Komunikasyon at Likas Nito

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNGRIA, UNALYN D.

BEED 1-A January


28, 2021

Pra sa ating modular na klase ngayon: Mga tanong:

1. Bumuo ng sariling kahulugan ng komunikasyon batay sa tinalakay na


kalikasan at mga halimbawa nito.
 Ang komunikasyon ang siyang nagbibigay daan sa atin upang tayo ay
mag kaunawaan at magkaintindihan nang hindi tayo humantong sa
kalituhan o kaguluhan. Ito ay isang proseso ng pakikipagtalastasan,
pakikipag-uganayan, at pakikipag-usap gamit ang verbal o non-verbal
na paraan. Sa kabilang dako, ito ay isang systematiko, kung saan ang
bawat indibidwal ay nakikipag-uganayan sa isa’t isa sa pamamagitan
ng simbolo upang makalikha o mabigyan ng kahulugan. Sa
pamamagitan nito, naipapahiwatig ng isang tao ang nais niyang
sabihin, ang kanyang saloobin, o ang kanyang nararamdaman.
Halimbawa, ang pakikipagtalastasan sa ibang tao.

2. Gaano kahalaga ang intrapersonal na komunikasyon o internal


vocalization sa pakikipag-ugnayan sa kapwa?
 Ang intapersonal na komunikasyon ay sobrang halaga sa pakikipag-
ugnay sa kapwa sapagkat mas maipapakita ang nararamdaman mo sa
pakikinig ng boses. Mabilis mong malalaman kung galit,
nagmamadali, masaya, malungkot atbp. Samakatuwid, mas madaling
maipahiwatig ng isang indibidwal ang kanyang gustong ipahiwatig sa
pamamagitan nito.

3. Sa kabila ng pagiging mabisang platform sa paghahatid at pagtugon sa


mensahe o impormasyon, sa iyong obserbasyon, ano pa ang mga
negatibong dulot ng social media sa komunikasyon?
 Ang social media ay maraming negatibong dulot sa komunikasyon
sapagkat kadalasang nangyayari ang nagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan. Akala natin ay ayos lang an gating pinapaskil sa
social media ngunit hindi natin alam na iba pala ang pagkakaintindi
ng iba. Ang social media ay napakalawak na Sistema kaya’t isang
pindot mo lang o isang post mo lang ay maaaring mabago nito ang
iyong buhay. Kaya’t tayo ay maging maingat at mapagmatyag sa ating
mga sinasabi sa social media dahil hindi lahat ng tao ay kilala ka at
hindi rin lahat ng tao doon ay kilala mo.

You might also like