Modyul-4 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL 4.

4 : Si HULI: Bilang simbolo ng kababaihang Pilipino

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

A. Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang iba pang sanggunian/ batis ng


impormasyon sa pananaliksik.

B. Paglinang ng Talasalitaan Nabibigyang ng kaukulang pagpapakahulugan ang


mahahalagang pahayag ng awtor / ng mga tauhan.

C. Pag-unawa sa Binasa Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa


pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa
kasalukuyan.

D. Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang-puna ang narinig na paghahambing sa


akda sa ilang akdang nabasa, napanood o napag-
aralan.

E. Pagpapahalaga Napapahalagahan ang mga pagpapasiyang ginagawa


ng isang tao sa kaniyang buhay.

F. Pagsulat Nakalilikha ng simbolo ng natatanging babae sa


buhay.

II. PAKSANG- ARALIN

AKDA: HULI: Bilang simbolo ng kababaihang Pilipino noon at ngayon

Kabanata 4: Kabesang Tales


Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanata 9: Si Pilato
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 19: Ang Mitsa
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 30: Si Huli
Kabanata 35: Ang Pista

III. YUGTO NG PAGKATUTO

PANIMULANG GAWAIN
Panalangin
Pagsasaayos ng silid-aralan/ mga mag-aaral
Pagtatala ng mga liban sa klase

A. TUKLASIN

Gawain 1: PICTURE PERFECT


Magpapakita ang guro ng larawan at sa tulong ilang impormasyon ay kikilalanin ng mga
mag-aaral ang nasa larawan.
Pang. Cory Aquino Lea Salonga Mother Theresa Melchora Aquino

Gawain 2: ALIN ANG NAIBA

Sa tulong ng Venn Diagram, gumawa ng paghahambing ng babae noon at ngayon.

Bumuo ng paglalarawan sa kasalukuyang babaeng Pilipino.


Magbigay ng iyong sariling opinion hinggil sa: “ Maihahambing ba ang mga
kababaihan sa panahong naisulat ang akda hanggang sa kasalukuyang panahon?

Gawain 3: CHARACTER PROFILE

Isa-isahin ang katangaian ng mga tauhan sa kabanata.


Paano mo ilalarawan si Huli sa panahong ito?
Marami bang kababaihan sa kabanata ang may kahalintulad na katangian niya?
Anong katangian ni Huli ang nagpapakita sa isang dalagang Pilipino?
May mga kababaihan pa bas a panahonh ito ang katulad ni Huli?
Kung ikaw si Huli, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Ipaliwanag.

B. LINANGIN

Pagbasa sa mga kabanata: Pangkatang Gawain


 Pangkat 1- Masining na Pagkukwento
 Pangkat 2- Parada ng Tauhan
 Pangkat 3 – Monolog
 Pangkat 4- Pagsasadula
 Pangkat 5- Bintana ng Paniniwala
Gawain 4:
Sa pamamagitan ng graphic organizer, ilahad ang mga desisyong ginawa ni Huli at ano ang
naging epekto nito sa buhay ng iba pang mga tauhan sa akda?

Gawain 5: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Gamit at K-W-L Chart pumili mula sa pahayag ng mga tauhan sa akda ng mga
matatalinghagang pahayag at ipaliwanag.
C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

D. ILIPAT

Gumawa ng simbolismo ng isang natatanging babae para sa iyo. Maaaring ito ay ang iyong
ina, kapatid, lola, pinsan/ kaibigang babae at iba pa.
Tandaan na ang simbolo ay maaaring kahit na anong bagay na maihahambing sa katangian ng iyong
natatanging babae.

IV. TAKDANG- ARALIN

A. Kilalanin si Isagani at itala sa kwaderno ang kaniyang mga natatanging katangian.


B. Basahin at unawain ang mga sumusunod na kabanata.
 Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
 Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante
 Kabata 15: Si Ginoong Pasta
 Kabanata 22: Ang Palabas
 Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
 Kabanata 35: Ang Piging
 Kabanata 37: Ang Hiwaga
C. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga nangyayari sa
bayan?
2. Ano-ano ang mga kaisipang namamayani sa kabanata?
3. Paano ipinakita ang kabuluhan ng edukasyon sa aralin?
D. Humanda sa talakayan.

Sanggunian: El Filibusterismo

You might also like