Banghay Aralin Sa Ap 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

, EdD

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division Of Agusan Del Norte
Jabonga District-I
Jabonga Central Elementary School-131433

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3


I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural


ng kinabibilangang rehiyon

B. Pamantayan sa Pagganap:

Nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong kultura


ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

Nailalarawan ang mga tradisyon ng sariling lalawigan at ng rehiyon.


AP3PKR-IIIb-c-3

D. Contextualized Competency : Nailalarawan ang mga tradisyon ng sariling bayan


ng Jamindan.

II. NILALAMAN:
MGA NATATANGING KAUGALIAN, PANINIWALA, TRADISYON NG BAYAN
AT IBA’T-IBANG LALAWIGAN SA REHIYON

III. KAGAMITANG PANTURO:

Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: Araling Panlipunan 3 pp. 161-167

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral:


Araling Panlipunan 3 pp. 323-333

3. Mga Pahina sa Teksbuk:


4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource:
5. Internet Info Sites https://www.hellotravel.com

Panuto: Basahin ang mga nakasulat sa meta strips. Ilagay ang mga ito sa
angkop na hanay kung ito ay paniniwala o kaugalian.
IV. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at /o pagsisimula ng bagong aralin

Pangkatin ang mga bata sa dalawa. Bigyan ang bawat pangkat ng meta strips na may nakasulat
na mga kaugalian at paniniwala para kanilang ilagay sa angkop nahanay. Ipaulat ang kanilang
mga gawa.

Paniniwala Kaugalian

Magiliw napagtanggap ng panauhin (kaugalian)

Pagbibigay ng pakimkim sa mga inaanak (Paniniwala)

Pagdaraos ng Pista o Pagdiriwang (Tradisyon)

Pagmamano sa mga nakatatanda (Kaugalian)

Pagpapagamot sa mga arbolaryo (Paniniwala)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin:

Magpakita ng isang larawan ng selebrasyong ginaganap sa lalawigan ng Capiz.


Magtanong sa mga bata tungkol dito.

1. Anong pagdiriwang ito na taunang ginaganap sa lalawigan ng Capiz?


(CAPIZtahan)
2. Sino-sino ang nakikiisa sa pagdiriwang na ito? (Mga Capizenos mula sa
iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Capiz)
3. Bakit ipinagdidiriwang ng mga Capizenos ang Capiztahan sa Capiz? (Para
maipakita ang kultura ng Capiz at ang pagiging pagkamalikhain ng mga
Capizenos sa kanilang pagsasayaw at pananamit tampok ang produktong
mula sa karagatan ng isla.)

4. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng mga taga Capiz sa


kanilang pagdiriwang ng Capiztahan? (Pagpapahalaga sa tradisyong
kanilang kinagisnan.)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:

Ipabasa sa mga bata ang tula na pinamagatang “Ang Pangahaw”

Sa tagsa ka tuig kada bulan sang Agosto


Mangunguma naga-ani palay nga bag-o
Mga pamilya malipayon nga nagatililipon
Nagabuliganay luto nanari-sari nga pagkaon.
Bugas nga bag-o ginahanda nga tilig-angon
Paglawag sa mga minatay amo ang madason
Pagkatapos bendisyon, masunod ang pagkaon
Kulang nga mga miyembro sigurado nga
hulaton
Hilikuton ginahimo sa pagpasalamat
Kay peste kag kalamidad indi dapat
Sa Diyos ginapangayo madamo nga patubas
Gani alanihon bastante kag nagaawas-awas
“Pangahaw” ang tawag sa sining selebrasyon
Bilog nga pamilya nagahugpong kag naga-ugyon
Ginasa-ulog kag ginapabugal sang
Jamindanganon Indi lubos malipatan kag dapat
ipadayon.

Itanong sa mga bata.

Sa anong lalawigan ginaganap ang “Pangahaw”? (Capiz)


Sa anong bayan ito ipinagdidiriwang? (Jamindan)
Kailan isinasagawa ang “Pangahaw”? (Tuwing panahon ng pag-aani)
Ano-ano ang mga inihahanda tuwing “Pangahaw”? (Mga pagkaing kakainin ng
buong pamilya)
Anong kaugalian ng mgataga “Jamindan” ang ipinakikita sa kanilang
Paghahanda sa oras ng “Pangahaw”? (Matibay napagkakabuklod-buklod ng
pamilya)
Pagpapahalaga:

Ipabasa sa mga bata ang teksto na isinulat sa manila paper o sa pamamagitan ng


powerpoint presentation.

Si Melca ay taon-taong umuuwi sa bayan ng Jamindan para dumalo sa “Pangahaw”


na ginagawa ng kanilang pamilya. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ni Melca?
(Pagpapahalaga sa pamilya at sa tradisyong kinagisnan)

Ano-ano pa ang ibang paraan na maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa


tradisyon ng ating bayan o lalawigan? (Pagmamalaki nito sa iba.)

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ipakitaang iba’t-ibang mga larawan tungkol sa tradisyon ng mga bayan sa Capiz na


ipinapakita nila sa kanilang mga presentasyon tuwing pista tulad ng “Inilusan ng
Mambusao, Sinaot ng Pontevedra at Buyloganay ng Ivisan.
Magbigay ng katanungan sa mga bata tungkol dito.

1. Ano-ano ang ipinapakita ng mga nasabing larawan?(Pagdiriwang ng pista


sa iba’t-ibang bayan.)

2. Sa anong mga bayan ito ipinagdidiriwang? (Iba-iba ang kasagutan)

3. Ano-ano ang iba’t-ibang tradisyon ng mga Capizenos? (Pagdaraos ng pista


na may iba’t-ibang tema ayon sa kaugalian ng bayang kinabibilangan.)

4. Ano-anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng mga Capizenos sa tuwing


ipinagdidiriwang nila ang mga ito?(Pagpapahalaga sa tradisyong
kinagisnan.)

5. Mahalaga bang malaman natin ang mga tradisyon ng bayan at lalawigang ating
kinabibilangan? Bakit? (Mahalaga para lalo nating maunawaan ang bayan na
ating kinabibilangan.)

6. Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga natin sa mga ito? (Ipagpatuloy at


ipagmalaki.)

E. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatin ang mga bata saapat. Bigyan ang bawat pangkat ng isang babasahin tungkol sa
tradisyon ng isang lalawigan sa KanlurangVisayas.

Pangkatang Gawain

Panuto:
A. Basahin ang teksto tungkol sa tradisyon ng lalawig ang napili.
B. Ilarawan ang nasabing tradisyon sa pamamagitan ng pagsagot
sa sumusunod na mga katanungan.
1. Anong tradisyon ang taunang ginaganap sa teksto?
2. Sa anong lalawigan at kalian ito ipinagdidiriwang?
3. Bakit ipinagdidiriwang ito taun-taon?
4. Paano ito ipinagdidiriwang?
Unang Pangkat
Ati-Atihan Festival ng Kalibo, Aklan

Ang Ati-atihan ay isang malaking parada na kung saan ang mga tao ay
pumupunta sa simbahan upang manalangin sa Santo Nino. Lumuluhod sila malapit sa
altar ng simbahan para mabendisyunan. Naniniwala sila na mapapagaling ang lahat ng
kanilang sakit sa katawan at malilinis ang kanilang kaluluwa sa pagdarasal sa Santo
Nino.
Ang kasaysayan ng importansya ng Santo Nino sa piyestang ito ay dahil sa
impluwensiya ng mga Kastila. Sabi sa Kasafi website si Fr. Juan de Alba dawang
nagbinyag sa higit na isang libong katao sa Kalibo, Aklan. Ito ang simula ng pagiging
Kristiyano ng mga Pilipino sa lugar na ito. Ito ay naganap noong pangatlong linggo ng
Enero. Parehong ipinagdiwang ito ng mga Kastila at katutubong tao ng Kalibo, Aklan.
Hanggang ngayon, ito ay ipinagdiriwang ng mga tao ng Kalibo at nagiging Santo Nino
Ati-Atihan Festival na.

Ikawalang Pangkat
CAPIZtahan

Ang CAPIZtahan ay ipinagdiriwang mula ika 13 hanggang ika 15 ng Abril


bawat taon sa probinsya ng Capiz.
Ang pagdiriwang na ito ay nagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga
Capiznon na itinatampok sa pagtatahanglan ng labing anim na mga bayan ng
lalawigan na nakiisa sa nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng pagpapakita ng
sariling tradisyon at kultura sa kanilang pagsasayaw.

Tampok din sa CAPIZtahan ang pagsasayaw ng mala-hignateng mga


nilalang sa karagatan bilang pagpapakilala ng pagiging Seafood Capital ng Pilipinas
ng Capiz at ang pagsasayaw sa kalsada o street dancing ng mga manlalahok mula
sa iba’t-ibang bayan ng nasabing lalawigan.

Ikatlong Pangkat

Dinagyang Festival ng Iloilo

Ang Dinagyang ay ipinagdiriwang sa tuwing ika-apat na lingo ng buwan ng


Enero taun-taon sa Iloilo City. Mula ito sa salitang “Dagyang” na salitang Ilonggo
at nangangahulugang magpasaya. Sa tuwing sasapit ang pistang ito may makulay
na paradang sinasabayan ng mga mananayaw na pinipinturahan ang kanilang mga
katawan ng kulay itim suot ang mga makukulay na kasuotan. Sumusunod sila sa
tunog ng tambol at isinisigaw ang “Viva Senor Sto. Niño” at ang “Hala Bira” na
sikat na pahayag na gamit ng Ilonggo upang ipakita ang kanilang mainit na
partisipasyon tuwing Dinagyang.

Ang Dinagyang ay talaga naman may kahanga-hangang mga galaw ng


koreograpiya at may nakakamanghang mga kasuotan na sumasalamin sa
kahusayan ng mga Ilonggo sa paggawa o paglikha ng mga sining.
Ikaapat Pangkat

Binirayan Festival ng Antique

Ang Binirayan Festival ay ipinagdiriwang sa Probinsya ng Antique sa


Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong lingo ng Abril sa lalawigan para
ipaalala ang pagdating ng sampung datu sa Panay. Ang tema ng Binirayan
Festival ay “Pagsunod sa aming mga ugat, ang aming kadakilaan.
Ang ibig sabihin ng Binirayan ay “Kung saan sila ay nakarating na
tumutukoy sa sampung datu na dumating sa Pilipinas. May mga kasali sa kalye
na nagsasadula na ang ginagamit ay mga lokal na wika. Ang pagsasadulang ito
ay tungkol sa pagdating sa Pilipinas ng mga datu. Ang pasasadula ay
nangyayari sa eksaktong lugar na dumating ang mga datu.

F. Paglinang sa kabihasnan

Itanong sa mga bata:

1. Sa anong tradisyon kilala ang mga taga Aklan? taga Iloilo? Taga
Antique? Taga Capiz?

2. Paglalarawan ng bawat isa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay:

Pangkatin ang mga bata sa dalawa. Papiliin ang bawat pangkat ng kanilang
lider na siyang bubunot ng tradisyon na kanilang isasadula.
Ipabasa muna ang rubrics sa mga bata bago ang pangkatang gawain.

RUBRICS

10- Orihinal, maayos ang pagsasadula at wasto ang ipinakitang tradisyon

9- Orihinal, wasto ang ipinakita ngunit may kaunting pagkakamali sa pagsasadula

8- Orihinal, wasto ang ipinakita ngunit maraming pagkakamali sa pagsasadula

7- Orihinal ngunit may mali ang ipinakita at maraming pagkakamali sa pagsasadula

6- Hindi orihinal, may mali sa ipinakita at maraming pagkakamali sa pagsasadula

5- Hindi nagsadula
H. Paglalahat ng aralin:

Itanong sa mga bata.


1. Ano-anong mga tradisyon may roon ang mga taga Kanlurang Visayas?
(Pagdiriwang ng taunang pista tulad ng Ati-Atihan ng Kalibo, Dinagyang
ng Iloilo, Binirayan ng Antique at CAPIZtahan ng Capiz.)
2. Naglalarawan ba ang Pangahaw sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Filipino.

I. Pagtataya ng aralin:
Magpakuha ng isang buong papel sa mga bata. Ipagawa ang susunod na gawain.

Gamit ang isang saknong na may limang taludtod, ilarawan sa iyong sailing
pagkakaunawa ang tradisyon ng Jamindan na “Pangahaw”.

Rubrics:

10 - Nakapaglarawan ng buo
9 - Nakapaglarawan pero hindi kumpleto
8 - Nakapaglarawan ngunit may kaunting mali
7 - Nakapaglarawan ngunit maraming mali
6 - Nakapaglarawan ngunit puro mali
5 - Hindi nakapaglarawan

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation:

Ipaguhit ang isang tagpo na nagpapakita ng tradisyon ng taga Jamindan na


“Pangahaw”.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

Inihanda ni:
JASMIN V. LEGARDA
Jamindan District
ANG PANGAHAW

Sa tagsa ka tuig kada bulan sang Agosto


Mangunguma naga-ani palay nga bag-o
Mga pamilya malipayon nga nagatililipon
Nagabuliganay luto nanari-sari nga pagkaon.

Bugas nga bag-o ginahanda nga tilig-angon


Paglawag sa mga minatay amo ang madason
Pagkatapos bendisyon, masunod ang pagkaon
Kulang nga mga miyembro sigurado nga hulaton

Hilikuton ginahimo sa pagpasalamat


Kay peste kag kalamidad indi dapat
Sa Diyos ginapangayo madamo nga patubas
Gani alanihon bastante kag nagaawas-awas

“Pangahaw” ang tawag sa sining selebrasyon


Bilog nga pamilya nagahugpong kag naga-ugyon
Ginasa-ulog kag ginapabugal sang
Jamindanganon Indi lubos malipatan kag dapat
ipadayon.

You might also like