Pang - Abay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAG - ABAY - bahagi ng pananalita na nagbibigay - turing sa mga pandiwa, at kapwa pang - abay.

MGA HALIMBAWA:

1. PANG - ABAY NA NAGBIBIGAY - TURING SA PANDIWA

a. Maagang gumigising si Limon upang magtrabaho sa bukid.


pang – abay pandiwa

b. Tuwang - tuwang nakikipaglaro sa mga ibon si Limon.


pang – abay pandiwa

2. PANG - ABAY NA NAGBIBIGAY - TURING SA PANG - URI

a. Tunay na magarbo ang kasal ng aking pinsan.


pang – abay pang - uri

b. Maaaring hilaw pa ang mga bunga ng kaimito


pang – abay pang - uri

3. PANG - ABAY NA NAGBIBIGAY - TURING SA KAPWA PANG - ABAY

a. Tunay na mabagsik magalit si Ama.


pang – abay pang – abay pandiwa

b. Sadyang kaakit - akit maglakbay sa Ifugao Rice Terraces.


pang – abay pang – abay pandiwa
IBA'T IBANG URI NG PANG - ABAY
1. PANG - ABAY NA PAMANAHON ay nagsasaad kung KAILAN naganap ang kilos. Maaari
din itong magsaad kung GAANO KADALAS ginagawa ang kilos
HALIMBAWA: Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang anibersaryo ng kasal ng mag - asawang Limon
at Gambalo.
(Kailan ipinagdiwang ang anibersaryo ng mag - asawang Limon at Gambalo? - KAMAKAILAN LANG)

2. PANG - ABAY NA PANLUNAN ay kumakatawan sa LUGAR na ginanapan ng kilos


HALIMBAWA: Pumunta sa parke ang magkakaibigan upang maglaro.
(Saan pumunta ang magkakaibigan upang maglaro? - SA PARKE)

3. PANG - ABAY NA PAMARAAN ay nagsasabi kung PAANO ginagawa ang kilos


HALIMBAWA: Banayad na lumakad ang mag - asawa upang hindi sila agad mapagod.
(Paano naglakad ang mag - asawa upang hindi sila agad mapagod? - BANAYAD)

IBA PANG URI NG PANG – ABAY


1. PANG - ABAY NA PANG - AGAM ay naghahayag ng DI - KATIYAKAN sa pagganap sa
kilos ng pandiwa. Ilang halimbawa ng mga pang - abay na ito ay:
marahil tila wari
siguro baka atbp.

HALIMBAWA:
a. Siguro ay nabili na ng ginang ang puting bestida kung sapat ang perang dala niya.
b. "Baka nabili na po ito ng iba."

2. PANG - ABAY NA PANANG - AYON ay nagsasaad ng PAGSANG - AYON. Halimbawa ng


mga pang - abay na naghahayag ng PAGSANG - AYON o PAGPAPATUNAY ay:
oo sadya talaga
tunay tiyak atbp.

HALIMBAWA:
a. Oo, ikaliligaya ko kung mabibili ko ang bestida para sa aking anak.
b. "Sadyang ang kabutihan ninyo'y kahanga - hanga."

3. PANG - ABAY NA PANANGGI ay nagsasaad ng PAGTANGGI, PAGTUTOL, o


NEGATIBONG PAHAYAG. Ilang karaniwang halimbawa ng negatibong pahayag ang:
hindi wala ayaw atbp.

HALIMBAWA:
a. Ayaw kong maging malungkot ang aking anak sa araw ng kaniyang pagtatapos.
b. "Naku ginoo, nagpapasalamat po ako sa inyong kabutihan pero hindi ko po ito matatanggap."
IBA PANG URI NG PANG - ABAY
1. PANG - ABAY NA PANGGAANO O PANUKAT ay nagsasaad ng TIMBANG o SUKAT.
Karaniwang sumasagot ito sa tanong na GAANO o MAGKANO

HALIMBAWA:
a. Nadagdagan ng isang kilo ang bagaheng dala ni Tita Merly papuntang ibang bansa.
b. Nagmahal ng limang piso ang pamasahe sa dyip papunta sa aming probinsiya.

2. PANG - ABAY NA PAMITAGAN ay mga salitang nagsasaad ng PAGGALANG. Halimbawa


nito ang PO at OPO na ginagamit kapag nakikipag - usap sa nakatatanda o upang magpakita ng
paggalang sa kausap

HALIMBAWA:
a. Hindi po ako ang nakabasag ng plato.
b. Opo, narinig ko po ang inyong sinabi.

3. INGKLITIK ay nagsisilbing SALITANG PANINGIT. Subalit kahit mga paningit, may kahulugan
ang mga ito kapag ginamit. Halimbawa, kapag ginagamit ang:
a. RAW at DAW - HINDI NATITIYAK ng nagsasalita ang kaniyang mga pahayag o sinasabi
b. MUNA - nagpapahiwatig ng PAGKAUDLOT NG GAGAWIN

IBA PANG HALIMBAWA NG INGKLITIK:


din yata kasi sana nga man
rin naman kaya pala lamang atbp.
pa ba na tuloy lang

HALIMBAWA:
a. Ako na ang magdadala ng mga costume para sa ating dula bukas.
b. Katatapos lang kumain ni Ate nang mag - uwi ng pagkain si Inay.

You might also like