Lesson Plan Gr10-Ikalawang Araw

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PLANO SA PAGKATUTO AT PAGTUTURO SA FILIPINO 10

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA (Modyul 3)

Yugto ng Pagkatuto

Seksyon:
Grade: 10- Galileo- (T) 8:00- 9:00
Grade: 10 – Faraday- (T) 9:00-10:00

IKALAWANG ARAW (Nobyembre 7, 2017)

PAGLINANG

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. nailalahad ang mahalagang pangyayari sa akdang Maaaring Lumipad ang tao at


naihahambing ito sa akdang Liongo.
2. naipapaliwanag ang mahalagang konsepto ng pagsasaling wika, ang gabay nito
sa pagsasalin,at nagagamit ng angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-
wika.
3. nabibigyang kahalagahan ang pagsasaling-wika sa pag-aaral ng mitolohiya at sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

II. Paksa

Aralin 3.1:A: Panitikan: “LIONGO (MITOLOHIYA MULA SA KENYA)”


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
B: Gramatika at Retorika: Mga pamantayan sa pagsasaling wika
1.
C: Uri ng Teksto: Naglalahad (Ekspositori)
Mahalagang Pokus na Tanong:
Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may ibat-ibang
batayan?
2. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

D. SANGGUNIAN: PANITIKANG PANDAIGDIG (pahina 247-252)


E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin gamit ang Kartolina

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Pang- araw-araw na Gawain
(Panalangin) (Pagkuha ng liban) (Pagsasaayos ng silid)

B. Balik- aral
Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Bilang pagbabalik-aral, tungkol saan ang


tinalakay natin kahapon?
Sasagot ang mag-aaral.

Magaling! Bakit kaya kinakailangang


magkaroon ng kapangyarihan ang isang
diyos at diyosa sa mitolohiya?
Tataas ang isang mag-aaral na sasagot.

C. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Klas, ipangkat ang inyong sarili sa


dalawa. Alam niyo ba ang larong “ipasa
ang mensahe”? Ang gagawin ng tao
mula sa unahan ng pila ang siyang
huhula ng mensahe mula sa larawan at
klu na nasa akin at ibubulong ito sa lider
na nakapwesto naman sa hulihang pila.
Ang taong huling tatanggap ng mensahe
ang magsusulat ng mensahe sa pisara.
Ang pangkat na mananalo ay
makakatanggap ng papremyo.

Handa na ba kayo?
Opo Ma’am!
(Magsisimula na ang paghula ng mga
mag-aaral)

Tatakbo ang nasa pinakaunahang pila at


magsusulat sa pisara.
Mahusay!
Ibibigay ang premyo sa nagwaging Mensahe:
pangkat. Maaaring Lumipad ang Tao.

D. Paglalahad

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Klas, alam niyo na ba kung tungkol saan


ang paksang tatalakayin natin ngayon?
Sasagot ang mag-aaral.
Magaling!
E. Pagtalakay

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Aalamin natin ang kahulugan ng mga


sumusunod na mga salita at ang salin
nito sa Filipino.

Salita: Sagot:

1. Matrilinear 1. Pamumuno ng mga babae


2. Patrilinear 2. Pamumuno ng mga lalaki
3. Refrain (pagkakagamit sa akda) 3. Parirala

Ngayon ay pakinggan natin ang pag-


uulat ng itinalagang pangkat sa mga
katangian at gabay na dapat taglayin ng Pag-uulat ng itinalagang pangkat.
isang tagapagsalin.

Magaling! Bigyan natin ng 5 palakpak


ang nag-ulat na pangkat.

Paano nakatulong sa iyo ang binasang


teksto na nakasalin sa Filipino?
Mas madali ko pong naunawaan ang
pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari.
Tumpak! Paano nakakatulong ang
pagsasaling-wika sa pagpapahalagang
pampanitikan?
Sasagot ang mga mag-aaral.

F. Analisis

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Ano ang natutunan ninyo sa pagsasaling-


wika
Pagpapaliwanag ng mag-aaral.
Magaling! Ano pa?
Pagpapaliwanag ng mag-aaral.

G. Abstraksyon/ Karagdagang Fidbak ng guro


Ako ay nasisiyahan sapagkat ang inyong
ginawa ay magaganda at talagang
mahuhusay. Ang ibig sabihin ay nauunawaan
ninyong mabuti ang ating ginawang gawain.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang dapat tandaan sa pagsasaling-wika?


a. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
b. May sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
c. May sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
d. Lahat ng nabanggit.

2. Paano mo gagawin ang isang pagsasalin ng isang akda?


a. Isaisip na ang pagsasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
b. Ang pagsasalin ng isang akda ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
malawak na kaalaman.
c. Ang pagsasalin ng isang akda ay nangangailangan ng pagrebisa upang
maging totoo sa diwa ng orihinal.
d. a at c

3. Paano nakatulong ang pagsasaling-wika sa pag-aaral ng mitolohiya ng ibang


bansa?
a. Nakatulong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na kahulugan ng
mga salita upang maunawaan ng mga mambabasa.
b. Ang pagsasaling-wika ay nakatulong sa pamamagitan ng pagpapakita ng
paniniwala sa kultura at paniniwala ng isang bansa.
c. Nagbigay linaw ang pagsasaling-wika sa mitolohiya sa pamamagitan ng mga
kahulugan ng salita.
d. Lahat ng nabanggit.

V. Takdang Aralin
1. Basahin at unawain ang tekstong ang “Akasya o Kalabasa”.
2. Isulat sa Kwaderno ang kahulugan ng Anekdota at at ang katangian nito.

Inihanda ni: ROSE P. PANGAN Sinuri ni: G. MICHAEL C. ADANTE


Pinagtibay ni: Gng. ADORA TEANO

PRINCIPAL- MHS

You might also like