Pagbabago Sa Kandila Kapag Nainitan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmarias
STA. CRISTINA ELEMENTARY SCHOOL
Lesson Plan in Science 3

I. Layunin
Nailalarawan ang mangyayari sa tubig habang tumataas ang temperature o habang naiinitan ang tubig.
S3MT-lhj-4.2
II. Nilalaman at Kagamitan
A. Paksa Matter
Kabanata 3 Pagbabagong Nagaganap sa Solid, Liquid at Gas
Gawain 2: Ano ang mangyayari sa tubig kapag iniinit o nainitan?

B. Konsepto:
Ang pagbabago sa liquid na naging gas ay tinatawag na evaporation.
D. Paproseso sa Kasanayan
pagmamasid, paglalarawan, pag- uuri
E. Sanggunian
TM pp 39
KM p. 35-36
Agham 3
F. Kagamitan:
realia
tsart ng pangkatang Gawain
G. Pagpapahalaga
Pagbibigay halaga sa ating paligid
H. Integrasyon:
MAPEH “ARTS” Filipino “Sanhi at Bunga
III. Instruksyonal na Pamamaraan
A. Engagement
1. Balik-aral
Anong pagbabago ang naganap sa kandila kapag ito ay nainitan?
2. Pagganyak
Ibigay ang sumusunod na mangyayari sa larawan “Sanhi at Bunga”

Ano ang mangyayari sa tubig kapag ito ay pinakuluan?

Ano ang mangayayri sa tubig kapag ito ay naarawan?

Ano ang mangyayari sa damit kapag ito ay sinampay sa arawan?

3.Paglalahad

Magpakita sa klase ng tubig na nakalagay sa initan. Pakuluan ang tubig at hayaang mag obserba
ang mga bata kung ano ang nangyayari sa tubig habang pinapakuluan. Sukatin din ang dami ng tubig
bago at pagkatapos magpakulo ng tubig.

Tanong: Ano ang lumalabas sa initan ng tubig habang ito ay pinapakuluan?

May nagbago ba sa dami ng tubig? Kung opo, saan kaya ito napunta?

Ano ang tawag sa usok na nanggagaling sa initan?


Ipaliwanag ang proseso ng pagbabagong naganap para sa gagawing pangkatang gawain.

B. Exploration

Hatiin sa apat (4) na pangkat ang mga mag-aaral, bawat pangkat ay bibigyan ng mga gawain.
Bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral para sa gawain

Unang Pangkat – Diagram. Gamit ang larawan tungkol sa evaporation. Sagutan ang mga tanong.

1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?

2. Ano ang nangyayari sa tubig na nasa larawan? Saan ito pupunta?

3. Nagbago ba ang anyo ng tubig na umaakyat pataas?

Ikalawang Pangkat-Gamit ang tubig sa baso ibuhos ito sa lugar na sementado at nasisikatan ng araw.
Makalipas ang ilang minute obserbahan kung ano ang nangyari sa tubig.

1. Ano ang nangyari sa tubig na ibinuhos?

2. Bakit kaya ito natuyo?

3. Sa iyong palagay, saan kaya napunta ang tubig?

4. Ipaliwanag kung anong proseso sa pagbabago ng matter ang naganap?

Ikatlong Pangkat- Gumamit ng alcohol, basain ang papel at paarawan ito. Hayang itala ang mga
naobserbahan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng gawain.

1. Ano ang iyong ibinuhos?

2. Ano ang nangyari sa papel?

3. Makalipas ang ilang minute sa pagbibilad ng papel na may alcohol sa arawan, may nagbago
bang naganap? Ano kaya ito?

4. Saan napunta ang alcohol sa papel?

5. Anong pagbabago sa matter ang naganap?

Ikaapat na Pangkat

Magpakita ng larawan. Ipaliwanag kung paano dito nagkaroon ng evaporation.

1. Ano ang mangyayari sa mga damit na iyong isinampay?

2. Bakit kaya ito natuyo?

3. Saan kaya napunta ang tubig sa damit?

4. Anong pagbabago sa matter ang naganap?

C. Explanation

Sagutin ang mga tanong

1. Anu-anong gawain ang nagpapakita ng evaporation?

2. Anong pagbabago sa matter ang naganap sa evaporation>

3. Naranasan mo na ba o nasaksihan ang evaporation?

4. Ano ang pumapasok sa iyong isipan kapag may evaporation?

5. Paano nakakatulong ang pagbabagong ito sa ating pang-araw-araw na gawain?


D. Ellaboration

1. Paglalapat

Poster Making

Ipakita nag evaporation sa pamamagitan ng pagguhit.

2. Paglalahat

Ano ang evaporation? Anong pagbabago sa matter ang ipinapakita nito?

E. Evaluation

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng evaporation?

a. b. c. d.

2. Ang evaporation ay ang pagbabago sa _______________ tungo sa ____________.

a. gas - solid b. solid - gas c. liquid – gas d. liquid – solid

3. Ano ang nagbago sa tubig kapag ito ay nag evaporate?

a. naging usok c. walang pagbabagp

b. magiging mainit d. nababawasan ang tubig

4. Paano nakaktulong ang evaporation sa ating mga gawain?

a.Nagiging kaunti ang tubig sa lupa.

b. Natutuyot ang mga anyong tubig dahil sa evaporation.

c. Namamatay ang mga halaman.

d. Natutuyo agad ang mga sinampay.

5. Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng evaporation.

VI. Assignment.

Isaliksik kung paano nakakatulong ang evaporation sa pagkakaroon ng ulan.

You might also like