Ap - Aralin 12 - Pagtugon Sa Mga Hamon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALIN 12 PAGTUGON SA MGA HAMON

Mula 1953 hanggang 1961, dalawa ang naging pangulo ng ating bansa sa ilalim ng Ikatlong
Republika.

PANUNUNGKULAN NI RAMON F. MAGSAYSAY


(Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957)
Nanumpa sa panunungkulan si Pangulong Ramon Magsaysay bilang pangulo ng ating Ikatlong
Republika sa Luneta noong Disyembre 30, 1953. Napalapit siya sa taong - bayan dahil binuksan niya
ang Malacañang at pinakinggan ang kanilang mga hinaing. Nakapagpagawa siya ng mga daan, tulay,
poso at patubig, at nalutas niya ang suliranin sa mga Huk. Laging nakabihis si Pangulong Magsaysay
ng BARONG TAGALOG, na kinikilala noon bilang DAMIT NG MAHIRAP, hindi tulad ng mga naunang
pangulo na laging naka - amerikana. Dahil sa gawi niyang ito, naging uso at sikat ang pagsusuot ng
Barong Tagalog. Tinagurian din siyang "IDOLO NG MASA."

PANGANGALAKAL SA AMERICA
Pagkalipas ng 1954, nagkaroon na ng buwis ang anumang produktong nanggagaling sa Pilipinas
patungong United States. Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa dahil sa mahina
ang ekonomiya nito. Dahil sa dami ng mga kalakal na mula sa United States, mas malaki ang dolyar
na lumabas sa Pilipinas kaysa sa kinita nito. Nakalipas na ang WALONG TAON nang makayanan ng
mga Pilipino ang magluwas ng maraming produkto sa United States.

ANG PAGSUKO NG MGA HUK


Ipinagpatuloy ni Magsaysay ang inilunsad niyang Economic Development Corporation (EDCOR)
noong siya ay Kalihim ng Tanggulang Bansa. Dahil naniwala siya na kung bubuti ang kabuhayan ng
bawat mamamayan, hindi sila mahihikayat na maging komunista. Nahikayat rin niyang magbagong
buhay ang mga Huk. Noong Mayo 16, 1954, sumuko ang Supremo ng mga Huk na si LUIS TARUC.
Naiulat din na may 9,458 miyembro ng Huk ang sumuko.

ANG PAGLALAPIT NG PAMAHALAAN AT MAMAMAYAN


Pangunahing layunin ni Pangulong Magsaysay na mapalapit ang pamahalaan sa mga mamamayan,
kaya itinatag niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC). Naniwala siya na kapag
binigyan ng kaluwagang ipahayag ang kanilang mga pangangailangan, higit na makikipagtulungan
ang taong - bayan sa mga proyekto ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng bansa.

Itinatag ni Pangulong Magsaysay ang Commission on National Integration noong 1957. Layunin nito
ang magkaroon ng higit na pagkakaisa ang mga Pilipino, lalo na ang mga nabibilang sa mga pangkat
ng mga katutubo o indigenous. Binigyang - diin ang pagpapatayo ng mga daan, tulay, patubig,
elektrisidad, at mga paaralan lalo na sa mga pamayanan ng mga katutubo o indigenous.
MGA PROGRAMANG IPINATUPAD NI PANGULONG MAGSAYSAY:
1. LAND TENURE REFORM LAW - binili ng pamahalaan ang malalaking lupa o hacienda sa mga
haciendero at ipagbibili nang hulugan sa mga magsasakang walang lupa

2. AGRICULTURAL CREDIT AND COOPERATIVE FINANCING ADMINISTRATION (ACCFA) at


FARMER'S COOPERATIVE MARKETING ASSOCIATION (FACOMA) - nagpautang upang
magkaroon ng pambili ng sariling kalabaw, punla, at iba pang mga kailangan ng mga magsasaka

3. Pananaliksik tungkol sa makabagong sistema ng pagsasaka at bagong uri ng binhi, tulad ng


Masagana 99

4. Pagpapatayo ng mga daan, tulay, poso artesyano, at patubig upang mapabilis ang pag - unlad ng
mga baryo

5. MAGNA CARTA NG PAGGAWA - binigyan ng karapatan ang mga manggagawa upang magtatag
ng unyon, magwelga, at makipag - ayos sa pamahalaan

PAGTULONG SA MGA PAMAYANANG INDIGENOUS


Itinatag ni Pangulong Magsaysay ang Commission on National Integration noong 1957. Layunin nito
ang magkaroon ng higit na pagkakaisa ang mga Pilipino, lalo na ang mga nabibilang sa mga pangkat -
indigenous. Binigyang - diin ang pagpapatayo ng mga daan, tulay, patubig, elektrisidad, at mga
paaralan lalo na sa mga pamayanang indigenous.

PAKIKIPAG - UGNAYAN SA IBA'T IBANG BANSA


Noong ika - 9 ng Mayo 1956, napagkasunduan ng Pilipinas at ng Japan na magbigay ng reparasyon o
bayad - pinsala ang mga Hapones sa pinsalang idinulot nila sa mga Pilipino noong panahon ng
digmaan. Ito ay ang Reparations Agreement na nagtalaga ng halagang US $800 milyon bilang
kabayaran sa loob ng dalawampung taon. Ito ay sinang - ayunan ng Kongreso ng Pilipinas noong
1956.

Noong 1954, inanyayahan ni Ramon Magsaysay ang ilang bansa para sa Manila International
Conference. Ito ay upang magkasundo sila na kung sakaling lusubin sila ng mga bansang komunista
ay pagsasama - samahin nila ang kanilang puwersa laban dito. Pinirmahan ng mga kinatawan mula sa
Australia, France, United States, New Zealand, Pakistan, Thailand, England, at Pilipinas ang
kasunduan na tinawag na MANILA PACT.

Ang MANILA PACT ang siyang pinagmulan ng Association of Southeast Asia (ASA) na pinagtibay sa
Lungsod ng Bangkok noong Hulyo, 1960 upang mapaunlad ang kabuhayan at kultura ng bawat
kasapi.

Nagbuo ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) na may walong orihinal na miyembro ng
Manila Pact noong Pebrero 19, 1955. Hindi sumapi rito ang Indonesia, Burma, Malaysia, at India. Sa
ngayon, kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Indonesia, Malaysia,
Thailand, Singapore, Brunei, Myanmar, Vietnam, Cambodia, Laos, at Pilipinas. LAYUNIN nito ang
MAPAUNLAD ANG KALAKALAN, EKONOMIYA, at PAGTUTULUNGAN NG MGA BANSANG KASAPI.
Sa kasamaang palad, hindi natapos ni Pangulong Magsaysay ang takdang panahon ng kanyang
panunungkulan. Ang kanyang magagandang simulain ay hindi naipagpatuloy dahil sa kanyang
maagang pagkamatay. Noong ika - 17 ng Marso 1957, siya ay nasawi kasama ang 25 opisyal at
manggagawa sa pamahalaan at media nang sumabog ang sinasakyan nilang eroplano. Bumagsak ito
sa Bundok Manunggal sa Cebu.

PANUNUNGKULAN NI CARLOS P. GARCIA


(Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961)
Isang araw matapos pumanaw si Pangulong Magsaysay, nanumpa ang pangalawang pangulo ng
bansa noon na si Carlos P. Garcia bilang Pangulo ng Pilipinas. Tinapos niya ang panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Magsaysay. Noong Nobyembre 12, 1957, nanalo siya sa halalang
pampanguluhan. Nanalo rin sa pagkapangalawang pangulo si Diosdado Macapagal.

Inilunsad ni Pangulong Garcia ang Austerity Program upang magkaroon ng matipid at maayos na
pamumuhay. Ito ay naglayong makapagtipid sa paggasta ang pamahalaan, maging maayos ang
paggawa, mapalaki ang pamumuhunang kapaki - pakinabang, maging matapat, at magbigay ng
kasiya - siyang paglilingkod sa taong - bayan.

IBA PANG PROGRAMANG IPINATUPAD NI PANGULONG GARCIA


1. Patakarang PILIPINO MUNA o FILIPINO FIRST POLICY dahil marami ang mga dayuhang
mangangalakal sa bansa noon. Ayon sa programang ito, dapat bigyan muna ng lahat ng pagkakataon
ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan.

2. FILIPINO RETAILERS FUND ACT (1955) na nagpapautang sa mga Pilipino

3. NATIONAL MARKETING CORPORATION ACT (NAMARCO) - nagtustos sa malilit na Pilipinong


mangangalakal

Mahuhusay na palatuntunan ang inilunsad ni Pangulong Garcia, ngunit hindi rin napigilan ang mga
suliranin sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Hindi natamo ang katiwasayan ng bansa, at lumaganap
din ang mga katiwalian sa pamahalaan.

ANG PATAKARAN SA PAKIKIPAGKALAKALAN SA UNITED STATES


Naging suliranin ng ating bansa noong panahon ng panunungkulan ni Garcia ang lumalang
kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa. Upang maiwasan ito, ipinatupad niya ang paghihigpit sa
pag - aangkat. Bunga nito, naging mahina ang kalakalan ng Pilipinas at United States. Subalit ang
suliranin sa pananalapi ng bansa ay nanatili pa rin.

Naghabol ang Pilipinas sa United States sa pananagutan nito sa ating bansa. Binawi ng mga Pilipino
ang mga buwis na nasingil ng United States sa Pilipinas. Ito umano ay salungat sa kasunduan ng
dalawang bansa. Tinanggihan ng United States ang paghahabol na ito. Sa halip, binawasan pa nila
ang tulong na pananalapi sa Pilipinas.
ANG MGA BASE MILITAR NG UNITED STATES
Nakapagpatupad si Pangulong Carlos Garcia ng ilang mga pagbabago:

a. Ang pagtataas ng bandilang Pilipino na katabi ang badilang Amerikano sa mga base militar simula
noong unang araw ng Mayo 1957.

b. Ang pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa Maynila na dating


kontrolado nila.

c. Ang pagpapaikli ng 25 taon na pag - upa sa mga base militar sa halip na 99 taon.

d. Ang pag - aalis ng karapatan ng mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo.

Nagkaroon din ng mga limitasyon sa mga instalasyong militar ng United States sa bansa. Kabilang
dito ang Clark Air Base, Sangley Point Naval Base, Subic Base, at Camp John Hay. Napagkasunduan ng
mga Pilipino at Amerikano na maglagay ng mga missile sa dalawang base bilang panangga sa
sinumang dayuhan na sasalakay sa dalawang bansa.

May mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at United States sa panahon ng
pamamahala ni Carlos P. Garcia. Ito ang di - makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga
manggagawang Pilipino sa mga base militar, di - pantay na paggawad ng katarungan sa mga Pilipino
at Amerikanong nagkasala sa loob ng base, at ang pagbibintang na nagnanakaw ang mga Pilipino sa
mga base.

You might also like