Q1 WK 3-Parabula NG Tusong Katiwala

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

N

A D
A G A N
M
A R AW G
Layunin
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng
napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-
asal. (F10PN-lb-c-63)
2. Naibabahagi ang pag-unawa tungkol sa
katotohanan, kabutihan at kagandahang-
asal mula sa napakinggang parabula.
LARAWAN NG BUHAY
Parabula ang tawag sa isang akdang
pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral na karaniwang batayan
ng mga kuwento ay nasa Banal na
Kasulatan.
• Ang nilalaman ng parabula ay maikli,
praktikal at kapupulutan ng mga
ginintuang aral.
•Gumagamit ito ng tayutay
na simile at metapora o
matatalinghagang mga
pahayag upang bigyang-
diin ang kahulugan.
Mga Elemento ng Parabula
1.Tauhan – Ito ang mga karakter na hango sa
Bibliya na maaaring makapagbibigay aral.
-kadalasang ang karakter nito’y
humarahap sa isang suliraning moral o
gumagawa ng kaduda-dudang mga desisyon
at pagkatapos ay tinatamasa ang kahihinatnan
nito.
Tanong:
Sino sino ang tauhan sa
binasang akda?
Sagot:
Mga tauhan:
• Hesus
• Mga Alagad ni Hesus
• Mayayamang tao na may Katiwala
• Mga taong nagkautang sa amo ng katiwala
• Mga Pariseo
Mga Elemento ng Parabula
2. Tagpuan
-Ito ang lugar na pinangyarihan ng
kuwento.
-Ito’y nagpapakita ng tagpuan,
naglalarawan ng aksiyon at
nagpapakita ng resulta.
Tanong:
Saan ang tagpuan sa parabulang
“Ang Tusong Katiwala”?
Sagot
-Tahanan ng kanyang amo
- Tahanan ng may utang sa
kaniyang amo
Mga Elemento ng Parabula
3. Banghay
-Ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento.
-Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay
tao.
BANGHAY
1. Simula/ Introduction
Ito ang bahagi kung saan ipinakikilala ang mga tauhan,
tagpuan at tema ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan/Rising Action
Ang bahaging naglalarawan kung paano susubukang
solusyunan ng mga tauhan ang suliranin.
3. Kasukdulan/ Climax
Bahagi ng kuwento na nagsasaad ng pinaka masidhing
kawilihan ng kuwento.
4. Pababang Kilos/ Falling Action
Ang bahagi na karaniwang nagpapakita ng
pababang pangyayaring humahantong sa isang
resolusyon.
5. Wakas/ Ending
Ito ang bahaging nagpapakita ng isang
makabuluhang wakas na maaaring maging
masaya, malungkot o ‘di naman kaya ay trahedya.
Ayusin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa parabulang “Ang Tusong
Katiwala”. Alamin ang una, pangalawa at
ikatlong pangyayari batay sa mga sumusunod na
sitwasyon.
A. Natuwa ang amo sa ulat na ibinigay ng katiwala at hindi siya
sinesante.
B. Ipinatawag ng amo ang kaniyang katiwala at nagreklamo sa ‘di-
umanoy di magandang pamamalakad nito sa negosyo kung kaya’t
sesesantehin daw niya ito, ngunit kailangan magbigay ang katiwala ng
ulat tungkol sa nakaraang transaksyon nito.
C. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kaniyang amo at
pinapirma ng kasulatan kung saan nakasaad ang kanilang utang na mas
maliit kaysa sa aktwal na utang nila upang kung sakali mang mapa alis
siya ay mayroon man lamang tatanggap sa kaniya.
3 A. Natuwa ang amo sa ulat na ibinigay ng katiwala at hindi siya
sinesante.
1 B. Ipinatawag ng amo ang kaniyang katiwala at nagreklamo sa
‘di-umanoy di magandang pamamalakad nito sa negosyo kung kaya’t
sesesantehin daw niya ito, ngunit kailangan magbigay ng katiwala ng
ulat tungkol sa nakaraang transaksyon nito.
2 C. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kaniyang amo at
pinapirma ng kasulatan kung saan nakasaad ang kanilang utang na mas
maliit kaysa sa aktwal na utang nila upang kung sakali mang mapa alis
siya ay mayroon man lamang tatanggap sa kaniya.
Kakanyahan ng Parabula
- Ito ang aral na ipinahihiwatig ng parabula na
ginagamitan ng idyomatikong pananalita o
matatalinghagang salita.
Tanong:
Ano-ano ang talinghagang taglay ng
parabulang Ang Tusong Katiwala at ano
ang kahulugan nito sa ating buhay?
Unawain natin!
1. Sa inyong palagay, ano ang
pangunahing mensahe ng
parabula?
2. Paano nakatutulong sa
buhay ng tao ang mga
mensaheng ibig ipahatid ng
binasang parabula?
3. Bakit mahalagang
maunawaan at
mapahalagahan ang
parabula bilang isang
akdang pampanitikan?
Paglalahat
-Paano nakatulong ang
bawat bahagi ng parabula
sa pagpapalutang ng
mensahe nito? Patunayan.
1.Saan sa Bibliya makikita ang
kuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?
a.Lukas 18:1-15
b.Lukas 16:1-15
c.Lukas 19:1-15
d.Lukas 20:1-15
2. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong
Katiwala”?
a. David
b. Hesus
c. Moises
d. Pedro
3. Anong elemento ng parabula ang
nagsasaad ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari?
a. tauhan
b. tagpuan
c. banghay
d. mensahe
4. Anong elemento ng parabula ang
nagpapakita ng lugar na pinangyarihan ng
kuwento?
a. tauhan
b. tagpuan
c. banghay
d. mensahe
5. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na
bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay.” Ano ang ipinahihiwatig ng
pangungusap?
a. Ibigay ang hindi para sa iyo
b. Huwag maging sakim sa kapwa
c. Maging masunurin sa lahat ng oras
d. Maging matapat sa lahat ng bagay
Butil ng Kaalaman!
“Ang paggawa ng mabuti sa
kapwa ay daan sa
pagtanggap sa tahanang
walang hanggan.”

–Lukas 16:9

You might also like