Salitang Pangnilalaman
Salitang Pangnilalaman
Salitang Pangnilalaman
1. Pangngalan
2. Panghalip
- Kahulugan: Ang panghalip ay ang salitang ginagamit panghalili o pamalit sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari.
- Uri:
- Panao: Panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao.
- Unang Panauhan (Nagsasalita): ako, ko, akin, kami, tayo, atin, namin, at atin. Halimbawa: Ako
ang may-ari ng kotseng pula sa labas.
- Ikalawang Panauhan (Kinakausap): ikaw, iyo, mo, inyo, ka, kita, kayo, ninyo. Halimbawa: Ikaw
na lamang ang magtungo sa tahanan ni Ibarra.
- Ikatlong Panauhan (Pinag-uusapan): siya, niya, kaniya, sila, nila, kanila, ito. Halimbawa: Sila
ay nagmula sa isang masayang pamilya.
- Pamatlig: Mga panghalip na nagpapahayag ng layo o distansya ng mga tao o bagay sa
nagsasalita o kinakausap: ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, dito, diyan at doon. Halimbawa: Ito
ba ang hinahanap mong panyo?
- Pananong: Mga salitang ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, bagay, panahon, lugar o
pangyayari.
- Tao: Sino, Kanino/nino, Sa kanino/para sa kanino.
- Bagay, Katangian at Gawain: Ano, Alin, Magkano, Ilan, Gaano.
- Panahon: Kailan.
- Lugar: Saan, Nasaan, Taga-saan.
- Pangyayari: Bakit, Paano.
- Panaklaw: Tumutukoy sa kaisahan o kalahatan ng pangngalan.
- Walang Lapi: Sinoman, Kaninoman, Anoman, Gaanoman, Paanoman.
- May Lapi: Iba, Ilan, Kapwa, Isa, Lahat.
3. Pandiwa
4. Pang-uri
5. Pang-abay