Bangkang Papel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines City of Taguig

Taguig City University


Gen. Santos Avenue, Central Bicutan , Taguig City

Bangkang Papel

Allan G. Tang
BS Marketing Management

Genoveva Edroza-Matute
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyoy nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niyay Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan. Sa karimlat pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyoy sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantalay patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. Inay, umuulan, ano? Oo, anak, kangina, anang tinig mula sa dulo ng hihigan. Inay, ang ulit niya sa karimlan, dumating na ba ang Tatay? Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kayat itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nitoy nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nitoy nakita niya ang banig na walang tao. Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at itoy itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kayat ang

Bangkang Papel

kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siyay namaluktot sa nalabing kalahati. Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. Inay, ang tawag niyang muli, bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba? Ewan ko, ang sagot ng kanyang ina. Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo. Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang akiy malalakit matitibay...hindi masisira ng tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay nooy ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: Siya, matulog ka na. Ngunit ang batay hindi natulog. Mula sa malayoy naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi, ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito? ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit itoy hindi sumagot. Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita. Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat... At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan... Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan. Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon. Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yaoy si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata nooy hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito? Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata nooy patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay nooy patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling. Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang paguusap nilay biglang natigil nang siyay makita. Wala siyang narinig kundi... Labinlimang lahat ang nangapatay... Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita. Sa pagitan ng mga hikbi, siyay patuloy sa pagtatanong... Bakit po? Ano po iyon? Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niyay nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kayay hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao. Handa na ba kaya? anang isang malakas ang tinig. Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayoy ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw silay papasok dito... Kayat walang maaaring maiwan. Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Silay palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalakiy lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit? Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. Iyon din ang nais kong malaman, anak iyon din ang nais kong malaman. Samantala...

Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humaliliy tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. Kaya nga bat sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

Ang May Akda

Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 21 Marso 2009) ay isang premyadong kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pangedukasyon. Siya ay nagturo ng apatnaput anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992 Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press. Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94. Si Genoveva Edroza-Matute ay lumaki sa Sta. Cruz, Maynila. Siya ay nagtapos sa mga paaralang lungsod. Sa paglaki niya habang kalong ng mga paaralang ito'y nakita niya kung papaano mas naging mahigpit ang mga gurong Pilipino kaysa sa mga gurong Amerikano sa pagpaparusa sa mga batang nakapagsasalita sa sariling wika sa loob ng paaralan

Siya ay nagtapos sa Pamantasan ng Santo Tomas (UST). Naging guro siya sa loob ng 46 taon hanggang sa siya mag-retiro bilang pinuno ng Departamento ng Pilipino sa Philippine Normal University. Malawak ang naging karanasan niya sa kanyang pagaaral, pagtuturo at pagsusulat. Pangkaraniwan niyang paksa ang buhay ng isang babae at ang mga bagay na tumitimo sa kalooban nito. Tagataguyod rin siya pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Pananaw Ang reaksyon ko sa kwentong ito ay nalulungkot ako sa bata dahil kahit tanong siya ng tanong sa kanyang ina ay hindi ito sumasagot na para bang walang naririnig.Ilang sanedali ay nasiglahan ako dahil magpapalutang siya kinabukasan ng kanyang bangkang papel.Nalilito naman ako ng araw na sana sa kanyang pagpapalutang ng bangkang papel. Dahil halos mapuno ang kanilang bahay ng tao. Naawa naman ako sa bata ng pinaalis sila ng isang taong malakas ang tinig. Naguguluhan ako dahil tanong si adong kung ano ang nangyari pero tanging lalabinglima ang nangamatay ang kanyang naririnig.Nalungkot ako ng naunawaan niya na isa pala ang kanyang ama sa nangamatay

You might also like