PANAHON NG HIMAGSIKAN - pdf2
PANAHON NG HIMAGSIKAN - pdf2
PANAHON NG HIMAGSIKAN - pdf2
2. Sanaysay
Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto – ukol sa
masasamang dulot ng pag-ibig sa ningning ng kayamanan
Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni Andres Bonifacio –
panawagan sa mga Pilipino na tuklasin kung saan nagmula
ang mga paghihirap na kanilang dinaranas (sa
KOLONYALISMO/Pananakop at pangingibabaw ng mga dayuhan)
El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) ni
Apolinario Mabini – sampung utos na kahawig ng 10 Utos sa
Bibliya; nagbibigay-diin sa pag-ibig sa bayan at kapwa
Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto – naglalaman ng
mga tuntuning dapat sundin ng mga Katipunero
Ordenanzas dela Revolucion at Programa Constitucional dela
Republica Filipina ni Apolinario Mabini – dokumentong
nagpapahayag ng mga patakaran ng gobyernong rebolusyunaryo
ng mga Pilipino (na malao’y magiging republikano);
binanggit sa Ordenanzas… ang reporma sa lupa
3. Pahayagan
Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga
katha. Ang mga sanaysay at pahayagan ang naging behikulo sa
pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa
kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao
upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan
Ilang sa mga pahayagan noon ang:
MGA MANUNULAT:
1. ANDRES BONIFACIO
Kabilang sa mga nagsisulat at nakapagambag ng
kanilang diwang
mapagmagsik sa panitikang Pilipino ay sina Andres
Bonifacio, Apolinario Mabini, Pio Valenzuela,
Jose Palma, at iba pa. Ang nagtatag ng Katipunan,
isang karaniwan ngunit magiting at dakilang
mamamayan ng bansang Pilipino, ay nagkubli sa mga
sagisag. Ang kaniyang mga sinulat ay malinaw na
nagpapahayag ng kaniyang mga adhikain para sa
bayan.
Unang naging bahagi ng katipunan si Andres noong 1892
pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan.
Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang
kapatid na lalaki na si Procopio noong ika 10 ng Mayo taong
1897.
MGA AKDA NI ANDRES BONIFACIO
2. EMILIO JACINTO
Ang utak ng Katipunan at siya ring patnugot ng Kalayaan,
pahayagan ng nasabing samahan. Ito’y naglalaman ng mga
pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, panawagan sa mga Pilipino
upang magkaisa at magmithi ng kasarinlan, ng pahayag o
manipesto upang ipaglaban ang kalayaan, at mga tulang
naghahandog ng buhay para sa bayan.
Si Emilio Jacinto y Dizon (Disyembre 15, 1875 - Abril 16,
1899), ay isang Heneral ng Pilipinas sa panahon ng Rebolusyong
Pilipino. Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng
Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng
rebolusyonaryong lipunan ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala sa tawag na
Katipunan. Siya ay inihalal na Kalihim ng Estado para sa Haring
Bayang Katagalugan, isang rebolusyonaryong gubyerno na itinatag
noong sumiklab ang mga labanan. Kilala siya sa mga aklat-aralin
sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan habang ang
ilan ay nakikipaglaban na dapat siyang makilala bilang "Utak ng
Rebolusyon" (isang pamagat na ibinigay kay Apolinario Mabini).
Si Jacinto ay nasa Sigaw ng Balintawak kasama si Andres
Bonifacio, ang Kataas-taasang Pangulo ng Katipunan, at iba pang
mga miyembro nito na nagpahiwatig ng pagsisimula ng Rebolusyon
laban sa kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa mga isla.
MGA AKDA NI EMILIO JACINTO
LIWANAG AT DILIM
ni Emilio Jacinto
ANG NINGNING AT ANG LIWANAG
KALAYAAN
Ang kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na talaga
ng pagkatao na umisip at gumawa ng anumang ibigin kung
ito’y di nalalaban sa katwiran ng iba.
Ayon sa wastong bait, ang katwirang ito ay siyang ikinaiba
ng tao sa lahat ng nilalang. Ang hayop ay sinusupil at
nilulubiran sapagkat di nakatatanto ng matwid at di matwid,
di nakaaabot ng dakila at magandang gawa. Liban sa tao
lamang ang makapagsasabi ng ibig ko’t di ko ibig kaya’t
ayon sa bagay na kanyang inibig o di inibig siya’y magiging
dapat sa tawag na mabuti o masama, sa parusa o sa palo.
Kung sa tao’y wala ang kalayaan ay dili mangyayaring
makatalastas ng puri, ng katwiran, ng kagalingan, at ang
pangalang tao’y di rin nababagay sa kanya.
Ay! Kung sa mga Bayan ay sukat nang sumupil ang kulungan,
ang panggapos, at ang panghampas katulad din ng hayop ay
dahil sa ang mga A.N.B. ay di tao, pagkat ang katwiran ng
pagkatao ay namamatay na sa kanilang puso.
Kung sa santinakpan ay walang lakas, walang dunong na
makakakayang bumago ng ating pagkatao, ay wala rin namang
makapakikialam sa ating kalayaan.
Ang Kalayaan ay biyaya ng langit at hindi ng dilang
kagalingan at magandang asal.
Bakit nga, bakit natin ipagkakaloob sa kapangyarihan ng
lupa ang ipinagkaloob sa atin ng kapangyarihan ng langit?
Gayunman, ang karamihan ng mga Bayan ay lagi nang humihila
ng tanikalang mabigat ng kaalipinan. Ang kakapalan ng tao’y
iniinis ng iilang panginoong itinatanggi.
Ang Anak ng Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng
kapaguran niyang sarili upang mamalagi at madagdagan ang
kapangyarihan at bagsik ng Namamahala at Pamahalaan
(Gobyerno) na dahil sa pagkaliyo sa mabangong suob ng
mapagpuring kaakbay ay nakalilimot tuloy na ang kanilang
buong lakas, kalakhan, at kataasang ipinatatanghal ay
galing na lahat sa mga kampong inaalipin at ibinabaon sa
dalita.
Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng
mali at bulag na pagsampalataya, ng mga laon at masasamang
ugali, at ng mga kautusang udyok ng mga akalang palamara.
Kung kaya may katwiran ay dahil may kalayaan.
Ang Kalayaan nga ay siyang pinakahaligi, at sinumang
mangapos na sumira at pumuwing ng haligi at upang maigiba
ang kabahayan ay dapat na pugnawin at kinakailangang
lipulin.
Kung ang Kalayaan ay wala, dili mangyayari ang ganito: Na
ang tao’y bumuti sapagkat ang anumang gagawin ay di
magbubuhat sa kanyang pagkukusa.
Maraming hayop, lalo na sa ibon, ang namamatay kung
kulungin dahil sa pagdaramdam ng pagkawala ng kanilang
Kalayaan. Diyata’t ikaw na itinanging may bait sa
Sandaigdigan ay daig pa ng hayop?
Ang salitang Kalayaan ay nakapaninibago sa tainga at marami
pa sa aking mga kababayan ang di nakaabot ng tunay na
kahulugan.
Kung ang Kalayaan ay wala, ang kamatayan ay makalibo pang
matamis kaysa kabuhayan.
Ang umiibig at nagpapakamatay sa dakilang kadahilanan ng
Kalayaan ay umiibig at nagpapakamatay sa kadahilanan ng
Maykapal, ang puno’t mula ng katwiran na dili maaaring
magkaroon kung ang Kalayaan ay wala.
Bakit ang Tagalog ay kulang-kulang na apat na raang taong
namuhay sa kaalipinan na pinagtipunang kusa ng lahat ng
pag-ayop, pagdusta, at pag-api ng kasakiman at katampalasan
ng Kastila?
Dahil kanyang itinakwil at pinayurakan ang Kalayaang
ipinagkaloob ng Maykapal upang mabuhay sa kaginhawaan; at
dahil dito nga’y nawala sa mga mata ang ilaw at lumayo sa
puso ang kapatak mang ligaya.
ANG PAG-IBIG
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ngang mahal at
dakila na gaya ng pag-ibig.
Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang
kagandahan, ang Maykapal, ang kapwa tao ay siya lamang na
mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang na
mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig.
Kung ang masama at di matwid ay ninasa rin ng loob ay hindi
ang pag-ibig ang may udyok kundi ang kapalaluan at ang
kayamuan.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga Bayan ay dili
magtatagal, at kapagkarakang mapapawi sa balat ng lupa ang
lahat ng pagkaka-pisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay
matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at
tinangay ng hanging mabilis.
Ang pag-big, wala na kundi ang pag-ibig, ang makaaakay sa
tao sa mga darakilang gawa sukdang ikawala ng buhay sampung
kaginhawaan.
Ngunit ang kadayaan at katampalasan ay nag-aanyong pag-ibig
din kung minsan, at kung magkagayon na ay libo-libong
mararawal na pakikinabang ang nakakapalit ng kapatak na
pagkakawanggawa, na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan
at masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na
nahaharuyo sa ganitong pag-ibig!
Ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig, ang taning bina-
balungan ng matatamis na alaala ng nagdaan na at ng pag-asa
naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga
kahirapan at kadustaan, ang pag-ibig ay siyang nagiging
dahil lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang
magbabatang mag-iiwi ng kasanggulan? At mabubuhay kaya
naman ang mga anak sa sarili nila lamang? Kung ang anak
kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang
magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay
lalong matamis pa sa buhay ng matanda na nangangatal ang
tuhod at nanlalabo ang mga pagod na mata ay walang
malingapang makapag-aakay at makaaliw sa kanyang kahinaan.
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing
kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan
ng ating kamuntik na kaluwagan; ang pagtatangkakal sa
naaapi hanggang sa damayan ng panganib at buhay; ang
pagkakawanggawa na lahat kung tunay na umusbong sa puso –
alin ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay
na ligaya at kaginhawahan. Kailan pa ma’t sapin-sapin ang
dagan ng pinapasan ng Bayang lipos sa kadukhaan at lungkot
ay dahil ang tunay na pag-ibig ay di siyang naghahari kundi
ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.
Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng wagas at
matinding pag-ibig!
Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangan pagdadamayan at
pagkakaisang nagbibigay ng di-maulatang lakas, maging sa
pag-aabuluyan at pagtutulungan ng isa’t isa, maging sa
pagsasanggalang ng mga banal na matwid ng kalahatan.
Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at
binubulag ng hamak na pagsasarili! Ang masasama ay walang
ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan, at inuulalan
pa’t pinapasukan ng mga pagkakaalit, kaguluhan,
pagtataniman, at pagpapatayan, sapagkat kinakailangan ng
kanilang kasamaan na ang Anak ng Bayan ay magkabukod-bukod
upang kung mahina na’t dukha sa mga pag-iiringan ay
makapagpasasa sila sa kanyang kahinaan at kadukhaan.
O, sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-
ibig?
Ang pagkakaisa na siya niyang kauna-unahang nagiging bunga
ay siyang lakas at kabuhayan; at kung at kung nagkakaisa
na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay magaang
pasanin at ang munting ligaya’y nilalasap na malaki. Kung
bakit nangyayari ang ganito ay di matatalos ng mga pusong
hindi nagdadamdam ng tunay na pag-ibig sa kapwa.
At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya
ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na
bumabasa nitong magugulong talata: Mapagnanakawan mo kaya,
mapagdadayaan o matatampalasan ang iyong ina’t mga kapatid?
Hindi nga, sapagkat sila’y iyong iniibig, at bagkus pang
dadamayan ng dugo at sampu ng buhay kung sila’y makikitang
inaapi ng iba.
Gayon din naman kung ang lahat ay mag-iibigan at
magpapalagayang tunay na magkakapatid. Mawawala ang mga
pag-aapihan, ang lahat ng nagbibigay ng madlang pasakit at
di-mabatang mga kapaitan.
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na
pagsasarili ang magagandang akala. Ang mga tapat na nais at
ang tinatawag na marunong ay ang mabuting magparaan upang
magtamasa sa dagta ng iba; at ang tinatawag na hangal ay
ang marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang
mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang nananambitan. Hinggil
sa mga hirap ng tao na inaakalang walang katapusan! Sukat
ang mamahay at manariwang muli sa mga puso ang wagas na
pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay
matutulad sa tunay na paraiso.
ANG GUMAWA
Ngunit kung mahinahon nating pagbubulay-bulayin ay maki-
kitang maliwanag na ang gumawa ay hindi parusa at hirap
kundi pala at kagalingan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao
bilang alaala ng di-matingkala Niyang pag-ibig.
Ang gumawa ay isa sa malaki’t mahalagang biyaya pagkat sa
pamamagitan nito ay nagigising at nadaragdagan ang lakas ng
isip, loob, at katawan, mga bagay na kasanib at
kinakailangan ng kabuhayan.
Anang mga banal na kasulatang pinagmulan ng pagsamba ng
kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang
ibinigay ng Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil
siya’y kumain ng bunga ng kahoy na ipinagbawal sa kanya;
parusang minana ng ating mga anak.
Datapwat ang sabing ito ay maling-mali at nalalaban sa
talaga ng kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay
parusang ibinigay ng Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan
dahil siya’y kumain ng bunga ng kahoy na ipinagbawal sa
kanya; parusang minana nating mga anak.
Ang gumagawa ay nalalayo sa buhalhal na kasalanan, maru-
ruming gawi, at kayamuan; nagtatamo ng aliw, tibay,
ginhawa, at kasayahan.
Masdan natin ang naturang mayayaman, malalaki, at
mapagmarunong na mga layaw at sa ilalim ng kanilang
ipinakiki-tang ginhawa, ningning, at kasaganaan ay nananaig
ang lalong matinding pagkasuya at yamot, kahinaan at
kapalaluan, kasabay ang masasamang gawi na pinanggagalingan
ng mga sakit at utay-utay na inuubos ang kanilang buhay.
Anung laking katotohanan ang sinabi ng ating si Baltazar sa
kanyang mga tula:
“Ang laki sa layaw karaniwang hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”
Iniibig ng Diyos na tayo’y magtrabaho pagkat kung tayo’y
nilibiran ng buong kailangan at kasaganaang aabutin na
lamang natin at sukat, tayo’y walang salang lalong
malulugmok sa lalong kahamak-hamak at kasuklam-suklam na
kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating pagkatao.
Ang lahat ng pinakikinabangan, ang balang ikinabubuhay at
ikinaiiba sa hayop ay siyang kinakatawan at ibinububunga ng
paggawa na nararapat ng kapalagang hindi masisinsay sa
matwid.
– WAKAS –
"Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga
Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng
aming ina ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat
ng uri ng mga gawain, upasala, at pagkadusta. Ano ang higit
na nararapat naming gawin bukod sa lumuha? Wala na kundi
ito ang naugalian ng aming pagkukusa."
3. APOLINARIO MABINI
Ang dating kasapi sa La Liga ng palihim na gumagawa upang
magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan, ay siyang naging
“Utak ng Himagsikan” at pinakakanang-kamay ni Heneral
Emilio Aguinaldo sa ikalawang bugso ng himagkain. Ang
marami sa kaniyang mga sinulat ay pawang tungkol sa
pulitika, sa pamahalaan at sa pagpapalaganap ng damdaming
makabayan.
Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang
Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong
anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo
Talaga, Tanauan, Batangas.
MGA AKDA NI APOLINARIO MABINI
SA BAYANG FILIPINAS
Baga mat mahina at akoy may saquit kinusa ng loob, bayang
inibig na ipagparali ang laman ng dibdib di na alintana ang
madlang ligalig.
Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw
at buhay, sa pagka’t di natin dapat pabayaan iba ang kumabig
ating kapalaran.
Tingni’t nagdadaang halos magpangabot mga kababalaghang pakita
ng Dios, tingni yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling
ipinagbabantog.
Sapagkat ng una’y kaniyang nasasakupan malalaking bayang
nadaya’t nalalang, kaya naman ngayo’y pinagbabayaran ang
nagawang sala sa sangkatauhan.
Talastas ko’t walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa
ibang sakuna; nguni’t lalong talos na di naaakma na sa bayang
iya’y makisalamuha.
Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya’y napipiit;
nguni’t kung ang baya’y payapa’t tahimik aliping busabos na
pinaglalait.
Ah! pag nakipag-isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting
kaul-ulan o kun dili kaya’y magpapakamatay, pag hindi sa utos
ng Dios sumuay.
At kung ang balang na ay waling bahala at ipatuloy mo kaul-
ulang nasa, haharanging pilit ng dugong naglawa ng mga anak
mong lubos na naaba.
Sasabihin niya’y, tigil at huag ka na magpapatibulid sa
ikamumura pagka’t ng ikaw lama’y guminhawa kaya ibinuhos ang
madlang parusa.
Di ko hinahangad na ikaw’y lumabas sa kampo ng walang
kahusaya’t sangkap, pagka’t talastas kong matuid ang landas at
mahahatid ka sa pagkapahamak.
Ang inoola ko’y dili iba’t ito mag-isa ang loob ng lahat ng
tawo, sa loob ng bayan at sa bawa’t barrio ay biglang maghalal
ng isang Pangulo.
Ang mga Pangulo ay mangag-uusap Pipili ng Punong lalong
nararapat Humusay ng gulo, magtuto sa lahat At tumayo naman sa
bayang nag-atas.
Ang mga Pangulo habang naghuhusay ng sa isa’t isang mga
kaibigan, hinahanap naman nitong Punong bayan ang Punong
nahalal sa mga kahangan.
At kung matuklasa’y biglang pupulungin pagkakaisahin ang Punong
susundin at sa kabayana’y lalong tatanghalin sampong tagatayo
na kikilalanin.
Ytong tagatayo’y kusang maglalakbay, tutunguhin niya ibang
kabayanan at kung matagpuan mga kababaya’y ipakikita na dalang
kasulatan.
Sa sulat na ito nanga kapirma ang mga Pinunong nagsugo sa
kanya, upang mapagnuynoy yaong Ordenanza pati ng programa
niyaong Republica.
Tuloy kilalanin niyaong kapisanan ang kapangyarihan niyang
tinataglay at siya ay isa sa mangaghahalal doon sa Presidenteng
kapunupunuan.
At siya’y magtungkol na makapaghanap ng ikagagaling nitong
Filipinas at ng kabayanang sa kaniya’y nag-atas ayon sa tadhana
niyong Ordenanzas.
At ang mga salin na nagpapatunay sa mga Pinuno na pagkakahalal
ay sa Presidente kusang ibibigay upang pagtibayin yaong
katungkulan.
Ito nga’t di iba aking pinipita sa iyo, oh bayang inoola kun
ito ang gawi’y magkakaroon ka boong kailangan at ikaka-kaya.
Kahusaya’t lakas, boong kasangkapan pawang hahakutin sa iyong
kandungan at may mananagot, kun ang ibang bayan ang ibig
maglutas iyong kabuhayan.
Sa tawong marami walang iluluhog, kundi mangag-bait ng di
mabalatong huag mabalisa ng di maparool at di nababakla loob na
hinahon
Sa mayama’t pantas ay ipatalos sa kanilang kamay tinipon ng
Dios ang yaman at dunong na gagawing tungcod upang masapit mo
ang ikababantog.
Kahima’t talikdan ang ingat na dangal at ikakait nila ang na
kakayanan, hindi rin uurong ang balisang bayan, galit
palibhasa’y siyang umaakay.
Lahat na madana’y kun maigiba na sa tinakbotakbo walang
pinupunta tambing babalikan ang di nabalisa sa galit ng Dios
siya’y isasanga.
Nguni’t hindi ito ang pinaglalagiyan ng boong pag asang laon ng
sinimpan ang pananalig ko ay buhay na buhay sa mga anak mong
katutubong damdam.
Bayang sakdal tapang at dati sa tiis pinangingilagan ng dusa’t
panganib himala ng sipag kun natatahimik sa pagka alipin ay
lihis na lihis.
Sa pagkadakila tungo iyang bayan at natatalagang malakas na
kamay na ipaghuhusay sa sangdaigdigan pinilis hinirap ng Poong
may kapal.
Ang bayang ito’y may tinagong lakas na ikaaahon sa pagka
pahamak, at makahihingi ng luklukang dapat sa apkikiulong sa
ibang Potencias.
Tantong manalig ka’t ikaw’y tutulungan kanilang inanak hindi
babayaan pagka’t pawang hirap siyang maaayunan nguni’t kun
tumulong ay kaginhawahan.
Mga binibini siyang magyayakag upang maitunghay noong maliwanag
na pinaglahoan ng pula’t paghamak at pakundanganan ang puring
iningat. Yaring salita ko’y kusang ititigil taluktok ng bundok
siyang tutunguhin dito ihahagis, bayang ginigiliw ang magbati
sa iyong luningning.
Kapag nabalita sa huning mapanglaw niyaong mga ibon aking
pagkamatay, pakatantoin mong huling binitiwan ng mga bibig ko
ang iyong pangalan.
At siya rin naming marahil tawagin sa mga sala ko’y upang
patawarin ibukas ang pinto’t tuloy papasukin sa piling tahanan
ng payapa’t aliw.
Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo sa lahat
n~g bagay: ang Dios na siyang bucal n~g boong catotohanan, n~g
boong catuiran at boong lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang
siya lamang macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing
manuto sa catuiran at magtaglay n~g casipagan.
Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at
minamarapat n~g iyong bait at sariling calooban, na cun
tauagui’y consiensia; sa pagca’t sa iyong consiensia na
sumisisi sa gaua mong masama at pumupuri sa magaling ay doon
nan~gun~gusap ang iyong Dios.
Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas
n~g isip na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa pamamagitan n~g
pagaaral, at pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang
quinahihiligan n~g iyong loob, na huag cang sisinsay cailan
man sa daan n~g magaling at n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang
lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin at sa paraang ito’y
macatulong ca sa icasusulong n~g calahatan: cun gayo’y
magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na
ito, at cun ito’y maganap mo’y magcacapuri ca at cun maypuri
ca na’y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong Dios.
Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan na ca-icalaua
n~g Dios at n~g iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa
pagca’t siya ang nacaisa-isang Paraisong pinaglaguian sa iyo
n~g Dios sa buhay na itó; bugtong na pasunod sa iyong lahi;
nacaisa-isang mamamana mo sa iyong m~ga pinagnuno; at siya
lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil sa caniya’y humahauac ca
n~g buhay, pagibig at pagaari; natatamo mo ang caguinhauahan,
capurihan at ang Dios.
Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g iyong bayan n~g
higuit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya’y pagharian n~g
cabaitan, n~g catuiran at n~g casipagan: sa pagca’t cun
maguinhaua siya’y pilit ding guiguinhaua icao at ang iyong
casambahay at camaganacan.
Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong bayan. Sa
pagca’t icao lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang
icadadaquila at icatatanghal, palibhasa’y ang caniyang
casarinlan ang siya mong sariling caluagan at calayaan, ang
caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo n~g lahat mong
cailan~gan at ang caniyang pagcatanghal ang siya mong
cabantugan at cabuhayang ualang hangan.
Icapitó. Sa iyong baya’y huag cang cumilala sa capangyarihan
nino mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa
pagca’t ang boong capangyariha’y sa Dios ang mumula at ang
Dios ay sa consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya’t ang
sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g lahat na
mamamayan ang siya lamang macapagtataglay n~g uagas na
capangyarihan.
Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang
ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at
huag mong payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon
baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang
camahalan cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang
maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang
pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang
República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat
ayon sa bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa
caluagan at calayaan at n~g casaganaan at cadilagang
tinataglay n~g casipagan.
Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g pag ibig mo
sa iyong sarili, pagca’t biniguian siya n~g Dios at gayon din
naman icao n~g catungculang tulun~gan ca at huag gauin sa iyo
ang di niya ibig na gauin mo sa caniya; n~guni’t cun ang iyong
capua ay nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at
nagtatangca n~g masama sa iyong buhay at calayaan at pag aari,
ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca’t ang mananaig
n~gayo’y ang cauna-unahang utos n~g Dios na mag in~gat ca at
ini-in~gatan quitá.
Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang iyong cababayan
at lagui namang aariin mo siyang tunay na caibigan at capatid
ó cundi ma’y casama, palibhasa’y iisa ang inyong capalaran,
iisa rin naman ang inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon
ding nagcacaayon ang inyong m~ga hinahan~gad at pag-aari.
Caya’t habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga bayan na
ibinan~gon at inaalagaan n~g pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at
angcan, ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na
maquipagisa sa hinahan~gad at pagaari, upang magcalacas ca sa
paquiquibaca sa caauay ninyong dalaua at sa paghanap nang
lahat na quinacailan~gan sa cabuhayan n~g tauo.
4. JOSE PALMA
Si Jose Palma y Velasquez ay tubong Tondo, Maynila.
Ipinanganak siya noong Hunyo 3, 1876 sa mag-asawang Don
Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez.
Melancholias
De Mi Jardin
Himno Nacional Filipina
Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan.
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Lupa ng araw,
ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya,
na pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.
5. DEODATO ARELLANO
Siya ay isa sa mga nagtatag ng Katipunan na naging dahilan
ng simula ng himagsikan sa Filipinas.
6. MELCHORA AQUINO
Siya ang tinaguriang Ina ng Katipunan.
7. VALENTIN DIAZ
Siya ang nagsilbing ingat-yaman ng Katipunan.
8. LADISLAO DIWA
Naanib kaanib siya ng La Liga Filipina. Kasama niya sina
Andres Bonifacio at Teodora Plata.
Sa pagtatag ng Katipunan noong ika-6 ng Hunyo 1892, naipit
siya sa Fort Santiago at nakalaya matapos lagdaan ang
kasunduan sa biyak na bato nahalal din siyang punong
lalawigan ng Cavite panahon ng unang tao republica ng
Pilipinas.