Written Report 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pokus ng Pandiwa

Pokus ng Pandiwa: ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

Pokus sa Tagaganap (aktor): ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na


isinasaad ng pandiwa

Halimbawa:

 Lumikas ang mga nasalanta ng bagyo.

 Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.

 Umawit ng Lupang Hinirang ang Sunis.

Pokus sa Layon (gol): ang layon o object ang paksa ng pangungusap

Halimbawa:

 Ginagawa niya ang kanyang takdang-aralin.


 Ido-donate ko ang aking ipon.
 Inilabas na ang bagong Iphone

Pokus sa Tagataggap (benepaktib): tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta


ng kilos na isinasaad ng pandiwa

Halimbawa:

 Ipaglalaba ko ang aking nanay.

 Ipagluluto niya ng karekare ang mga panauhin.

 Ipaghahanda ko ng party ang aking kaibigan.

Pokus sa kagamitan (instrumental): ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa


pagganap ng kilos

Halimbawa

 Ipansusulat ko ang bolpen na bigay sa akin.

 Iba pang halimbawa

 Ipambibili ko ng damit ang sweldo ko.


Pokus sa sanhi (kosatibo): ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa

Halimbawa

 Ikauunlad ng bayan ang kasipagan ng mamamayan.

 Ipinagkasakit niya ang labis na pag-inom ng softdrinks.

Pokus sa Resiprokal (gantihan): Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang
resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap.
Samakatwid, laging dalawang indibidwal o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa.

Halimbawa

 Nagsulatan si Florante at Laura.

 Nagtulungan ang mga magkakapitbahay.

Pokus sa Ganapan (lokatib): ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan


o pinangyayarihan ng kilos

Halimbawa

 Pinaglanguyan ko ang batis na malapit sa amin.

 Iba pang halimbawa

 Pinintahan niya ang pader.

Pokus sa Direksyunal: pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutungo ng kilos

Halimbawa

 Pupuntahan natin ang bagyo.

 Papasyalan niyo ang aming tahanan.

Sanggunian

http://www.germanlipa.de/text/aganan.htm

Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago at Norma tiangco

You might also like