayan (validity and


reliability indices

Maipasagot ang instrumento sa maliit na bilang o populasyon ng mga estudyanteng nasa


kolehiyo bilang paunang pagsubok (pilot test)

Mga Batayan sa Pagbuo ng Instrumento


BICS/CALP
Cognitive Academic Language Learning Approach
Language for Specific Purposes
Curriculum Development System
Process Writing Approach
Iskalang Analiktik/Diederich Scale

Kaligiran ng Pag-aaral

Banghay ng Pag-aaral

Pagbuo ng Instrumento - CALLA


Academic Language Function
(Apendiks B)
Seek Information
Inform

Student Uses Language to:

Examples

observe and explore the environment,


acquire information inquire,
describe information
identify, report

Use who, what, when, where, and how


to gather information

Infer

make inferences; predict implications;


hypothesize,

Relate

Use of facts, rules, principles

Compare

describe similarities and differences in


objects or ideas
sequence objects, ideas, or events

Order
Classify

group objects or ideas according to


their characteristics

Analyze

separate whole into parts; identify


relationships and patterns

Solve Problems

define and represent a problem;


determine solution

Synthesize

combine or integrate ideas to form a


new whole

Justify and Persuade

give reasons for an action, decision,


point of view; convince others
assess and verify the worth of an
object, idea or decision

Evaluate

Recount information presented by


teacher or text, retell a story or
personal experience
Describe reasoning process(inductive
or deductive)or generate hypothesis to
suggest causes or outcomes
Give an example of in relation to the
ideas presented, give the significance
of an idea, situation
Make/explain a graphic organizer to
show similarities and contrasts
Describe/make a timeline, continuum,
cycle, or narrative sequence
Describe organizing principle(s),
explain why A is an example and B is
not
Describe parts, features, or main idea
of information presented by teacher or
text
Describe problem-solving procedures;
apply to real life problems and
describe
Summarize information cohesively;
incorporate new information into prior
knowledge
Tell why A is important and give
evidence in support of a position
Identify criteria, explain priorities,
indicate reasons for judgment, confirm

Quality Thinking Skill


(Apendiks D)
Knowledge (Kaalaman)
Comprehension (Pag-unawa),
Comprehension
Application
(Paglalapat)
Analysis (Pagsusuri)
Analysis
Application,
Analysis
Analysis
Synthesis (Pagbubuod)

Synthesis
Evaluation (Pagtataya)
Evaluation

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS


Mga Layunin

Kognitibong Domeyn

I. Kaalamang
Panggramatika
Mataya ang batayang
kaalaman sa
talasalitaan,
ponolohiya at
morpolohiya
II. Kaalamang
Tekstwal/Kognitibo
1. Masukat ang antas ng
kaalaman sa pagsagot
sa literal na mga
tanong na inilahad sa
akda.
2. Makatukoy o
makapaglarawan ng
impormasyong
inilahad sa akda

Kaalaman

3.

Pag-unawa

4.
5.

Makapaglahad
muli ng mga
detalye mula sa
akda sa sariling
pananalita
Matukoy ang
pangunahing diwa
ng akda
Matukoy ang
natatagong detalye
sa akda na hindi
tuwirang inilalahad
dito

Akademikong
Kakayahang
Pangwika/
Gamit ng Wika
Paghahanap ng
Impormasyon

Pagbibigay-kaalaman
Paghihinuha
Pangangatwiran

Uri ng Pagsusulit

Bilang ng Aytem

Porsyento/ Bigat ng
Pagmamarka

May pagpipiliang titik


ng sagot (Multiple
choice)
Sanaysay (Essay)

80
3 sanaysay (100 puntos
bawat isa)
10 puntos bawat
sanaysay

50%
50%
5%

10 puntos bawat
sanaysay

5%

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS


Mga Layunin

Kognitibong Domeyn

Akademikong
Kakayahang
Pangwika/
Gamit ng Wika

6.

Makabuo ng
matalinong
paghihinuha sa
prosesong
deduktibo o
induktibo sa
maaaring
kinalabasan ng
mga pangyayari

Pag-unawa

7.

Makapagbigay ng
opinyon batay sa
umiiral na
katotohanan,
panuntunan,
prinsipyo batay sa
pinaniniwalaang
gawi (behavior) at
sa sitwasyon
Maiuugnay ang
sitwasyon sa akda
bilang halimbawa
ng pangyayari,
prinsipyo,
katotohanan, atbp.
Mailalahad ang
kaisipan mula sa
akda

Paglalapat

8.

9.

Uri ng Pagsusulit

Bilang ng Aytem

Porsyento/ Bigat ng
Pagmamarka

Pagbibigay-kaalaman
Paghihinuha
Pangangatwiran

10 puntos bawat
sanaysay

5%

Pag-uugnay

10 puntos bawat
sanaysay

5%

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS


Mga Layunin

Kognitibong Domeyn

10. Makapagpaliwanag Pagsusuri


sa pamamagitan ng
paghahambing o
pagtataliwas ng
mga ideya o bagay
kaugnay sa
inilahad sa akda
11. Mapagsunud-sunod
ang mga ideya o
pangyayari
12. Mapag-uuri-uri ang
mga ideya ayon sa
mga katangian nito
13. Mailarawan ang
bahagi, katangian o
pangunahing ideya
sa akda at
kaugnayan ng mga
ito sa kabuuan
14. Makabubuo ng
balangkas,
dayagram, ugnayan
(web) ng mga
kaisipang inilahad
sa akda at mga
patunay rito

Akademikong
Kakayahang
Pangwika/
Gamit ng Wika
Paghahambing
Pagsusunud-sunod
Pag-iisa-isa/Paggugrupo
Pagsusuri

Uri ng Pagsusulit

Bilang ng Aytem

Porsyento/ Bigat ng
Pagmamarka

20 puntos bawat
sanaysay

10%

Mga Layunin

15. Makapagbigay ng
dahilan sa pasya,
pananaw o aksyong
ginawa o gagawin
batay sa
iminumungkahi sa
akda
16. Makapagmungkahi ng
solusyon sa hinaharap
na suliranin
17. Makabuo ng buod ng
mga impormasyong
inilahad sa akda batay
sa dating kaalaman

18. Matukoy ang mga


pamantayan o
prayoridad sa
pagpapasya o
pinaniniwalang
katotohanan
19. Makabuo ng
pansariling
paghuhusga batay sa
pagpapahalaga,
katotohanan, umiiral
na panuntunan o
prinsipyo o katarungan
20. Makapagbibigay ng
patunay o ebidensya ng
aksyong gagawin,
desisyon, pananaw at
makapaghikayat sa
kahalagahan ng
desisyong nabuo o
paninindigan o
prayoridad

Akademikong
Uri ng Pagsusulit
ng Aytem
Talahanayan
ng Ispesipikasyon
-Bilang
CDS
Kakayahang

Kognitibong Domeyn

Pagbubuod

Pagtataya

Pangwika/
Gamit ng Wika
Pagbibigay-solusyon
Pagbubuod

Pagbibigay ng mga
kadahilanan sa aksyon,
desisyon, pananaw at
paghihikayat
Pagtataya

Porsyento/ Bigat ng
Pagmamarka

20 puntos bawat
sanaysay

10%

30 puntos bawat
sanaysay

15%

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon LSP


Ang layunin ng pag-aaral
Ang pagsusulit ay bahagi ng pananaliksik ukol sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga Estudyante na nasa Una at
Ikalawang Antas sa Kolehiyo ng San Beda.
Limitasyon ng pagsusulit: Tatagal ang pagsusulit ng isa at kalahating oras. Tig-iisang seksyon lamang bawat kurso ang bibigyan ng pagsusulit mula sa una at ikalawang
antas at tanging yaon lamang estudyante na kumukuha o nakapasa na sa Filipino 1 hanggang Filipino 3. Tatayain ang kakayahang pangwika sa Filipino ng mga estudyante
base sa binuong pagmamarka.
Ang sitwasyon at ang gawain
Naglalaman ang pagsusulit ayon sa silabus sa Filipino na may kinalaman sa retorika. Isasagawa ang pagsusulit sa kalagitnaan ng semestre sa oras ng kanilang klase sa Filipino.
Binubuo ang pagsusulit ng 80 aytem sa multiple- choice at hiwalay na puntos para sa sanaysay batay sa talahanayan ng ispesipikasyon sa itaas.
Katangian ng kukuha ng pagsusulit
Ang mga estudyanteng nasa A na seksyon sa Una at Ikalawang Antas sa bawat departamento ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Kolehiyo ng San Beda ang kukuha ng
pagsusulit: AEC (Economics), AIT (Information Technology), AMC (Marketing), ABE (Entrepreneurship), ALM (Legal Management), AFM (Financial Management), APH
(Philosophy), at APS (Psychology) na nakapasa sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 o kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2 at Filipino 3 sa panahon ng pagsusulit.
Mga kakayahang tatayain
Nakatuon sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga estudyante batay at paglalapat nito sa kasanayang pagsulat. Tunghayan ang mga batayan sa
pagtataya:
Kakayahang Panggramatika
Ponolohiya ang paraan ng pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng isang wika.
Morpolohiya pag-aaral ng mga morpema o ang pinakamaliit na bahagi ng salita na nagtataglay ng sariling kahulugan, na hindi maaaring bawasan o hatiin pa.
Talasalitaan pag-aaral ng kahulugan ng salita
Kaalamang tekstwal kohesyon at retorika
Retorika mabisang pagpapahayag
Paglalarawan isang paraan ng pagpapahayag na layuning makabuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig na gumagamit ng pandama, pangamoy, panlasa, pandinig at panalat.
Pagsasalaysay - maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. Sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, at
Paano.
Paglalahad isang pamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan.
Enumerasyon pag-iisa ng mga detalye sa malinaw na pagkakaayos ayon sa bahagi o mula una hanggang huli ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
Paghahambing at Pagtataliwas pamamaraang angkop gamitin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba
atbp.
Pangangatwiran - isang paraan ng pagbibigay at pagdudulog ng sapat na katibayan sa anumang talakay na nais patunayan para maging kapani-paniwala ang isang
kontrobersiyal na isyu o paksa para sa iba
Kaalamang punksyonal pagbuo ng mga ideya, katatasan sa wika/manipulasyon, pangangatwiran, imahinasyon o kakayahang pampanitikan
Kaalamang sosyolingwistika paggamit ng wika batay sa sitwasyon
Antas ng Wika pampanitikan, kolokyal, panlalawigan, pabalbal, pambansa
Rehistro mga teknikal na termino batay sa larangan
Nilalaman ng pagsusulit
Isa itong criterion-referenced test na susukat sa kakayahan ng indibidwal na estudyante at walang kinalaman sa kaalaman o pagkatuto ng iba pang kaklase o kurso. Bagamat
maaaring tingnan kung anong kurso ang nagtala ng mas mataas na kakayahang pangwika.
Talasalitaan
Wastong gamit
Ponolohiya at Morpolohiya
Retorika/ Sanaysay

paglalarawan/ pagsasalaysay
paglalahad
pangangatwiran

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon LSP/Iskalang Analitik-Diederich scale (binago)

Pamantayan sa pagmamarka
Kawastuhan ng mga sagot para sa mga aytem sa A. C. at iskalang analitik sa Sanaysay. Scantron ang gagamitin sa mga
aytem A. C at maglalaan ng hiwalay na papel para sa sanaysay.
Tunghayan ang iskala sa ibaba batay sa Diederich scale:

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon LSP


Karagdagan nito ang ilang tanong bilang gabay sa pagmamarka sa iskala:
Panimula Nakapukaw ba sa interes ng mambabasa?
Gitna Lohikal ba ang ayos ng mga impormasyon at aksyon?
Katapusan Nabuo ba sa katapusan ang kabuuan ng sulatin o hindi ba bitin ang katapusan?
Istruktura ng mga pangungusap Buo ba ang mga pangungusap o hindi putul-putol ang mga ideya? May sense ba ang mga
pangungusap?
Talasalitaan Angkop ba ang mga salitang ginamit o eksakto ba sa layunin ng nagsusulat?
Halimbawang paksa: Personal na Pagpapahalaga, Syensya at Kalikasan, at Pulitika at Nasyonalismo
Plano sa pagsukat sa katangian ng instrumento:
Reliability pangkalahatang kakayahan ng pagsusulit na masukat ang kognitibong kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo
Validity may kinalaman sa iterpretasyon ng iskor at pormat ng pagsusulit kung nakamit ang layunin ng pag-aaral
Situational authenticity naaangkop ang pagsusulit sa layunin nito dahil ginamit ang silabus sa Filipino na naaayon sa pagtataya sa
kakayahang pangwika
Interactional authenticity napapanahon ang mga akda na batay sa kultura at isyung pangwika at lipunang Pilipino
Dating (Impact)/Kahihinatnan (Consequences) - ang kinalabasan ng pagsusulit ay inaasahang magiging batayan sa pagpapayabong
ng pagkatuto at pagtuturo ng wikang Filipino
Praktikalidad - kayang gawin ang pagsusulit ayon sa kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo at wala pang nabuong pagsusulit
batay sa silabus sa Filipino maging sa KWF na pangunahing institusyon sa pag-aaral sa wika
Rubrik napapaloob dito kung paano gagawin ang pagsusulit, panuto, tagal ng oras, pagmamarka, pagsasagawa ng pagsusulit
Input prompt tagpuan, kalahok, layunin, anyo/nilalaman, tono (magaan pero pang-akademiko), wika (Filipino), gawi, uri
(multiple-choice/essay)
Input data
Pormat 75 aytem ng multiple-choice (scantron) at 100% sa sanaysay
Paano gagawin pasulat
Haba isang oras at kalahati
Inaasahang tugon
Pasulat
Sakop ng pagsusulit silabus sa Filipino 1 hanggang Filipino 3
Pamantayan ng pagmamarka kawastuhan ng sagot at iskalang analitik

Pagmamarka SBC/IETLS
Napakagaling (Excellent)
Magaling (Good)
Katamtamang Galing
(Average) Mahina (Weak)
Napakahina (Poor)

81%-100%
61% - 80%
41% - 60%
21% -40%
0% -20%

Paglalarawan sa pagmamarka (Descriptive bands):


Napakagaling Mahusay ang kognitibong kakayahang pangwika sa lahat ng antas nito kaalaman, pag-

unawa, paglalapat, pagsusuri, pagbubuod at pagtataya. May hustong kaalaman din sa talasalitaan, wastong
gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, kaalamang tekswal,
punksyonal, sosyolinggwistika, antas ng wika at rehistro.
Magaling May sapat na kaalaman sa aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit,
ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika at mataas ang kognitibong kakayahang
pangwika (antas ng pagsusuri at mas mataas pa). Mahusay ang organisasyon, daloy o kohirens ng mga ideya,
istilo at nasunod ang mekaniks ng wastong pagsulat.
Katamtamang Galing Masasabing nababatid ang aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan,
wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, sapat ang antas na
kognitibo ngunit sa mababang antas ng kahusayang pangwika at hindi pa gaanong tumataas sa antas ng
malalim na pag-iisip. May sapat na kaalaman sa wastong pagsulat tulad ng organisasyon, kohirens, istilo at
mekaniks.
Mahina Nahihirapang maalala ang dating alam sa aspektong pangwika at nasa mababang antas na
kognitibo. Hindi gaanong binigyang-tuon ang mekaniks ng pagsulat.
Napakahina Di man lang nakapasa sa anumang aspektong pangwika maging sa kognitibong kakayahang
pangwika.

Proseso ng Pagbibigay-bisa ng mga Eksperto


TALATANUNGAN (Bihasang Tagasuri)
Pangalan _________________________
Pamantasan/Kolehiyo

________________________________
Katungkulan _________________________________
Bilang/Haba ng Taon sa Propesyon
_________________________________
Natapos na Kursong
Gradwado_________________________
Pamantasan na Pinagtapusan
_________________________________
Mga larangang bihasa o may mga ginawang pag-aaral
________________________

Mga Batayan ng Pagsusuri sa Instrumento

Batayan

A. Organisasyon
B. Tekstwal
C. Nilalaman/
Kognitibo
D. Kabuuan

Oo

Bahagya Hindi

Hindi
Angkop

Komento/
Paliwanag

Organisasyon
1. Mula sa madali patungo sa mahirap ang mga aytem?
2. Sa pagsulat ng panuto:
a. tiyak?
b. malinaw?
c. maikli?
d. nauunawaan?
B. Tekstwal
1. Angkop ang mga talasalitaan/ mga salitang ginamit?
2. Tama lamang ang haba ng mga salita/talasalitaan?
3. Tama lamang ang haba ng mga pangungusap?
4. Angkop ang tipo ng mga letra?
5. Malinaw ang mga detalye?

C. Nilalaman/Kognitibo
1. Sapat ang mga tanong upang masukat ang dimensyon batay sa kognitibong domeyn:
a. kaalaman?
b. pagkaunawa?
c. paglalapat?
d. pagsusuri?
e. pagbubuod?
f. pagtatasa?
2. Sapat ang seleksyon sa pagtatamo ng layunin ng pagsusulit?
D. Kabuuan
1. Mahirap ba ang pagsusulit?
2. Natalakay ba ang lahat ng aytem sa pagsusulit?
3. May pag-uulit ba sa mga konsepto sa pagsusulit?
4. May mahahalaga bang paksang nakaligtaan o hindi nabigyang-diin?
5. Balanse ba ang mga kasanayan at konseptong sinusukat sa pagsusulit?
6. Natugunan ba ng pagsusulit ang layunin nito?
7. Malinaw at sapat ba ang mga panuto?
8. Sapat ba ang haba at kalidad (mahirap o madali) sa tagal ng itinakdang oras para masagutan ang pagsusulit?

9. Angkop ba sa kakayahan ng estudyante ang nililinang na kasanayan at gawain sa pagsusulit?


10. Madali bang basahin ang mga seleksyon at teksto sa kabuuan?
11. Kapaki-pakinabang ba ang ginawang pagsusulit sa pagkatuto?

Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan


(validity and reliability indices)
validity pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa

itinuro ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa


isang criterion-referenced test. May kinalaman ang validity
sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang
sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa
hangarin ng pagtuturo. May kinalaman din ito sa
kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa
marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat
sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng
instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable)
bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya.
May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content
validity, construct validity, face validity, at consequential
validity

criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng

indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng


partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit.
Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo,
kurikulum at iba pa.
content validity, pinagtutuunan ang domeyn o kasanayan at
personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa
kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng
pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at
kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang
layunin ng pag-aaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng
mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa
pagsusulit.
face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung
katanggap-tanggap sa gagamit nito.

construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral.

Layunin nitong mailarawan ang katangiang


sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan
nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan,
ang construct validity ay kalipunan ng mga
ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa ibat
ibang sitwasyon. Dahil pilot test lamang ang pagaaral at mula lamang sa San Beda College ang
sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang
talatuntunang ito.
consequential validity sinusukat dito ang magiging
bunga (consequences) nito sa kumukuha ng
pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang
kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent
ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit
ng kakayahan ng mga estudyante.

reliability nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng

pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na


isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung
magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong
grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho
ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at
dependable o magagamit muli sa hinaharap May mga uri
ng reliability: reliability coefficient at coefficient of
equivalence.
Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng
sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong
instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng
administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa
kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng
tinatawag na error sa iskor.
Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence
ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa
dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong
domeyn?.

Ang Instrumento
Kaalamang panggramatika (multiple choice)

Talasalitaan: Halimbawa: May tila bahaw na alingawngaw sa


kanyang dibdib.
a. Mahinang tinig b. di mawari c. malamig na pakiramdam
d. kaba
Wastong gamit:
Hatiin natin ang bibingkang binili ng nanay.
a
b
c
d
Hatian mo naman ako ng mga bayabas na mapipitas mo.
a
b
c
d
Ponolohiya, morpolohiya:
Silidan mo ng tubig ang balde at maliligo ako.
Sarisari ang kulay ng mga banderitas tuwing pista sa nayon.

CALP
Layunin

Kognitibong
domeyn

Akademikong
Kakayahang
Pangwika

Tanong /Gawain
mula sa
Instrumento

Masukat ang antas ng


kaalaman sa pagsagot sa
literal na mga tanong na
inilahad sa akda.

Kaalaman

Paghahanap ng
Impormasyon

Ano ang tinutukoy ng


dalawang mukha ng
syensya?

Matukoy ang
pangunahing diwa ng
akda

Pag-unawa

Paghihinuha
Pangangatwiran

Tukuyin ang
pangunahing diwa ng
akda. Anong bahagi ng
akda ang nagbigay ng
clue sa pangunahing
diwa nito?

Pag-uugnay

Maglahad ng
karanasang
maihahalintulad sa
mga lalaking Indostan
sa tula. Nangyayari ba
sa tunay na buhay ang
pangyayari sa akda?
Bakit mo nasabi?

Makapagbigay ng
Paglalapat
opinyon batay sa umiiral
na katotohanan,
panuntunan, prinsipyo
batay sa pinaniniwalaang
gawi (behavior) at sa
sitwasyon

CALP
Layunin

Kognitibong
domeyn

Akademikong
Kakayahang
Pangwika

Tanong/Gawain
mula sa
Instrumento

Makabubuo ng
balangkas, dayagram,
ugnayan (web) ng mga
kaisipang inilahad sa
akda at mga patunay rito

Pagsusuri

Pag-iisa-isa/Paggugrupo
Pagsusuri

Gumawa ng dayagram
o web ng sanhi at
bunga ng dalawang
mukha ng syensya at
ipaliwanag ang
ginawang dayagram.

Makapagmungkahi ng
Pagbubuod
solusyon sa hinaharap na
suliranin

Pagbibigay-solusyon

Anong suliranin ang


inilahad sa akda? May
solusyon ba?
Pangatwiranan.

Makabuo ng pansariling Pagtataya


paghuhusga batay sa
pagpapahalaga,
katotohanan, umiiral na
panuntunan o prinsipyo o
katarungan

Pagbibigay ng mga
kadahilanan sa aksyon,
desisyon, pananaw at
paghihikayat

May magagawa ba ang


tao upang maiwasan
ang masamang dulot
ng syensya?

Sanaysay - Prompt
Pansinin ang mga naunang tanong. Sagutin ang mga tanong na
ito sa pagsulat ng sanaysay na hindi kukulangin sa 200 salita.
Hindi kasama sa bilang ng mga salita ang mga pang-ugnay
tulad ng pang-ukol, pang-angkop, atbp. Hindi dapat limitahan
ang pagsulat sa pagsagot lamang ng mga tanong. Kailangang
sundin ang panuntunan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng
pagkakaroon ng simula, gitna, at wakas.
Tatayahin ang nilalaman at organisasyon, istilo, at mekaniks sa
pagsulat tulad ng wastong baybay, gamit, bantas, kahulugan,
atbp. Inaasahang makasusulat ng wastong gamit ng mga salita
sa Filipino, may kohirens, kohesyon sa mga pangungusap at
talata at angkop na rehistro batay sa larangan o disiplinang
tinatalakay. Nilalayon nitong mataya ang kognitibong
kasanayan sa pagsulat ng kumukuha ng pagsusulit na ito.

You might also like