Kabanata 20

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 20

Narrator: Tama ang sinabi ni Padre Irene. Malapit na magkaroon ng kalutasan ang suliranin ukol sa akademya ng
wikang Kastila. Ang masipag na si Don Custodio, na ayon kay Ben Zayb ay siyang pinakamasigasig sa lahat ng mga
nagpapasiya, ay abala sa pag-aaral nito. Maraming araw ang ginugol niya sa masusing pagbabasa ng mga kasulatan.
Nakatutulog siya nang walang napagpapasiyahan at gigising kinabukasan nang gayundin. Gayon nang gayon ang
nangyayari.

Narrator: Lumapit siya kay Ginoong Pasta upang humingi ng payo ngunit siya ay naguluhan lamang sa mga ipinayo
nito sa kanya. Nagtanong din siya sa mananayaw na si Pepay ngunit wala din naman itong alam ukol doon at
nanghingi lamang ng dalawampu't limang piso para sa pagpapalibing ng namatay nitong ale. Nahimok din nitong
ipasok ni Don Custodio ang kanyang pinsan sa auxiliar de fomento. Walang nakapagbigay ng kalutasan sa kagipitan
ni Don Custodio.

Narrator: Lumipas ang araw at hindi pa rin nakakapagpasya ang naatasan. Habang siya'y humihikab, umuubo at
humihithit ng tabako ay hinahayaang maglaro ang kanyang diwa sa mga hita ni pepay.

Narrator: Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang "Buena tinta" ay nabibilang sa
isang uri ng lipunan sa Maynila na hindi makagawa ng hakbang nang hindi inilalarawan sa mga pahayagan na walang
kapaguran, bantog, masipag, palaisip, at iba pa. Ang bansag nito ay nanggaling sa pakikipagkaibigan kay Ben Zayb, sa
dalawang pakikipagtalo sa pahayagan ng huli na tumagal ng maraming linggo at buwan. Lagi niyang binabanggit ang
salitang "Costamos de buena tinta" at dito siya ay nakilala. Bata pa lamang siya nang mapunta sa maynila at dahil
may magandang hanapbuhay ay nakapangasawa ng isang mestisang mayaman. Sa pamamagitan ng salapi ng asawa,
nakipagkalakalan at tumanggap siya ng mga paggawa mula sa pamahalaang pambansa at panlungsod. Marami
siyang katungkulang hinawakan ngunit hindi siya katulad ng iba na kimi at tamad. Pinapahalagahan ni Don Custodio
ang kanyang karangalan. Isang araw, pinayuhan siya na bumalik sa Espanya upang magpagamot ng taglay na
karamdanan sa atay. Ngunit pagpunta niya rito ay walang pumapansin sa kanya dahil sa kakulangan sa pinag-aralan
kaya't wala pang isang taon ay bumalik na siya sa Pilipinas. Pagbalik niya rito sa kanyang mga unang buwan ay wala
siyang ibang binanggit kundi ang Madrid. Nagkukwento siya ng kanyang mga karanasan na wala namang
katotohanan. Ganon ang kanyang pagpapasikat. Ang kasiglahan ni Don Custodio ay unti-unting napawi dahil sa
kakulangan ng tagapagtaguyod at katunggali. Hindi niya binabasa ang mga pahayag tinatanggap mula sa Espanya
sapagkat dumarating ito ng tala-talaksan. Makita niya lamang ito'y napapahikab na siya. May mga nangyayari sa
paligid na hindi maganda tulad ng sa Madrid. Ngunit hindi ito pinabayaan ni Don Custodio. Hindi siya tamad kaya't
kumilos siya. Siya ang nagmungkahing pagtibayin ang paglalagay ng mga tablang kahoy sa daan na ipinako tulad ng
sa mga bahay. Siya rin ang nagmungkahi ng paggamit ng mga sasakyang may tatlong gulong. Naging pangalawang
pangulo rin siya ng Junta de Sanidad.

Narrator: Sapagkat siya'y nagpapanggap na liberal, hindi mawari kung ano ba talaga ang tingin niya sa mga indio.
Minsan ay kung ano ano ang sinasabi nito tungkol dito at minsan naman ay kakampi siya sa mga Indio. Naniniwala
siya na ang iba'y ipinanganak upang mag-utos at ang iba'y upang maglingkod. Sa kanyang pananampalataya,
ipinagmamalaki niya ang pagiging katoliko — isang mabuting katoliko. Ngunit sa loob loob niya'y kabaliktaran ang
kanyang ugali, hindi talaga siya relihiyoso.
Don Custodio: Hindi tayo katulad ng mga Ingles at Olandes na upang mapanatili ang pananakop ay gumagamit ng
pamalo. Mayroon tayong ibang paraan na mahinahon at tiyak. Ang mabuting panghikayat ng mga prayle ay higit
kaysa pumalo ng mga Ingles.

Narrator: Naging bukambibig sa buong Maynila ang sinabi niyang ito. Paulit-ulit na binabanggit ito ni Ben Zayb.
Hinangaan ito ng lahat. Ang mga salitang ito ay nakarating sa Corte. Binanggit sa Parlamento at sinabing nagmula ito
sa isang matagal nang liberal. Naging karangalan para sa mga prayle ang gayong pagtutulad. Hinandugan siya ng
sako-sakong sikulate at mga regalo na ipinababalik naman agad ng di-masuhulang si Don Custodio. Ang katangiang
pansibikong ito ang itinulad ni Ben Zayb kay Epaninondas, ang matandang heneral ng Gresya na bantog sa kalinisan
at kabaitan ng pag-uugali at sa kanyang mga pagtatagumpay. Gayunman, si Don Custodio ay gumagamit din ng
pamalo kapag nagagalit at ipinapayo rin sa iba.

Isang hapon, pagkatapos ng mahigit dalawang linggo na napasakamay niya ang kasulatan ng panukala, tinanong siya
ng mataas na kawani tungkol sa kalagayan ng panukala. Nagsawalang kibo siya upang ipalagay na nakapagpasya na
siya. Ngumiti ng mataas na kawani. Ang ngiting iyon ang lumiligalig sa kanya.

Tulad ng isang matandang nang-aaliw na nakatuklas ng isang pakete ng inaaaring mga lihim ng pag-ibig, si Don
Custodio ay tumayo at tumungo sa estante. Ang unang kuwaderno na makapal ay pinamagatang "mga panukalang
proyekto"

Don Custodio: "Hindi.", bulong niya. "Mahalagang bagay ito, ngunit kinakailangan ang isang taon upang mabasang
muli."

Narrator: Ang pangalawang kuwaderno ay makapal din at may nakasulat na "Mga proyektong pinag-aralan"

Don Custodio: Hindi rin ito

Narrator: Pagkatapos noon ay "Mga proyektong isinaalang-alang", "Mga proyektong iniharap na", "Mga Proyektong
hindi pinagtibay" at iba pa. Ang mga huling proyekto ay kuwaderno na kakaunti ang laman ngunit ang huli ang
kakaunti: Proyektong naisakatuparan na. Nakalimutan na niya ito kaya't kinuha nita ito sa estante at binuksan. Yun
pala ang proyektong nagpanukala ng Paaralang Artes Y Oficios.

Don Custodio: "Purtis!", bulalas niya. "Ngunit ito'y nasa kamay na ng mga paring Agustino"

Narrator: Biglang tumapik sa kanyang noo, itinaas ang kilay, at bakas sa mukha ang tagumpay.

Don Custodio: "Alam ko na.... yari na ang aking pasya."

Narrator: Masigla siyang bumalik sa kanyang mesa at masayang hinawakan ang panulat.

You might also like