Filipino 4 Q3 Week4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WORKSHEET SA FILIPINO 4

IKATLONG MARKAHAN
WEEK 4
Pangalan: ____________________ Petsa __________
Seksyon: _____________________ Iskor _________

Layunin: Nasusuri kung opinion o katotohanan ang isang pahayag. (F4PB-lllf-19)

Paano ba natin malalaman kung ang isang pahayag ay opinyon o katotohanan?


Ang isang pahayag masusuri kung katotohanan kapag nagpapahayag ng
ebidensya o katibayan ng isang bagay o pangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga salita
o parirala tulad ng : - pinatutunayan ni - mula kay - tinutukoy sa/ni - mababasa na -
nagsasaad ng idea o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo - hindi
nagbabago at maaring mapatunayan - sinusuportahan ng pinagmulan
Matatawag naman na opinyon ang pahayag kapag ito ay isang paniniwala lamang,
palagay o kuru-kuro tungkol sa isang baya o pangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga
salita o parirala tulad ng : - sa aking palagay - kung ako ang tatanungin - sa tingin ko -
sa pakiwari ko - sa nakikita ko - para sa akin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag suriin kung opinyon o katotohanan.Isulat sa
papel ang letra ng tamang sagot .

____ 1. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.


A. katotohanan B. opinyon
____ 2. Ang Quezon City ay isang lungsod.
A.katotohanan B. opinion
____ 3. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
A.katotohanan B. opinyon
____ 4. Maraming mga mag-aaral ang nasisisyahan at natutuwa sa online class.
A. katotohanan B. opinyon
____ 5. Dumarami ang naghihirap dahil sa nararanasang pandemya.
A.katotohanan B. opinion

Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang bago ang bilang ang O kung
opinyon at K kung katotohanan ang mga pahayag.

_____6. Nagbibigay ng pag-asa ang sinabi ng National Task Force


(NTF) laban sa COVID-19 na ngayong buwan ay maaari nang
simulan ang mass vaccination.

_____7. Ang memorandum ay nilagdaan ni NTF chief implementer Carlito


Galvez Jr., chairman Delfin Lorenzana at vice chairman Eduardo
Año.

_____8. Naghahatid din ng pag-asa ang sinabi ng National Economic


Development Authority (NEDA) na posibleng magkaroon na ng
relaxed quarantine sa Metro Manila sa Marso kung patuloy na
susunod sa health protocols ang publiko.

_____9. Sabi ni Karl Chua, NEDA acting director general na ang


kooperasyon ng mamamayan ang kailangan para magkaroon
ng relax quarantine sa susunod na buwan.

_____10. Plantsado na ang gagawing pagbabakuna at sa tulong at


kooperasyon ng bawat isa, malalampasan din ang pandemya.
Panuto: Lagyan ng √ tsek ang kahon kung ang pahayag ay katotohanan at X kung
opinyon.

Pangungusap Katotohanan Opinyon


11. Marahil, kaya siya nagkasakit ay di niya inaalagaan
ang kaniyang kalusugan.

12. Ayon kay Comelec Commissioner Rowena


Guanzon, kinakailangan lang ipakita ang ID o kaya mga
licensure card, bukod pa sa mga requirement na
kailangang dalhin para sa voter’s registration.

13. Dahil sa dami o kapal ng basura, maaari ng


maglakad sa ibabaw niyon na hindi malulubog

14. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar,


welcome development ito sa poultry industry sa bansa
lalo pa’t ang manok at iba pang poultry products ay
malaking source ng protina gaya rin ng karneng baboy
at baka na mas mahal nang di hamak ang presyo sa
mga pamilihan.

15. Para sa ibang mga tao, maganda ang online class


dahil maaari silang mag-aral sa loob ng kanilang mga
bahay.

You might also like