Filipino Week 3 Day 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

February, ,2020

I. Layunin
 PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PN-IVd-e-88)
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwatao, magulang).

 PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVd-e-84)


Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa.

 PANONOOD (PD) (F10PD-IVd-e-83)


Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda.
II. Paksa

Panitikan: Si Kabesang Tales


Kabanata : (4)Si Kabesang Tales
(7) Si Simoun
(8) Maligayang Pasko
(10) Kayamana’t Karalitaan
Wika : Paggamit ng hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin
Kagamitan: Ang Batikan, Bolyum XIX. Blg. 4, nina Florian L. Ruiz et. al.
Disenyo batay sa kurikulum ng K12

III. Proseso ng Pagkatuto

A. Gawaing Rutirinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

B. Motibasyon

AKTIBITI

Ang Tunay Kong Yaman Ang Aking Paliwanag

Pinakamahalaga

2. Pokus na Tanong

a. Masasalamin ba ang pagpapahalaga at paniniwala ng mga tauhan sa Diyos, bayan,


kapwa- tao, sa pamamagitan ng ipinakitang kilos o gawi sa nobela? b. Paano naipapahayag
ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag
ng saloobin o damdamin?
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: BROADCASTING


Pagpaparinig ng isang balitang nagpapakita ng paglaban sa kasamaan.

May mga taong matatag sa pagharap sa hamon sa suliranin sa kanyang buhay. Kung
minsan, nakagagawa ng di tama para ipaglaban ang katarungan at maipakita ang tunay na
katotohanan.

Sa isang bayan ay may matikas at matapang na pulis. Ginagawa niya ng buong husay at
tapang ang kanyang tungkulin. Makatao, maka-pamilya at maka-bayan. Matulungin sa mga
kababayan lalo’t higit sa mga nangangailangan. Siya ay nagngangalang Ricardo Dalisay.

Sa kahusayan at katapatan sa tungkulin, di mababali ang prinsipyo at pananaw sa kanyang


pagiging pulis. Mabuti man ang hangarin para sa lahat, mayroong pa ring mga tao na tiyak na
magagalit at makakabangga, mga taong lumalabag sa batas kahit mismong kasamahan niya sa
pagpapatupad nito.

Para mabapagsak siya, pinagplanuhang mabuti ng mga ka- trabaho na siya ay palabasin na
protektor ng droga na lahat ng ebidensiya na pwedeng magdiin sa kasalanang di niya ginawa.
Nagtagumpay ang mga taong may masamang kalooban sa kanya.

Nakulong siya at pinagbabayaran ang kasalanang di niya ginawa. Sa loob ng bilangguan


naghari ang kawalang katarungan. Laganap ang kabaluktutan ng mga nasa posisyon para magdusa
at pahirapan ang mga taong walang lakas na lumaban at walang kakayahan na ipagtanggol ang
kanilang karapatan. Sa kabila nito, di natinag at nanatiling matatag siya sa mga nagaganap subalit
kailangang tuldukan na ang kasamaan o karahasang nagaganap sa loob ng bilangguan. Sinabi
niyang , “kahit anong mangyari, naniniwala siya na lalabas at lalabas ang tunay na makasalanan”.

Dumalangin siya sa Diyos, humihingi ng kapatawaran sa kanyang desisyong gagawin upang


matigil ang kaguluhan, kawalang katarungang nagaganap at di – makataong pamamalakad ng mga
taong nasa likod ng mga pangyayaring ito.

Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: WHAT’S IN THE BOX

a. Paano mo ilalawaran ang isang Cardo Dalisay batay sa tekstong napakinggan?

b. Paano niya ipinakita ang katatagan ng loob sa loob ng bilangguan?

c. Gaano kalalim ang pananampalataya niya sa Diyos?

ANALISIS
1. Ano-ano ang maaaring magawa ng isang taong makapangyarihan sa
lipunan?
2. Paano hinarap ni Cardo Dalisay ang pasakit at pahirap na nagyayari sa
loob ng bilangguan?
3. 3. Kung ikaw ay isang makapangyarihan at may mataas na posisyon sa
lipunan, paano mo pamamahalaan ang iyong nasasakupan? Maaring
magbigay ng sitwasyon na may kaugnayan sa ganitong pangyayari?
4. 4. Gaano kahalaga ang kapakanan ng mga maliliit na mamamayan?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: LIST ALL FACTORS

Ibigay ang mensaheng ipinababatid ng nasa larawan. Maglahad ng mga


sitwasyon na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.
Kung sakaling magiging isa ka sa lider ng inyong pamayanan, paano mo
pagtutuunan ng pansin ang mga taong higit na nangangailangan?

1.

2.

3.

4.

I V. K A S U N D U A N

1. Gumupit ng larawang nagpapakita ng kabataang magiging liwanag ng lipunan sa


hinaharap.

2. Basahin at unawain ang bawat kabanata na may kaugnayan kay Kabesang Tales.

You might also like