Q3-Lp-Esp Week 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

IKATLONG BAITANG
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1
Petsa: Nobyembre 2, 2015
Lunes
Pangkat Oras
Narra 7:00-7:30

I.Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at
paggamit ng “po” at “opo”.
II.Paksang Aralin
Paksa/Pagpapahalaga:

Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin


Pagmamahal sa Bansa

Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino

Mga Kagamitan:

tseklis, diyalogo, activity sheet, tsart, talaarawan


III.Pamamaraan
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Kaakibat sa pag-unlad ng bayan ang pagbabago. Dapat mong panatilihin, mahalin, at
ipagmalaki ang iyong mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa kabila ng mga
pagbabagong nagaganap sa lipunan at daigdig.

Alamin Natin
Tulungan mo ang iyong guro na bilangin kung ilang bituin ang inilagay ng inyong
klase sa bawat kahon. Sumali sa talakayan sa pagsagot sa sumusunod na tanong.
 Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa kahon?
 Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?
 Sa iyong palagay, nararapat ba ninyo itong gamitin? Bakit?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKATLONG BAITANG
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1
Petsa: Nobyembre 3, 2015
Martes
Pangkat Oras
Narra 7:00-7:30

I.Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at
paggamit ng “po” at “opo”.
II.Paksang Aralin
Paksa/Pagpapahalaga:

Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin


Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino

Mga Kagamitan:

tseklis, diyalogo, activity sheet, tsart, talaarawan


III.Pamamaraan
Isagawa Natin

Sa limang pangkat a nabuo ng iyong klase, bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon


upang pag-usapan kung paano maipakikita ang magandang kaugaliang Pilipino.
Pagkatapos itong pag-usapan, isadula ito sa klase. Gamitin ang pamantayan na nasa
ibaba.

Sitwasyon Isang gabi, dumating sa inyong bahay ang mga kaibigan ng inyong
1 Nanay na sina Aling Cora, Aling Belen, at Aling Mila. Kilala ninyo sila,
subalit kayo pa lang magkakapatid ang naroon. Hindi pa dumarating
mula sa trabaho ang inyong Nanay at Tatay. Ano ang inyong dapat
gawin?
Sitwasyon Isinama kayo ng inyong Tatay sa isang piyesta sa kalapit baranggay.
2 Marami kayong gustong malaman tungkol sa pagdiriwang na ito. Ano
ang gagawin ninyo at papaano ninyo ito sasabihin?

Sitwasyon Sabado ng hapon. Naglalaro kayong magkakaibigan. Dumaan ang


3 inyong guro sa inyong harapan. Ano ang dapat ninyong gawin?
Sitwasyon May hinahanap na lugar ang isang matandang babae. Nagtanong siya
4 sa inyo. Ano ang inyong sasabihin at gagawin?
Sitwasyon Nagkaroon ng family reunion ang inyong pamilya. Dumating ang
5 inyong mga Tiyo at Tiya. Ano ang inyong gagawin?

Pamantayan
3 2 1
1. Pagpapakita Naipakita o Isang beses naDalawang
o naipahayag hindi naipakita
beses o higit pa
pagpapahayag nang tama ang o naipahayag na hindi
ng mga kaugaliang nang tama ang naipakita o
kaugaliang Pilipino. kaugaliang naipahayag
Pilipino. Pilipino. nang tama ang
kaugaliang
Pilipino.
2. Pakikilahok Lahat ng Isa sa mga Dalawa o higit
ng mga kasapi kasapi ng kasapi ng pang kasapi ng
ng bawat grupo ay grupo ang grupo ang
grupo nakilahok hindi hindi
nakilahok nakilahok

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKATLONG BAITANG
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1
Petsa: Nobyembre 4, 2015
Miyerkules
Pangkat Oras
Narra 7:00-7:30

I.Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at
paggamit ng “po” at “opo”.
II.Paksang Aralin
Paksa/Pagpapahalaga:

Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin


Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino

Mga Kagamitan:

tseklis, diyalogo, activity sheet, tsart, talaarawan


III.Pamamaraan
Isapuso Natin
Isulat sa metacards kung saan at kanino mo ginagawa o sinasalita ang sumusunod
na kaugaliang Pilipino. Ilagay
sa tsart ang inyong mga kasagutan.
Halimbawa:
pagmamano, pagsasabi ng po at opo, at iba
pang magagalang na salita

Tandaan Natin
Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin at panatilihin ay ang
pagmamano, paggamit ng “po” at “opo”, at paggamit ng iba pang magagalang na
salita.
Ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang magagalang na pananalita tulad ng
pagtawag ng ate, kuya, diko, ditse, manong, manang at iba pa sa ating mga
nakatatandang kapatid ay likas din sa ating mga Pilipino. Wala itong katumbas na
salita sa ibang wika. May mga bayan sa ating bansa na hindi gumagamit ng mga
salitang ito ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila magalang.
Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa kapuwa. Bawat tao ay ating
iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay.
Iba’t iba ang paraan ng pagpapakita ng paggalang lalo na sa mga nakatatanda sa
atin. Ang pagmamano ay isang pagpapakita ng paggalang na tanging sa mga
Pilipino lamang natin makikita. Dapat natin itong panatilihin at huwag iwaksi sa
ating buhay.
Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino gaya ng mga nabanggit ay sadyang
napakasarap pakinggan at nagpapakita ng respeto sa bawat isa.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKATLONG BAITANG
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1
Petsa: Nobyembre 5, 2015
Huwebes
Pangkat Oras
Narra 7:00-7:30

I.Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at
paggamit ng “po” at “opo”.
II.Paksang Aralin
Paksa/Pagpapahalaga:

Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin


Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino

Mga Kagamitan:

tseklis, diyalogo, activity sheet, tsart, talaarawan


III.Pamamaraan
Isabuhay Natin
Gawain 1
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng magagandang pag-uugali. Alin sa
mga ito ang kaugaliang Pilipino? Bakit?
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKATLONG BAITANG
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1
Petsa: Nobyembre 6, 2015
Biyernes
Pangkat Oras
Narra 7:00-7:30

I.Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at
paggamit ng “po” at “opo”.
II.Paksang Aralin
Paksa/Pagpapahalaga:

Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin


Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga Kaugaliang Pilipino

Mga Kagamitan:

tseklis, diyalogo, activity sheet, tsart, talaarawan


III.Pamamaraan
Subukin Natin

Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang ipinakita sa bawat sitwasyon.
1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati mo siya
at ikaw ay nagmano.
2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay. Ikaw lang ang
nadatnan sa bahay. Nagmano ka at siya ay iyong pinatuloy.
3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng ulam.
Kumatok ka sa kanyang pintuan at sinabing, “Magandang tanghali po Lolo. Narito po
ang ulam na pinabibigay ni Tatay”.
4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang
bahay si Aling Susan, ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan
nang pasigaw na parang galit.
5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay
galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa kanyang Nanay na gusto na niyang
kumain dahil mag-aaral pa siya ng kaniyang mga aralin.

You might also like