Filipino11 Komunikasyon Mod2 v2 Forprint PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Konseptong Pangwika:
Monolinggwalismo,
Bilinggwalismo at
Multilinggwalismo
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Konseptong Pangwika: Monolinggwalismo, Bilinggwalismo,
at Multilinggwalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marco V. Javier

Editor: Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagaguhit: Rain Merit A. Ataiza

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang Pilipinas ay bansang puno ng mayabong na kultura dahil sa pormang heograpikal


nito. Ito ay itinuturing na arkipelagong bansa dahil sa lipon ng mga pulo sa bansang
ito. Tinatayang ang bansang Pilipinas ay mayroong pitong libo at isang daan at pitong
pulo at nahahati sa tatlong malalaking pulo, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ito ang
naging dahilan kung bakit nagkaroon ng baryasyon pagdating sa mga tradisyon,
paniniwala at higit sa lahat ang wika ng bawat lugar sa bansa. Ang heograpikal ay isang
malaking salik kung bakit nagkakaroon ng barayti pagdating sa wika ang mga lugar sa
Pilipinas. Kaya naman ang modyul na ito ay magsisilbing gabay sa pag-alam sa mga
konseptong pangwika.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:

• Pagtukoy sa kahulugan ng Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, Multilinggwalismo


• Pag-uugnay ng konseptong pangwika (Monolinggwalismo, Bilinggwalismo,
Multilinggwalismo) sa mga napanood/napakinggan na sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon; at
• Pag-uugnay ng konseptong pangwika (Monolinggwalismo, Bilinggwalismo,
Multilinggwalismo) sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. natutukoy ang kahulugan ng konseptong pangwika (Monolinggwalismo,


Bilinggwalismo, Multilinggwalismo) F11PN-Ia-86;
2. naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood/napakinggan na
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon
F11PD-Ib-86; at
3. naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at
mga karanasan.

1
Subukin

Basahin ang mga paglalarawan sa ibaba bilang gabay sa pagbuo ng pababa-pahalang


na puzzle na ito. Isulat sa mga kahon ang sagot.

PAHALANG PABABA

2. Wikang Pambansa 1. wikang kinagisnan ng isang


indibidwal
3. monolinggwal na bansa
4. sistema ng paggamit ng wika sa
5. tawag sa wikang gagamitin sa pag- pakikipagkomunikasyon ng higit sa
aaral ng mga asignatura mula dalawa
Kindergarten - Grade3 sa K-12
kurikulum

6. tawag sa isang taong iisang wika ang


ginagamit sa komunikasyon

7. sistema ng pakikipagkomunikasyon
na iisang wika ang batayan

8. tumutukoy sa wikang natutuhan sa


mula sa kanyang kapanganakan

9. paggamit o pagkontrol ng tao sa


dalawang wika

10. Mother Tongue Based-Multilingual


2
Education
Konseptong Pangwika:
Aralin
Monolinggwalismo,
1 Bilinggwalismo at
Multilinggwalismo
Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay. Ito ay itunuturing na
ekstensyon ng ating sarili sapagkat ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat
bansang gumagamit nito. Ang wika ay nakatutulong rin sa pakikipagsapalaran ng isang
tao sa pagbabago ng panahon. Sa kahit na anong dimesyon ng buhay ay natutunghayan
natin ang wika bilang instrumento, mula sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula
pahayagan atbp. ito ay nagiging katuwang natin. Kaya naman sa modyul na ito ay
paiigtingin ang pagtukoy sa konseptong pangwika mula sa pagiging Monolinggwal,
Bilinggwal at Multilinggwal ng isang bansa gamit ang mga napanood/napakinggan sa
telebisyon o radyo.

Balikan

Gamit ang “Bulletin Board: Pader ng Karunungan” Ipaliwanag ang mga nakapaskil na
impormasyon sa loob nito.

“Ang wikang
Filipino ay
ang wika ng
pagbabago.”

“Kung ano
ang wika mo,
iyan ang
pagkatao mo.”

“Huwag ikahiya
ang ating wika
sapagkat iyan
ang diwa ng ating
pagkabansa.”

Naalala mo na ba?
Nababatid ko na unti-unti mo ng nakikilala ang wika mula sa ating ginawang
pagbabalik-tanaw. Kaya naman upang mas mapalalim pa natin ang pagkilala sa wika.
“Halina’t ating simulan ang pagtuklas!”

3
Tuklasin

Sagutin Mo!

Gamit ang mga sagisag na watawat, tukuyin ang bansa at ang wikang sinasalita sa
mga bansang ito.

Watawat Bansa Wikang Ginagamit

Matapos sagutin ang talahanayan, ano-ano ang iyong natuklasan?

ALAM KO… NALAMAN KO… NAIS PANG


MALAMAN…

4
Suriin

Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo


Monolingwalismo
Ito ay tumutukoy sa iisang wikang ipinatutupad sa isang bansa. Ang mga
bansang halimbawa nito ay ang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa.
Monolinggwal na maituturing ang isang bansa kung ipinatutupad ang iisang wika sa
sistema ng edukasyon, komersiyo, wika sa negosyo, at wika sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga mamamayan sa isang bansa.
Bilinggwalismo
Ang bilinggwalismo ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba
ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika.
–Leonard Bloomfield, Amerikanong Linggwista
Ang bilinggwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwika na kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
at pagsulat.
–John Macnamara, Linggwista

Ang paggamit ng dalawang wika ng salitan ay tinatawag ding bilinggwalismo at


ang taong gagamit nito ay maituturing na bilinggwal.
–Uriel Weinrich 1953, Linggwistang Polish-American
Ayon kay Cook at Singleton, maituturing na bilinggwal ang isang tao batay sa
tatas ng paggamit niya sa wika sa lahat ng pagkakataon. Sa bahaging ito, dapat
magamit nang bilinggwal ang dalawang wika ng halos hindi na matutukoy ang una at
pangalawang wikang nakasanayang gamitin sa pakikipagkomunikasyon ng isang
indibidwal. At ang kasanayang ito ng paggamit ng wika ay tinatawag na balanced
bilingguwal.
Nabanggit ang paggamit ng Una at Pangalawang Wika sa bahaging ito ng
pagtalakay ng bilinggwal. Paano nga ba matutukoy kung ang wika ay Una at
Pangalawang Wika?

Unang Wika (L1) Pangalawang Wika (l2)


Wikang kinagisnan Wikang nakuha mula sa
pagkakalantad sa paligid
Katutubong wika Wikang natutuhan mula sa iba’t ibang
media
Mother tongue Wikang paulit-ulit na naririnig
Arterial na wika Sumunod sa L1 na wikang ginagamit
Pinakamataas na wikang ginagamit
Ayon sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon
para sa bilinggwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa paaralan at opisyal
na transaksyon sa pamahalaan.
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal sa
Pilipinas.”
Nilagdaan ang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon
Bilang 73-7 na nagsasaad na “ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo
at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unidersidad sa
lahat ng paaralan, publiko o pribado man.”
Taong 1974 (Hulyo 19), ipinatupad ang Edukasyong Bilinggwal batay sa
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel.
Nagtatadhana ito ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa
mga paaralan na magsisimula sa taong aralan 1974-1975.

5
Multilinggwalismo
Ang bansang Pilipinas ay isang bansang multilinggwal dahil sa dami ng bilang
ng mga wikain sa ating bansa. Ang multilinggwalismo ay tumutukoy sa paggamit ng
higit sa dalawang wika ng isang tao/ sa kaniyang pakikipagkomunikasyon,
pakikipagtransaksyon sa pamahalaan, negosyo, edukasyon atbp. Mayroon tayong
mahigit 150 wika at wikain kaya naman kapansin-pansin ang pagiging bihira ng
pagiging monolinggwal ng isang indibidwal sa ating bansa.
Sa pagpapatupad ng DepEd ng K-12 Kurikulum, kasabay na ipinatupad ang
probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa Grades 1-
3. Tinatawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based –Multilingual Education. Ang
pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012. Nakalahad dito na
simula 2012 at 2013, ipapatupad ang MTB-MLE sa mga paaralan.
Ayon sa pananaliksik nina Ducher at Tucker, napatunayan nila na mas
mabisang gamitin ang Unang Wika sa mga unang taon ng pag-aaral. Sa unang taon ng
pagpapatupad ng MTB-MLE, itinalaga ng DepEd ang walong pangunahing wika o lingua
franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo
din bilang hiwalay na asignatura.
Walong pangunahing Wika o Lingua Franca na ginagamit sa MTB-MLE:
-Tagalog, Bikol, Kapampangan, Cebuano, Pangasinense, Hiligaynon, Ilokano, Waray
Karagdagang apat na iba pang wikain:
-Tausug, Maguindanao, Maranao, Chavacano
Makalipas ang isang taong pagpapatupad ng MTB-MLE, taong 2013, nagdagdag ang
Kagawaran ng Edukasyon ng mga wikaing maaaring gamitin sa pagtuturo mula sa
Kindergarten hanggang Baitang 1-3.
1. Ybanag-para sa mga mag-aaral ng Tuguegarao, Cagayan at Isabela

2. Ivatan-para sa mga mag-aaral mula sa Batanes

3. Sambal- para sa mga mag-aaral ng Zambales

4. Aklanon- para sa mga mag-aaral ng Aklan, Capiz

5. Kinaray-a- para sa mga mag-aaral ng Antique

6. Yakan- para sa mga mag-aaral ng ARMM

7. Surigaonon- para sa mga mag-aaral ng Surigao at mga karatig na lalawigan


Mula sa polisiyang ito ay kapansin-pansin na ang sistema ng edukasyon na mayroon
sa ating bansa mula sa mababang antas ng paaralan hanggang kolehiyo ay nasa ilalim
tayo ng multilinggwalismo. Isang malaking hakbang ito para sa atin subalit ito ay isang
magandang modelo ng pagtuturo lalo na sa heograpikal na sitwasyon na mayroon sa
ating bansa. Ito ang magsisilbing tulay upang ang bawat mag-aaral mula sa iba’t ibang
panig ng bansa ay hindi mapag-iiwanan sa pagkatuto sapagkat wastong wika ang
ginagamit na midyum sa pagtuturo.

Pagyamanin

Buksan ang telebisyon at


Gawain 1: obserbahan ang mga palabas
na iyong mapapanood. Mamili
ng isang palabas (Talk Show)
na nais suriin at bigyang
pansin ang paggamit ng wika.
Gamitin ang balangkas sa
ibaba sa pagsusuring
gagamitin.

6
PAMAGAT NG PALABAS:
PANGALAN NG TAGAPAGDALOY:
MGA PANAUHIN SA PALABAS:
1. Ano ang mga wikang ginagamit sa palabas?

2. Nasa sistemang monolinggwal, bilinggwal, o multilinggwal ba ang palabas?

3. Naging mahusay ba sa paggamit ng wika ang tagapagdaloy sa kanyang


palabas?

4. Ano ang wikang ginamit ng mga panauhin sa palabas?


Naging epektibo ba ito sa kanilang komunikasyon?

Gawain 2: Pagsasaliksik

Maghanap ng isang vlogger sa Pilipinas na gumagamit ng Unang Wika sa pagbuo ng


kaniyang vlogs. Tukuyin kung anong wika ang kaniyang ginagamit at saan bahagi sa
Pilipinas ito matatagpuan. Ibahagi ang nilalaman ng kaniyang vlog at talakayin kung
paano ginamit ang Unang Wika at Pangalawang Wika sa kaniyang vlog.

Pangalan ng Vlogger: __________________________________________________


Unang Wika: __________________________________________________

Pangalawang Wika: __________________________________________________

Nilalaman ng Vlog:

Isaisip

Punan ang bawat patlang ng


hinihinging kasagutan upang
Ako si ________________ ay ipinanganak sa
mabuo ang ideya sa loob ng
_________________. Ang wikang nakagisnan ko
kahon.
ay _________________ kaya naman ito ang aking
unang wika. Ang pangalawang wika ko naman
ay _____________________ at nalinang ko ito sa
________________.

7
Isagawa

Gawain 1:

Bumuo ng isang blog/vlog na tatalakayin ang inyong karanasan noong kayo ay nag-
aaral pa ng mga asignatura sa mataas na paaralan na inyong pinanggalingan. Batay
sa inyong mga naging obserbasyon, ano-ano ang mga napansin ninyo sa sistema
ng paggamit ng wika sa edukasyon sa Pilipinas?
Gawain 2:

Gamit ang makabagong teknolohiya, makipanayam sa iyong kakilalang magulang na


may anak na nag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 3. Alamin ang kanilang
opinyon sa paggamit ng Mother Tongue sa pag-aaral ng mga piling asignatura. Bumuo
ng tatlong tanong para sa mga magulang na kailangang sagutin. Maaring isulat ang
sagot o gawan ng isang video presentation.

Tayahin Ayusin ang bawat pangungusap


na nakagulo upang makabuo
ng isang buong ideya.

tila ba ang ay paggamit o Ang sa dalawang ay kanyang


1 dalawang ito pagkontrol ng tao bilinggwalismo wikang katutubong wika.

ang isang kung ipinapatupad na maituturing sa sistema ng


2 Monolinggwal
ang iisang wika edukasyon
bansa kung

batay sa Kautusang na nilagdaan ipinatupad ang


Taong 1974 Juan L.
Pangkagawaran Blg. ni Kalihim Edukasyong
3 (Hulyo 19), Manuel.
25 Bilinggwal

Ang bansang dahil sa dami ng bilang ng sa ating bansa.


4 ay isang bansang
Pilipinas mga wikain multilinggwal

sa mga unang taon ng mas mabisang gamitin napatunayan Ayon sa pananaliksik


5 pag-aaral. ang Unang Wika nila na nina Ducher at
Tucker,

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng mapa na naglalaman ng lokasyon kung saan matatagpuan ang mga


pangunahing wikain sa Pilipinas. Sa ilalim nito ay isulat ang paraan.

You might also like