TG Filipino 3 q4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 65

Patnubay ng Guro sa Filipino 3

Aralin 31
Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko

Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga tanong ukol sa napakinggang usapan
Gramatika
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar,
at pangyayari
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang binasa
Komposisyon
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan

Paunang Pagtataya
Ipasuri ang larawan. (Ilagay ito sa isang malaking papel o kaya naman ay iguhit
ang larawang ito o gumamit ng anumang larawan na may katulad na paksa.)

DRAFT
April 10,2014
Pasulatin ang mga bata ng dalawang tanong tungkol sa larawan.
Ipabasa ang isinulat na mga tanong.
Ipaskil ang mga papel na pinagsulatan ng mga bata ng tanong upang sila na rin
ang magsuri kung tama o mali ang mga ito sa susunod na aralin.

Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan
Paksang-Aralin
Pakikinig sa Isang Usapan

 
233 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tutukuyin ng mga bata kung kaya o hindi nila kayang gawin ang makikita sa
mga larawang ipakikita.
Kung kaya, tumayo sa tapat ng paskil na KAYA KO at kung hindi naman ay
sa tapat ng HINDI KO KAYA.
Gamitin ang mga larawan na sumusunod. Maaari rin naman na gumamit ng
mga larawan na mayroon na.

2. Paglalahad
Linangin ang salitang talento.
Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng kanilang talento.

DRAFT
Ano ang ibig sabihin ng salitang talento?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.

Si Thea

April 10,2014
Tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa bahay-ampunan. Dumating na ang
mga mag-aaral sa kalapit na paaralan upang magkaroon ng isang maikling
palatuntunan.
Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas, pero hindi pa rin
dumarating si Nerry. Siya pa naman ang unang kakanta bilang pambukas ng
palatuntunan.
Bb. Hilario : Naku, nasaan na kaya si Nerry?
Magsisimula na tayo, naiinip na ang mga bata.
Bunny : Opo nga, e. Andito na ang lahat ng magsisiganap
at ang lahat ay handa na. Si Nerry na lang talaga
ang kulang.
Bb. Hilario : Ano ba ang maganda nating gawin?
Trining : Alam ko na po, baka puwedeng si Thea na ang
gumanap ng parte ni Nerry. Pag nag-eensayo kasi
tayo lagi ko siyang nakikitang nakikisabay kay Nerry
sa pag-awit.

Malugod na tinanggap ni Thea ang alok ng kaniyang guro at mga


kaibigan. Buong husay siyang umawit sa harap ng mga bata. Lalo siyang

 
234 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

ginanahan nang makita niya na tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa loob ng
bulwagan.

Sino-sino ang nag-uusap?


Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat?
Ano ang naging suliranin nila?
Ano sa palagay mo ang nangyari kay Nerry?
Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang suliranin?
Paano mo ilalarawan si Thea?
Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea? Ipaliwanag ang sagot.
Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong talento?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Paghandain ang bawat pangkat ng isang usapan tungkol sa kani-kanilang
talento o kakayahan.
Tawagin ang bawat pangkat upang iparinig ang kanilang usapan.
Magtanong sa mga bata tungkol sa napakinggang usapan.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

DRAFT
Natutuhan ko sa araling ito ang pagsagot nang wasto sa mga tanong tungkol
sa napakinggang usapan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipaulat ang isang usapang napakinggan mula sa mga kaibigan.

Ikalawang Araw

April 10,2014
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Binasa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang kaya mong gawin?
Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata.
Tutukuyin ng mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase.
Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?
2. Paglalahad
Ipasulat sa mga bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa salitang
kariton.
kariton

Ano? Sino? Iguhit

 
235 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ipabasa at pag-usapan ang mga salitang naisulat ng mga bata sa mapa.


Ipabasa ang pamagat ng teksto sa Alamin Natin, p. 125.
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang “Natatanging Regalo” sa p. 125.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang balitang binasa?
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
Ano ang regalong binanggit sa teksto?
Paano ito dapat gamitin?
Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang tama sa sarili? Sa kapwa? Sa
bansa?
Ilarawan ang Pilipino na binanggit sa teksto.
Bakit siya dapat tularan?
Paano mo siya matutularan?
Bakit siya dapat ipagmalaki?
Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan sa pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin, p. 126.

DRAFT
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Talakayin sa klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita sa organizer.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito na masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol
sa aking binasa kung uunawain nang mabuti ang nilalaman nito at tatandaan

April 10,2014
ang mahahalagang impormasyon na nakapaloob dito.
6. Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng ilang news room sa loob ng silid-aklatan.
Gumupit ng ilang kopya ng balita. Idikit ito sa manila paper at sulatan ng
limang tanong.
Ipaskil ang mga ito sa loob ng silid.
Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 126.
Papiliin sila ng isang news room. Ipabasa ang balitang nakapaskil dito at
pasagutan din ang inihandang katanungan.
Matapos ang ilang minuto, bigyan ng hudyat ang bawat pangkat na makapunta
naman sa ibang news room.
Gawin ito hanggang sa makabalik sa orihinal na news room ang bawat
pangkat.
Matapos ang inilaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa mga tanong
na binasa sa news room na unang napuntahan.
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.

 
236 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at
pangyayari
Paksang-Aralin
Wastong Pagtatanong
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay o larawan mula sa kanilang
gamit.
Pagbigayin sila ng isang tanong at pasagutan sa isang kaklase.
Isulat sa pisara ang tanong na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga tanong na isinulat sa pisara.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang teskto na nasa Alamin Natin, p. 125.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang tanong na ginawa ng mga bata tungkol sa kanilang binasa.
Isulat ang mga ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paano sinimulan ang mga tanong?

DRAFT
Paano ito tinapos?
Ano-anong salita ang ginamit upang simulan ang tanong?
Kailan ginagamit ang ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan?
Ano ang sagot na ibinibigay sa tanong na nagsisimula sa ano? Saan? Sino?
Kailan? Ilan?
Ano ang ibig sabihin kapag ang ano/saan/sino ay inuulit?

April 10,2014
Balikan ang mga tanong na ibinigay sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang pagkakagawa ng mga ito?
Ano ang dapat tandaan kapag magtatanong sa ibang tao?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipabasa ang mga ito at tumawag ng ibang bata upang sagutin ito.
Talakayin kung tama ang pagkakagawa ng mga tanong.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagtatanong?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.127.
Pag-uulat ng sagot sa pagsasanay.
Pabigyang-puna ang ginawang tanong ng mga bata sa kanilang kaklase.

Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan

 
237 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Paksang-Aralin
Pagsipi ng mga Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang pangkalahatang sanggunian?
Anong impormasyon ang makukuha sa bawat isa?
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang talata sa Pagyamanin Natin, p. 131.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang tinutukoy na natatanging regalo?
Paano ito dapat gamitin?
Bakit kailangang ibahagi ang mga ito?
Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo?
Ipabasa muli ang “Natatanging Regalo.”
Ano ang pamagat nito?
Paano ito isinulat?
Ilang talata ang bumubuo dito?
Paano sinisimulan ang talata?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

DRAFT
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipasuri ang natapos na gawain gamit ang rubric sa Patnubay ng Guro, p. 170.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay

April 10,2014
Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 128.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maisagawa ang mga ito.
Matapos ito, bigyang-puna ang sagot na ipapasa ng mga bata.

Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Magpatukoy ng isang natatanging Pilipino na nais makapanayam ng mga bata.
Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang magbasa tungkol sa napiling
natatanging Pilipino.
Magpagawa ng tatlong tanong na nais ibigay ng mga bata sa natatanging
Pilipinong nais nilang
makapanayam.
Ipagamit ang format na ito.
Pamagat ng Binasa Sanggunian

Siniping talata mula sa binasa

 
238 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Aralin 32
Batang Pinoy Ako, Matatag Ako

Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Gramatika
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang tanong na bakit at paano
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Komposisyon
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan

Paunang Pagtataya
Pag-usapan ang larawan na nasa gitna.
Pasulatin ang mga bata ng tanong na nagsisimula sa paano at bakit.

DRAFT
Paano? Bakit?

April 10,2014
Ipabasa sa mga bata ang nakasulat na mga tanong.

Unang Araw
Layunin
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbuo ng Katumbas na Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
A. Magdikta ng mga limang salita na natutuhan ng mga bata sa mga aralin.
Tingnan kung tama ang pagkakabaybay nila.
(Gawin ang Horn Method sa linggong ito. Bago simulan ang klase sa
araw-araw.
Lunes – pre-test
Martes – ituro ang mga salita

 
239 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Miyerkules – test
Huwebes – muling ituro ang mga salita sa unang araw
Biyernes – mastery test)
B. Nakaranas ka na hindi makasali sa isang paglalaro ng mga kaibigan?
Ano ang naramdaman mo nang mangyari ito?
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Isulat sa pisara ang magiging sagot ng mga bata.
Hula Ko…
Hula  Hula
Tunay
  na Tunay na
Nangyari Nangyari

Tunay na Tunay na
Hula  Nangyari Nangyari Hula 

DRAFT
 

Basahin ang kuwento sa mga bata.

April 10,2014
Pastol Man ay Mabuti Rin
(Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3, St. Mary’s Publishing House)

“Juan, bakit ka masaya?” tanong ng kaniyang nanay nang umuwi


si Juan isang hapong iyon.
“Kasali po ako sa dula-dulaan namin sa paaralan para sa Pasko,”
sagot ni Juan.
“Anong papel ang iyong gagampanan sa dula-dulaan?” tanong
ng Nanay.
“Hindi ko po alam. Bukas pa po ibibigay ng guro ang aming mga
papel.”
Masayang-masaya si Juan nang matulog. Sabik na sabik siyang
malaman ang papel na kaniyang gagampanan sa dula-dulaan.
Kinabukasan, maaga siyang gumising at naghanda sa pagpasok.
Masigla siyang nagpaalam sa kaniyang nanay at saka tumungo sa paaralan.
Natutuwa rin ang kaniyang nanay.
Ngunit malungkot nang umuwi si Juan noong hapong iyon. Matamlay
siyang lumapit sa kaniyang nanay.
“Anong nangyari, Juan? Wala ka bang papel sa dula?”
“Mayroon po, Nanay.”
 
240 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

“Ganoon naman pala. Bakit ka malungkot?”


“Mangyari po, isang pastol ang ibinigay sa aking papel. Ayaw ko po
ng papel na pastol. Ang gusto ko po ay maging anghel. Hindi nila ako
binigyan ng papel na anghel.”
“Alam mo, Juan, hindi natin laging natatamo ang lahat ng ating naisin.
At mainam naman ang papel ng pastol. Mahalaga ang ginampanang papel ng
mga pastol. Hindi ba mga pastol ang nakakita sa tala at sila ang unang
pumunta sa sanggol na Jesus?”
Napangiti si Juan.
“Siyanga po pala, Nanay. Mainam nga ang papel na pastol.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Balikan ang organizer na “Hula Ko.”
Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento?
Pasagutan muli sa mga bata ang organizer.
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan?
Tungkol saan ang kuwento?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Bakit mahalaga ang mga pastol?

DRAFT
Ano ang nangyari kay Juan sa kuwento?
Ano-ano ang damdamin ni Juan sa kuwento?
Ano ang dahilan ng kaniyang mga naging damdamin sa kuwento?
Tama ba ang nagiging damdamin niya?
Paano nagbago ang kaniyang damdamin?
Ano ang mensahe ng kuwento?

April 10,2014
Paano mo dapat tanggapin ang pagkabigo?
4. Pagpapayamang Gawain
May karanasan ka bang tulad ng kay Juan?
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sariling karanasan na katumbas
ng napakinggang kuwento.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Iguhit ang tauhan na nais mong gampanan sa dula-dulaan na sinalihan ni Juan.
Matapos ang ilang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit at
bigyan ng paliwanag ang ginawa.

Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang tanong na bakit at paano tungkol sa binasang teksto
Paksang-Aralin
Pagsagot ng bakit at paano
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Balikan ang kuwento na ipinarinig sa mga bata noong unang araw.
 
241 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Itanong:
Bakit masaya si Juan?
Bakit nalungkot si Juan?
Paano napawi ang kaniyang lungkot?
2. Paglalahad
Ipakuwento sa mga bata ang pag-aalagang ginagawa sa kanila ng mga
magulang.
Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 128-129.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Sino ang bida sa teksto?
Ilarawan siya.
Ano ang katangian ni Kano?
Dapat ba siyang tularan?
Paano ka magiging isa ring Kano?
Isulat ang mga tanong na ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata.
Sa tapat nito, isulat ang sagot na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ito sa mga bata.
Bakit siya naging inspirasyon sa buhay ni Titser Blu?

DRAFT
Paano naging matatag si Kano sa kabila ng mga paghihirap niya?
Ano ang isinasagot sa tanong na bakit? Paano?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 134.
Tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang mga ginawang tanong.
Tama ba ang pagkakagamit ng bakit at paano?

April 10,2014
5. Paglalahat
Ano ang sagot sa tanong na bakit? Paano?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata na maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 129.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag
ang kanilang ginawa.

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar
at pangyayari
Paksang-Aralin
Paggamit ng Angkop na Pagtatanong
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga papel na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa
aralin.
Ipalaro sa mga bata ang “Pinoy Henyo.”
Gabayan ang mga bata na makapagtanong nang maayos upang mahulaan ang
nakasulat sa papel.
 
242 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

2. Paglalahad
Ipagawa ang organizer na makikita sa Alamin Natin, p. 130.
Ipabasang muli ang kuwento ni Kano.
Ipatapos ang organizer na unang ginawa.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pagawain ang bawat pangkat ng klase ng mga tanong tungkol sa binasang
kuwento.
Ipabasa sa bawat pangkat ang ginawa nilang katanungan.
Pasagutan sa ibang pangkat ang ginawang mga tanong.
Ano-anong salita ang ginagamit sa pagtatanong?
Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan? Kailan? Ilan?
Ano pa ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong?
Kailan ito ginagamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang mga tanong na ginawa ng mga bata. Pabigyang-puna ito sa ibang
bata.
Ipasulat muli ang nagawang tanong.
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 130.
5. Paglalahat

DRAFT
Kailan ginagamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano at sino-sino?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 130.
Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata upang maisulat muli ang mga ito nang
wasto at tama.

April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan
Paksang-Aralin
Paggamit ng mga Salitang Natutuhan sa Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magdikta ng mga salitang natutuhan ng mga bata kuwento ni Kano.
Ipasulat sa pisara ang mga idiniktang salita.
Tingnan kung tama ang pagkakasulat ng mga ito.
2. Paglalahad
Dalhin ang mga bata sa labas ng silid-aralan.
Papaglaruin ang mga bata ng larong takbuhan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pagbalik sa loob ng silid-aralan, pag-usapan ang natapos na gawain.
Isulat ang mga pangungusap sa pisara hanggang sa makagawa ng isang talata.
Matapos isulat ang talata, itanong:
May nais pa ba kayong idagdag? Alisin?
Paano isinusulat ang isang talata?
 
243 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ano-anong bantas ang ginamit sa talata?


Ano ang ipinahihiwatig ng mga bantas na ginamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasulatin ang mga bata ng sariling talata tungkol sa isang pangyayaring
naobserbahan sa natapos na paglalaro ng klase sa labas ng silid-aralan.
Bigyang-puna ito gamit ang rubric na nasa p. 195.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli sa mga bata ang talata na binigyang-puna ng guro.

Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na araw. Ipagpatuloy ang
mga hindi natapos.

Aralin 33
Pilipino Ako May Mayamang Kultura

DRAFT
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang
teksto
Wikang Binibigkas
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu

April 10,2014
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Gramatika
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph

Paunang Pagtataya
Sumulat ng tatlong pangungusap na naglalarawan ng isang pagdiriwang na
nasaksihan sa sariling pamayanan. Salungguhitan ang ginamit na pang-uri.

Unang araw
Layunin
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang
teksto
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu

 
244 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Paksang-Aralin
Pagbibigay-Reaksyon sa Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Palakihin ang larawan sa ibaba. Kung hindi naman kaya, gumamit ng larawan
na may katulad na tema.
Ipakita at pag-usapan ito.
Kunin ang reaksyon ng mga bata sa ipinakikita ng larawan.

2. Paglalahad

DRAFT
Linangin ang salitang kultura.
Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaunawa sa salita.
Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng iginuhit.
Pag-usapan ang mga ipinakita ng mga bata.
Ano ang ibig sabihin ng salitang kultura?
Basahin nang malakas.

April 10,2014
Kulturang Pilipino
Ma. Luisa O. Felicia
http://www.emanilapoetry.com

Ang bansa nati’y mayaman sa katutubong wika


Kaya mamamayan nati’y iba-iba ang salita
Ngunit bawat isa nito’y dapat bigyang-halaga
Upang bansa nati’y magkaunawa at lumigaya.

Kung ang bawat Pilipino’y may pagpapahalaga


Sa mga kulturang Pilipinong ating minana
Sa mga ninunong sinauna
Tiyak na lalago ang ating kultura.

Hindi ko naman sinasabing mabubuti ang lahat nito


Ngunit manahin sana natin ang makabubuti sa ating pagkatao
At iwaglit naman ang hindi makabubuti sa tao
Upang sumulong din ang bansa nating mga Pilipino.

 
245 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ang salitang opo ay nakakalimutan na


Pati na rin ang pagmamano sa mga nakatatanda
Ngunit mga kagawiang ito'y napakaganda
Maipamulat sana natin sa mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Anong mga salita ang hindi nauunawaan sa napakinggang tula?
Linangin ang bawat salita na mangggagaling sa mga bata.
Ano ang tinatalakay sa napakinggang tula?
Ano ang isinasaad ng unang taludtod? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?
Saan mayaman ang Pilipinas?
Ano-ano ang kultura ng mga Pilipino?
Ano ang mangyayari kung pahahalagahan natin ang ating kultura?
Paano natin mapahahalagahan ang ating kultura?
Ano-anong kultura natin ang nakabubuti sa pag-unlad ng bayan?
4. Pagpapayamang Gawain
Pag-usapan ang sagot nang pangkatan.
Totoo ba na nakalimutan mo na ang paggamit ng po o opo?
Pag-uulat ng bawat pangkat sa napag-usapan sa pangkat.

DRAFT
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang paksa o isyu?
6. Karagdagang Pagsasanay
Balikan ang naibigay na reaksyon sa simula ng klase.
Palagyan sa mga bata ng marka ang kani-kanilang sarili.

April 10,2014
Gamitin ang rubric na ito.

  4 3 2
Naipahayag nang wasto ang    
damdamin.
Naipakita ang kaalaman sa    
isyu o paksa na pinag-
uusapan.
Nagamit nang wasto ang    
wika sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan.
Ano ang marka na ibinigay mo sa sarili?
Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang dahilan sa pagbibigay ng marka sa
sarili.

 
246 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ikalawang Araw
Layunin
Nasasabi ang mga pangyayari sa usapang binasa
Nakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang usapan
Paksang-Aralin
Mga Pangyayari sa Isang Usapan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Nakasali ka na ba sa Santacruzan o sa isang reynahan?
Hayaang pag-usapan ng mga bata ang kanilang karanasan.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang Santacruzan.
Ikuwento kung bakit ito ipinagdiriwang.
Ipakita ang larawan ni Reyna Elena at ni Prinsipe Konstantino.
Sabihin sa mga bata ang mahalagang ginagampanan ng mga ito sa
Santacruzan.
Ipabasa sa mga bata ang usapan sa p. 131.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bakit kakaiba si Prinsipe Konstantino?

DRAFT
Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinag-uusapan nila?
Bakit pinakahihintay ng lahat ang Mayo 31?
Ano-ano ang pangyayari sa usapang napakinggan?
Dapat pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito? Pabigyan ng katwiran ang
sagot na ibibigay ng bawat bata na tatawagin.

April 10,2014
Paano mo pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa bansa na tulad nito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132.
Pag-usapan ang ibinigay na pangungusap ng tinawag na mga bata.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 132.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit.
Ipabasa rin ang pangungusap na nasulat.

Ikatlong Araw
Layunin
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan
Paksang-Aralin
Pang-uri

 
247 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng flashcard ng mga salita. Siguraduhin na may nakasulat na mga
pang-uri.
Ipabasa ito sa mga bata at tutukuyin din nila kung pang-uri o hindi ang bawat
salita.
2. Paglalahad
Pangkat-pangkatin ang klase.
Ipaguhit sa isang pangkat ang damit para kay Angela at sa isang pangkat
naman ay ang korona na kaniyang gagamitin.
Pagpapakita ng natapos na gawain.
Ipalarawan sa ibang bata ang ipinakitang damit at korona.
Ano ang pang-uri?
Ipagawa ang panuto sa Alamin Natin, p. 132.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang pang-uri na ginamit sa usapan? Itala ang sagot ng mga bata.
Ano ang inilarawan ng bawat isa?
Ipabasang muli ang inilistang mga salita.
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

DRAFT
Tama ba ang pagkakagamit ng pang-uri?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ano-ano ang pang-uring ginamit?
5. Paglalahat

April 10,2014
Ano ang pang-uri?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133.
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk.
Pag-usapan ang mga nakita. Magpabigay ng isang pang-uri para sa isang
pangngalan na nakita mula sa mga iginuhit.

Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Nakabubuo ng sariling graph upang maibigay ang impormasyon na nakalap
Paksang-Aralin
Pagbibigay-kahulugan sa graph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipaawit: “Lubi-lubi”
Pag-usapan ang awit.
2. Paglalahad
Ipabasa muli ang usapan nina Angela at Aiah.

 
248 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan?
Pabigyang-katwiran ang pagpili na ginawa.
Maghanda ng cut out ng simbolo para sa mga babae at para sa mga lalaki.
(Malaya sa pagpili kung ano ito. )
Itanong muli:
Sino sa mga tauhan sa usapan ang nais mong tularan?
Igawa ng graph ang makukuhang impormasyon .
Ipakita sa mga bata ang paggawa ng pictograph.
Ano ang ipinakikita ng graph?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 133.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng kaniyang isinulat na pangungusap.
5. Paglalahat
Ano ang pictograph?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133.
Pag-uulat ng natapos na gawain.
Tumawag ng ilang bata upang magsabi kung ano ang natutuhan nila sa

DRAFT
nakitang pictograph.

Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtayaya
Sumulat ng tatlong pangungusap na maglalarawan ng isang prusisyon, reynahan o
parada na maaaring nasaksihan o nasalihan. Ilarawan ito at guhitan ang pang-uri na

April 10,2014
ginamit.

Aralin 34
Bata Man Ako, Kaya kong Maging Hero

Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan
Gramatika
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan
Kamalayang Ponolohiya
Nakapagbibigay ng salitang magkakatugma
Pag-unawa sa Binasa
Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Pagsulat atPagbabaybay
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan

 
249 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Komposisyon
Nakakasulat ng isang talata

Paunang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na may magkatugmang salita.
Bilugan ang mga magkakatugmang salita na ginamit.
Ipabasa at ipasulat sa pisara ang natapos na pangungusap.

Unang Araw
Layunin
Naibibigay ang paksa ng tekstong napakinggan
Paksang-Aralin
Paksa ng Tekstong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang ilang larawan ng mga bayani.
Bakit sila naging bayani?
2. Paglalahad
Paano magiging bayani ang isang bata?

DRAFT
Basahin nang malakas.

Grade 5 pupil, Pinarangalan


Online Balita; Dec. 12, 2011
Itinuring na bayani ang isang Grade V pupil sa nangyaring pagbagsak ng
light cargo plane na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng maraming iba

April 10,2014
pa sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City.
Ang pagkilala ay ginawa ni Pangulong Benigno S. Aquino III at
Department of Education (DepEd) matapos nitong iligtas ang isang bata
habang nagaganap ang sunog.
Dinalaw ni DepEd Secretary Armin Luistro sa Makati Medical Center
(MMC) ang estudyanteng si Rodielyn Molina na una nang kinilala ng
Pangulo.
Sinasabing nagtamo ng second-degree burn si Molina habang
isinasalba ang isang bata sa nasusunog na bahay.
Si Rodielyn, 11, ay mag-aaral ng F. Serrano Elementary School na
kasamang naabo sa sunog bunga ng pagbagsak ng eroplano.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pangkat-pangkatin ang klase at pasagutan ang organizer na nasa ibaba.
Paksa
Mga Pangyayari
Saan, Kailan at Ano ang Nangyari?
Pangunahing Tauhan

 
250 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Pag-uulat ng bawat pangkat ng sagot sa natapos na gawain.


Sino ang tinukoy na bayani sa balita?
Bakit siya itinuring na isang bayani?
Paano binigyang-halaga ang kaniyang ginawa?
Kung ikaw si Rodielyn, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Ipaliwanag
ang sagot.
Paano ka magiging munting bayani?
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng isang puzzle na katulad ng nasa ibaba. Siguraduhin na ang
bahagi ng puzzle ay katumbas ng bilang ng mga bata na nasa klase.

DRAFTBigyan ang bawat bata ng bahagi ng puzzle upang isulat dito ang paksa ng
napakinggang balita.
Tumawag ng bata upang basahin ang isinulat at ipadikit sa tamang puwesto
nito sa puzzle.

April 10,2014
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magpagawa sa mga bata ng isang poster na nagpapakita kung paano
maiiwasan ang paksa sa napakinggang balita.

Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa
Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma
Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Tekstong Binasa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng pares ng salitang magkatugma.
Ipabasa ito sa mga bata.
Itanong sa mga bata kung tama o mali ang pares na ibinigay ng tinawag na
kaklase.
 
251 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

2. Paglalahad
Sino ang bayani sa napakinggang balita sa unang araw?
Bakit siya naging bayani?
Kaya mo ba siyang tularan? Pangatwiranan ang ibinigay na sagot.
Ipabasa sa mga bata ang tula sa Alamin Natin, p. 134.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng tula?
Bakit itinulad ang mga bayani sa mga bulaklak?
Saan-saan makikita ang mga bayani ng bayan?
Ano ang kabayanihan nilang ginagawa?
Paano maging bayani?
Bilang isang bata, paano ka magiging isang bayani?
Ano ngayon ang pakahulugan mo sa kabayanihan?
Ipabasang muli ang tula.
Magpasulat ng dalawang pares ng mga salitang magkakatugma na ginamit sa
tula.
Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita ng bawat pares na
unang tinukoy.
Kailan sinasabing magkatugma ang mga salita?

DRAFT
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 135.
Ipabasa sa mga bata ang sagot sa Tanikala ng mga Magkakatugmang Salita.
5. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
6. Karagdagang Pagsasanay

April 10,2014
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 135.
Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap.
Bigyang-puna ang ibinigay na mga pangungusap at salitang magkakatugma.

Ikatlong Araw
Layunin
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, lugar at pangyayari
Paksang-Aralin
Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Lugar at Pangyayari
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang nasa paligid mo?
Pumili ng isa. Ilarawan ito at pahulaan sa klase.
Ano-anong pang-uri ang ginamit sa paglalalarawan na isinagawa?
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Kabayanihan” sa Alamin Natin p. 136.
Ipagawa sa mga bata ang panuto na nakasulat dito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa tula?
Ano ang pang-uring ginamit sa bawat salita?
 
252 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ipagamit ang mga tinukoy na pang-uri sa sariling pangungusap.


Ipabasa muli ang mga pangngalan na naitala.
Ipahambing ito sa isa/dalawa o higit pang pangngalan gamit ang angkop na
pang-uri.
Ano ang nangyayari sa pang-uri kapag dalawa/higit sa dalawa ang
pinaghahambing?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 136.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa pagsasanay.
Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-uri?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 136.
Bigyang-puna ang isinulat ng mga bata.
Ipasulat muli ang mga ito nang isinasaalang-alang ang mga puna na ibinigay
ng guro.

Ikaapat na Araw

DRAFT
Layunin
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan
Nakakasulat ng isang talata
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talata

April 10,2014
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng isang bayaning Pilipino.
Tutukuyin ng sa mga bata ang ngalan nito at ang kabayanihang nagawa.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang bayani.
Paano ka naging bayani?
Itala ang mga kaisipang ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Gamit ang mga kaisipang nakatala sa pisara, hayaang sumulat ng talata na
may apat hanggang limang pangungusap ang mga bata.
Bigyan ang mga bata ng sapat na oras para sa gawaing ito.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa nang mahina ang natapos na talata.
Pabigyang-puna ang pagkakabaybay ng mga salita, ang pagkakagamit ng mga
bantas, ang pagkakasulat ng talata.
Sabihin sa mga bata na makipagpalit ng papel sa kaklase.
Pabigyang-puna ang natapos na sulatin ng kaklase.

 
253 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli ang talata na binigyang puna ng kaklase at guro.

Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Inaasahang hindi matatapos ng mga bata ang mga gawain sa Ikaapat na Araw
kaya’t ipagpatuloy ito. Pabilugan ang mga pang-uri na ginamit sa talata.

Aralin 35
Karapatan Mo, Karapatan Ko, Pantay Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan
Wikang Binibigkas
Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas

DRAFT
Gramatika
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng balangkas
Pagsulat at Pagbabaybay

April 10,2014
Nasisipi nang wasto at maayos ang liham

Paunang Pagtataya
Ipasulat ang mga gawain sa araw-araw. Ipagamit ang format na nasa ibaba.
Pabilugan ang pandiwa na ginamit sa pangungusap.

Araw Gawain

 
254 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Unang Araw
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari ng Kuwentong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga larawang nagpapakita ng mga karapatan ng batang
Pilipino.
Ipakita sa mga bata at tukuyin ng ang bawat isa.
Ano-ano ang karapatan ng isang batang Pilipino?
Alin sa mga ito ang natatamasa mo?
2. Paglalahad
Ano ang gagawin mo kung walang gamit na katulad ng sa iyo ang kapatid
mo?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Bakit kaya “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Basahin sa mga bata.

DRAFT
Isa…. Isa…. Isa…. Isa….
Angelika D. Jabines
Sa murang edad ay naulila na agad ang batang si Myrna. Kaya inaruga
siya ng mga magulang ni Luz.
Isang araw, dumating ang ninang ni Luz. May dala itong malaking kahon
para kay Luz. Agad-agad niya itong binuksan.

April 10,2014
Isang bestida. Isang bestida.
Isang manika. Isang manika.
Isang aklat. Isang aklat.
Isang tsokolate. Isang tsokolate.
Isang pares ng sapatos. Isang pares ng sapatos.
Isang kahon ng pangkulay. Isang kahon ng pangkulay.
Nagtataka tuloy na lumapit ang kaniyang ninang.
“Bakit pinagbubukod mo ang mga dala ko sa iyo?”
“Ito pong isa sa akin, ito naman pong isa para kay Myrna. Pagdating niya
po ibibigay ko ito sa kaniya. Dapat kasi lagi kaming hati.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento?
Bakit “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento?
Balikan ang isinagot ng mga bata bago basahin ang kuwento.
Tama ba ang hula ninyo?
Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Kung ikaw si Luz, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Isulat ang sagot ng mga bata sa organizer na nasa susunod na pahina.
 
255 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Mga Pangyayari

Mga Pangyayari

Tagpuan

Pamagat

4. Pagpapayamang Gawain

DRAFT
Ipasalaysay muli sa mga bata ang napakinggang kuwento nang may wastong
pagkakasunod-sunod sa tulong ng nakalarawang balangkas.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Kadena ng Kuwento.

April 10,2014
Pangkat-pangkatin ang klase.
Paupuin nang pabilog ang bawat pangkat. Magtalaga ng Simula na bata sa
bawat pangkat. Siya ang magsisimula ng pagsasalaysay ng kuwentong
napakinggan. Susundan siya ng bata sa kaniyang kanan sa pagsasabi ng sunod
na pangyayari sa kuwento. Ipagawa ito hanggang sa matapos ng pangkat ang
pagsasalaysay ng napakinggang kuwento.

Ikalawang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng balangkas
Paksang-Aralin
Pagsasalaysay sa Tulong ng Balangkas
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga metacard na nakasulat ang sumusunod:
- Isa... Isa... Isa...
- Luz
- Myrna
- Ninang
 
256 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

- Dumating ang ninang.


- Naulila si Myrna.
- Binuksan at pinagbukod-bukod ni Luz ang mga dala ng
kaniyang ninang.
- Inalagaan ng mga magulang ni Luz si Myrna.
- Nagtaka ang ninang ni Luz sa kaniyang ginagawa.
Ipabasa ang bawat isa sa mga bata.
Ipapaskil ang bawat metacard sa wasto nitong label.
(Pamagat, Tauhan, Pangyayari)
Ipasalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng natapos na gawain.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng isang silid-aklatan.
Ano-ano ang ginagawa ninyo sa lugar na ito?
Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng Piping Palabas.
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga nakitang kilos.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang mga naisulat.
Ipabasa ang “Si Chelly at ang Aklat” sa pp. 136 – 137.

DRAFT
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento? (Isulat ang sagot sa tamang lagayan.)
Tungkol saan ang unang talata? Pangalawang talata?
(Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.)
Ano ang sumusuporta sa kaisipan sa unang talata? Pangalawang talata?
(Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.)

April 10,2014
Pamagat _________________
I. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
II. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
Ipasalaysay muli ang nabasang teksto sa tulong ng natapos na balangkas.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 137.
Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay muli ng napakinggang kuwento sa
tulong ng balangkas.
Kung kaya ng panahon, tawagin ang lahat ng bata.
Gamitin ang rubric sa pagmamarka.

 
257 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

4 3 2 1
Pagkakasunod Naisalaysay Naisalaysay Naisalaysay Naisalaysay
-sunod ng mga ang ang ang ang
Pangyayari napakinggang napakinggang napakinggang napakinggang
kuwento nang kuwento nang kuwento nang kuwento nang
wasto at may wasto at may wasto at may hindi ayon sa
tamang tamang tamang tamang
pagkakasunod pagkakasunod pagkakasunod pagkakasunod
-sunod ng -sunod ng -sunod ng -sunod ang
lahat ng mga mga mga mga
pangyayari pangyayari pangyayari pangyayari
Nailalarawan ngunit may isa ngunit may
ang tagpuan at na hindi dalawa
ang lahat ng nabanggit hanggang tatlo
tagpuan na hindi
nabanggit
Tauhan at Nailalarawan Nailalarawan Nailalarawan Hindi
Tagpuan ang tagpuan at ang lahat ng ang tagpuan nabanggit ang
ang lahat ng tauhan ngunit hindi tauhan at

DRAFT
tagpuan lahat ng tagpuan ng
tauhan napakinggang
kuwento
Paggamit ng Nagamit nang May isang Binasa lamang Hindi nagamit
Balangkas wasto ang datos sa ang balangkas ang balangkas
balangkas sa balangkas na sa

April 10,2014
pagsasalaysay hindi pagsasalaysay
nabanggit
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 137.

Ikatlong Araw
Layunin
Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pandiwa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano ang mga patalastas sa TV na inyong napapanood?
Alin ang inyong paboritong patalastas?
Bakit ninyo ito paborito?

 
258 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

(o kaya naman)
Maghanda ng isang larawan ng patalastas na ginupit sa dyaryo o magasin.
Ipakita at pag-usapan ito sa klase.
2. Paglalahad
Dapat bang tularan si Chelly? Bakit?
Ipagawa sa mga bata ang Alamin Natin, p. 38.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat ng klase upang maisagawa ang
panuto dito.
3. Pagtalakay
Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na
gawain.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Ano ang paksa ng mga patalastas na napanood?
Ano-ano ang kilos na ipinakita sa bawat patalastas?
Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ano ang kahalagahan ng pagbabasa?
Paano mo mahihikayat ang ibang bata na magbasa ng aklat?
4. Pagpapayamang Gawain

DRAFT
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138.
Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap.
5. Paglalahat
Ano ang pandiwa?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa Pagyamanin Natin, p. 138.

April 10,2014
Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang isinulat na mga
pangungusap.

Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang liham
Pakasang Aralin
Wastong Pagsipi ng Liham
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Nakatanggap ka na ba ng isang liham?
Ano ang nilalaman nito?
Ipakita ang balangkas ng liham. Palagyan ng label sa mga bata ang bawat
bahagi nito.
2. Paglalahad
Ipakita muli ang balangkas ng kuwentong “Si Chelly at ang mga Aklat.”
Ipasalaysay muli ang kuwentong ito sa tulong ng balangkas.
Ipagawa ang Alamin Natin, p. 138.
3. Pagtalakay/Pagpapahalaga
Sama-samang paggawa ng liham para sa isang kaibigan.
 
259 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Saan kaya nakatira si Chelly? (Isulat ang pamuhatan.)


Sino ang susulatan niya? (Isulat ang bating panimula.)
Ano-ano ang laman ng kaniyang sulat? (Isulat ang laman ng liham)
Ano-ano ang nais ninyong sabihin kay Chelly?
Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga pangungusap.
Alin sa mga ito ang una nating isusulat sa pag-uumpisa? Alin ang susunod?
(Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng mga pangungusap na ibinigay.)
Paano niya wawakasan ang kaniyang sulat? (Isulat ang bating pangwakas.)
(Isulat ang lagda.)
Ano-ano ang bahagi ng liham?
Paano isinusulat ang liham?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138.
Bago ipapasa ang papel ng mga bata. Itanong ang sumusunod:
Kumpleto ba ang mga bahagi ng aking liham?
Tama ba ang pagkakasipi ko ng ngalan ng mga lugar, bagay, at tao?
Tama ba ang mga bantas?
5. Paglalahat

DRAFT
Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham?
6. Karagadagang Gawain
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 138.
Ipaalala sa mga bata na bigyang pansin ang mga puna na ibinigay ng guro.

Ikalimang Araw

April 10,2014
Panligguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang maikling liham na may tatlo hanggang apat na
pangungusap. Ikuwento sa kaibigan ang mga ginagawa ng mga tao sa sariling
tahanan, paaralan o pamayanan sa pangangalaga sa iyong karapatan. Paguhitan ang
pandiwa na ginamit.
Gamitin ang KKK sa pagmamarka ng natapos na gawain.
Kalinisan – limang puntos
Kumpleto – limang puntos
Kawastuhan – limang puntos

Aralin 36
Pamilyang Pinoy, May Pananagutan

Lingguhang Layunun
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento

 
260 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Gramatika
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain
sa tahanan, paaralan, at pamayanan
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Komposisyon
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay

Paunang Pagtataya
Ipasulat sa mga bata ang mga gawain nila sa paghahanda sa paaralan sa anyong
patalata.
Pasalungguhitan ang mga pandiwang ginamit.
Tumawag ng ilang bata upang basahin ang natapos nilang talata.

Unang Araw
Layunin
Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Panuto

DRAFT
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Magsagawa ng isang maikling ehersisyo. Maaaring gamitin ang warm-up
exercise na ginagamit sa Physical Education na klase.
Obserbahan ang mga bata kung sino ang nakasusunod at kung sino ang hindi.
2. Paglalahad

April 10,2014
Nakasunod ka ba sa isinagawang ehersisyo?
Bakit ? Bakit hindi?
Ibigay ang sumusunod na panuto:
1. Gumuhit ng isang hugis na may tatlong sulok. Pumadyak. Pumalakpak ng
tatlong beses.
2. Ipakita ang pinakamaliit na daliri sa kanang kamay. Ikaway ang kaliwang
kamay at pumadyak ng dalawang beses.
3. Sabihin nang malakas ang pangalan ng nanay mo. Sabihin nang mahina
ang pangalan ng tatay mo. Ibulong ang pangalan mo.
4. Umikot ng tatlong beses. Bumalik sa sariling upuan at maupo nang
tahimik.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Nasunod mo ba ang mga ibinigay na panuto?
Bakit nasunod ang lahat ng mga ibinigay?
Bakit hindi?
Anong katangian ang ipinapakita kung sinusunod mo ang lahat ng mga panuto
na ibinigay sa iyo o kaya ay napakinggan o nabasa?
Paano mo maipakikita ang pagiging masunurin sa tahanan? Paaralan? Sariling
pamayanan?

 
261 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng limang panuto na nais ipagawa sa bawat pangkat.
(Maging malaya sa paggawa nito.)
Ibigay sa bawat pangkat ang kopya ng mga panuto.
Ipabasa sa pinuno ng bawat pangkat ang nakasulat na mga panuto.
Matapos ang inilaang oras, sabihin sa mga bata na bigyan ng marka ang
kanilang natapos na gawain.
5 4 3 2 1
Nasunod ko Nasunod Nasunod ko Hindi ko Hindi ako
nang wasto ang ko nang nang wasto nasunod nakinig sa
lahat ng mga wasto ang ang mga nang aking leader
panuto. lahat ng panuto ngunit wasto ang kaya hindi ako
Tumulong pa mga kailangan ko mga nakasunod sa
ako sa aking panuto. pa itong panuto. mga panutong
kaklase na hindi ipaulit muli sa kaniyang
alam ang aking leader. ibinigay.
gagawin.

5. Paglalahat

DRAFT
Ano-ano ang dapat tandaaan upang makasunod sa mga panuto?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ulitin ang warm up exercise na ginawa sa simula ng klase. Gamitin ang
rubric na nasa itaas upang bigyan ng marka ang ginawa ng kaklase.

Ikalawang Araw

April 10,2014
Layunin
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang teskto
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong
salita mula sa isang salitang-ugat
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Wakas
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Ilarawan ang sariling pamilya.
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasang hindi nila malilimutan
kasama ang sariling pamilya.
2. Paglalahad
Ano ang ibig sabihin ng huwarang pamilya?
Pag-usapan ang mga ibibigay na sagot ng mga bata.
Ipagamit sa sariling pangungusap ang huwarang pamilya.
Ipabasa ang “Huwarang Pamilya” sa p. 139.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang binasang tula?
Sino-sino ang binanggit sa tula?
 
262 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ilarawan ang bawat isa.


Bakit sinabing huwaran ang kanilang pamilya?
Paano magiging huwarang anak?
Paano magiging huwaran ang sariling pamilya?

Ipabasang muli ang tula.


Pangkat-pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng katulad ng nasa ibaba.
Ipasulat ang hinihingi ng organizer.

   

Pangalan ng Kasapi
ng Pamilya

Posibleng
Mangyari
batay sa tula

DRAFTPag-uulat ng bawat pangkat.


Ano kaya ang nangyari sa huwarang pamilya?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 140.

April 10,2014
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 140. Magsagawa ng gallery walk upang
makita ang natapos ng mga bata.

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan
Paksang-Aralin
Pandiwa
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol sa kilos
ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan.

 
263 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Huwarang Pamilya.”
Itala ang mga salitang nagpapakita ng kilos.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Sino-sino ang kasapi ng pamilya?
Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Saan nila ito ginagawa?
Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at gawain natin?

DRAFT
Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan? Paaralan?
Pamayanan?
Ipabasang muli ang talaan ng mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Ipabasang muli ang pangungusap na isinulat sa simula ng klase.

April 10,2014
Ano-anong pandiwa ang ginamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 140.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Ano ang pandiwa?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 141.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.

Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang tungkulin mo sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan?

 
264 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

2. Paglalahad
Kumuha ng kapareha. Ipakita at pag-usapan ang ginawang talaan ng mga
gawain nang nakaraang araw.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na makagawa ng isang talatang
nagsasalaysay ng kanilang karanasan sa pagtupad ng mga gawain sa
tahanan/bahay/paaralan na naitala sa natapos na talaan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin.
Ipasagot sa mga bata habang hawak ang kanilang natapos na sulatin.
- Paano mo isinulat ang pamagat ng iyong talata?
- Paano mo sinimulan ang talata?
- Paano ito winakasan?
- Paano mo isinulat ang mga ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar?
Tumawag ng bata upang magbigay ng isang pangungusap mula sa sulatin.
Isulat ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paano pa ito mapapabuti? Gabayan ang mga bata para makagawa ng isang
mabuting pangungusap.
Gawin ito sa iba pang pangungusap.

DRAFT
4. Pagpapayamang Gawain
Makipagpalit ng papel sa kaklase. Bigyang-puna ang sulating isinulat ng
bawat isa.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli ang talatang ginawa. Ipasaalang-alang ang mga puna na ibinigay

April 10,2014
ng guro at ng kaklase.

Ikalimang Araw
Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na Araw, kaya’t
ipagpapatuloy ito.

Aralin 37
Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin Ito

Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pakikinig
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Pag-unawa sa Binasa
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
at pagkakaiba nito
 
265 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit nang wasto ang electronic na kagamitan sa silid aklatan

Paunang Pagtataya
Ipasulat sa mga bata sa isang malinis ang kanilang sagot sa tanong na:
Ano ang gagawin mo kung may dumating na panauhin sa inyong bahay at
ikaw ang nakapagbukas ng pintuan?
Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang sagot.

Unang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang teksto
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Wakas
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng larawan ng mga traffic sign.
Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang bawat
larawan.

DRAFT
2. Paglalahad
Paano magiging ligtas sa kalsada?
Basahin nang malakas sa mga bata.

Kaligtasan sa mga Kalsada, Tiniyak


Online Balita; June 12, 2013

April 10,2014
SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaigting ng Department of
Public Works and Highways (DPWH)-Region I ang pagsasaayos sa mga
kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian,
partikular ang mga mag-aaral, sa mga lugar na malapit sa mga eskuwelahan.
Sa pahayag ni Esperanza Tinaza, Information Officer II ng DPWH 1,
kasabay ng pagbubukas ng klase ay magkakabit at magpipinta ng mga
guardrail, lilinawan ang centerline pedestrian crossing/lane marking, at
paluluwangin ang mga entrance sa mga paaralan, partikular sa LaregLareg
National High School sa Villasis-Malasiqui-San Carlos Road sa Malasiqui,
Pangasinan.
Pinatag din ang mga lubak, inaspalto ang mga kalsada, nilinis ang mga
daluyan, binaklas ang mga delikadong billboard at signage at nagkabit ng
mga warning sign sa mga pangunahing kalsada sa buong Region 1.
– Liezle Basa Iñigo

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang nilalaman ng teksto?
Saan ito naganap?
 
266 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ano-ano ang ginawa upang maging ligtas ang kalsada?


Sino-sino ang makikinabang sa sinabing proyekto?
Ano ang mangyayari sa mga bata matapos ang proyekto? Sa mga matatanda?
Sa iba pang tao sa pamayanan?
Ano ang gagawin bago magsimula ang klase?
Ano ang susunod na mangyayari dito?
Ano ang magiging wakas ng mga pangyayaring nabanggit?
Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang bahagi ng organizer.

Simula Gitna Wakas

DRAFT
4. Pagpapayamang Gawain
Sabihin ang maaaring mangyari kung hindi susundin ang mga makikitang
babala.

April 10,2014
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay 
Ipakita ang larawan sa ibaba.
Ano ang susunod na mangyayari?

 
267 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ikalawang Araw
Layunin
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
at pagkakaiba nito
Paksang-Aralin
Ang Mga Kuwentong Nabasa Ko
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan na may kinalaman sa bagyo.
2. Paglalahad
Ano-ano ang dapat gawin kapag may parating na bagyo?
Ipabasa ang mga kuwento sa Alamin Natin, p. 141-142.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Tungkol saan ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Ano ang ginawa ng bawat tauhan sa kuwento?
Ano ang katapusan ng kuwento?

DRAFT
Tama ba ang ginawa ng mag-anak sa kuwento?
Ano ang mangyayari kung hindi ginawa ng isang kasapi ng mag-anak ang
dapat niyang gawin sa kuwento?
Ano ang natutuhan mo sa kuwento?
Ano ang dapat gawin kung may paparating na bagyo? Kapag may bagyo?
Pagkatapos ng bagyo?

April 10,2014
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 142.
Tumawag ng bata upang ibahagi ang sagot.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 143.
Ipabahagi sa mga bata ang natapos na gawain.

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos o gawi
Paksang-Aralin
Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tumawag ng ilang bata upang magpakitang-kilos ng mga paghahandang dapat
gawin para makaiwas sa sakuna kapag may kalamidad tulad ng bagyo.
Pahulaan sa ibang bata ang pandiwa na ipinakita.

 
268 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ipalarawan ang kilos na ginawa ng kaklase.


Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
2. Paglalahad
Dapat bang tularan ang pamilya ni Mang Romy?
Paano mo mahihikayat ang sarili mong pamilya na maging katulad nila?
Ipabasang muli ang “Laging Handa.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa sakuna?
Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento?
Sino ang nagsagawa nito?
Bakit niya ito ginawa?
Ano ang posibleng nangyari kung hindi niya ito ginawa?
Paano niya ito isinagawa? Itala sa pisara ang mga sagot at ipabasa ito.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 143.
Pag-uulat ng bawat pangkat ng natapos na gawain.
Ano-ano ang pandiwang ginamit? Pang-abay?
5. Paglalahat

DRAFT
Kailan ginagamit ang pang-abay?
6. Kasanayang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 143.
Matapos ang inilaang oras, ipadikit ang pangakong ginawa sa isang ginupit na
papel na hugis puso. Ipabasa muna sa harap ng klase bago ito ipadikit.

April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang kagamitang electronic sa silid- aklatan
Paksa
Kagamitang Electronic sa Silid-Aklatan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy –Alam
Ano ang gagawin mo kung hindi mo makita sa nakalimbag na kagamitan
ang iyong kailangang impormasyon?
2. Paglalahad
Linangin ang salitang electronic.
Magbigay ng ilang kagamitang electronic sa bahay/ silid-aralan.
Ipakita rin ang mga electronic na kagamitan sa silid-aklatan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Magtalakayan sa klase kung paano gamitin ang bawat kagamitang electronic.
Ano ang dapat tandaaan sa pagsasaliksik gamit ang kagamitang electronic?
4. Pagpayamang Gawain
Gumawa ng isang flyer tungkol sa paghahanda sa sakuna. Gumamit ng
kagamitang electronic sa pagsasaliksik ng mga datos na ilalagay sa flyer.

 
269 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gamit ang kagamitang electronic, ipaayos pa ang ginawang flyer.

Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Ipakita sa klase ang natapos na flyer. Kung hindi pa tapos ang ibang bata,
bigyan pa sila ng sapat na oras.
Pabigyan ng puna ang ginawa ng kaklase.
Gamitin ang rubric sa pagmamarka.
4 3 2 1
Panuto Nasunod lahat May isang May dalawa Walang
ng mga panutong hanggang panutong
panutong hindi nasunod. tatlong nasunod.
ibinigay. panutong
hindi nasunod.
Lay out Malinis, Malinis at Hindi May

DRAFT
malinaw at malinaw. malinaw ang kaguluhan ang
madaling nilalaman. pagkakalahad
basahin at ng nilalaman.
unawain ang
nilalaman.
Nilalaman Naipahayag May isang May dalawa Hindi
nang wasto kaisipan na hanggang naipahayag

April 10,2014
ang lahat ng hindi tatlong nang maayos
dapat na masyadong kaisipan na ang lahat ng
paghahanda naipaliwanag. hindi nais sabihin.
para sa masyadong
kalamidad. naipaliwanag.

Aralin 38
Ang Teknolohiya at Ako
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto

 
270 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Paunang Pagtataya
Sumulat ng isang pangungusap gamit ang tambalang salita.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap at Tutukuyin ng ang ginamit ng
tambalang salita.
Isulat ang mga ito sa pisara.
Ano ang kahulugan ng bawat tambalang salita?

Unang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas
Paksa
Muling Pagsasalaysay ng Tekstong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng napakinggang balita sa radyo o
telebisyon.
2. Paglalahad
Itanong sa mga bata kung nakagamit na sila ng cellphone /cellular
phone/mobile phone? Internet? Chat?laptop? Wifi?

DRAFT
Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang karanasan.
(Kung hindi pa nakakaranas makagamit ang mga bata nito, magkuwento
tungkol sa mga ito o kung may celfone /cellular phone/mobile phone,
internet o laptop, ipakita ito sa klase kung paano gamitin.)
Linangin ang salitang internet.
Ipagamit ang salita sa sariling pangungusap.

April 10,2014
Basahin sa mga bata nang malakas.

Si Mimi at ang Internet


Lumipat ang pinsan kong si Mimi sa Amerika noong isang taon.
Nakakausap ko na lamang siya sa telepono.
Isang araw, sinabi sa akin ni Mama na makakausap at makikita ko raw
si Mimi! Sabik na sabik akong sumunod kay Mama. Inisip ko na maaaring
umuwi na si Mimi bilang sorpresa.
Pinaupo niya ako sa harap ng computer. Teka, paano ko makikita at
makakausap si Mimi dito?
Maya-maya pa, biglang lumabas si Mimi sa monitor!
“Totoo ba ito? Bakit nasa telebisyon si Mimi?
Artista na ba ang pinsan ko?
Hindi pala!”
Nalaman kong nakakausap ko pala siya sa pamamagitan ng internet.
At siya ay gumagamit ng web cam para makita ko siya sa monitor.
Maaari na palang makausap nang harapan ang isang taong nasa
malayo sa pamamagitan ng computer at internet.

 
271 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang kuwento?
Nasaan ang bawat tauhan sa kuwento?
Paano nagkakausap ang magpinsan?
Bakit nasabik ang nagkukuwento?
Ano ang natutuhan niya sa karanasan niya?
Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng internet sa pakikipag-usap sa ibang
tao?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Isulat ito sa anyong balangkas.
Pamagat _________________
I. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
II. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________

DRAFT
Ipabasa ang balangkas.
4. Pagpapayamang Gawain
Tumawag ng bata na magsasalaysay muli ng kuwento sa tulong ng natapos na
balangkas.
5. Paglalahat

April 10,2014
Ano ang balangkas?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magpaguhit sa mga bata ng tatlong kahon.
Sa loob nito, ipaguhit ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na
gawain.

Ikalawang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto
Paksa
Pagbibigay ng Solusyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipatala sa mga bata ang salitang maiuugnay nila sa salitang teknolohiya.
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa paggamit ng
teknolohiya sa bahay o sa paaralan.

 
272 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

2. Paglalahad
Ipakita ang larawan na ito.

Bakit kaya ganito ang kaniyang hitsura?


Gusto mo bang maging katulad niya? Pangatwiranan ang sagot.
Ipabasa “Nakatulong nga Ba?” sa p. 144.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

DRAFT
Tungkol saan ang binasang teksto?
Sino ang panauhin sa kuwento?
Ilarawan siya.
Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento?
Tama ba ang mga ito? Bakit? Bakit hindi?
Ano ang suliranin sa kuwento?

April 10,2014
Ano ang dapat niyang ginawa sa kuwento?
Ano ang dapat nating gamitin sa paggamit ng teknolohiya?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 145.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 145.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos
na talaan.

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi
Paksa
Paggamit ng Pang-abay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Gawin ang “Buhay na Larawan.”

 
273 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Sa paghudyat ng guto, magsisimulang ipakita ng pangkat ang mga ginawa ni


Galileo sa kuwento.
Kapag sinabi ng guro na “TIGIL” hihinto ang mga kasapi ng pangkat.
Tutukuyin ng sa mga nanood ang mga kilos na ipinakita ng bawat pangkat.
2. Paglalahad
Sino si Galileo?
Sama-samang pagguhit ng mga bata sa hitsura ni Galileo.
Ipabasang muli ang “Nakatulong nga Ba?”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang katangian ni Galileo na dapat tularan? Hindi dapat tularan?
Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa kuwento?
Paano ito isinagawa? Itala sa pisara ang magiging sagot ng mga bata.
Saan ito isinagawa?
Kailan ito isinagawa?
Ipabasa ang mga ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ipagamit ang mga tinukoy na pang-abay sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 146
Tumawag ng bata na magbabahagi ng karanasan.

DRAFT
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang bawat uri ng pang-abay?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 147.
Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot sa natapos na gawain.

April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang tambalan
Paksang-Aralin
Mga Salitang Tambalan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpatukoy sa mga bata ng mga bagay na laging magkatambal.
Saan ito makikita? Ginagamit?
2. Paglalahad
Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento ni Galileo?
Ipabasa ang “Nakatulong nga Ba?”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Saan gumamit si Galileo ng computer?
Isulat ito sa pisara.
Anong oras nakatapos sa mga gawain si Galileo? Isulat sa pisara ang sagot.
Bakit ganitong oras na siya nakatapos?
Paano sana niya ito maiiwasan?
Ipabasang muli ang mga sagot na isinulat sa pisara.

 
274 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ano ang mapapansin sa mga salitang ito?


Ilang salita ang bumubuo dito?
Linangin ang mga salitang bumubuo dito.
Ano ang nangyari sa mga kahulugan nito nang pagsamahin ang mga ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 147.
Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Ano ang tambalang salita?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 148.
Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot.

Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Gumawa ng sariling diksyunaryo ng tatlong tambalang salita. Sundan ang
format na ito.

Unang Salita Pangalawang Salita Tambalang Salita Kahulugan

DRAFT
April 10,2014
Aralin 39
Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naiuulat nang pasalita ang naobserbahang pangyayari
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Pag-unawa sa Binasa
Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph

 
275 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Paunang Pagtataya
Sa isa hanggang dalawang pangungusap, ibigay ang buod ng larawan.
IMCS
Image Bank

Unang Araw
Layunin
Naiuulat nang pasalita ang naobserbahang pangyayari
Paksang-Aralin
Pag-uulat ng Naobserbahang Pangyayari

DRAFT
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pag-usapan ang ipakikitang mga larawan.

April 10,2014
2. Paglalahad
Magpakita ng isang buto ng puno.
Itanong kung ano ang naaalala ng mga bata sa tuwing makakakita nito.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Basahin nang malakas ang kuwento.

Saan Kaya Napunta?


Masayang sinalubong ni Dennis ang kaniyang tatay na kagagaling
lamang sa kaniyang trabaho. Iniabot nito sa kaniya ang isang supot. (Ano kaya
ang laman nito?)
 
276 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Agad itong binuksan ni Dennis. Isang maliit na pakete na may nakaguhit


na mga kamatis ang laman nito. Malulungkot na sana si Dennis nang lumapit
ang kaniyang tatay. (Bakit kaya lumapit ang Tatay?)
Niyakag siya sa likod-bahay. Nagdukal ng lupa. Kinuha ang pakete na
hawak ni Dennis. Hindi nagtagal tumulong na rin si Dennis sa ginagawa ng
kaniyang ama.
Binilinan siya ng Tatay na diligan ito at alagaan.
Kinabukasan, maagang nagising si Dennis. Pinuntahan niya ang lugar na
pinagbaunan nilang mag-ama ng mga buto. Takang-takang siya. Wala siyang
kamatis na nakita. Saan kaya napunta ang mga buto?
(Bakit wala siyang nakitang kamatis?)
Sumunod na araw. Ganoon pa rin. Wala pa rin.
Araw-araw, wala. Hanggang sa napagod na sa paghihintay si Dennis.
Makaraan ang ilan pang araw nagulat na lamang si Dennis nang mula sa
malayo ay may matanaw maliliit na kulay berde sa lugar na kanilang
pinagbaunan. (Ano kaya ang natanaw niya?)
Dali-dali siyang pumunta rito. Tuwang-tuwa siya nang makita nga na
may mga bagong dahon na lumalabas mula sa ilalim ng lupa.
Lalo siyang nasabik kaya tuwing umaga, binibisita niya ito at kung tuyo

DRAFT
na ang lupa, agad niya itong dinidiligan.
Ilan pang araw, lumaki na ang halaman. Namulaklak. Namunga.
Pinagtulungan nilang mag-ama ang pangunguha ng naglalakihan at
nagpupulahang mga kamatis mula sa hardin ni Dennis.
Masayang binilang ni Dennis ang natira niyang pera matapos bumili ng
tinapay para sa kaniyang ina at mga kapatid.

April 10,2014
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento?
Tungkol saan ang kuwento?
Ano ang pasalubong ng Tatay ni Dennis?
Bakit nainip si Dennis?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Anong katangian ang ipinakita ni Dennis?
Ano ang naging bunga nito?
Ano ang magiging bunga kung lahat ay magiging katulad ni Dennis?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Pag-usapan sa pangkat ang mga naobserbahang pangyayari na may kinalaman
sa pagtutulungan sa pamilya, paaralan o sa pamayanan.
Tumawag ng pangkat upang iulat ang mga napag-usapan sa pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Tumawag ng bata upang iulat ang mga naobserbahan sa natapos na
pangkatang gawain.
 
277 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ikalawang Araw
Layunin
Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa
Paksang-Aralin
Buod o Lagom ng Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng ilang malalaking papel.
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Tumawag ng bata upang iguhit ito sa
inihandang malaking papel. (Gawin ito hanggang sa matapos ang kuwento.)
Ipasalaysay sa mga bata ang napakinggang kuwento sa tulong ng natapos na
mga larawan ng kuwento.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawang ito.

DRAFT IMCS Image Bank

Tulungan ang batang babae na makarating sa kabila ng ilog.

April 10,2014
Tumawag ng bata upang magbahagi ng kanilang gagawing pagtulong.
Banggitin ang pamagat ng kuwentong ipababasa.
Para saan kaya ang tulay na kahoy? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.
Ipabasa ang “Tulay na Kahoy” sa pp. 149-150.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Para saan ang tulay na kahoy?
Balikan ang mga naitalang sagot ng mga bata. Tutukuyin ng kung alin sa mga
ito ang sagot sa tanong na ibinigay.
Bakit nawala ang tulay sa bayan nina Pipoy Pagong?
Paano nakatulong si Pipoy sa kaniyang kababaryo?
Sino si Kulas Kuneho?
Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento?
Paano niya natutuhan ang kaniyang leksyon?
Paano siya bumawi kay Pipoy?
Sino ka sa dalawang tauhan ng kuwento? Pangatwiranan ang ginawang
pagpili.
Ano-ano ang kaya mong gawin upang makatulong sa kapwa mo? Sa
pagpapaunlad ng pamayanan?

 
278 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento?


Isulat ang sagot sa format na ito.
Pamagat _________________
I. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
II. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________

Ipabasa sa mga bata ang natapos na balangkas.


4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, pp. 150-151.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na buod ng binasang kuwento.
5. Paglalahat
Paano nakagagawa ng buod ng isang talata o kuwento?
Upang makuha ang buod o lagom ng binasa, kailangang alamin ang paksa ng

DRAFT
bawat talatang bumubuo ng seleksyon. Sa tulong ng mga paksang ito,
makukuha ang diwa ng binasa.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 151.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na
gawain.

April 10,2014
Bigyang-puna ang nakasulat na buod ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang
maisulat muli nang wasto.

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Paksang-Aralin
Wastong Gamit ng Pang-ukol
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpabigay ng isang pangungusap tungkol sa kuwento nina Pipoy at Kulas.
Ipabasa ito sa mga bata.
Ano ang pang-ukol na ginamit?
2. Paglalahad
Ipagawa ang gawain sa Alamin Natin, p. 152.
Ipabasa sa mga bata ang mga tinapos na pangungusap sa Alamin Natin.
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito sa klase.

 
279 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang salitang ginamit upang mag-ugnay sa pangungusap?
Ano-ano ang pinag-ugnay sa bawat pangungusap?
Kailan ginagamit ang tungkol sa? Para sa? Ayon kay?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 152.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.
Ano-anong pang-ukol ang ginamit sa mga pangungusap na ibinigay?
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 152.
Ipabasa ito sa tatawaging bata. Bigyang-puna ang isinulat na talata. Ibalik ang
papel sa bata upang muli nila itong maisulat.

Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Paksang-Aralin

DRAFT
Pagbibigay-Kahulugan sa Graph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
2. Paglalahad

April 10,2014
Ipabasa muli ang “Tulay na Kahoy.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tama ba ang paglalarawang ginawa sa bawat tauhan ng kuwento?
Sino ka sa dalawang tauhan? Pangatwiranan ang ginawang pagpili ng mga
bata.
Gumawa ng graph na tulad ng nasa susunod na pahina upang maipakita ang
pinili ng mga bata.

Mga Tauhan Bilang ng Babae Bilang ng Lalaki


Pipoy Pong
Kulas Kuneho
(Ilagay sa tamang hanay ang bilang ng babae/lalaki na magsasabi na sila ay si
Pipoy o Kulas sa kuwento.)
Ilan ang pumili kay Pipoy? Kay Kulas?
Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan mo mula sa graph na
natapos.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 152 – 153.
Sagutan nang sama-sama ang mga tanong na nakasulat dito.
 
280 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 154.
Ipabasa sa mga bata ang naisulat na mga pangungusap.

Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Ipakumpleto sa mga bata ang mga pangungusap tungkol sa mga natutuhan sa
aralin sa linggong ito.

Ngayong linggong ito, natutuhan ko _________________________.


Hindi ko masyadong maunawaan ang ________________________.
Nais ko sana ng dagdag na paliwanag tungkol sa _______________.

Aralin 40
Panatag na Buhay, Kayamanan Ko

DRAFT
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Komposisyon
Nakasusulat ng liham pangangalakal

April 10,2014
Paunang Pagtataya
Isulat ang mga bahagi ng liham pangangalakal sa metacards.
Ipabasa ang bawat bahagi.
Ipasipi at ipasaayos nang wasto ang bawat bahagi ng liham ng pangangalakal sa
isang malinis na papel.

Lubos na gumagalang Pebrero 3, 2013


 

G. Nardo Cruz Marissa Santer


Personnel Officer Aplikante
FBC Publishing House
2453 Rosal St., Mandaluyong City

Mahal na G. Cruz Katawan ng liham


 

 
281 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Unang Araw
Layunin
Naibibigay ang paksa ng talatang napakinggan
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Paksa ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano ang paksa ng larawan?

DRAFT
2. Paglalahad
Ano ang pangarap mo sa buhay?
Ano-ano ang dapat mong gawin upang maabot ito?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano ang naging sagabal sa pangarap ni Marissa?

April 10,2014
Basahin sa mga bata.

Matutupad Na
Hindi pa sumisikat ang araw, gising na si Maritess. Kahit gusto pa
niyang matulog, kailangan na talaga niyang bumangon at maligo kahit
malamig ang tubig na inipon niya nang nagdaang gabi. Hihigop lamang ng
mainit na gatas at lalakad na siya.
“Pandesal, pandesal kayo riyan!” Ito ang kaniyang laging sigaw na
nagsisilbing orasan ng kaniyang mga suki.
Malapit nang sumikat ang araw. Malapit na rin namang maubos ang
kaniyang panindang pandesal. May lima pa para kay Bb. Vasquez, ang dati
niyang guro.
Katulad ng mga nagdaang mga araw, dumaan muli siya sa paaralan na
malapit sa kanilang bahay. Iniabot ang natitirang pandesal sa kaniyang dating
guro. Dala rin niya ang mga gawain sa paaralan na kaniyang tinapos nang
ilang araw.
May isang oras ding magkatabi sa upuan ang dalawa. Matiyaga niyang
pinakinggan ang mga itinuturo sa kaniya ng kaniyang guro. Matapos ito,
masaya nilang pinagsaluhan ang limang pandesal na kaniyang dala. Pag-uwi
niya may dala na naman siyang mga bagong gawain.
 
282 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Bago tuluyang maghiwalay, iniabot sa kaniya ni Bb. Vasquez ang isang


maliit na papel.
“ Gusto mo bang maabot ang iyong pangarap? Ikaw ang aming hanap!”
Napayakap nang maghigpit si Marissa sa kaniyang guro.
“Salamat po, makababalik na rin ako sa paaralan. Matutupad ko na ang
aking pangarap.”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng napakinggan?
Saan ito naganap?
Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Ano ang pangarap ni Marissa?
Bakit muntik nang hindi ito matupad?
Paano niya ito matutupad?
Anong katangian ni Marissa ang dapat mong tularan? Ipaliwanag ang sagot.
4. Pagpapayamang Gawain
Hayaang magbigay ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa
napakinggang kuwento.

DRAFT
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Iguhit ang sarili mong pangarap. Ilagay din kung paano mo ito maaabot.

Ikalawang Araw

April 10,2014
Layunin
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
nito
Paksang-Aralin
Paghahambing ng mga Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng isang malaking dice. Isulat sa bawat mukha nito ang salitang
pamagat, tagpuan, tauhan, at pangyayari.
Tumawag ng isang bata upang ibato ang dice.
Ipabigay ang hinihingi ng mukha ng dice tungkol sa napakinggang kuwento
nang unang araw.
2. Paglalahad
Ano kaya ang sunod na ginawa ni Marissa matapos mabasa ang ibinigay ni
Bb. Vasquez?
Ipabasa ang Alamin Natin, p. 154-155.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang ginawa ni Marissa?
Ano ang inilagay niya sa sulat?
Tama ba ang kaniyang ginawa?
 
283 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Pabigyang paliwanag ang sagot na


ibinigay.
Gamitin muli ang dice na ginamit sa simula ng klase upang matukoy ang mga
elemento ng kuwento.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 155.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa natapos na gawain.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa at gabayan ang mga bata sa paggawa ng gawain sa Pagyamanin
Natin, p. 156.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang sagot.

Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na tungkol sa
Paksang-Aralin
Pang-ukol

DRAFT
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tungkol saan ang larawan? Ipakita sa mga bata ang larawan.

April 10,2014
Ano-ano ang pang-ukol na ginamit?
2. Paglalahad
Ano ang pangarap ni Marissa?
Paano niya ito matutupad?
Ipabasang muli ang liham ni Marissa.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang nilalaman ng liham ni Marissa?
Isulat sa pisara ang pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Ano-anong pang-ukol ang ginamit?
Ano ang pinag-ugnay ng bawat isa?

 
284 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

4. Pagpapayaman ng Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 156.
Tumawag ng magbabahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa ng Pagyamanin Natin, p. 157.
Matapos ang inilaang oras, ipabahagi sa mga bata ang natapos na gawain.

Ikaapat na Araw
Layunin
Nakasusulat ng liham pangangalakal
Paksang-Aralin
Liham Pangangalakal
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang nilalaman ng isang liham?
2. Paglalahad
Ipabasa ang liham ni Marissa.

DRAFT
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang nilalaman ng liham ni Marissa?
Kanino siya sumulat?
Kailan siya sumulat?
Paano isinusulat ang liham pangangalakal?
Ano-ano ang bahagi nito?

April 10,2014
Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang liham pangangalakal ?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangangalakal?
Balikan ang mga bahagi ng liham na iniwasto sa paunang pagtataya.
Tama ba ang pagkakalagay ninyo ng bawat bahagi?
Paano itatama ang mga mali ang pagkakalagay?
4. Pagpapayaman ng Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 157.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang liham.
Bigyang-puna ang naisulat na liham ng mga bata.
5. Paglalahat
Paano isinusulat ang liham pangangalakal?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 157.

Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang liham para sa guro. Ipalagay ang mga natutuhan
sa buong linggo.

 
285 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

* Basahin ang liham na ginawa ng mga bata upang malaman ang mga natutuhan
nila sa buong linggo at kung paano pa sila matutulungan para sa mga aralin ng linggo
na hindi nila masyadong naunawaan. Hindi bibigyang ng puna ang isinulat na liham
ng mga bata. Ipaalala sa mga bata na maging makatotohanan sa pagsasabi ng mga
natutuhan sa linggo.
 

DRAFT
 

April 10,2014
 

 
286 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHAN

Antas ng Pagtatasa
Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ Kinalalagyan
ng ng Kakayahan unawa Pagganap ng Bilang
Araw Aytem
KAALAMAN
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga 1 2 2 1-2
tanong tungkol sa
napakinggang usapan
Gramatika
Nagagamit ang angkop 1 1 1 3
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit ang mga 1 1 1 4
salitang kilos sa pag-
uusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
Pag-unawa sa Binasa

DRAFT
Nasasagot ang mga 2 2 2 5-6
tanong tungkol sa
tekstong binasa
Kamalayang Ponolohiya
Napagsasama-sama ang 1 1 1 7
mga tunog upang
makabuo ng bagong
salitang may diptonggo

April 10,2014
Proseso/Kakayahan
Pag-unawa sa Napakinggan
Napagsusunod-sunod ang 1 1 1 8
mga pangyayari ng
kuwentong napakinggan
Gramatika
Nagagamit ang angkop 1 1 1 9
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit ang mga 1 1 1 10
salitang kilos sap ag-
uusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
Kamalayang Ponolohiya
Napapalitan at 1 1 1 11
nadaragdagan ang mga
tunog upang makabuo ng
bagong salita
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga 2 2 2 12-13
tanong tungkol sa
binasang teksto

 
287 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Antas ng Pagtatasa
Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ Kinalalagyan
ng ng Kakayahan unawa Pagganap ng Bilang
Araw Aytem
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang 1 1 1 14
pangkalahatang
sanggunian batay sa
pangangailangan
Pang-unawa
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga 1 1 1 15
tanong sa napakinggang
usapan
Nakasusunod sa 1 1 1 16
panutong mag tatlo
hanggang apat na
hakbang
Gramatika
Nagagamit ang angkop 1 1 1 17
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit nang wasto 1 1 1 18

DRAFT
ang pang-abay
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakagagamit ng mga 2 2 1 19-20
pahiwatig upang
malaman ang kahulugan
ng isang salita
Kaalaman sa Limbag at Aklat
Naikukumpara ang mga 1 1 1 21

April 10,2014
teksto sa pamamagitan ng
pagtatala ng
pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga 2 2 2 22-23
tanong tungkol sa
binasang teksto
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto 1 1 1 24
ang mga salitang
natutuhan sa aralin
Nagagamit ang wastong 2 2 2 25-26
bantas, malaki at maliit
na letra sa pagsulat
Komposisyon
Nakasusulat ng isang 1 1 1 27
talata
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang 2 2 2 28-29
pangkalahatang
sanggunian batay sa
pangangailangan

 
288 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Antas ng Pagtatasa
Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ Kinalalagyan
ng ng Kakayahan unawa Pagganap ng Bilang
Araw Aytem
PRODUKTO/PAGGANAP
Wikang Binibigkas
Naibibigay ang paksa ng 1 1 1 30
kuwento o tekstong
napakinggan
Naisasalaysay muli ang 1 1 1 31
napakinggang teksto sa
tulong ng balangkas
Gramatika
Nagagamit ang angkop 2 2 2 32-33
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit ang mga 1 1 1 34
salitang kilos sa pag-
uusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa 1 1 1 35

DRAFT
sariling karanasan
Nagbabago ang dating 1 1 1 36
kaalaman base sa
natuklasang kaalaman sa
binasang teksto
Nakapagbibigay ng 1 1 1 37
wakas ng binasang
kuwento

April 10,2014
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasakilos ang usapang 1 1 1 38
napakinggan
Wikang Binibigkas
Nakabubuo ng isang 1 1 1 39
katumbas ng
napakinggang kuwento
Nagagamit ang dating 1 1 1 40
kaalaman sa pag-unawa
ng napakinggang
kuwento
KABUUAN 40 40 40

 
289 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Basahin ang usapan at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

Tamang Gawi sa Pagtatanong at Pakikipag-usap


Modesta R. Jaurigue

Tunghayan ang pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa kanilang guro.

Cha at Che :Magandang umaga po, Gng. Jessica Lavarez.


May sadya po kami sa inyo.
Gng. Lavarez : Magandang umaga naman. Maupo kayo.
Theo : Ma’am,bago po lamang kami sa paaralang ito.
Ibig po sana naming malaman kung saan po ang daan
papuntang silid-aklatan .
Sid : Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang magbasa.
Gng. Lavarez : Ganoon ba? Magandang hakbang ang inyong gagawin na
pagpunta sa silid- aklatan. Makatutulong ito sa inyong
pag-aaral at makapagpapaunlad sa pagbasa nang
mabilis.Ang silid-aklatan ay katapat ng silid ng ikatlong

DRAFT
baitang.
Mga Mag-aaral : Maraming salamat po Ma’am.

1. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Gng. Jessica Lavarez?
a. magtatanong kung saan ang papuntang silid-aklatan

April 10,2014
b. manghihiram ng aklat
c. bibili ng pagkain
d. magbibigay ng proyekto
2. Sino ang nagsabi ng “Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang
magbasa.”
a. Cha b. Che c. Theo d. Sid
3. Saan po ang papuntang silid-aklatan ?
Anong panghalip pananong ang ginamit ?
a. po b. papunta c. saan d. silid-aklatan

4. “Ibig po naming manghiram ng aklat.”Anong salitang kilos ang ginamit sa


pangungusap?
a. aklat b. ibig c. namin d.
manghiram

 
290 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

Basahin ang talaa upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

Mahalaga ang Pagkain nang Tama


Modesta R. Jaurigue
Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba
pa at ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at
nakapagpapatibay ng resistensiya upang tuluyang makaiwas sa anomang
karamdaman at tumutulong sa paglaki.
Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong
maghapon,kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw:
agahan,tanghalian at hapunan.
Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan.
5. Anong pagkain ang nakapagpapatibay ng resistensya?
a. french fries b. gulay c. sitsirya d. popcorn
6. Ano ang dapat gawin upang lumusog ang katawan?
a. Kumain ng tamang pagkain.
b. Kumain ng maling pagkain
c. Maglaro maghapon.
d. Magbasa ng aralin.

DRAFT
7. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
lumakas ?
a. lumabas b. lumayo c. malakas d. malaya
8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa talata.

April 10,2014
1. Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong
maghapon.

Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang


2. katawan.

Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba
pa at ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at
3. nakapagpapatibay ng resistensiya upang tuluyang makaiwas sa
anomang karamdaman at tumutulong sa paglaki.

kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw:


agahan,tanghalian at hapunan.
4.

a. 4, 3, 2, 1 c. 2, 1, 3, 4
b. 1, 2, 3, 4 d. 3, 1, 4, 2

 
291 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

9. Ano ang kailangan natin upang maging malakas at puno ng enerhiya?


a. kumain b. maglaro c. magsayaw d. mamasyal

10. Sa inyong palagay ano ang maidudulot ng pagkain ng agahan?


a. Magiging alisto sa klase.
b. Hindi mahuhuli sa klase.
c. Magkakaroon ng bagong laruan.
d. Matatapos nang maaga ang mga gawain.

Si Tom
Modesta R. Jaurigue

Kring…….”Yehey! Labasan na “. Sigaw ng mga mag-aaral ng Ikatlong


Baitang. Lahat ay nagmamadaling nagligpit ng mga gamit . Nakita ni Tom na
itinapon ng mga kaklase ang mga papel sa basurahan.” Bakit itinapon ninyo ang
mga papel na wala pang sulat, sayang naman” ang sabi ni Tom. ”Bibili na lang
kami bukas at saka yukos na ang mga yan “ ang sagot ni Cloe. Kinuha ni Tom
ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa envelope. Nagtasa ng

DRAFT
kanyang lapis at inilagay sa lagayan ng mga lapis at ng makita na maayos na ang
kanyang mga gamit saka tumayo at inihanda ang sarili sa pag-uwi

11. Itinapon ang mga papel sa basurahan.


Anong salitang kilos ang ginamit sa pangungusap?
a. basurahan b. itinapon c. mga d. papel

April 10,2014
12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
nagamit ?
a. naayos b. nagalit c. natuwa d. nawala
13. Saan inilagay ni Tom ang mga papel na kinuha sa basurahan?
a. sa basurahan b. sa envelope c. sa ilalim ng bangko d. sa bag
14. Ano ang ginawa ni Tom nang marinig ang tunog ng bell?
a. Inayos ang gamit c. tumakbo
b. Nakipag-usap sa kaklase d. tumayo
15. Ano ang sinabi ni Tom sa kaklase na nagtapon ng papel sa basurahan?
a. Bakit ninyo itinapon ang mga papel na wala pang sulat sayang naman.
b. Bakit mali ang itinapon ninyo sa basurahan?
c. Bakit hindi ninyo itabi ang mga di- nagamit na papel.
d. Bakit kayo tumakbo agad?
16. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagtitipid ng sulatang papel?
a. Itabi ang sulatang papel na hindi pa nagagamit o nasusulatan.
b.Itapon ang gusto na papel.
c. Maglagay ng karton sa ilalim ng papel upang di bumakat ang kasunod na
susulatan.
d.Burahin ang namaling sulat sa papel at ipagpatuloy ang pagsusulat.

 
292 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

17. Saan nangyari ang kuwento ?


a. hardin b. klinika c. palaruan d. silid-aralan
18. Ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay______________ ng mga gamit.
Punan ng wastong pang- abay na may kilos upang mabuo ang pangungusap
a. Nagmamadaling nagligpit
b. Umalis ng maingay
c. Itinapon ang papel
d. Inayos ng mabuti
19. Kring… Labasan na”, sigaw ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang.
Anong salita ang maaaring ipalit sa salitang labasan na ?
a. Pasukan na. b. Uwian na. c. Rises na. d. Maglalaro na.
20. ”Bibili na lang kami ng papel bukas at saka gusot na ang mga iyan.”
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Ayos b. punit c. puti d. sira
21. “Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga iyan,” ang sagot ni
Cloe. Inayos ni Tom ang mga aklat at inilagay sa envelope ang sulatang
papel na di-nagamit.
Ano ang pagkakaibang gawi ni Cloe at ni Tom sa pagliligpit ng sulatang
papel?

DRAFT
a. Si Tom ay matipid samantalang si Cloe ay hindi matipid sa sulatang papel.
b. Si Tom ay hindi matipid samantalang si Cloe ay matipid sa sulatang papel.
c. Si Cloe at si Tom ay matipid sa sulatang papel.
d. Si Cloe at si Tom ay parehong hindi matipid sa sulatang papel.
Si Puti

April 10,2014
Modesta R. Jaurigue

Ako ay may alagang aso, puti ang tawag ko sa kaniya.May apat na


anak. Kulot na kulot at puting-puti ang balahibo niya.Masarap siyang
kalaro.Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at
pagkuha ng tsinelas.
Nakatutuwa ang aking alagang aso!

22. Ano ang alaga na nabanggit sa talata?


a. agila b. aso c. kambing d. pusa
23. Ilan ang anak ni Puti ?
a. isa b. tatlo c. apat d. wala
24. “Ako ay may alagang aso, Puti ang tawag ko”.
Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay __.
a. Kulay asul b. kulay berde c. kulay bulak d. kulay itim
25. Nakakatuwa ang aking alagang aso !
Anong bantas ang ginamit sa katapusan ng pangungusap ?
a. kuwit b. padamdam c. pananong d. tuldok

 
293 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

26. Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at


pagkuha
ng tsinelas. Anong salitang hiram ang ginamit sa pangungusap?
a. pag-upo b. tricks c. tinuruan d. tulad
27. Sumulat ng talata na kahalintulad ng paksa ng kuwentong “Si Puti.”
28. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng sangguniang aklat?
a. Paghanap ng mabibili.
b. Paghanap sa kahulugan ng salita
c. Paghanap sa araling pinag-aralan
d. Paghanap sa mga takdang aralin.
29. Nais ni Rosheen malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang
sanggunian maliban sa aklat na kaniyang ginagamit, sa iyong palagay saan
siya makakikita?
a. diksyunaryo b. indeks c. pabalat d. talaan ng nilalaman

Ang Batang si Maria


Modesta R. Jaurigue

Sina Maria ay naninirahan sa tabi ng ilog. Marami silang tanim sa

DRAFT
paligid ng kanilang bahay. Siya ay mabait, masunurin, masipag at
matulungin. Kapag araw ng Sabado, tumutulong siya sa gawaing bahay at
sumisimba naman tuwing araw ng Linggo kasama ang kaniyang ama’t ina.
Isang araw, habang si Maria ay nagwawalis ng kanilang bakuran,
may lumapit na mga batang naglalaro.
“Maria , nagugutom kami, maaari bang makahingi ng bunga ng puno
ng kaimito?”

April 10,2014
Aba!Oo kumuha na kayo pero mag-ingat kayo baka kayo ay
mahulog,” ang sagot ni Maria .
Maraming bata at matanda ang humihingi kay Maria ng prutas.
Binibigyan niya ito at hindi pinagdadamutan kahit kailan.
“Talagang mapagbigay na bata si Maria,” wika ng mga tao.

30. Ibigay ang paksa ng kuwento .


31. Gumawa ng balangkas ng binasang kuwento.
32. Ano ang nilalaman ng kuwento ??
33. Anong magandang ugali ni Maria ang nagustuhan mo ?
34. Ano ang magandang gawi ang ipinakita ni Maria nang humingi ang mga
batang nagugutom ?
35. Nakapagbigay ka na rin ba tulad ni Maria, ano ang naibigay mo na?
Isulat ito sa isang pangungusap.
36. Kung ikaw si Maria, ano ang mararamdaman mo sa mga nanghihingi ng
bunga ng kaimito? Isulat sa isang pangungusap ang kasagutan.
37. Sumulat ng isang pangungusap sa naging wakas ng kuwento.

 
294 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

38-40
Gawaing Pagganap
Layunin
1. Makabuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggan o nabasang kwento
2. Maipakitang kilos o pagsasatao ng nabuong kuwento
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral
Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “ Ang
Miryenda ni Nicole.”
Sa loob ng 5 minuto,iisip ng katumbas na kuwento ang bawat isa.
Karagdagang 5 minuto upang ihanda ang kinakailangang gamit para sa
pagsasadula o pagsasatao.
Kalagayan
Magsasagawa ang mga mag-aaral ng gawain, pagsasadula o pagsasatao na
katumbas ng napakinggang kuwento. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip
na pamantayan.

Pamantayan sa Pagsulat

DRAFT
PUNTOS PAMANTAYAN
12 Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggang teksto .Naibibigay ang paksa ng kuwento
o sanaysay na napakinggan.
9 Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang

April 10,2014
kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto .Naibibigay ang paksa ng
kuwento o sanaysay na napakinggan.
6 Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto at di- naibigay ang paksa ng
kuwento o sanaysay na napakinggan.
3 Hindi nakabuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto at di-naibigay ang paksa ng
kuwento o sanaysay na napakinggan.

Ang Miryenda ni Nicole


Modesta R. Jaurigue

Ang paboritong miryenda ni Nicole ay instant noodles at ang baon niya sa


paaralan ay chips at kendi.Hindi siya mahilig uminom ng tubig. Wala siyang hilig sa
prutas at gulay.
Isang gabi, binasag ang katahimikan nang malakas na sigaw ni Nicole.

 
295 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

“ Inay! Inay!” ang malakas na tawag ni Nicole habang namimilipit sa sakit at


hawak-hawak ang tiyan.
“Tayo sa ospital at dadalhin kita ng malaman natin kung bakit sumasakit ang
tiyan mo,” ang wika ng nanay ni Nicole.
“Ayaw ko po Inay. Takot ako sa turok at gamot,” iyak ni Nicole.
“ Hindi puwede kapag hindi natin pinatingnan ang sakit mo, maaaring
maghina ka at mawalan ng malay,” sambit ni Aling Mameng.
Walang nagawa si Nicole kundi ang sumama siya sa ina.Habang nasa
sasakyan papuntang ospital, panay ang dasal at pagsisisi ni Nicole,naiisip niya kasi na
ang lagi niyang miryenda ay mga pagkaing walang sustansya.
“Hmm..Sobrang pagkain at dhindi natunawan ang anak ninyo. Huwag
kayong mag-alala, okey na po siya,” ang wika ng doktor.
“Salamat naman po, akala ko po ay grabe na ang sakit ng anak ko,”,ang
pasasalamat ni Aling Mameng.
Nalaman ni Nicole ang kaniyang pagkakamali at nasambit na magbabago na
siya.

DRAFT
SUSI SA PAGWAWASTO

1. A
2. D
3. A
4. C

April 10,2014
5. A
6. A
7. C
8. D
9. A
10. A
11. C
12. A
13. B
14. B
15. A
16. A
17. B
18. A
19. B
20. C
21. A
22. A
23. C
24. C
 
296 
 
 
 
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
 

25. D
26. D
27.
28. A
29. A
30. Si Maria ang batang mapagbigay
31. Ang Batang si Maria
I. Ang pakikisama ni Maria sa mga tao
A. Mabait
B. Masunurin
C. Masipag
D. Matulungin
II. Ang mga gawain ni Maria
A. Palasimba
B.Masipag magwalis
C.Tumutulong sa gawaing Bahay
32. Huwarang Bata
33. Matulungin
34. Mapagbigay

DRAFT
35. Oo nagbibigay ng pagkain,papel sa mga kaklase
36. Maawa dahil sila ay nagugutom.
37. Bibiyayaan ng magandang buhay si Maria sa pagiging mapagbigay niya.

April 10,2014  

          

 
297 
 
 
 

You might also like