Fil 1-II

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Mga Konseptong

Pangkomunikasyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 
1. Natutukoy ang mga konseptong pangkomunikasyon
2. Natutukoy ang iba’t ibang modelo ng komunikasyon
3. Nakikilala ang mahahalagang salik sa maayos na
komunikasyon
4. Nasasagutan nang may pag-unawa ang gawaing inihanda ng
guro.
• Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang
komunikasyon upang magkaroon ng
pagkakaunawaan ang mga tao? Batay sa iyong
mga naging karanasan sa pakikisalamuha sa
iyong kapwa, maglahad ka ng mga pagkakataon
o sitwasyong naranasan mo na magkaroon ng di
pagkakaunawaan dahil sa problema sa
komunikasyon. Ipaliwanag mo ang iyong ginawa
upang malutas ang naging problema.
• Itinuturing na isang dakilang tuklas ng tao ang komunikasyon.
Nagagawa nitong mapakilos ang tao upang kanyang mapaunlad ang
sariling pamumuhay.
• Dahil sa mabisang komunikasyon, nakakamit ng tao ang tagumpay,
kaunlaran, katahimikan, at pambansang kaligtasasn. Salaw nito
maging ang larangan ng pagtuklas at kalawakan. Kaya naman, higit na
progresibo ang mga bansang may maunlad at mabisang paraan ng
komunikasyon.
• Tatalakayin ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapaunlad ng
wikang sinasalita. Hindi lamang ang pasulat na kakayahan ang dapat
malinang kundi lalong higit ang kakayahan sa pasalitang
pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino.
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON
• Ang komunikasyon ay pagsasalin, ito’y paghahatid ng balita, kuru-kuro,
mensahe, kaalaman o impormasyon, damdamin, iniisip o pangangailangan at
ideya mula sa tao patungo sa isang tagatanggap o sa isang patutunguhan.
• Ang sining ay isang kasanayang nagbibigay sa tao ng pagkakataong
maipahayag ang kanyang damdamin at maisakatuparan ang anumang naisin
sa paraang angkop at karapa-dapat.
• Samaktwid, ang sining ng komunikasyon ay isang kasanayang nagbibigay
ng pagkakatao sa tao upang maipahatid sa kanyang kausap ang anumang
kaisipan o damdaming nais niyang ipahatid dito sa isang paraang mabisa,
karapat-dapat, at maganda.
IBA’T IBANG KAHULUGAN NG
KOMUNIKASYON
• Sa diksyunaryo ni G. Webster, ang salitang komunikasyon ay
isang akto ng pagpapalitan ng ideya, impormasyon at iba pa.
• Ayon naman kay William Morris, ang komunikasyon ay ang
pagpapalitan ng ideya pasalita man o pasulat.
• Sinabi naman ni Lorenzo, Carmelita S. na ang komunikasyon ay
ang proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya,
impormasyon, karanasan at mga saloobin.
Ito ay isang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan
ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng isang tao sa
kanyang kapwa.
Samakatwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at
pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkatambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa.
May nagsasalita man, kung walang nakikinig at umuunawa ay
walang nagaganap na komunikasyon.
Masasabi ring ang komunikasyon ay isang likas na minanang
gawaing panlipunan na nagbabago-bago tulad ng mga tao at ng
panahon dahil ito ay isang prosesong dinamiko at nagkakaroon ng
progreso.
ANG KOMUNIKASYON BILANG
PROSESO
• Ang sinumang nakikipagkomunikasyon, berbal man o di-
berbal ay dumaan sa isang proseso.
• Bago maganap ang komunikasyon, ang mananalita ay
kailangang magkaroon ng sasabihin, samaktwid, dapat muna
siyang dumaan sa proseso ng pag-iisip o ideation. Ito ang
pagbuo ng mensaheng nais na ihatid. Pagkatapos, kailangang
isipin ng mananalita kung ano ang gagamitin niya sa
paghahatid ng mensahe- senyas o wika. Sa kasalukuyan,
wika ang pinakagamitin niya sa paghahatid ng anumang uri
ng mensahe. Ito ang pinakamabuti sapagkat maaaring
gamitin sa paraang pasulat o pasalita.
Mga Layunin ng Komunikasyon
• Makapagpahayag ng kaisipan, damdamin at saloobin ng
tao.
• Maging madali ang pag-uunawaan tungo sa pagkakaisa
at pag-unlad.
• Makapagbigay ng tamang impormasyon at makatulong
sa ikaliliwanag ng mga mahahalagang isyu sa bansa
• Mga Uri ng Komunikasyon
• Sa pagnanais ng tao na makipag-unawaan sa
kanyang kapwa na kasama niya sa lipunang
kinabibilangan ay apat na uri ng komunikasyon
ang kanyang ginagamit.
1. Komunikasyong verbal- uri ng komunikasyong gumagamit ng wika
na maaaring pasulat o pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong
nababasa at pasalita yaong mga binbigkas at naririnig. Ito ang
pinakagamiting uri ng komunikasyon.
 
2. Komunikasyong extra- verbal- uri ng komunikasyong gumagamit ng
tamag tono o timbre ng boses sa pagsasalita o pagpapahayag ng kanyang
saloobin o damdamin. Ang mababa at malumanay na tinig ay tanda ng
paggalang sa matatanda samantalang ang malakas na boses, mataas na
tono at mabilis na ritmo ay ginagamit sa pagbibigay ng babala o
paghingi ng tulong.
 
3. Komunikasyong di-verbal- uri ng komunikasyong hindi
ginagamitan ng salita, mga senyas, kilos o galaw ng katawan,
mga sagisag o mga simbolo ang tanging gamit upang
magkaunawaan ang nagpapahatiran ng komunikasyon.
 
4. Komunikasyong simboliko- binubuo ng mga mensaheng
naibibigay ng mga bagay na ginagamit na nakapaglalarawan
ng mga nakatagong katangian at personalidad ng isang tao.
Ang mga ito ay maaaring naipapakita sa pamamagitan ng :
•Kasuotan o damit
•Alahas/ palamuti sa katawan
•Make-up
•Kulay na napili
Antas ng Komunikasyon
• Komunikasyong Intrapersonal- proseso ng pag-iisip
kung gagawin ang isang bagay o hindi.
• Komunikasyong Interpersonal- komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.
• Komunikasyong Pang-organisasyon- layunin na
mapabuti o mapaunlad ang isang samahan o
organisasyon.
• Komunikasyong Pangkultura- ang mensaheng ibinibigay
nito ay tungkol sa kultura.
• Komunikasyong Pangmasa- sa antas na ito ang mananalita
ay gumagamit ng kasangkapang pangmasa upang maunawaan
ng nakararaming tagapakinig.
• Komunikasyong Pampubliko- nasa antas na ito ang mga
seminar, talumpati, at iba pang binibigkas sa harap ng tao.
• Komunikasyong Pangkaunlaran- layuning makatulong sa
pag-unlad ng bansa.
KOMPONENT NG
KOMUNIKASYON
• Tagahatid ng Mensahe- kadalasang
pinagmumulan ng mensahe o tagagawa ng
mensahe.
• Mensahe- tumutukoy sa impormasyong nais
ipahatid ng pinanggalingan ng mensahe.
• Hadlang- anumang bagay o pangyayari na
maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang
• Tsanel- nagsisilbing daanan ng mensahe
patungo sa tagatangap nito.
• Tagatanggap- tumatanggap ng
mensaheng hatid ng tagahatid ng
mensahe.
• Tugon- tugon ng tagatanggap
• Kapaligiran- may kaugnayan sa
sikolohikal at pisikal na kalagayan kung
• Konteksto- sitwasyon ng komunikasyon
ang tawag ng ilang mga iskolar sa larangan
ng wika at komunikasyon. Malaki ang
kaugnayan ng mabisang komunikasyon
kaugnay sa pormalidad o di pormalidad ng
sitwasyon kung saan nagaganap ang palitan
ng mensahe.
Kakayahang Lingguwistiko at
Komunikatibo
Kinapapalooban ng dalawang kakayahan ang mabisang komunikasyon: ang
kakayahang lingguwistiko o ang kakayahang makabuo ng pangungusap na may
wastong kayariang pambalarila at ang kakayahang komunikatibo o kakayahang
maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang
kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
Kaugnay pa rin nito ang kakayahan na maipakita at magamit ang alinmang gawi
ng pakikipag-usap (speech act) na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon.
Sa dayagram ng lingguwistang si Dell Hymes na binuo niya sa akronim na
SPEAKING, naipakita ang kakayahang komunikatibo at ang mahahalagang salik na
sosyokultural at iba pa na dapat isaalang-alang.
 
S Settings Saan nag-uusap?
P Participants Sino ang nag-uusap?
E Ends Ano ang layunin ng pag-uusap?
A Act sequence Paano ang takbo ng usapan?
K Keys Pormal ba o di-pormal?
I Instrumentalities Pasalita ba o pasulat?
N Norms Ano ang paksa ng usapan?
G Genre Nagsasalaysay ba o
nakikipagtalo?
MODELO NG
KOMUNIKASYON
MODELO NG KOMUNIKASYON
• Sa layuning maging maayos at makabuluhan
ang pakikipagkomunikasyon, iba’t ibang
modelo ng komunikasyon ang magagamit ayon
na rin sa uri at layunin ng pakikipagtalastasan.
Modelo ni Berlo:
Ito ang tinatawag na S-M-C-R na modelo ng komunikasyon
• Binigyang-diin sa modelong ito ang pag-uunawaan ng
mga kasangkot sa proseso ng komunikasyon
• Ang pag-eenkowd at pagdedekowd ng mensahe ay
nagbibigay diin sa mga suliranin sa paghahatid n gating
kaisipan sa wika o iba pang simbolismo.
• Nakapokus sa mensaheng ipinadadala at tatanggapin
naman ito ng iba.
• Ipinakikita ni Berlo ang mga mahahalagang elemento ng
komunikasyon. Ang mga elemento ay:
• a.       Pinagmumulan ng mensahe o Source
• b.      Mensahe o Message – pinakasentrong elementong
nagbibigay diin sa paghahatid ng ideya.
• c.       Pinagdaraanan ng senyas o Channel
• d.      Tumatanggap ng mensahe o Receiver – sila ang target
ng destinasyon ng mensahe
• Mapupuna natin na ang modelo ni Berlo ay maaring
iangkop sa maraming sitwasyong pangkomunikasyon, at
•Ayon sa kanya mahirap
matukoy ang kalalabasan ng
komunikasyon kaya tinukoy
niya ang mga salik na
nakaapekto rito.
Ang kasanayan ng tagapagsalita ay may
malaking gampanin sa kaganapan ng
komunikasyon sapagkat magkakaroon siya ng
pagkakataong mailahad ang kanyang layunin
o intension at kakayahang masabi ang gustong
sabihin. Hindi lamang ang pagsasabi ang
kanyang isinasaalang-alang kundi paano
hahanapin ang tamang salitang gagamitin na
mauunawaan din ng tagapagtanggap.
Modelo nina Shanon at Weaver
• Ayon nina Shannon at Weaver, ang ingay ay anumang
nakakagambala sa mabisang daloy ng komunikasyon. Sa
modelong ito ipinakikita ang kaugnayan ng ingay sa
komunikasyon.
• Tinatawag na Mathematical Model
• Ibinibigay nito ang pangkalahatang modelo na maaaring
matrato bilang komon na pangangailangan ng iba’t ibang
disiplina tulad ng dyornalismo, retorika,, linggwistik at
agham ng pagsasalita at pakikinig.
•Pangunahing pokus ng
modelong ito ang teknolohiya
bilang “source” o
pinanggagalingan ng “ingay”
sa komunikasyon.
Mahahalagang Komponent:
• Pinagmumulan ng mensahe
• Ang mensahe
• Transmiter – ang pinakasimpleng sistema
ngtransmisyon ay yaong harapang
pakikipagkomunikasyon na may dalawang antas; una
ang bibig(tunog) at ang katawan (kilos o galaw) na
siyang lumilikha at kumokontrol sa signal; pangalawa
ang tsanel na binubuo ng hangin (tunog) at ilaw(kilos
galaw)na tumutulong sa transmisyon ng signal mula s
•Signal – na dumaraan sa tsanel
•Tagahatid
•Ingay/Sagabal –
•Tagatanggap
•Destinayon
Modelo ng Komunikasyon ni
Schramm
•             Si Wilbur Schramm ay isa sa mga unang
gumawa ng modelong nagpakita sa
komunikasyon bilang dalawang patunguhan. Ang
mga kalahok ay sabayang nagpapadala at
tumatanggap ng mensahe. Pinahahalagahan ng
modelo ni Schramm ang reaksiyon ay
ipinahihiwatig kung ano ang interpretasyong
ibinibigay sa mensahe ng tumatanggap nito.
•- nagbigay ng kahalagahan sa
proseso ng encoding at decoding.
•- isang proseso ng two-way circular
communication sa pagitan ng
tagapagpadala at tagatanggap.
• - Sinamahan niya ng Human behaviour sa
proseso ng komunikasyon.
• - para kay Schramm, ang mensahe ay
maaaring maging masalimuot mula sa
iba’t ibang kahulugang ibinibigay o
natututuhan ng tao. Ang kahulugan ay
maaaring denotasyon o konotasyon.
• Naniniwala sya na ang mga tao ay dapat
magkaroon ng komunikasyon sapagkat
kailangan nila ng mga impormasyon
tungkol sa kanilang lipunan upang
makagawa ng desisyon. Kailangan din
matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng mga silid-
aklatan upang nakapag-imbak ng
• Modelo ng Komunikasyon ni Dance
•           Ang kalikasang dinamiko ng komunikasyon ay higit
na binibigyang-diin ni Dance sa kanyang paikid anyong
susong modelo ng komunikasyon. Ipinahihiwatig ng
modelo na ang komunikasyon ay isang proseso.
• Nagpapakita ito ng pagiging dinamiko ng komunikasyon,
dahil ito ay tuluy-tuloy at mabilis ang pagbabago.
• Ang “helix” – ayon kay Mortensen ay nagrerepresinta ng
paraan ng komunikasyong nagsimula sa isang indibidwal
mula sa pagkasilang hanggang sa kasalukuyan.
• Modelo ng Komunikasyon ni Ruesch at Bateson
(Modelong Functional)
•              Binibigyang pansin nina Ruesch at Bateson ang
kalikasan ng komunikasyon batay sa konteksto ng
pinangyayarihan nito. Ayon sa kanila, may apat ba antas
ang komunikasyon: intrapersonal, interpersonal, grupo at
pangkultura. Sa bawat antas ay may nagaganap na
pagbibigay-halaga, pagpapadala at pagtanggap. Mayroong
pag-aangkop ayon sa antas ng nagaganap na
komunikasyon.
•  
Iba pang modelo:
• Symbolic Interactionist ni George Herbert Mead
(1910) na nagsasabing ang lawak ng pag-alam
ay lawak ng pagbibigay-ngalan- ang karunungan
ay abilidad na bigyan ng leybel ang mga bagay
na ating na-eengkuwentro o nakikita.
• Ang “Mediational Theory of Meaning” ni
Charles Osgood 1976 na nagpapaliwanag
hinggil sa kahulugan ng anumang
impormasyon na maaaring tukuyin sa
pamamagitan ng tatlong dimension.
- Ebalwasyon ( kung ito’y mabuti o masama)
- lakas (potency) (gaano ito kalakas)
- Gawain (gaano ito kabilis)
• Ang teorya ni Braddock (1958)
( nagpapalawak sa teorya ni Osgood) na
nagbigay katanungan hinggil sa
kaganapan ng komunikasyon.
• Sa anong kalagayan?
• Para sa anong layunin?
• Para sa anong epekto?

You might also like