Sanaysay
Sanaysay
Sanaysay
Cueto
ECE – 3101
Hindi limitado ang wikang Filipino sa kaswal na diskurso at komunikasyon lamang. Ang
kaalamang ito ay hindi lingid sa mga mamamayang Pilipino lalong lalo na sa mga guro at
propesor ng mga institusyong pang-edukasyon na may layong pagyamanin at payabongin ito sa
pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo. Subalit sa pagpapakatotoo,
makikitang karamihan ng mga primarya, sekondryang paaralan at mga unibersidad ay
gumagamit ng wikang Ingles sa karamihan ng asignatura. Ang mas masaklap pa roon ay Ingles
pa rin ang ginagamit sa mga asignaturang marapat na Filipino ang gamiting kasangkapan sa
naaayon sa batas. Nabibilang sa mga asignaturang ito ay ang Humanidades at Araling
Panlipunan. Sa aking karanasan, ang Araling Panlipunan at Humanidades ay aking natutunan sa
wikang Ingles. Kaugnay ng karanasang ito, inaamin ko na nahirapan akong lubusang
maunaawaan ang mga leksyon at kinakailangan pang basahin nang paulit-ulit ang mga
pangungusap bago tuluyang maukit sa aking isipan ang mga nais iparating ng aking binabasa.
Sa mga asignaturang ito din natin matututunan ang mga kwento, kasaysayan at
katotohanan ng ating pinagmulan. Dito natin totoong mauunawaan ang ating identitad bilang
miyembro ng lipunang ating kinabibilingan. Bilang paggalang sa hangad ng mga asignaturang
ito na ipaintindi saatin ang pagiging isang tao, marapat lamang na lubusan natin silang intindihin
mula sa mga terminolohiyo hanggang sa kailaliman ng mga simbolo. Samakatuwid, bilang
wikang katutubo sa atin at alam natin sa kaibuturan ng ating pagkatao, marapat lamang na
Filipino ang maging kasangkapan upang sila’y ating matutunan.
Sanggunian:
Vitangcol, A. S. (2019, August 16). Ano ang saysay ng wikang Filipino? The Manila Times,
Date Retrieved: September 19, 2020, from
https://www.manilatimes.net/2019/08/17/opinion/columnists/ano-ang-saysay-ng-wikang-
filipino/601294/
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 | GOVPH. (n.d.). Official Gazette of the
Republic of the Philippines. Date Retrieved September 19, 2020, from
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-
pilipinas-1987/
Nato, R. (2017, October 25). Humanidades pag-unawa sa tao at sa mundo. Slideshare, Date
Retrieved: September 19, 2020, from
https://www.slideshare.net/RochelleNato/humanidades-pagunawa-sa-tao-at-sa-mundo
Humanidades at Agham Panlipunan. (n.d.). Prezi.Com, Date Retrieved: September 19, 2020,
from https://prezi.com/qv3vtgyixsxl/humanidades-at-agham-panlipunan/?fallback=1.