Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4 GAMIT ANG K- CHANNEL VIDEO

I. Mga Layunin:
a. Natutukoy ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat.
b. Nagagamit ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat sa
pangungusap.
c. Nagpapakita ng mabuting asal sa panonood ng video.

II. Nilalaman
Paksa: Kasingkahulugan at Kasalungat ng mga Salita
Sanggunian: BEC-PELC 2010, Pagsasalita, pahina 13
Video: K-Channel Pareho at Baliktad
Kagamitang Panturo: projector, white board, meta cards
Kaugaliang Pokus: Kawilihan sa Panonood ng video

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Awitin ang “ Pag-ibig Tulad ng Batis”. Balik -aralan ang mensaheng
ipinahahayag ng awitin.
2. Pangganyak:
Pagpapakita ng katutubong tao ng bansa. Ipalarawan ang mga ito sa mga
bata.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Gawain 1: Panonood sa Video: Pareho at Baliktad
Bago ipakita ang video ukol sa aralin. Tanungin ang mga bata :
Ano ang mga dapat nating tandaan habang nanonood ng video?
Mga Pamantayan sa Panonood ng Video:
1. Manood nang tahimik.
2. Iwasang gumawa ng di kanais-nais habang nanonood.
3. Isulat sa kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon na
natutunan o napakinggan.
Ipaalala ang pangatlong pamantayan sa panood ng video.

2. Pagtatalakay
 Anu-ano ang mga mahalagang salita ang naisulat ninyo sa inyong
kwaderno? (Isa-isahin ang mga salita na di – gaanong naintindihan
ng mga bata kung kinakailangan )
 Ano ang katawagan sa magkaparehong salita?
 Ano ang katawagan sa magkabaliktad na salita?

Gawain 2: Pangkatang Gawain


1. Pangkatin ang mga bata sa limang pangkat.
2. Ibigay ang meta cards kung saan nakasulat ang mga gawain para sa
pangkat.
3. Hayaang sagutin ng mga bata ang gawain sa sampung minuto.
4. Ipaskil ang mga natapos na gawain.

3. Paglalahat
 Ayon sa inyong pangkatang Gawain, ano ang katawagan sa mga kahulugan ng
mga salita?
Maaaring sagot: Ang katawagan sa mga kahulugan ng mga salita ay
Magkasingkahulugan at Magkasalungat.
 Ano ang ibig sabihin ng magkasingkahulugan?
Maaaring sagot: Magkasingkahulugan ang mga salita kung pareho ang
ibig sabihin nito.
 Ano ang ibig sabihin ng magkasalungat?
Maaaring sagot: Magkasalungat ang mga salita kung baliktad naman ang
ibig sabihin nito.
4. Paglalapat
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga sumusunod na
salita.
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
1. Malawak
2. Mabait
3. Matangkad
4. Malinis
5. Masaya

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin sa pangungusap ang mga salitang magkasingkahulugan at
magkasalungat.
Kahunan ang dalawang salita kung ito ay magkasingkahulugan.

Halimbawa: 1. Malawak ang lupain nina Mang Jose. Malapad din ang
kanyang sinasakahan.
Bilugan naman ang dalawang salita kung ito ay makasalungat.

Halimbawa: 1. Si Alissa ay may mahaba ang buhok samantalang si Anna ay


may maiksi naman.
1. Panalo kami sa patimpalak. Kami ay hinirang na kampeon sa
pangalawang pagkakataon.
2. Ang saya ko kapag kasama ko siya, hindi ako nakakadama ng lungkot.
3. Ang lalawigan namin ay marikit. Ito ay may kaakit-akit na tanawin.
4. Maingay si Roy sa klase habang si Alex naman ay tahimik.
5. Si Mara ay mabait samantalang si Clara naman ay masungit.
V. Takdang Aralin
Gamitin sa iyong sariling pangungusap ang mga salitang magkasingkahulugan at
magkasalungat.
1. tahimik – payapa
2. malinis – marumi
3. mahalimuyak – mabango
4. mabilis- matulin
5. malaki – maliit

You might also like