El Filibusterismo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

El

Filibuste
rismo
Kabanata 20
Ang Ponente

Sinulat na ulat ni: Aleah Rio M. Balboa


Kabanata XX
Ang Ponente

Tauhan
1. Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo - Kilala bilang Buena
Tinta, mahusay na manunulat.
Kahulugan ng pangalan:
Custodio – tagabantay ng sangkatauhan
Salazar – nakatira malapit sa palasyo (malapit sa kapangyarihan)
Sanchez – banal ang adhika
Monteredondo – “paikot-ikot sa bundok” o napakasipag

Tagpuan

1. Espanya, Madrid – nagpagaling si Don Custodio sa kanyang sakit sa atay


2. Maynila – naninirahan si Don Custodio

Talasalitaan

1. Ponente - speaker o tagapagsalita. Maaring kinuha ni Rizal sa terminong korte


ng Espanya na majistrado ponente na ang Gawain ay ang sumulat ng desisyon
ng korte, sa kaso ni don custodio, hindi sya miyembro ng Adencia Real na
nangangahulugang tagasulat ng mga kontrabersiyal na usapin na inilalapit ng
kolonyal na kagawarang ehukutibo para pag-aralan at pagpasiyahan.
2. Buena Tinta - good ink o mabuting tinta
3. mañana - galing sa salitang español na ang ibig sabihin ay bukas. Ito ang tawag
sa ugaling “bukas na lang”, ugaling ipinamana sa atin ng mga español
4. Artes imitativas – salitang espanyol na nagangahulugang Imitative Arts
5. Prayle - pari noong unang panahon na ang prayle ang nag tawag na indo sa
taong alipin at ito ay kaaway ng pahalaan
6. Liberal - isang taong naniniwala sa pilosopiyang pampolitika na tinuturing ang
indibiduwal na kalayaan at pagkakapantay-pantay bilang ang mga
mahahalagang layuning pampolitika.
7. escuela de artes y oficios- school of arts and crafts

Buod

Tunay ang sinabi ni Padre Irene: ang suliranin ng akademya sa wikang Kastila na
malaon nang iniharap , ay makakarating sa isang solusyon. ay nasa mga kamay ni Don
Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ay kilalang tanyag sa bahagi


ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang
mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyo siya kahit kulang
sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay
masipag.

Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa
pinag-aralan,nag mukha siyang probinsyano kaya wala pang isang taon nagbalik na
siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang
karanasan sa Madrid. Sa pagbalik niya sa Maynila, siya ay nagbabalak na maging
repormista.

Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may


ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak
upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon
lamang ukol.

Mababa ang kanyang tingin sa mga Indio. Para sa kanya, nababagay lamang ang mga
Indio sa gawaing mekanikal at sa artes imitatives. Nakita niya na walang orihinal ang
mga politiko sa Maldives, nangongopya lamang ng mga diskurso at inaangkin na para
bang sakanila iyon.

Natanto niyang sa Pilipinas na siya maninirahan at mamamatay kaya naman sinikap


niyang gawin itong liberal sa pamamagitan ng pagpapanukala ng mga proyekto at
reporma. Subalit ang lahat nang ito ay inabot ng mga batikos. Si Don Custodio ay
nagkukunwaring liberal lamang dahil naniniwala siya na ang mga prayle ay kailangan
sa Pilipinas, samantalang ang mga liberal na Espanya ay naniniwala na hindi dapat
bigyan ng malaking kapangyarihan ang mga prayle sa Pilipinas.

Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng desisyon tungkol sa


kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat. Sa pagpapasya ukol sa academia,
sinikap niyang maghanap ng mga lalagyan niya sa mga proyekto at panukala.
Nakahanap siya ng manipis na kahon ng “Mga Proyektong Isinasagawa” nang maalala
niya ang Escuela de Artes y Oficios na nasa pangangasiwa ng mga prayle.

Aral

Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga at agad-agad tayong


humahanga sa kanila. Hindi na natin sinusuri ang kanilang mga tunay na pagkatao at
kakayahan. May mga taong may posisyon sa pamahalaan na hindi naman kwulipikado
para dito. Mahina ang sistema ng pamahalaan noong panahon ng kolonyalismo ng
Espanya at ng panahon ngayon. Hindi magagaling ang mga pinuno ng bayan, mayroon
ang iba na makasariling adhikain

You might also like