YUNIT-2 ppt3 Mulaan NG Impormasyon

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mulaan ng Impormasyon:

Mapanuring Pagpili mula sa


Samo’t Saring Batis
Batis ng Impormasyon

ay ang pinanggagalingan ng katunayan na


kailangan para makagawa ng mga pahayag
ng kaalaman hinggil sa isang isyu,
penomeno, panlipunang realidad.
Primaryang Batis

orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto


na direktang nagmula sa isang indibidwal,
grupo o institusyon na nakaranas,
nakaobserba o nakapagsiyasat ng isang
paksa o penomeno.
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa-
tao:
 Pagtatanog-tanong
 Pakikipagkwentuhan
 Panayam o interbyu
 Pormal, inpurmal, estrukturado, o semi-
estrukturadong talakayan
 Umpukan
 Pagbabahay-bahay
Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa
papel na madalas ay may kopyang
elektroniko:
 Awtobiyograpiya
 Talaarawan
 Sulat sa koreo at email
 Tesis at disertasyon
 Sarbey
 Artikulo at journal
 Balita sa diyaryo,radyo at telebisyon
 Orihinal na dokumento
 Talumapti at pananalita
 Larawan ng iba pang biswal na grapika
Iba pang Batis:

 Harapan o online survey


 Artifact kagaya ng bakas o labi ng buhay ng
dating bagay, specimen pera, kagamitan, at
damit
 Nakarecord na audio at video
 Mga blog sa internet na naglalahad ng sariling
karanasan o obserbasyon
 Website ng mga pampubliko at pribadong
ahensiya sa internet
 Likhang sining
Sekundaryang Batis

ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at


kritisismo mula sa indibidwal , grupo
institusyon na hindi direktang nakaranas,
nakaobserba, o nagsaliksik sa isang paksa o
penomeno.
Halimbawa:
 Ilang artikulo mula  Sanaysay
sa diyaryo at  Sipi mula sa orihinal
magasin na hayag o teksto
 Encyclopedia  Abstrak
 Teksbuk  Kagamitan sa
 Manwal at gabay na pagtuturo
aklat  Sabi-sabi
 Kritisismo
 Komentaryo
 Alinman sa sekundaryang batis ay maaring
maging primaryang batis kung ito ang
mismong paksa ng pananaliksik.
 Ang primaryang batis ay mas binibigyang
prayoridad ng isang mananaliksik.
 Hindi dapat ipagbalewalang bahala ang
sekundaryang batis.
 Paggamit ng mananaliksik ng mahigit sa
isang batis.
 Pagpili sa angkop na paksa, layon at disenyo
ng pananaliksik.
Pagsangguni sa Primaryang Batis

 Isaalang-alang ang kredibilidad ng journal na


pinanggalingan ng artikulo.
 Iwasan ang nalathala sa mga tinatawag na
predatory journal
 Busisiin ang kredensiyal ng may akda
Pagsangguni sa Sekundaryang Batis

 Iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga


sanggunian na ang nilalaman ay maaring
baguhin ng sinuman.
Kapuwa-tao Bilang Batis ng
Impormasyon

Kailangang timbangin ang kalakasan,


kahinaan at kaangkupan ng harapan at
mediadong pakikipagugnayan.
ito ay karaniwang itinuturing na
primaryang batis maliban kung ang nasagap
sa kanila ay nakuha lamang din sa sinabi ng
iba pang tao.
Mediadong Ugnayan

Pagkalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng ICT.
 Telepono
 Email
 Pribadong mensahe sa social media
Kalakasan ng harapang ugnayan

 Maaring makakuha ng agarang sagot at


paliwanag mula sa tagapagbatid
 Makapagbigay ng angkop na kasunod na
tanong
 Malinaw niya agad ang sagot
 Maoobserbahan ang kanyang berbal at di-
berbal na ekspresion.
Kahinaan ng harapang ugnayan

nangangailangan ito ng mas malaking


badget at mas maraming oras para sa
fieldwork.
Bentahe ng mediadong ugnayan

 Pagkakataong makausap an mga


tagapagbatid na nasa malalayuang lugar sa
anumang oras at pagkakataon.
 Makatipid sa pamasahe at panahon.
 Madaling pag organisa ng datos lalo na kung
may elektronikong sistema na ginagamit ang
mananaliksik sa pagkalap ng datos.
Kwantitatibong Disenyo ng
pananaliksik

Kadalasaý hangad ang random na pagpili


ng mga kalahok lalo na kung hangad ang
paglalahat mula sa sample ng isang
populasyon.
Kwalitatibong Disenyo ng pananaliksik

Pakay ang dibersidad sa katangian ng mga


tagapagbatid maliban kung kahingian sa
pananaliksik ang pagkakatulad ng isa o ilang
partikular na katangian ng bansa.
Midya bilang batis ng impormasyon

Kung pipiliin ang midya bilang batis ng


impormasyon, kailangan ding pag isipang
mabuti ang kalakasan, kahinaan at
kaangkupan nito para sa binubuong pahayag
ng kaalaman.

You might also like