9th Demo Pestibal
9th Demo Pestibal
9th Demo Pestibal
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Padre Garcia National High School
Poblacion, Padre Garcia, Batangas
I. LAYUNIN
A. (F7PD-IIe0F9) Napapanood sa youtube at natatalakay ang isang halimbawang
pestibal ng Kabisayaan.
B. Naiisa-isa ang tradisyon at kulturang nakapaloob sa tinalakay na mga pagdiriwang
sa Kabisayaan.
C. Napapahalagahan ang mga pestibal na mayroon sa Kabisayaan.
II. NILALAMAN
Paksa: Mga Kultura sa Kabisayaan
Sanggunian: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7 pp. 103-106)
Kagamitan: telebisyon, slide deck,speaker at laptop.
Kahalagahang Pangkatauhan: Pagbibigay galang at respeto sa mga kultura ng
Kabisayaan gayundin ang patuloy na pagtangkilik sa tradisyong mayroon sa isang
lugar.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo ay magkakaroon
muna tayo ng AYOS TSEK.
A-yusin ang hanay ng inyong mga
upuan.
Y-umuko at pulutin ang kalat sa
paligid.
O-ras na upang tumanggap ng mga
bagong kaalaman.
S-abay sabay sabihin “Handan a
akong matuto”.
4. Pagtatala ng liban
Mangyaring tumayo ang sekretarya ng
klase at saihin kung sino ang liban sa
araw na ito.
5. Pagbabalik-aral
(paglalaro ng “lunting ilaw, pulang ilaw”)
1. Ano ang tinalakay natin noong
nakaraang araw? Tinalakay po natin ang tungkol sa komiks
at mga elementong binubuo nito.
2. Paano mo mapapahalagahan ang
mga lathalaing gaya ng komiks? Sa pamamagitan po ng pagtangkilik nito
at patuloy na pagbabasa.
A. ANALISIS
Ngayong araw ay maglalakbay tayo sa
isa sa magandang lugar sa Pilipinas
upang masilayan ang kanilang mga
ipinagmamalaki. Ngunit bago tayo
makarating doon ay kailangan nating
sumakay sa eroplano.
Handan a ba ang lahat para sa ating
masayang paglalakbay? Opo handa na po kami sa masayang
paglalakbay.
(tunog ng eroplano)
“Welcome to Visayas”
Ngayong narito na tayo ay Mapapanood
natin ang isa sa pestibal ng taga bisaya.
B. ANALISIS
1. Batay sa ating napanood, ano ang
inyong naramdaman? Ang akin pong naramdaman ay
kasiyahan dahil nakapanood kami ng isa
sa pestibal na kanilang ipinagmamalaki.
2. Sa inyong palagay, ano ang
ikinaiba nito sa ibang pagdiriwang
sa Pilipinas? Ang tampok po ng pagdiriwang na ito ay
pagpapasalamat sa kanilang Santo Nino.
3. Sa inyong palagay, bakit kaya nila
ipinagdiriwang ang mga ganitong
pestibal? Sa akin pong palagay ay dahil bahagi ito
ng kultura ng mga taga Bisaya.
Tumpak ang iyong kasagutan, iyan nga
ang paksang ating tatalakayin ngayong
araw.
C. ABSTRAKSYON
Ang Sinulog Pestibal ay isa sa mga
tradisyon at kultura na mayroon ang taga
bisaya.
Alamin naman natin ngayon ang iba
pang kultura at tradisyon ng
kabisayaan.Bukod sa sinulog pestibal,
mayroon din silang iba pang pestibal na
ipinagdiriwang.
Mangyaring basahin ang unang
pagdiriwang. 1. Handuraw Pestibal- isang
kapiyestahan na kung saan ay
ipinagdiriwang tuwing Setyembre
1. Dito ipinakikilala ang agrikultura
at pagkain na mayroon sila.
Sa inyong palagay, ano ang tampok ng
pagdiriwang na ito? Sa akin pong palagay ay sa agrikultura at
sikat na pagkain na mayroon sila.
D. APLIKASYON
Bago tayo lumisan sa lugar na ito ay
kailangan nating malagpasan ang mga
pagsubok na inihanda ng ating mga
kapatid na bisaya. Bawat pangkat ay
bubunot ng gawain na kung saan ay
magiging paraan kung paano
mapapahalagahan ang mga tradisyunal
na pagdiriwang ng Kabisayaan.
Maliwanag ba ang inyong gagawin?
Opo, maliwanag po ang aming gagawin.
Mga Gawain
1. Tula
2. Slogan
3. Awit
4. Dula-dulaan
5. Poster
6. Rap
PAGLALAHAT
Muli, isa-isahin ang mga pagdiriwang ng
Kabisayaan at tampok nito. Ang mga pagdiriwang po ay Sinulog
Pestibal, Handuraw Pestibal, Tinuom
Pestibal, Karatong Pestibal at Tambobo
Pestibal.
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong pestibal
ang ipinapahayag ng bawat pahayag.
Susi sa Pagwawasto:
1. b
2. a
3. a
4. b
5. b
Bahagdan ng Pagkatuto:_______
Takdang-Aralin
1. Sumulat ng isang sanaysay kung
bakit mahalagang alamin ang mga
pagdiriwang sa Kabisayaan.
2. Ano ang Dula ?
Sanggunian:
Kalinangan(workteks sa Filipino 7)
google.com
Inihanda ni :
MINERVA M. BUAN
Gurong- Tagapagsanay