Lesson Plan in Gr10-Unang Araw

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PLANO SA PAGKATUTO AT PAGTUTURO SA FILIPINO 10

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA (Modyul 3)

Yugto ng Pagkatuto

Seksyon:
Grade: 10- Galileo- (M) 8:00- 9:00
Grade: 10 – Faraday- (M) 9:00-10:00

UNANG ARAW (Nobyembre 6, 2017)

Pagtuklas at Paglinang

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. naibibigay ang mga mahahalagang datos ng bansang Kenya at ang kultura at


tradisyon,
2. naipapaliwanag ang mitolohiya at ang elemento nito batay sa sariling damdamin,
3. nailalahad ang nilalaman ng mitolohiyang Liongo ayon sa pagkakasunud-sunod
na pangyayari gamit ang story board at ang nakapaloob na kaisipan o aral dito.

II. Paksa
Aralin 3.1: A: Panitikan: “LIONGO (MITOLOHIYA MULA SA KENYA)”
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

B: Gramatika at Retorika: Mga pamantayan sa pagsasaling wika


C: Uri ng Teksto: Naglalahad (Ekspositori)
Mahalagang Pokus na Tanong:
1. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may ib’at-ibang
batayan?

2. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

D. SANGGUNIAN: PANITIKANG PANDAIGDIG (pahina 243-246 )


E. KAGAMITAN: Libro, Sipi ng Aralin

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Pang- araw-araw na Gawain
(Panalangin) (Pagkuha ng liban) (Pagsasaayos ng silid)

B. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral


Klas, bago tayo magsimula sa ating
talakayan, nais ko munang ipikit ninyo
ang inyong mga mata. May babasahin
akong isang akda at ito ay pakikinggan
ninyo habang kayo ay nakapikit.
Maliwanag ba Klas?

Opo Ma’am.
(Pipikit ang mga mag-aaral)
Ano ang nakita ninyo habang kayo ay
nakikinig sa akdang aking binasa?

Nakita po namin ang bansang Kenya


Magaling! Ano naman ang mga bagay gamit lamang ang imahinasyon.
na inyong nakita habang kayo ay
nakapikit?

Nakita ko po ang isang armas na


Mahusay! Ano pa? maaaring makapatay sa isang tao.

Tama! Isang lalaking may taglay na lakas at


karangalan.

C. Paglalahad

Gawain ng Guro Gawaing Mag-aaral

Ang lahat ng inyong binanggit ay may


kaugnayan sa paksang tatalakayin natin
ngayon ngunit bago tayo magpatuloy
sasagutin muna natin ang mga
mahahalagang pokus na tanong.

Ano ang pumapasok sa isip ninyo kapag


narinig ninyo ang salitang mitolohiya?
Ma’am ang mitolohiya po ay isang
akdang pampanitikan na nagsasaad ng
kuwento tungkol sa makapangyarihan na
Tumpak! Ano pa? nilalang.

Kadalasan po Ma’am mga diyos at


diyosa.
Mahusay! Paano natin susuriin ang mga
kaisipang nakapaloob sa mitolohiya sa
iba’t ibang batayan? Maaari po nating suriin ang mitolohiya sa
pamamagitan ng mga elemento nang sa
ganun ay higit nating maunawaan ang
nilalaman nito.

Mahusay!

D. Pagtalakay

Gawain Ng Guro Gawaing Mag-aaral

May itinalaga akong pangkat para sa


pagpapaliwanag at ng mitolohiya at
elemento nito gayundin ang paglalahad
ng mga mahahalagang pangyayari gamit
ang story board. Makinig ng mabuti at
unawain ang kanilang sinasabi.
Opo Ma’am

(Pag-uulat ng nakatalagang pangkat1)

(Paglalahad ng mga mahahalagang


pangyayari sa akda gamit ang
storyboard ng itinatalagang pangkat 2)

E. Analisis

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang inyong nabuong
pagpapahalagang pansarili, panlipunan
at aral sa akda? Pagpapaliwanag ng mag-aaral.

Magaling! Ano pa? Pagpapaliwanag ng mag-aaral.

F. Abstraksyon/ Karagdagang Fidbak ng guro


Ako ay nasisiyahan sapagkat ang inyong
ginawa ay magaganda at talagang
mahuhusay. Ang ibig sabihin nito ay nauunawaan
ninyong mabuti ang ating ginawang gawain.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

1. Anong uri ng mga tauhan ang nagbibigay-buhay sa mitolohiya na nagtataglay ng lakas


at kapangyarihan?
a. diyos
b. diyosa
c. a at b
d. Wala sa nabanggit

2. Anong uri ng pamamahala ang makikita sa bansang Kenya noong sinaunang panahon
ayon sa akda?
a. Matrilinear
b. Patrilinear
c. Equilitarian
d. Wala sa nabanggit

3. Paano sinasalamin ng mitolohiya ang kultura ng isang bansa gaya ng Kenya?


a. Sinasalamin ng mitolohiya ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng kasikatan
at katapangan ng mga tauhan.
b. Ang mitolohiya ay sumasalamin sa kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng
ipinapakitang pamumuhay ng mamamayan dito.
c. Ipinapakita ng mitolohiya ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng angking
lakas, kapangyarihan, at paniniwala ng mga taong nakatira dito.
d. Lahat ng nabanggit.

V. Takdang Aralin
Basahin at unawain ang mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” at ang isulat sa
notebook ang mahalagang datos sa gramatika at retorika ang pagsasaling wika.

Sangguniang Aklat: Panitikang Pandaigdig, Pahina, 247

Inihanda ni: ROSE P. PANGAN Sinuri ni: G. MICHAEL C. ADANTE

Pinagtibay ni: Gng. ADORA TEANO


PRINCIPAL- MHS

You might also like