Banghay Aralin Elemento NG Tula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Banghay- Aralin sa Filipino

Baitang 10

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang kahalagahan ng tula sa pamamagitan ng paglinang ng kultura at panitikan


ng isang bansa;
b. Natutukoy ang mga elemento ng tula at mga paraan sa pagsulat ng tula;
c. Nakabubuo ng isang maikling tula gamit ang mga elemento ng tula;

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa: Ang Tula at ang mga Elemento neto
Sanggunian: Pluma, Wika at Panitikan
Mga kagamitan: Pantulong biswal, Mga larawan, Laptop

III. PAMAMARAAN

Guro Mga mag- aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magandang umaga sa inyong lahat


klas!
Magandang umaga rin po ma’am!

Bago tayo magsimula hingin muna


natin ang pagpapala at gabay ng
panginoon sa pamamagitan ng
isang Panalangin.

Maaari mo bang pangunahan ang


pagdarasal Bb?
(manalangin ang mag-aaral)

2. Pagsasaayos ng silid- aralan

Bago kayo maupo ay pulutin muna


ninyo ang mga kalat na makikita
sa ilalim ng inyong upuan.
(susunod ang mag-aaral)
Maaari na kayong umupo.

3. Pagtatala ng liban

Sa ating sekretarya, paki- tsek ang


mga pangalan ng liban para sa
araw na ito.

(tutugon ang mag-aaral)

B. Pagbabalik- Aral

Kung kayo ay nakinig sa ating


tinalakay noong nakaraang lingo.

Ano ang paksa ng ating tinalakay?


(tatawag ng mag-aaral)

Mahusay! At ano naman ang


mitolohiya?(tatawag ng mag- Ito po ay tungkol sa mitolohiya ma’am.
aaral).
Ang mitolohiya ay isang halos
magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento o mito, mga
kuwento na binubuo ng isang partikular
na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang
mga diyos at nagbibigay ng mga
Mahusay! Talagang nakinig kayo paliwanag hinggil sa mga likas na
sa ating tinalakay. kaganapan.

C. Pangganyak

Bago tayo dumako sa ating pormal na


talakayan ako may naihandang pang-
unang aktibidad na kung saan ito ang
pina- magatang “Ang gulo ko ayusin
mo”. Na kung saan buuin niyo ang
letrang ito para makabuo ng salita.

Naiintindihan ba klas?

1. Sukat – taksu

Opo ma’am.

2. Tugma – mugta Ito ay tumutukoy sa bílang ng pantig ng


bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong.

3. Tayutay - yutaytay Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin


nitong himig o indayog.

4. Larawang- diwa – waralang- iwad Ito ay salita o isang pahayag na ginamit


upang bigyang-diin ang isang kaisipan o
damdamin.

Tumutukoy ito sa ikagaganda ng salita o


5. Simbolismo- moslibosim mga salitang kapag binanggit sa akda ay
nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mga mambabasa.

Sino sa inyo ang gustong sumagat sa ito ang mga salitang kapag binabanggit
unang salita? sa isang tula ay nagiiwan ng kahulugan
sa mapanuring isipan ng mga
mambabasa.
Sino naman sa pangalawang salita?
Ma’am ako po!
Sino naman sa pangatlo salita? Sukat - taksu
Sino naman sa pang-apat salita? Tugma- mugta

Sino naman sa pang huling salita? Tayutay - yutayta

Larawang- diwa – waralang- iwad


Ngayon basahin natin isa- isa kung
tama ang inyong mga sagot. Simbolismo - moslibosim

Magaling! Ang inyong mga sagot ay


tama.
(babasahin ng mag-aaral)
Ngayon narito ang ating mga layunin
para sa araw na ito.

1. Mapag-isa- isa ang mga elemento


ng tula;
2. Malinang ang kakayahan bumuo
ng sarling tula na may angkop na
mga elemento; at
3. Makalikha ng tulang
kinapapalooban ng mga tamang
elemento.

Makakamtan lang natin ang layuning


iyan kung kilala niyo si “RAU”

R- Para sa respeto sa isat-isa


4. Para sa aktibong partisipasyon
U – para sa unawaing Mabuti ang
ating magiging talakayan.

Maaasahan ko ba si RAU sa inyo klas?

Mabuti naman kung ganon!

Mayroon akong naihandang ng mga


larawan, kilala niyo ba sila? Opo ma’am!

Sa itaas na bahagi, sino nga ba ang


mga taong nasa larawan? (Tatawag ng
mag- aaral). Opo ma’am!

Tama! Ano ang nabubuong opinyon sa Sina Francisco Baltazar


inyong isipan ukol sa kanila? (tatawag Juan Miguel
ng mag- aaral) Severo at Amado Hernandez.

Mahusay! Sa mga larawang ito naman


sa ibabang bahagi, ano ang napapansin
niyo? (tatawag ng mag-aaral) (sasagot ang mag- aaral)

Tama! Sa kabuuan ano sa tingin niyo -ulam


ang koneksyon ng mga larawang nasa -lutong pinoy
itaas na bahagi at nasa ibabang -si Chef Boy Logro
bahagi?

May ideya ba kayo?

Ngayon upang lubos ninyong


mauunawaan, chef boy logro ay kilala
bilang mahusay magluto, kagaya ng
mga masasarap na ulam sa larawan
ginagamitan niya ng mga sangkap ang
mga putaheng kanyang inihahanda
upang maging Maganda sa panlasa ng
mga kakain nito, tama ba?

Gayundin ang mga makatang nasa


larawan na kilala bilang mahuhusay na
manunulat ng tula ay gumagamit ng Opo ma’am!
mga sangkap upang makasulat sila ng
Magandang obra na papatok din sa
panlasa ng mga mambabasa.
Kung ano nga kaya sikreto nila sa
paglikha ng malalalim at
makahulugang mga tula? Kung anu-
ano nga ba ang mga sangkap na ito ay
ating aalamin.

D. Pagtatalakay

Ang ating paksa para sa raw na ito ay


ang Tula at ang Mga Elemento nito na
ginagamit upang makasulat tayo ng
magagandang obra. Ito ang mga
sangkap na hindi dapat mawala upang
pumatok sa panlasa ng mga
mambabasa ang isang tula.

Para sa inyong sariling ideya ano ang


tula? (tatawag ng mag-aaral)

Mahusay! Ay tula ay
- Isang uri ng panitikan na (sasagot ang mag- aaral)
nagpapahayag ng damdamin ng tao. -
Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod.
-May mga tula na may sukat at tugma.
-Mayroon ding mga tula na malaya
ang taludturan.

Ngayon dumako naman tayo sa mga


Elemento ng Tula

Ang unang sangkap ay ang sukat.

Maari mo bang basahin kung ano ito?


(tatawag ng mag-aaral)

1. Sukat ito ay ang bilang ng pantig


sa bawat taludtod ng tula. Ang
Ang sukat ay bilang ng pantig sa karaniwang sukat ay wawaluhin,
bawat taludtod, at upang malaman ang lalabindalawahin, lalabing-
sukat ng isang tula kinakailangan animin at lalabing- waluhin.
pantigin o bilangin ang mga pantig ng
mga salita. Ang karaniwan ngang
sukat nito ay wawaluhin,
lalabindalawahin at lalabing animin at
lalabing waluhin.

Narito ang isang halimbawa pakibasa


nga?(tatawag ng mag-aaral).

Sa tingin niyo, ano ang sukat ng “ ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad,
binasang tula? (tatawag ng mag-aaral) Sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Labindalawa! Tama malinawag na ang Habag ng magulang sa irog na anak”
tula ay may labindalawang pantig
bawat taludtod.
Lalabindalawahin po ma’am.
Maaari mo bang bilangin para makita
rin ng iba? (tatawag ng mag-aaral)

Mahusay! Iyan nga ay isang


halimbawa ng tulang may sukat. At
gaya nga ng sinabi kanina, may iba
pang sukat o bilang ang bawat taludtod
ng isang tula.

Maliwanag ba klas?

Kung gayon dumako naman tayo sa


pangalawang element ng tula. Ano nga
ba ito? (Tatawag ng mag-aaral) Opo ma’am.

2. Tugma ito ang pagkakatulad o


Ito ay ang pagkakatulad ng huling letra pagkakapareho ng huling tunog o
o salita, sumakatuwid ito ang mga ng mga huling salita sa bawat
magkakatunog na salita sa bawat taludtod.
taludtod.

Sa pagtukoy natin sa tugma,


malalaman natin kung ganap o
karaniwan sa pamamagitan ng pagbasa
natin ng Mabuti ng isang tula.

May dalawang uri ng tugma.

Ano ang mga ito? Pakibasa


nga(tatawag ng mag-aaral)

Pakibasa nga ang tugmang katinig 1. Tugmang patinig


klas? (tatawag ang mag-aaral). 2. Tugmang katinig

Tugmang Patinig- mga salitang


nagtatapos sa iisang patinig na
may pare- pareho ring bigkas na
maaaring mabilis o malumanay
(walang impit) at malumi o
maragsa (may impit). Ang mga
patinig na puwedeng
magkakatugma ay mahahati sa
tatlong lipon: e-i at o-u.
Ngayon naman dumako tayo sa
pangalawang uri ng tugma ito ay at
tugmang katinig. Pakibasa nga klas?
(tatawag ng mag-aaral)

Tugmang Katinig- mga salitang


nagtatapos sa mga katinig. Ito ay
may dalawang uri:
1. Tugmang Malakas ay ginagamit
ng pare- parehong patinig tulad
ng a,e-i, o-u at nagtatapos sa mga
katinig na b, k, d, g, p, s, at t.

Magbigay ng halimbawa ng tugmang


malakas at nagtatapos sa mga katinig
na b,k,d,g,p,s,at t.(tatawag ng mag-
aaral) patas, lakas, wagas.

Sino pa ang makapagbibigay ng


kaniyang halimbawa? (tatawag ng kalat, pilat, malat
mag-aaral)
opo ma’am.
Naiintindihan naba klas?

At ito naman ang pangalawang uri ng


tugmang katinig. Pakibasa nga klas? Ang tugmang mahina naman ay
(tatawag ng mag-aaral) ginagamitan din ng pare-
parehong patinig tulad ng a,e-i,
o- u at nagtatapos naman sa mga
katinig na l,m,n,ng,r,w,at y.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng


tugmang mahina gamit ay a at
nagtatapos naman sa mga katinig na
l,m,n,ng,r,w at y. (tatawag ng mag- Halal, alam, bayan
aaral)

Ano ang ginamit mong katinig? L, m at n po ma’am.

Magaling! Naiintindihan naba klas? Opo maam.

Magaling! At sa pagpatuloy ng ating


pagtalakay sa mga elemento ng tula,
ay narito ang pangatlong sangkap. Ano
nga ba ito? Pakibasa nga (tatawag ng
mag-aaral). Larawang – diwa ito ay tinatawag na
imagery sa ingles. Tumutkoy sa mga
salitang kapag binabanggit sa tula ay
nag- iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.

Ibig sabihin ang larawang- diwa ay


ang mga pahayag na kapag binasa
natin ay magkakaroon tayo ng
imahinasyon ukol dito.

Basahin nga ang halimbawa (tatawag


ng mag-aaral) “may paambun- ambon, may tika- tikatik
Na sinasabayan ng kulog at lintik
May unos at bagyong nakatitigatig
Sa lalong payapa’t matimping dibdib”

Habang pinapakingan niyo ang bawat


salita o linya, nagkaroon ba kayo ng Opo ma’am!
imahinasyon ukol dito?

Kung mayroon mga imahe na nabuo sa


inyong mga isipan, halimbawa nalang
ang ambon at kulog, ibig sabihin ay
nauunawaan ang ibig sabihin ng
larawang- diwa.
Ang pang- apat sangkap o elemento
naman ay ang simbolismo. Pakibasa
nga ang depinisyon?(tatawag ng mag- Simbolismo- ito ang mga salitang kapag
aaral). binabanggit sa isang tula ay nagiiwan ng
kahulugan sa mapanuring isipan ng mga
mambabasa.

Tama!sapagkat ang simbolismo ay


hindi literal na mga salitang bibigyan
lang natin ng kahulugan. Ito ay may
lalim at talinhaga na hindi agad nating
mapapatid kung hindi mapanuri ang
ating pag-iisip.

Halimbawa, kung makakabasa tayo ng


araw sa isang tula ano ang kahulugan
nito?(tatawag ng mag-aaral) Pag-asa po ma’am!

Ngayon naman ay dumako tayo sa


pang limang elemento ng tula.
Pakibasa nga klas(tatawag ng mag-
aaral) Saknong- ang pagpapangkat ng mga
taludtod o linya ng tula.
Nakapagdaragdag ito sa ganda at balanse
ng tula bukod pa sa nakapgbibigay rin ng
pagkakataon para sa makata na magbago
ng tono o paksa sa kanilang tula. Iba’t-
iba ang bilang ng taludtod sa isang
saknong tulad ng mga nasa ibaba:

2 taludtod sa isang saknong o couplet


3 taludtod sa isang saknong o tercet
4 taludtod sa isang saknong o quatrain
5 taludtod sa isang saknong o quintet
6 taludtod sa isang saknong o sestet
7 taludtod sa isang saknong o septet
8 taludtod sa isang saknong o octave

At ang pang- huling sangkap naman


ng elemento ng tula ay tinatatawa na
kariktan. Pakibasa nga ang kahulugan
nito (tatawag ng mag-aaral)
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda,
maaaring bigkasin ang isang hanay-
hanay ng mga talatang tugma- tugma ang
mga dulo at sukat- sukat ang mga bilang
ng pantig ngunit di parin matatawag na
tula kung hindi nagtataglay ng kariktan.
May mga tulang walang sukat at
tugmang sinusunod subalit matatawag pa
ring tula sapagkat pilimpili ang mga
salita, kataga, parirala, imahen, o
larawang- diwa, tayutay o talinghaga, at
mensaheng taglay na siyang lalong
nagpapatingkad sa katangian nito bilang
tula at pumupukaw sa mayamang
imahinasyon ng bumabasa.

Naiintindihan naba ang mga elemento


ng tula klas? Opo ma’am.
E. Paglalahat

Ano ang natutunan niyo sa ating (sasagot ang mag-aaral)


tinalakay ngayong araw? (tatawag ng
mag- aaral).
Ang limang elemento ng tula na sangkap
upang makalikha ng isang tula.

Ang iba’t- ibang elemento ng tula, sukat,


tugma, saknong, kariktan, larawang-
diwa, simbolismo.

Ngayon, base sa inyong mga sagot


siguradong makakuha kayo ng mataas
na marka sa pagsusulit.

Wala nabang katanungan klas? Wala na po maam.

Mahusay! Kung ganoon.

F. Pagtataya

Para sa inyong pagsusulit, itago niyo


na ang anumang gamit na sa inyong
sulata. Tanging ballpen lang ang
maiiwan dahil ibibigay ko ang
sagutang papel.

Panuto: Bumuo ng tulang may apat na


saknong. Lagyan ito ng angkop na
mga Elemento ayon sa mga hinihingi.

PAMANTAYAN BAHAGDAN
Nilalaman 5 porsyento
Pamamaraan 5 porsyento
Katapatan 5 porsyento
Wika/ gramatika 5 porsyento
KABUUAN 20 PORSYENTO

Basahing Mabuti ang panuto.


Maliwanag ba klas?
Opo ma’am.

Maaari nang magsimula. Mayroon


lamang kayong sampung minuto.

G. Takdang – Aralin

Hanapin o sasaliksikin niyo ang


tungkol sa “Biag ni Lam- ang” at
“sari manok” tatalakayin natin
iyan sa susunod na pagkikita.

Maliwanag ba klas?
Opo ma’am.

You might also like