Variety N Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

ANTAS NG WIKA

Tulad ng tao, ang wika ay nahahati


rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa
kaantasan nito. Kung tutuusin, ang
antas ng wikang madalas ng
ginagamit ng isang tao ay isang
mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao siya at kung sa aling
antas-panlipunan siya nabibilang.
ANTAS NG WIKA
May ilang dalubhasa sa pag-aaral ng
wika ang nagsabing walang antas o
grado ang wika. Nagkakaiba-iba ang
mga salitang ginagamit ng mga
taong nagsasalita sapagkat ang
sinasalita nila ay ibinabagay sa
sitwasyon ng pangungusap, sa taong
kausap, sa lugar na pinangyarihan ng
pag-uusap sa paksa o mensaheng
nais na maiparating at sa panahon
ng paggamit ng wika.
ANTAS NG WIKA
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban,
naging direktor ng SWP, may apat na
kaantasan ang wika na nahahati sa
dalwang kategorya:
1. PORMAL
a. Pambansa
b. Pampanitikan
2. IMPORMAL
c. Lalawiganin
d. Kolokyal
e. Balbal/ jargon
PORMAL
Ito ay ang mga salitang istandard
dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na na
nakakarami lalo na sa mga
nakapag-aral ng wika.
PAMBANSA- salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika sa
lahat ng paaralan at kadalasang
gamit panturo sa mga paaralan at
pamahalaan. Hal. Pupunta ako sa
bahay ninyo.
PORMAL

PAMPANITIKAN- mga salitang


malalim, matatalinghaga at
masining at kadalasang nakikita
sa mga akdang pampanitikan
tulad ng tula, maikling kwento,
nobela at iba pa.
IMPORMAL
Mga salitang palasak o karaniwang ginagamit
sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa
mga kakilala at kaibigan.
LALAWIGANIN- mga salitang pangrehiyunal
at kadalasang nakikilala sa pamamagitan
ng puntong ginagamit ng nagsasalita.
Halimbawa: mangan (kain)
KOLOKYAL- mga salitang may kagaspangan
ayon sa taong gumagamit nito. Hindi
pinapansin ang wastong gamit ng
gramatika na tinatanggap sa kasalukuyang
panahon. Halimbawa: You’re so baduy ha.
IMPORMAL

BALBAL/BARBARISMO O JARGON
Ito ay katumbas ng slang sa Ingles.
Hindi sumusunod sa wastong
gramatika at kadalasang sinasalita
ng mga taong di nakapag-aral. May
pinakamababang antas ng wika na
nagmula sa pangkat-pangkat upang
magkaroon ng sariling koda.
halimbawa: ermat, erpat, tsibog,
lispu, tsekot
PROSESO O PARAAN SA PAGBUO
NG SALITANG BALBAL
• Pagbabago sa mga salitang
katutubo/lalawiganin
Hal. Mabanas – maalinsangan
Harong – bahay (bikol)
Bayot – bakla
• Panghihiram sa wikang pambansa
Hal. Indian – di dumating sa usapan
Jinggle – ihi
Chicha - pagkain
• Pagbibigay ng bagong kahulugan sa
salitang Tagalog
Hal. Kamote – walang alam
Patola – walang silbi
• Pagpapaikli/ Reduksyon
Hal. Kumpare – pare
Amerikano- kano
• Paggamit ng akronim
Hal. Bff – best friend forever
Lol- laugh out loud
• Pagpapalit ng pantig
Hal. Buntis – jontis
Matanda- majonda
Asawa- jowa
• Paghahalo ng wika
Hal. Anong say mo?
Di ko carry
• Paggamit ng bilang
Hal. 70- kalbo
18- batang bata
• Pagdaragdag
Hal. Dead – dead ma
Cry- crayola
VARAYTI NG WIKA
Ang ating wika ay may iba’t-ibang
barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng
uri ng lipunan na ating ginagalawan,
heograpiya, antas ng edukasyon,
okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating
kinabibilangan.
Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous
na wika tayo ay nagkakaroon ng iba’t-
ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat
ang mga variety ng wika, ayon sa
pagkakaiba ng mga indibidwal.
IDYOLEK
Bawat indibidwal ay may
sariling istilo ng pamamahayag
at pananalita na naiiba sa
bawat isa. Gaya ng pagkakaroon
ng personal na paggamit ng
wika ng nagsisilbing simbolismo
o tatak ng kanilang pagkatao.
Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
IDYOLEK
• Magandang gabi Bayan.

• Hindi ka namin tatantanan.

• Hoy gising.

• Ang buhay ay wheather wheather


lang.

• I shall return.
DAYALEK
Ito ay varayti ng wika na nalilikha
ng dimensyong heograpiko. Ito
ang salitang gamit ng mga tao
ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-
ibang uri ng wikang panrehiyon
na kung tawagin ay wikain.
3 URI NG DAYALEK
• Dayalek na heograpiko (batay sa
espasyo)

• Dayalek na Tempora (batay sa


panahon)

• Dayalek sa Sosyal (batay sa


katayuan)
DAYALEK
• Bakit – Tagalog
• Bakit ga? – Batangas
• Bakit ah? – Bataan
• Bakit ngay?- ilokos
• Bakit ei? – Pangasinan

• Nalilito ako. – tagalog


• Nalilibog ako - bisaya
SOSYOLEK
Na minsan ay tinatawag na
“SOSYALEK”. Ito ay pansamantalang
varayti lamang. Ito ay uri ng wika na
ginagamit ng isang partikular na
grupo. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo
ekonomiko at kasarian ng indibidwal
na gumagamit ng mga naturang
salita.
SOSYOLEK
• Sige ka, jujumbagin kita.

• May amats na ako ‘tol.

• Oh my god! Its so mainit naman


dito.

• Wa facelak girlash mo.


ETNOLEK
Isang uri ng varayti ng wika na
nadedebelop mula sa salita ng
mga etnolonggwistang grupo.
Dahil sa pagkakaroon ng
maraming pangkat etniko sumibol
ang iba’t-ibang uri ng etnolek.
Taglay nito ang mga wikang naging
bahagi nang pagkakakilalanlan ng
bawat pangkat etniko.
ETNOLEK
• VACUUL – tumutukoy sa mga gamit ng
mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
sa twing panahon ng tag-init at tag-
ulan.

• Laylaydek sika – salitang “iniirog kita”


ng mga grupo ng kankanaey ng
Mountain Province

• Palangga- iniirog, minamahal, sinisinta


EKOLEK
Varayti ng wika na kadalasang
ginagamit sa loob ng ating
tahanan. Ito ang mga salitang
madalas na namumutawi sa
bibig ng mga bata at mga
nakakatanda, malimit itong
ginagamit sa pang-araw araw na
pakikipagtalastasan.
EKOLEK

• PALIKURAN – banyo o kubeta


• SILID TULUGAN – kwarto
• PAMINGGANAN – lalagyan
ng plato
• PAPPY – ama, tatay
• MUMSY – nanay/ ina
PIDGIN
Ito ay barayti ng wika na walang
pormal na estraktura. Ito ay
binansagang “nobody’s native
language ng dayuhan. Ito ay
ginagamit ng dalawang indibidwal
na naguusap na may dalawa ring
magkaibang wika. Sila ay walang
komong wikang ginagamit.
Umaasa lamang sila sa mga make-
shift na salita o mga
PIDGIN
• Ako kita ganda babae.
• Kayo bili alak akin.
• Ako tinda damit ganda.
• Suki ikaw bili akin ako bigay
diskawnt.
• Ikaw aral buti para ikaw kuha
taas grado.
CREOLE
• Mga barayti ng wika na nadedevelop
dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar
hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar.
• Halimbawa:
• Tagalog at Espanyol (chavacano)
• Halong arican at espanyol ( Palenquero)
• Portuguese at espanyol (Annobonese)
CREOLE
• Mi nombre – ang pangalan ko
• Di donde lugar to? -Taga saan
ka?
• Buenas dias – magandang
umaga
• Buenas tardes – magandang
hapon
• Buenas noches –magandang
gabi
REGISTER
• Minsan sinusulat na
“rejister”, ito ay barayti ng
wikang espisyalisadong
ginagamit ng isang partikular
na domeyn. Ito ay may 3 uri
ng dimensyon.
3 URI NG DIMENSYON
• Field o Larang – ang layunin at paksa
nito ay naayon sa larang ng mga
taong gumagamit nito.
• Mode o Modo – paraan kung paano
isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
• Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng
mga nag-uusap.
REGISTER
• Mga salitang jejemon.
• Mga salitang binabaliktad.
• Mga salitang ginagamit sa
teks.
• Mga salitang ginagamit ng
mga iba’t- ibang propesyon
gaya ng mga doktor.
ISTANDARD NA FILIPINO"
ay isang varayti ng Filipino sa
kadahilanang binigyang-anyo
ito ng salik na panlipunan..
“Alinmang sistema ng
linggwistikong pagpapahayag
na ang gamit ay
pinamamahalaan ng mga
sitwasyunal na varyabol, gaya
ng rehiyunal, okupasyunal, o
salik na panlipunan
MARAMING SALAMAT

Inihanda ni:

MENCHIE B. ELLAMIL

You might also like