Araling Panlipunan: Kwarter 3, Linggo 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

3

Araling Panlipunan
Kwarter 3, Linggo 2
ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipunan KWARTER 3 LINGGO 2 ARAW 1 _____________
3 Petsa
PAKSA Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay
sa Isang Lugar

KASANAYAN SA Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng


PAGKATUTO pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon.

LAYUNIN 1.Natutukoy ang mga halimbawa ng epekto sa lokasyon at klima sa uri ng


pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon;
2.Naipapaliwanag kung paano nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima
sa uri ng pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon;
3.Naibibigay at napahalagahan ang iba’t ibang uri ng pamumuhay ng
sariling lalawigan o rehiyon;
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.

Ang klima at lokasyon sa isang lugar ay magkakaiba. Sa pagkakaiba-iba ng lokasyon


at klima ay nahuhubog at nabubuo ang uri ng pamumuhay sa isang lugar. Paano
nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng sariling lalawigan o
rehiyon?

Ang lokasyon at klima ay may malaking bahaging ginagampanan sa pamumuhay ng mga


tao. Ito ay nakaiimpluwensya sa mga produktong ginagawa sa lugar, sa uri ng pananim sa
pagluluto ng pagkain, pananamit, uri ng bahay, at sa pagpili ng mga tao ng kanilang trabaho.

Sa mga taong nakatira sa pook urban o mga lungsod na may makapal na populasyon,
maaring ang kanilang trabaho ay sa pabrika o opisina. Sa kabilang banda, maaring ang
karamihan ng trabaho sa pook rural naman o sa mga lugar na malayo sa kabayanan, ay may
kinalaman sa pagsasaka at pangingisda.
Sa ating lalawigan ng Zamboanga del Norte may mga lugar tayo na malamig klima at mainam
dito ang pagtatanim ng gulay at prutas. May mga nagagandahang lugar na nagbibigay atraksyon
sa mga tao at laging dinudumog ng mga turista ang ating lalawigan lalo na sa lugar ng Mutia at
Sergio Osmeña nagbibigay din ito ng dagdag pagkakakitaan ng mga tao.

Mayroon ding malawak na taniman ng palay sa may kapatagan. Mainam din ang kapatagan sa
paghahayupan.
Tingnan ang tsart sa ibaba at pag- aralan ito.
Lugar Karaniwang Karaniwang Maaring Maaring Tema ng
Hanapbuhay Damit Pagdiriwang Sining

Pamayanan ng manggagawa sa modernong Damit palabas sa mga moderno


Urban Kompanya sine, piyesta ng
lalawigan,
Lungsod,
baranggay

Bundok o paanan magsasaka modernong damit piyesta tungkol sa buhay


ng bundok pagpapastol panlamig sa bundok/
maglililok ng kapaligiran
kahoy
Tabing Dagat mangingisda moderno piyesta tungkol sa
pangingisda

Pamayanang rural manggagawa moderno piyesta tungkol sa


o sentro magsasaka kanilang kultura/
kwento ng
kanilang lugar

Gawin A. Panuto: Ihambing ang kaibahan sa mga hanapbuhay sa mga taong nakatira sa
paanan ng bundok at ang mga taong nakatira sa tabing dagat. Isulat ito sa Venn Diagram.

Bundok o Tabing Dagat


paanan ng
bundok

Gawin B. Bilang isang bata na nakatira sa Pamayanang Rural may maitutulong ka ba sa


inyong mga magulang sa paghahanapbuhay? Paano?
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Kung kayo ay nakatira sa tabing dagat ano ang karaniwan niyong hanapbuhay?
A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paghahayupan D. Manggagawa sa kompanya
2. Ito ay kadalasang hanapbuhay sa mga taong nakatira sa bundok o paanan ng
bundok.
A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Modista D. Mangagawa sa kompanya
3. Ito ay kadalasang hanapbuhay sa mga taong nakatira sa pamayanang Urban.
A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paghahayupan D. Manggagawa sa kompanya
4. Kung kayo ay nakatira malapit sa talipapa ano ang kadalasang inyong pinagkakitaan?
A. Pagtitinda C. Pangingisda
B. Pagsasaka D. Paghahayupan.
5. Ito ang kadalasang hanapbuhay sa mga taong nakatira sa malamig na lugar.
A. Pangingisda C. Modista
B. Pagtatanim ng gulay D. Pag-aalaga ng hayop

Sanggunian
SUASULA, MARISA W., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 2 Day 1
AP3 Quarter 3 Module 2

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A at Gawin B Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. C
2. A
3. D
4. A
5. B

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Vivian B. Tangapa
Illustrator: Vivian B. Tangapa
Evaluator: Elmer P. Castillon
Maricel C. Alit
John Exan Rey N. Llorente
Russellieth Joyce A. Nieves
Jane P. Nadela
ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipunan 2 ____________
KWARTER 3 LINGGO 2 ARAW
3 Petsa

PAKSA Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay


sa Isang Lugar
KASANAYAN SA Naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng
PAGKATUTO pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon (AP3PKR-IIIa-2)

LAYUNIN 1.Natutukoy ang mga halimbawa ng epekto sa lokasyon at klima sa uri ng


pamumuhay sa isang lugar;
2.Naipapaliwanag kung paano nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima
sa uri ng pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon;
3.Naibibigay at napahalagahan ang iba’t ibang uri ng pamumuhay ng
sariling lalawigan.

PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.

Ang lokasyon at klima ay nakaimplwensya sa paghubog ng uri ng pamumuhay ng mga tao


sa isang lugar. Ang kanilang kasuotan, produkto at pananim, hanapbuhay at mga gawain ay
may kaugnayan sa lokasyon at klima ng kanilang lalawigan.

Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng atmospera o hangin na


nakapligid sa daigdig na nararanasan sa isang partikular na lugar o rehiyon.
Malaki ang papel na ginagampanan ng klima sa paghubog ng uri ng pamumuhay sa
kabuhayan ng mga tao. Ito ang isa sa basehan sa kung anong uri ng pananim ang maaring
payabungin, uri ng tahanan na maaring ipagawa, kasuotan at maging sa kung anong uri ng
trabaho na papasukan.

Ano ang klima sa inyong lalawigan ngayon? Tag –ulan ba o tag-araw? Giniginaw ka ba o
naiinitan? Halina at ating tuklasin ang tungkol sa klima bilang isang salik na nakaimpluwensya
sa pagbuo at paghubog ng uri ng pamumuhay sa mamamayan ng ating rehiyon.

Gawin A. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay? Pag uugnayin ang mga
aspeto ng kultura at ang pisikal na katangian ng lugar sa pamamagitan ng linya. Maaring
maraming beses gamitin ang mga kaisipan. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Lokasyon ng Kultura

tabing- dagat karamihan sa mga awit ay tungkol sa


pagsasaka

nasa itaas ng bundok maagang natutulog

nasa kapatagan malaking bahagi ng produkto ay nanggaling


sa dagat

nasa urban na lugar mga produkto ay naangkop sa malamig na


klima

nasa liblib na lugar walang oras sa pagtulog


moderno ang mga kadalasang kagamitan

hindi lalabas ng bahay ang mga tao dahil wala


ng tao sa lansangan kung madilim na

GAWAIN B. Sa inyong lugar na tinitirhan ano ang kadalasang ninyong ginagawa upang
makatulong sa inyong mga magulang?
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito
sa inyong papel.

1. Ang pag-aalaga ng hayop ay maaring pagkakakitaan sa mga taong nakatira sa


A. Patag na lugar C. malapit sa dagat
B. Urban D. Lugra na nagkadikit-dikit ang bahay

2. Sa mga lugar na maaraw at mainit anong klaseng damit ang dapat nating isout?
A. Makapal na damit C. Manipis at maluwang na damit
B. Damit na mahaba ang manggas D. Jaket

3. Sa bayan ng Sergio Osmeña Sr. Ano ang damit na dapat nating isuot?
A. Manipis at maluwang na damit C. Makapal na damit
B. Damit na maiksi D. Seksing damit

4. Kung ang iyong pamilya ay nakatira sa patag na lugar at malayo sa mga kapitbahay
ano ang maaring pagkakitaan ng iyong pamilya?
A. Pangingisda C. pagtitinda
B. Pag -aalaga ng hayop D. magtatrabaho sa pabrika

5. Kung kayo ay nakatira malapit sa dagat at latian na may tanim na nipa ano ang maari
ninyong pagkakitaan maliban sa pangingisad?
A. Pag-alaga ng baboy C. magtanim ng gulay
B. Magtanim ng mais D. Paggawa ng atip ng bahay

Sanggunian
SUASULA, MARISA W., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 2 Day 2
AP3 Quarter 3 Module 2

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. A
2. C
3. C
4. B
DEVELOPMENT TEAM 5. D
Writer: Vivian B. Tangapa
Illustrator: Vivian B. Tangapa
Evaluator: Elmer P. Castillon
Maricel C. Alit
John Exan Rey N. Llorente
Russellieth Joyce A. Nieves
Jane P. Nadela

ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipunan 3 _____________
KWARTER 3 LINGGO 2 ARAW
3 Petsa

PAKSA Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa


Isang Lugar

KASANAYAN SA Naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pabuo at paghubog ng uri ng


PAGKATUTO pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon (AP3PKR-IIIa-2)

LAYUNIN 1.Natutukoy ang mga halimbawa ng epekto sa lokasyon at klima sa uri ng


pamumuhay sa isang lugar;
2.Naipaliliwanag kung paano nakakaimpluwesya ang lokasyon at klima sa uri ng
pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon;
3.Naibibigay at napahalagahan ang iba’t ibang urn g pamumuhay ng sariling
lalawigan o rehiyon.

PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.

Sa araling ito ating malalaman kung ano ang pinagkakitaan ng mga tao dito sa ating
lalawigan maliban sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda, paghahayupan at iba pa. Lingid
sa kaalaman ng marami mayroon ding mga magagandang tanawin ang ating lalawigan na
naka bibighani ng mga turista kaya dinadayo ang ating lalawigan at nakadagdag ito sa kita
ng ating mga kababayan at bayan.

Halika sa aming lalawigan. Siguradong maging masaya ang inyong pagbisita. Marami
kayong magagawa sa aming lalawigan. Umikot lamang kayo sa aming lugar, sigurado kayo
ay makakalasap ng sariwang simoy ng hangin. Halina’t magtampisaw sa malinis na dagat at
tikman ang aming mga sariwang produkto mula sa dagat.At siyempre pa masagana din kami
sa mga gulay at prutas mula sa mga bayan ng Sergio Osmeña Sr. Kung saan tinagurian
itong“ Little Baguio of the Phillipines” dahil sa sobrang lamig dito.

Tingnan at pag-aralan ang tsart sa ibaba.


Lugar Karaniwang Mga Gawain sa Mga Gawain sa
Hanapbuhay Panahon ng Tag-init Panahon ng Tag-ulan

Pamayanang Urban Manggagawa sa Piknik Gumagawa ng mga


Kompanya gawaing pambahay

Bundok o paanan ng Magsasaka, Pagtotroso, Magtatanim


Bundok Pagpapastol, Pagkakaingin
Paglililok ng kahoy

Tabing Dagat Mangingisda Pagbibilad ng Isda Gumawa ng mga


gawaing Pambahay

Pamayanang Manggagawa Magkakarpintero Namamasukan


Rural-Sentro Magsasaka O Pag-uuling

Gawin A. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay? Pag-ugnayin ang mga
aspekto ng kultura at ang pisikal na katangian ng lugar. Maaaring maraming beses gamitin
ang mga kaisipan. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Lokasyon ng Komunidad at Kultura

Tabing dagat Karamihan ng mga awit ay


tungkol sa
pagsasaka

Nasa itaas ng bundok Maagang natutulog

Nasa Kapatagan Malaking bahagi ng produkto ay


nanggaling sa dagat

Nasa Urban na Siyudad Mga produkto ay naaangkop sa


malamig na klima

Nasa remote o liblib na lugar Walang oras ang pagtulog

Moderno ang kadalasang


kagamitan

Hindi na lalabas sa bahay ang


mga tao
dahil wala ng tao sa lansangan
kung madilim

Gawin B. Ikaw ay lumaki at nakatira sa lungsod ng Zamboanga at nakasanayan mo


na magdamit ng maiiksi. Ang iyong kaibigan na taga Sergio Osmeña ay nagyaya sayo
na magbakasyon sa kanila anong uri ng kasuotan ang dadalhin mo? Bakit?

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito
sa inyong kuwaderno.
_____ 1. Maagang nagigising ang mga tao sa pagpunta sa bukid.
A. Itaas ng bundok C. Tabing dagat
B. Lungsod D. Kapatagan

_____ 2. Mabilis ang kilos ng mga tao papunta sa opisina.

A. Itaas ng bundok C. Tabing dagat

B. Lungsod D. Kapatagan

_____ 3. Malaking bahagi ng produkto ay nanggagaling sa pangingisda.

A. Itaas ng Bundok C. Tabing Dagat

B. Lungsod D. Kapatagan

_____ 4. Karamihan sa mga awit at kuwento ay ukol sa pangangalaga sa kagubatan.


A. Itaas ng Bundok C. Tabing Dagat
B. Lungsod D. Kapatagan

_____ 5. May mga awit na patungkol sa pagsasaka.

A. Itaas ng Bundok C. Tabing Dagat


B. Lungsod D. Kapatagan

Sanggunian
SUASULA, MARISA W., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 2 Day 3
AP3 Quarter 3 Module 2

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. A
2. B
3. C
4. A
5. D
DEVELOPMENT TEAM
Writer: Vivian B. Tangapa
Illustrator: Vivian B. Tangapa
Evaluator: Elmer P. Castillon
Maricel C. Alit
John Exan Rey N. Llorente
Russellieth Joyce A. Nieves
Jane P. Nadela

ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipunan 4
KWARTER 3 LINGGO 2 DAY
3 ______________
Petsa
PAKSA Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa
isang Lugar

KASANAYAN SA Naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng


PAGKATUTO pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon (AP3PKR-IIIa-2)

LAYUNIN 1.Natutukoy ang mga halimbawa ng epekto sa lokasyon at klima sa uri ng


pamumuhay sa isang lugar;
2.Naipapaliwanag kung paano nakakaimpluwensya ang lokasyon at klima sa
uri ng pamumuhay ng sarilin lalawigan o rehiyon;
3.Naibibigay at napahalagahan ang iba’t ibang uri ng pamumuhay ng sariling
lalawigan o rehiyon
PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.

Ang heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar ang karaniwang naka impluwensya
sa kung anong paraan ng pamumuhay ang nalilinang ng mamamayan at anong uri ng
kabuhayan nabubuo na siyang pinagkukunan ng mga pangangailangan ng tao.
Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng atmospera o hangin na
nakapaligid sa daigdig na nararanasan sa isang partikular na lugar o rehiyon.

Ang bawat lugar sa ating lalawigan ay may iba’t ibang uri ng pamumuhay. Malaking
bahagi ng lalawigan ng Zamboanga del Norte nasa tabing dagat kaya masagana tayo sa mga
yamang dagat. Ang lalawigan natin ay may bulubundukin din kung saan may mga taniman
ng mais at gulay. May malawak din tayong taniman ng palay sa lungsod ng Dipolog.
Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo humihina ang kita ng mga mangingisda sa
Zamboanga del Norte. Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin. Hindi rin
sila makapagbilad ng isdang dinadaing. Ngunit pinaghandaan ng mga mangingisda ang
ganitong pagkakataon.
Sila ay nagtatanim, nag-iimbak ng tuba, nagpapawid at iba pang maari nitong
pagkakakitaan. Hindi lamang sa pananim at uri ng pagkakitaan ang nakakaimpluwensiya sa
uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan
ayon sa kanilang klima. Sa lugar na malamig tulad ng bayan ng Sergio Osmeña at Josefina,
ang mga tao nagsusuot makakapal na damit upang hindi ginawin. Maninipis at maluluwang
naman ang kasuotan ng mga nasa mainit na lugar tulad ng lungsod ng Dapitan at Pagadian.
Kung ang lokasyon naman ng isa sa mga lalawigan ay laging dinadaraanan ng bagyo,
ibayong paghahanda ang kanilang ginagawa. Bukod dito ang kanilang mga bahay
karaniwang mababa at yari sa bato at kogon. Bangkang bahay naman ang tirahan ng mga
Samal at Badjao. Ito ang angkop sa kanilang lugar. Dahil dito masasabing
nakakaimpluwensiya ang lokasyon at klima ang isan lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao
sa isang lugar.
Ang klima ay may malaking impluwensya sa buhay ng mga tao tulad ng:
1. Produktong ginagawa sa lugar
2. Uri ng pananim at maging sa pagluluto ng pagkain
3. Mga pananamit
4. Uri ng bahay
5. Sa pagpili ng mga tao sa kanilang trabaho

Gawin A. Basahin ang polyeto tungkol sa isang lalawigan. Pag-isipan kung ano ang pisikal
na katangian nito. Magsulat ng isa nito hanggang dalawang talata tungkol dito. Sabihin
kung ano ang lokasyon at klima ng nasabing lalawigan at ipaliwanag

Halina kayo sa aming lalawigan. Siguradong magiging masaya ang iyong pagbisita. Marami
kayong magagawa sa aming lalawigan. Umikot lamang kayo sa maliit naming lugar, siguradong kayo
ay makakalasap ng sariwang simoy ng hangin mula sa dagat. Halika’t magtampisaw sa malinis na
tubig saan mang direksiyon sa aming lalawigan. At siyempre pa , mabubusog kayo sa sagana at
sariwang produkto mula sa dagat. Kung gusto niyo naman makakita ng sining na kawiliwili, tiyak na
matutuwa din kayo sa mga produktong pandagat kagaya ng kabibe, talangka at suso. Kung gusto
niyo Makita kung saan nanggaling ang inyong sariwang isda, bago pa lamang magliwanag, kailangang
gumising kayo ng maaga upang mapanood ang mga ito.
Gawin B. Kung ikaw ay nakatira malapit sa dagat at may bagyong paparating paano mo
ihanda ang iyong sarili upang makatulong ka sa iyong pamilya? Bakit?

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.


1.Kung sakaling lumabas ka ng iyong bahay at nakasuot ka ng kapote anong klima ito?
A. Tag- araw C. Tag-ulan
B. Taglamig D. Tagsibol

2. Kapag nakasuot ka ng sando, anong klima naman ito?


A. Tag-araw C. Tag-ulan
B. Taglamig D. Tagsibol

3. Sa ating lalawigan ng Zamboanga del Norte anong produkto na makukuha natin sa niyog
na isa
rin sa mga pinagkukunan ng ikabubuhay sa ating lugar na hindi maapektuhan ng klima
tag
-ulan man o tag- araw?
A. Kendi C. Langis
B. Copra D. Prutas
4.Sa lungosd ng Dipolog ano ang nangunguna nilang produkto?
A. Ginto C. Langis
B. Tubo D. Palay
5. Dahil malamig ang bayan ng Sergio Osmeña ano ang kanilang mga produkto na
ikinabubuhay
ng mga tao doon?
A. Pinya C. Palay
B. Gulay at Prutas D.Tubo
Sanggunian
SUASULA, MARISA W., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 3 Day 2
AP3 Quarter 3 Module 5

Susi sa PAgwawasto

Gawain A at B Sanayin
(Depende sa sagot ng mga bata) 1.C
2.A
3.B
4.D
5.B

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Vivian B. Tangapa
Illustrator: Vivian B. Tangapa
Evaluator: Elmer P. Castillon
Maricel C. Alit
John Exan Rey N. Llorente
Russellieth Joyce A. Nieves
Jane P. Nadela

ASIGNATURA Araling
AT BAITANG Panlipunan KWARTER 3 LINGGO 2 DAY 5 __________________
3 Petsa
PAKSA Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa
isang Lugar

LEARNING Naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng


COMPETENCY pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon. (AP3PKR-IIIa-2)

OBJECTIVES 1. Natutukoy ang mga halimbawa ng epekto sa lokasyon at klima sa uri ng


pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon;
2. Naipapaliwanag kung paano nakakaimpluwensiya ang lokasyon at klima
sa
uri ng pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon;
3. Naibibigay at napahahalagahan ang iba’t –ibang uri ng pamumuhay ng
sariling lalawigan o rehiyon.

PAALALA: Huwag sulatan ang materyal na ito. Gumamit ng sagutang papel o kwaderno.
Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay ng mga tao. At dahil ang
mga ito ay may impluwensiya sa produkto na nasa bawat lugar, sa pagkain, sa pananamit,
uri ng bahay at sa kanilang hanapbuhay.
Ang lokasyon ay isang posisyon o punto sa pisikal na espasyo o bahagi na sumasakop
sa ibabaw ng daigdig. Maaaring ilarawan ang isang lokasyong bisinal na ang lokasyon ng
isang bagay na kaugnay sa isa pang lugar o isa pang pangkalahatang bagay.
Ang klima ay pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon
ng isang takdang lugar o rehiyon, Depende ang klima sa pagdating ng tag-init, tag-lamig,
tag-lagas, tag-sibol, at tag-ulan sa pook o rehiyong pinag –usapan.

Naangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay at iba pang produktong pananim. Ang
mga tanim gaya ng kamote at kamoteng – kahoy ay tumutubo kahit saan amng parte n
lalawigan. Gaya ng pili, ang kamote ay ginagawang kendi, tsips, at iba pang klaseng
kakakin. Mainam din ang ating lugar na taniman ng saging.

Marami ang nais maninirahan sa lungsod dahil mas higit ang mga trabahong
nakatutugon sa mabilisang takbo ng pamumuhay ng ma naninirahan dito. Halos lahat ng
punong tanggapan ng iba’t ibang pribado panpamahalaan, at may maraming mga tindahan
na nagdudulot ng trabaho gaya ng “sales lady” at “ utility workers”.

Ito ang kaibahan ng kabuhayan sa Urban at Rural

RURAL URBAN
Ang isang lugar na matatagpuan * Trabaho na hindi pang –agrikultura,
sa labas ng bayan, ay kilala ibig sabihin, kalakal, komersiyo o
bilang kanayunan. pagkakaloob ng mga serbisyo.
Direktang pakiki-ugnay sa * Ang isang pag- areglo kung saan ang
kalikasan ang populasyon ay napakataas at
mayroong mga tampok ng isang built
environment, ay kilala bilang urban.
Agrikultura at hayop ang pangunahing
kabuhayan

Gawin A. Ihambing ang kaganapan sa URBAN at RURAL sa panahon ng tag-ulan

Urban sa panahon ng tag-ulan Rural sa panahon ng tag-ulan

Gawin B. Nakakaapekto ba ang bagyo sa pamumuhay ng tao? Bakit?

Panuto: Basahin ang tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Isa ito sa mga trabaho ng mga babaeng nakatira sa Urban


A. Sales lady sa mga department store C. Naghahayupan
B. Nagtatanim D. Nangingisda

2. Ito ang mahalaga upang maiaangkop ang uri ng iyong pamumuhay.


A. Kaugalian C. Kapaligiran
B. Lokasyon D. Klima

3. Ito ay pankaraniewan at pangmatagalang kalagayan at katanian ng panahon sa isang


takdang lugar o rehiyon.
A. Kaugalian C. Kapaligiran
B. Lokasyon D. Klima

4. Ito ay isang posisyon o punto pisikal na espasyo o bahagi na sumasakop sa ibabaw ng


daigdig.
A. Kaugalian C.Kapaligiran
B. Lokasyon D. Klima

5. Ito ay isang lugar na matatagpuan sa labas ng bayan at kilala bilang kanayunan.


A. Kaugalian C. Rural
B. Lokasyon D. Klima

Sanggunian

SUASULA, MARISA W., DLP Grade 3 Quarter 3 Week 3 Day 2


AP3 Quarter 3 Module 5
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawin A Sanayin
(Depende sa sagot ng bata) 1. A
2. C
3. D
4. B
5. C

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Vivian B. Tangapa
Illustrator: Vivian B. Tangapa
Evaluator: Elmer P. Castillon
Maricel C. Alit
John Exan Rey N. Llorente
Russellieth Joyce A. Nieves
Jane P. Nadela

You might also like