TG Filipino Week 10 1st QTR
TG Filipino Week 10 1st QTR
TG Filipino Week 10 1st QTR
Layunin
B. Sanggunian
Hiyas sa Wika p. 70-73
F5PS-Ia-j-1
F5PN-Ij-1.1
C. Mga Kagamitan
Larawan ng pagtutulungan ( http://tinyurl.com/gqddw3s )
Tape, Envelope
III. Pamamaraan
A. 1. Pagsasanay
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang panghalip
pamatlig.
2.. Balik-aral
Itanong: 1. Ano ang tawag sa mga salitang inyong binilugan?
2. Paano natutukoy ang panghalip pamatlig?
3. Magbigay ng iba pang halimbawa ng panghalip na pamatlig.
B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Magkaroon ng isang maikling paligsahan. Makinig sa sasabihin ng guro. (Jigsaw Puzzle)
Sa tatlong grupo ng mga bata na may tig-tatatlong myembro, ibigay ang mga
panutong ito:
a. Humanay nang maayos at sa hudyat ng guro ay buksan ang envelope.
b. Kuhanin ang mga piraso ng larawan at buuin ito sa pamamagitan ng
pagdidikit nito sa pisara.
c. Kapag nabuo na ang larawan, magsagawa ng nais na yell o clap
(hal. yes clap)
2. Paglalahad
Ipalarawan sa mga bata ang nabuong puzzle. Isulat sa pisara ang mga salitang
panghalip panaklaw na maaring masabi nila habang naglalarawan.
Ang paksa ng aralin na tatalakayin ay panghalip panaklaw. Ipaalam na ang mga
salitang nakasulat sa pisara ay halimbawa nito.
3. Pagtatalakay
Ibig sabihin ng Panghalip Panaklaw.
Paano ginagamit sa pangungusap ang panghalip panaklaw na di-tiyakan?
Anu-ano ang mga halimbawang salita sa panghalip na panaklaw na nagsasaad
ng dami?
Anu-ano ang mga halimbawang salita sa panghalip na panaklaw na nagsasaad
ng kaisahan?
3. Pagpapayamang Gawain
Panuto: Tingnan ang larawan ng dalawang batang nag-uusap tungkol sa
kanilang karanasan sa pagtutulungan sa paaralan. Punan ng tamang panghalip
na panaklaw ang kanilang pag-uusap
4. Paglalahat
Ano ang Panghalip Panaklaw? Paano ito nagagamit sa pangungusap?
Magbigay ng ilang halimbawa ng panghalip panaklaw.
5. Paglalapat
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na panghalip panaklaw upang maglahad
ng sariling karanasan sa pagtutulungan.
Sinoman Kailanman
Bawat isa Karamihan
Lahat
IV. Pagtataya
Piliin sa kahon ang panghalip na panaklaw na angkop sa patlang upang mabuo
ang pangungusap.
Karamihan Saanman
Bawat isa Alinman Pawang
V. Takdang Aralin
Pumili ng paksa sa ibaba at bumuo ng isang talata na may 5-10 pangungusap na
ginagamitan ng panghalip na panaklaw
B.Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 78-79
F5PT-Ij-10
http://www.slideshare.net/leiramflores/tula-talumpati-maikling-kwento-pabula-
sanaysay
http://luckyawesome.blogspot.com/2012/02/unfamiliar-words.html
C. Mga Kagamitan
Larawan
Tsart
III. Pamamaraan
A. 1. Pagsasanay
Pagbasa ng mga pangungusap na may panghalip na panaklaw.
2. Balik-aral
Ano ang panghalip na panaklaw?
Magbigay ng iba pang halimbawang pangungusap na ginagamitan ng panghalip
na panaklaw.
B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Pagpapakita ng ilang larawan tungkol sa disiplina. Ipalarawan kung ano ang
kanilang naiisip sa salitang disiplina.
Pagbasa ng isang sanaysay. Pansinin ang mga salitang naka-aytaliko. Alamin
ang kahulugan ng bawat salitang may salungguhit.
2. Paglalahad
Ilahad sa mga bata na tatalakayin sa araw na ito ay kahulugan ng salita
pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan. Maglahad ng ilang salita sa
inyong bayan na maaaring hindi pa alam ng mga bata. Alamin kung alin dito ang pamilyar
at di pamilyar sa kanila
3. Pagtatalakay
Ibigay ang mga kahulugan ng salitang iyong ibinigay. Talakayin ang pagbibigay
ng kahulugan ng salita pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan sa
pahina ___
4. Pagpapayamang Gawain
Pagbasa ng mga pangungusap. Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na
salitang naka-aytaliko. Lagyan ng salungguhit ang pariralang satingin mo ay
naglalarawan dito.
5. Paglalahat
Paano natin malalaman ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar?
Ano ang pagkakaiba ng pamilyar at di-pamilyar na salita.
6. Paglalapat
Panuto: Piliin sa kahon ang mga salitang inilalarawan ng mga sumusunod na
pangungusap.
IV. Pagtataya
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita. Pagkatapos ay
gamitin ito sa pangungusap.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng limang (5) bugtong na gusting-gusto mo.
I. Layunin
Nabibigay ang paksa ng isang talata.
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita
isyu o usapin
Nabibigyang halaga ang pag-aaral ng mabuti
B. Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa 5, p. 80
Hiyas sa Pagbasa 4, p 33-36
F5PB-Ij-10
http://www.abante.com.ph/op/editorial/47079/editorial-dapat-nga-bang-ibalik-ang-
bitay-.html
C. Mga Kagamitan
Metacards
Larawan
III. Pamamaraan
A. 1. Pagsasanay
Magsagawa ng isang maikling pahulaan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga
salita sa pamamagitan ng paglalarawan. Magtakda ang guro ng mga tuntunin para
sa gawaing ito.
2. Balik-aral
Paano nakikilala o nabibigyang kahulugan ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar?
Brainstorming: Magbigay ng ilang salitang hindi mo alam ang kahulugan, maaring
alam ito ng iba mong kaklase.
B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ni Manuel L. Quezon.
Itanong: a. Kilala nyo ba ang taong nasa larawan?
b. Ano sa tingin nyo ang kanyang mahalagang nagawa sa ating bansa?
2. Paglalahad
Basahin ang Talambuhay ni Manuel L Quezon na pinamagatang “Ang Dakilang
Tutor” sa pahina ___
3. Pagtatalakay
Pag-usapan ang pagtukoy sa paksang pangungusap sa isang talata.
4. Pagpapayaman ng Gawain
Pakinggan ang kaklase habang nagbabasa ng balita, isulat at ipatukoy ang
paksa ng talatang binasa. Hayaang magbigay ng opinyon o reaksyon ang mga
bata.
5.. Paglalahat
Paano natutukoy ang paksang pangungusap sa isang talata?
Saan madalas natatagpuan ang paksa isang talata?
Bakit mahalaga ang pagbibigay ng opinion o reaksyon sa isang isyu o usapin?
6. Paglalapat
Panuto: Basahin, hanapin at isulat ang pamaksang pangungusap ng bawat
sumusunod na talata mula sa binasang talambuhay at magbigay ng dalawang
detalyeng sumusuporta rito.
IV. Pagtataya
Panuto: Narito ang mga talatang naglalahad ng mahahalagang bagay tungkol sa ilang
isyu o usapin sa ating bansa. Suriin at tukuyin ang pamaksang pangungusap.
V. Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng isang isyu o usapin mula sa pagtataya. Magbigay ng opinyon o
reaksyon tungkol sa iyong napili.
I. Layunin
Nakasusulat ng liham pangkaibigan
Nalalaman ang mga bahagi ng liham pangkaibigan
B. Sanggunian
Hiyas sa Wika 5 p. 52-56
F5PU-Ij-2.3
http://www.scribd.com
C. Mga Kagamitan
Balangkas ng liham pangkaibigan
Halimbawa ng liham pangkaibigan
III. Pamamaraan
A. 1. Pagsasanay
Basahin ang talatang nakasulat sa pisara/manila paper
Ibigay ang paksa ng talatang binasa.
2. Balik-aral
Paano natutukoy ang paksa ng isang talata?
Saan mo madalas matagpuan ang paksang pangungusap ng talata?
B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Sino ang may matalik na kaibigan sa malayong lugar?
Paano mo sila kinakamusta?
Nakaranas ka na bang makapagpadala ng sulat/liham sa iyong kaibigan?
2. Paglalahad
Ang paksa sa araw na ito ay ang pagsulat ng liham pangkaibigan.
Magpakita ng isang halimbawa ng liham mula sa isang kaibigan
Ituro ang mahahalagang bahagi ng isang liham pangkaibigan.
Ilahad ang balangkas ng liham pangkaibigan.
3. Pagtatalakay
Isa-isang ipaliwanag ang bahagi ng liham pangkaibigan.
Talakayin din ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito. Maaring pagbasehang
ang aklat (BA, p.54-56)
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain: Bumuo ng isang liham pangkaibigan sa Manila paper.
Magkasundo kung ano ang nais na paksa ng liham na gagawin. Pumili sa mga
sumusunod:
a. Imbitahan ang kaibigan sa iyong nalalapit na kaaraan
b. Kamustahin ang kaibigan dahil nabalitaan mong siya ay nagkasakit
c. Ipaalam sa iyong kaibigan na bibisitahin mo sya sa kanilang bahay.
5. Paglalahat
Anu-ano ang limang bahagi ng liham pangkaibigan?
Ano ang pagkakasunud-sunod nito?
Anu-ano ang mga dapat tandan sa pagsulat ng liham pangkaibigan?
6. Paglalapat
Labeling: Isulat sa kwaderno ang balangkas ng liham pangkaibigan at
lagyan ng tamang ngalan ng mga bahagi nito.
IV. Pagtataya
V. Takdang Aralin
B. Sanggunian
F5PD-Ij-12
Si Leah, ang Batang Langgam: https://youtu.be/B9t3RW2qN4U
Si Ping, ang Matulunging Kambing: http://youtu.be/o2-BhuMTngM
C. Mga Kagamitan
Telebisyon o Projector at Laptop
Video clip (Si Leah, ang Batang Langgam, Si Ping, ang Matulunging
Kambing)
Basket/lalagyan
Mga larawan
III. Pamamaraan
A. 1. Pagsasanay
(Pass the basket) Ipapasa sa mga bata ang isang lalagyan na naglalaman ng
mga bahagi ng liham habang kumakanta ng Tatlong Bibe (maaring palitan).
Kapag huminto ang pagkanta pabunutin ang pangatlong huling humawak dito.
Sabihin ang tinutukoy ng mabubunot na papel.
2. Balik-aral
Balikan ang isinagawang gawain, isa-isahin ang mga bahagi ng liham
pangkaibigan at kahulugan nito.
B. Mga Gawain
1. Pagganyak
Magpapanood sa mga bata ng isang maikling palabas (Si Leah, ang Batang
Langgam)
Ano ang kaganapan sa napanood na palabas?
Magkwento sa klase tungkol sa napanood na palabas kagabi. (tumawag ng 2 o
3 mag-aaral lamang na magbabahagi)
Suriin ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari.
2. Paglalahad
Sa mga napanood na palabas, tatalakayin natin ang Pagkakasunud-sunod ng
pangyayari
Balikan ang kwentong “Si Leah, ang Batang Langgam”
Ipalahad sa mga bata ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari
3. Pagtatalakay
Talakayin kung tama ba ang pagkakasunud-sunod na pangyayari ayon sa
kanilang pagsasalaysay
Talakayin din ang 3 hakbang na gawain ng mga langgan sa kwento upang
mapabilis ang pagkalap nila ng pagkain.
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain. Bigyan ang bawat grupo ng lipon ng mga larawan mula sa
kwentong Si Leah, ang batang langgam.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Ayusin ang mga
larawan mula sa unang nangyari hanggang sa matapos ito.
5. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa panunuod ng isang palabas o pelikula?
Bakit mahalagang sundin ang mga hakbang sa isang gawain.
6. Paglalapat
Ipapanood sa mga bata ang kwentong “SI Ping, ang Matulunging Kambing”
Panuto: Pagkatapos mapanood ang kwento: Pagsunud-sunurin ang mga
pangyayaring naganap.
IV. Pagtataya
Pagsunod sa Panuto:
1. Kumuha ng isang buong papel
2. Sa isang buong papel, sumulat ng 5 pangungusap na nagsasabi ng sunud-
sunod na pangyayari tungkol sa iyong napanood na palabas kahapon/kagabi.
3. Kapag tapos na sa gawain, itupi ang papel ng 3 beses at tahimik na
maghintay hanggang sa matapos ang iba.
V. Takdang Aralin
Pumili ng isang bagay sa ibaba. Sumulat ng 3 hakbang na panuto tungkol sa
paggawa nito
a. Sinaing/kanin
b. Pritong itlog
c. Pagbubukas ng computer