Pokus Aspekto at Tinig NG Pandiwa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Pokus, Aspekto at Tinig ng Pandiwa

Introduksyon sa Aralin

Ang pokus ng pandiwa ay naipapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi nito.


Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ng pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa sa posisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap. Ito ang bigyang pokus sa
aralaing ito. Kalakip din dito ang aspekto at tinig ng pandiwa.

Inaasahang kalalabasan sa araling ito:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakapapaliwag at


nakabubuo ng pandiwa ayon sa pokus, aspekto at tinig.

Alamin natin to!

Maraming Pagpipilian

1. Ito ang katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa


nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o
ipanagpapatuloy pa ang pagganap.
a. Pokus c. Tinig
b. Aspeko d. Kaganapan

2. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksang
pangungusap.
a. Pokus c. Tinig
b. Aspeko
✔ d. Kaganapan
3. Ang_______ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung simuno ang
siyang gumaganap o bagay na ginaganap.
a.
✔ Pokus c. Tinig
b. Aspeko d. Kaganapan
4. Kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na
simuno at ang nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa, ang
pangungusap ay nasa tinig_________.
a.✔ Tahasan c. Balintiyak
b. Kaganapan d. Pokus
5. Nasa anong tinig ang pangungusap?
 Uminom ng tubig ang babae.
a. Tahasan c. Balintiyak

b. Kaganapan d. Pokus
Balik-aral

Paano mapapahaba ang pangungusap?


Magbigay ng halimbawa.

Motibasyon

Pangkatin ang mga salita

Basa Umawit Naglalaba

Umigib Bibili Yumuyuko

Babasa Nasabihan Inani

Magdadala Inaantok Nililigawan

Bagong Aralin

Basahin ang teksto at sagutin ang mga katanungan kaugnay dito.

Paano Pinapatay ng Tubig ang Apoy?

Bago magdingas ang panggatong kailangang mag-init muna ito ng sapat. Sa antas
na init na ito ang oksiheno sa hangin ay kaagad sumasama sa prosesong pagdiringas o
combustion.

Ano ang nangyayari kapag ang tubig ay ibinubuhos sa isang nagliliyab na kahoy?
Inaalis ng tubig ang dalawa sa tatlong bagay na kailangan ng apoy upang magdingas-ang
init at oksiheno. Ang init ang nagpapausok sa tubig. Ang tumataas na usok ay nagtutulak sa
hangin buhat sa apoy na pumuputol sa tustos ng oksiheno kung kaya namamatay ang apoy.

Sa mga iglap ding yaon, ang tubig ay nagpapalamig sa nasusunog na kahoy. Hindi
maaaring mag-apoy o masunog kahit na may hangin sa kanyang paligid maliban kung siya’y
sapat na init.

Pokus ng Pandiwa
Kapag ang kaganapan ng pandiwa ay ginawang paksa o simuno sa
pangungusap, sinasabing ito ang pokus ng pandiwa. Mapapansin na nagbabago ng
ginagamit na panlapi sa pandiwa kapag ang dating kaganapan ay ginawa naming paksa sa
pngungusap.

Halimbawa:
Si Jose ay bumili ng papel. (kaganapang layon)
Ang papel ay binili ni Jose. (papel na ang paksa)

Kaya nga kung ilan ang uri ng kaganapang pandiwa ay siya ring dami at uri
ng pokus ng pandiwa.
1. Aktor o tagaganap Pokus. Ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang maruruming damit ay nilabhan ni Nanay. (Kaganapang aktor)
Si Nanay ay naglaba ng maruruming damit. (pokus sa aktor)

2. Pokus sa Layon. Kapa gang dating kaganapang layon ay siyang ginawang


paksa ng pangungusap.

Halimbawa:
Ang bata ay nagtataglay ng bulaklak sa altar. (Kaganapang Layon)
Ang bulaklak ay inilagay ng bata sa altar. (Pokus sa Layon)

3. Pokus na tagtanggap. Ang pinaglalaanan sa pangungusap ay siyang


ginawang paksa sa pangungusap.

Halimbawa:
Si Kuya Alex ay nagpadala ng sulat para kay Teddy. (Kaganapang
Tagatanggap).
Si Teddy ay pinadalahan ni Kuya Alex ng sulat. (Pokus sa Tagatanggap).

4. Pokus na Ganapan. Ang lugar o ganapan ng kilos ang ginawang paksa ng


pangungusap.

Halimbawa: Sina Julian ay nagtungo sa tumana. (Kaganapang Ganapan)


Ang tumana ay tinungo nina Julian. (Pokus sa Ganapan)

5. Pokus na Gamit. Kapa gang bagay na ginamit sa pagkilos ng pandiwa ang ginawang
paksa ng pangungusap.

Halimbawa:
Namitas ng bayabas si Vincent sa pamamagitan ng sungkit. (Kaganapang Gamit)
Ang sungkit ay ipinamitas ni Vincent ng bayabas. (Pokus na Gamit)

6. Pokus sa Sanhi. Ang dahilan ng pagkilos ng pandiwa ang ginawang paksa sa


pangungusap.

Halimbawa:
Si Rhome ay nahilo dahil sa init. (Kaganapang Sanhi)
Ang init ay ikinahilo ni Rhome. (Pokus sa Sanhi)

7. Pokus sa Direksyon. Kapag ang kaganapan ng direksyon ay ginawang


paksa ng pangungusap.

Halimbawa:
Ang magkaibigan ay nagtungo sa Tagaytay. (Kaganapang Direksyon)
Ang Tagaytay ay tinungo ng magkaibigan. (Pokus sa Direksyon)
Pansinin ang ugnayan ng mga salitang naka-bold sa mga kasunod na halimbawa:

Pokus Kaganapan/Komplemento
Tagaganap Kumain ng suman at Ipinagdiwang ni Jose ang
manggang hinog ang bata. kanyang ikalabinsiyam na
kaarawan.
Layon Kinain ng bata ang suman Ako ay bibili ng bagong
at manggang hilaw. kompyuter.
Ganapan Pinagtamnan ng gulay ang Sa University of Makati
aming bakuran. dinaos ang pambansang
seminar ng PSLF.
Tagatanggap Ibinili ko ng bagong aklat si Nagluto si Amelia ng pansit
Morales para kay Jasmin.
Kagamitan Ipinampunas ko ng lababo Binungkal ang lupa sa
ang puting basahan. pamamagitan ng asarol.
Sanhi Ipinagkasakit niya ang Nagtagumpay si JV dahil sa
pagpapatuyo ng pawis sa kanyang pagsisikap.
likod.
Direksyon Pinagpasyahan naming Naglakbay kami papuntang
ang lungsod ng Davao Baguio.

Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa ay nababanghay o nabibigyan ng iba’t ibang anyo sa
aspekto ng pandiwa kung ang kilos ng pandiwa ay nasimulan at natapos na, o nasimulan na
at nagpapatuloy pa o hindi pa nasisimulan.

Kaya tatlo ang aspekto ng pandiwa. Aspektong Perpektibo, kapag ang


kilos ay nasimulan at natapos na; Aspektong Imperpektibo kung ang kilos ay nasimulan na
ngunit itinutuloy pa at Aspektong Kontemplatibo kapag ang kilos ay hindi pa nasisimulang
gawin. Mayroon ding sinasabing Aspektong Neutral na siyang anyong pawatas at pautos ng
pandiwa. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at ng panlaping makadiwa.

Pandiwa sa um= tumakbo, umibig

Neutral/Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


Tumakbo tumakbo tumatakbo tatakbo
Umibig umibig umiibig iibig

Pandiwa sa mag-, ma-, mang-, maki-


Neutral Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Magbasa nagbasa nagbabasa magbabasa
Matulog natulog natutulog matutulog

Pandiwa sa –in/-hin –an/-han


Neutral Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
Ayusin inayos inaayos aayusin
Sabihin sinabi sinasabi sasabihin
Mga Pandiwang Di-Karaniwan
Di karaniwan ang tawag sa mga pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabagong
morpoponemikong maykaltas, maypalit, maylipat at maypungos.

Halimbawa:
Maykaltas buhusan ay busan
damahin ay damhin

Maylipat atipan ay aptan


talaban ay tablan

Maypalit tawahan ay tawanan


halikan ay hagkan

Maypungos padala ay ipadala


nipot ay sumipot

Ang mga pandiwang di-karaniwan ay maaaring siyang kalalbasan ng mga


pagababagong morpoponemiko na nagaganap sa mga pandiwa lamang.

Tinig ng Pandiwa
Sinasabi ng tinig ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ay siyang
gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa o hindi siyang gumaganap sa kilos ng
pandiwa. Tukuyan ang tinig kapag ang paksa ang siyang gumanap sa kilos ng
pandiwa at Balintiyak kapag hindi ang paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Tukuyan: Nagtanim ng mais sa tumana si Tatang.
(Ang paksang si Tatang ang gumanap ng pagatatnim).

Balintiyak: Ang mais ay itinanim ni Tatang.


(Ang paksang mais ay hindi gumanap ng kilos ng pandiwa).

Kaugnay ito sa pagtalakay ng pokus ng pandiwa. Ang pandiwa ay nasa tinig tukuyan
kung ang paksa ang actor o ang tagaganap ng kilos. Ibig sabihin sa tinig na tukuyan ang
pandiwa ay nasa actor pokus.
Samantalang ang pandiwa ay nasa tinig balintiyak kung ang pokus ay nasa pokus na
layon. Ibig sabihin ang actor ay hindi siyang paksa ng pangungusap kundi tagatanggap ng
kilos.

Mga Gabay na Katanungan.

1. Batay sa teksto, bakit namamatay ang apoy kung bubuhusan ng tubig?


2. Bakit mahalaga ang oksehino sa pagkakaroon ng apo?
3. Nasa anong banghay ng pandiwa ang mga salitang nakaitim?

Paglalapat.

Sumulat ng sampung (10) pangungusap ng sa Kaganapan at baguhin ito sa Pokus.

Nagsalosalo sina Ana at kanyang pa milya dahil kaarawan ni Ben

kumain ng desert at prutas ang mag pamilya


Buod

Ang relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap ay


tinatawag na pokus. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Lahat naman ng pandiwa sa Filipino ay nababanghay sa tatlong aspekto: aspektong
pangnakaraan o perpektibo, aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo, at akspektong
panghinaharap o kontemplatibo.

Ang dalawang uri ng tinig ng pandiwa ay: tukuyan, kung ang simuno ay siyang
tagaganap ng pandiwa. Ang pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may isang
tagatanggap ng kilos o galaw na tintatawag na tuwirang layon. Ang mga um, mag, mang,
magpa, maki, at iba pa, ay karaniwang ginagamit sa tinig na tukuyan; at balintiyak kapag
ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na simuno at ang
nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa. Ang karaniwang pinaggamitan ng
pandiwang nasa tinig na balintiyak ay ang pangungusap na ang dating tuwirang layon ay
ang ginagamit na simuno.

Refleksyon sa Aralin

Ang pagamit ng panlapi sa pandiwa ay hindi lang nagpapaiba sa kahulugan ng salita


bagkus sa pokus din nito. Sabihin man ng iba na walang pagkakaiba ang mga pandiwang
Filipino ayon sa panahuna na di tulad sa Ingles ngunit sa Ingles ay may pagkakaiba ang
kilos ng pangnagdaan o pangkasalukyan. Kaya, ang sidtingksyon ng kiloas ay tulad sa
pagkakaiba ng aspekto ng mga pandiwa.

Pagsasanay

Pagsasanay Bilang 1

Pagtukoy sa Pokus ng Pandiwa


Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
panagdaan 1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.
____________
panagdaan 2. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista.
____________
pangkasalukuya
____________ n 3. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
pangkasal u kuyan
____________ 4. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.
pangkasalukuyan
____________ 5. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.
pangkasalukuyan
____________ 6. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
panghinaharap
____________ 7. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng
Pangalawang Pangulo Jejomar Binay.
pangkasalukuyan
____________ 8. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.
pangkasalukuyan
____________ 9. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sasalusalo.
panghinaharap 10. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.
____________
panagdaan 12. Taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Roger.
____________
panghinaharap 13. Ang itim na salamin ay ipinambabasa ni Lolo Pedring.
____________
panagdaan 14. Ang mga bata ay ipinaghain ng almusal bago silapumasok sa
____________
paaralan.
panghinaharap
____________ 15. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdaming bilang
ng mga krimeng nagaganap.

Pagsasanay Bilang 2
Suriin ang mga pandiwa ayon sa aspekto ng mga ito. Isulat ang bawat pandiwa sa
tamang hanay.

sumasayaw umupo susunod sinasabi


matutulog iinom tumatawid ginupit
hinahanap naglalaro tatakbo maghihintay
nasira tumulong nagsuklay humiga
kumakain magwawalis
Aspektong Pangnagdaan Aspektong Aspektong Panghinaharap
Pangkasalukuyan
nasira matmutulog sasayaw
umupo tatakbo sinasabi
nagsuklay magwawalis kumakain
tumulong susunod hinahanap
ginupit maghihintay tumatawid
humiga iinom
naglalaro

Pagsasanay Bilang 3
Suriin kung ang pangungusap ay tahasan o balintiyak ang tinig ng pandiwang may
salungguhit.
1. Ang musika ay nagbibigkis sa mga Pilipino.
2. Ang kundiman ay iniambag ni Nicanor Abelardo sa ating kalinangan.
3. Umawit nang buong puso ang mga mag-aaral.
4. Sa kabila ng paglaganap ng modernong musika, pinanatili ng mga Pilipino ang
tradisyunal na musika ng bayan.
5. Pasiglahin natin ang Musikang Pilipino.

Sanggunian:

Arrogante, J. et. al. (2014). Ugnayan: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


National Bookstore. Navotas City

Espina, B. C. et. al. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. WVSU Publishing


House. Iloilo City.

Paranpan L. C. at Torreres, R. T. (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Seguiban Printing and Publishing Enterprises, Inc. Iloilo City.

Marquez, S. T. at Garcia, F. C. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino


Filipino 1 para sa Antas Tersarya. Books Atbp. Publishing Corp. Mandaluyong
City.

De Vera, M. B. et. al. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Books


Atbp. Publishing Corp. Mandaluyong City.

Santiago, A. O. at Tiangco, N. G. (1991). Makabagong Balarilang Filipino. Rex


Bookstore. Quezon City.

Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang Linggwistika. . Rex Bookstore. Quezon City.

Mula sa Internet:

https://www.academia.edu/26082053/Pagsasanay_sa_Filipino_Pagtukoy_sa_Pokus_ng_Pan
diwa

https://www.scribd.com/document/399187136/Aspekto-Ng-Pandiwa-6

https://www.coursehero.com/file/pupjak/Alin-sa-mga-sumusunod-ang-may-wastong-gamit-
ng-tinig-ng-pandiwa-a-Ang-hinog-na/

https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-gansa-paano-humaba-ang-leeg-ng-
gansa/

https://www.coursehero.com/file/44184528/MA-ED-fIL-103pptx/

https://www.slideshare.net/mariejajaroa/ingklitik-57782266

You might also like