Panahon NG Amerikano

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa
tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon
natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas,
subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano.
Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar
noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

● Sa kabila ng pagsisikap na makamtan ang tunay na kalayaan ay nagwakas lamang at namayani


pa rin ang mga puti sa kanilang pananakop.
● Ang pagkaunsiyami ng mga Pilipino sa paghahanap ng kalayaan ay naibsan nang dumating ang
mga puting Thomasites.
● Pinayabong nila at pinaunlad ang mga araling hindi binigyang pansin at ipinagkait ng mga
kolonyalismo ng Kastila sa mga Pilipino.
● Nagpatayo sila ng " normal schools" na ang layunin ay hubugin ang kasanayan ng mga guro.
● Nagbigay sila ng libreng pag-aaral sa High School.
● Noong panahon ng Kastila ang binigyang diin ay ang tungkol sa relihiyon kaya nagpatupad ang
mga Amerikano ng Batas na nagsasasad na walang sinumang guro ang mang- iimpluwensya sa
mgamag-aaral kung ano dapat at di dapat na relihiyon.
● Ang ganito ay hindi naging sapat upang manahimik ang mga Pilipino.Patuloy silang nakipaglaban
na ang sandata ay lakas, paninindigan at prinsipyo.
● Dumami ang mga babasahin, nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag. Utos ng bagong
mananakop.
● Sa katunayan mas marami ang mga nailimbag na mga babasahin pagdating ng mga Amerikano
kaysa sa mahabanag pananakop ng mga Kastila.
● Dahil muling nakamit ng mga Pilipino ang kalayaang magpahayag, lalong dumami ang humawak
ng pluma upang ipahayag at maipadama ang damdaming sinasapuso ng bawat isa.
● Naging mabunga ang Panitikang Tagalog na ginampanan na rin ng mga kababaihan.

Mga Katangian ng Panitikan:

1. Hangaring makamit ang kalayaan

2. Marubdob na pagmamahal sa bayan

3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

Diwang Nanaig:

1. Nasyonalismo

2. Kalayaan sa pagpapahayag

3. Paglawak ng karanasan

4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan.

You might also like