Life StartTagalog Version PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

FISH – ORGANIZE - MOBILZE

TAGALOG

0
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

1
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

This material is taken from the

My Life Journey Manual

developed by Jesus Christ the Lifegiver Ministries


under the leadership of Bishop Manny Santiago. It is
used by kind permission. Unauthorized copying of this
teaching material is strictly prohibited.

2
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

MGA NILALAMAN

ARALIN 1: ANG KALIGTASAN 4

ARALIN 2: ANG BIBLIA AT DEBOSYON 10

ARALIN 3: ANG PANALANGIN 17

ARALIN 4: ANG “CELL” AT ANG SIMBAHAN 23

ARALIN 5: PAGBABAHAGI SA IBA 27

3
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Aralin 1: ANG KALIGTASAN


“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-
ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin
noong tayo‟y makasalanan pa.” – Roma 5:8

Ang iyong paglalakbay kasama ang Diyos ay


nagsisimula sa kaalamang may kamangha-mangha Siyang
plano ng kaligtasan.

1. MAHAL TAYO NG DIYOS


“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa
atin…”

Oo, nagmamahal ang Diyos. Mahal ka ng Diyos! Ang


Diyos na gumawa ng buong daigdig at kalawakan ay
minamahal ka. Iniisip ka Niya araw-araw at gagawin Niya
ang lahat para lamang makuha ang iyong atensyon.
Kabilang ka sa isang plano ng Diyos na nakasaad sa
Jeremias 29:11, “Ako lamang ang nakakaalam ng mga
panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti niyo, at para
dulutan kayo ng pag-asa sa hinharap.”

Sinisiguro ng Diyos na kasama ka sa planong ito at


gagawin Niya ito sa buhay mo dahil mahal ka Niya.

Hindi Siya malayo. Hindi darating sa buhay mo na iiwan


ka Niya. Hinahayaan Niyang mangyari ang mga bagay
bagay na higit sa iyong kakayahan upang tawagin mo Siya
at hanapin. Hinahayaan Niya ring maranasan mo ang mga

4
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

mabubuti at kamangha- manghang mga bagay upang


maranasan mo ang kanyang pagmamahal.
2. NGUNIT MAKASALANAN TAYO
“…noong tayo‟y makasalanan pa”

Mahal tayo ng Diyos kahit pa tayo ay makasalanan.


Hindi mo man ito maramdaman o maranasan dahil sa mga
pagsubok na iyong kinakaharap, na humaharang sa lahat
ng pagpapala mula sa Diyos.

Sinasabi sa Roma 3:23, “Sapagkat ang lahat ay


nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin
ng Diyos.” Ang katotohanan ay lahat tayo ay nagkasala sa
Diyos.

Ang kasalanan ay ang pinakamalaking balakid sa


ating paglapit sa Diyos. Napakalapit Niya, ngunit nagiging
malayo dahil sa mga kasalanan. Hinihiwalay tayo nito sa
Diyos. Sinasabi sa Bibliya sa Roma 6:23a, “Sapagkat
kamatayan ang kabayaran ng kasalanan…”

Ang kasalanan ay may kabayaran at iyo ay


kamatayan. Hindi natin pinag uusapan ang
pagkakahiwalay ng kaluluwa sa katawan kapag ang isa ay
namatay sa laman. Mas malala pa rito – ito ang tinatawag
na habang buhay na kamatayan kung saan ang kaluluwa
ng isang tao ay pinaparusahan sa impyerno sa habang
panahon. Ibig sabihin, ang isang makasalan ay nahiwalay
na sa presensiya ng Diyos habang buhay.

Sa abot ng ating makakaya ay nagagawa naman


nating takpan ang kasalanan sa pamamagitan ng
relihiyon, mabuting gawa, mabuting ugali, kawang-gawa,

5
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

at edukasyon. Ngunit, wala sa mga ito ang


makakapagligtas sa atin sa kasalanan at makapagbibigay
ng daan upang makabalik sa Diyos.
3. NAMATAY SIYA PARA SA ATIN
“…mamatay si Cristo para sa atin…”

Ang Diyos, sa kanyang labis na pagmamahal sa iyo at


sa akin, ay nagbigay kaligtasan. Ipinadala Niya ang
kanyang nag-iisang bugtong na Anak upang maging
tumpak na kasagutan sa kaawa-awang kondisyon ng ating
kaluluwa.

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa


sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang kanyang bugtong na
Anak, upang ang sumasampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan.” Juan 3:16

Dalawang libong taon nang nakalilipas, si Jesu Cristo


ay namatay sa krus para sa ating mga kasalanan. Siya
lamang ang natatanging maaaring magbayad ng ating
mga kasalanan. Siya ang pumalit sa atin at naging
kabayaran ang kanyang dugo bilang kapalit. Ngunit, si
Jesus ay hindi lamang namatay at inilibing. Nabuhay Siya
mula sa libingan upang magbigay daan sa ating mga tao
na makabalik muli sa Diyos at magkaroon ng buhay na
walang hanggan.

“Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan,


ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hangggan
sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
Romans 6:23

6
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Ang krus ni Cristo Jesus ay iniligtas ka at maging ako


mula sa kamatayan, at ibinalik tayo nito sa Diyos. Sa
pamamagitan ng kamatayan Niya, ang kasalanan ay
nabaliwala. Buhat Niya ay katagumpayan sa mga
tumatawag sa Kanyang pangalan at binuksan Niya ang
daan sa buhay na walang hanggan

“Sumagot si Jesus, ’Ako ang daan, ang katotohanan,


at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa
pamamagitan ko.” Juan 14:6

Ano ngayon ang dapat nating gawin? Mayroong


tatlong simple ngunit makapangyarihang mga hakbang na
kailangan nating gawin na makapagbabago ng ating
buhay:

A – Admit
Tanggapin ang ating mga kasalanan, magsisi at
bumalik sa Panginoon.

B – Believe
Paniwalaang taos sa puso na namatay si Jesus,
inilibing, at muling nabuhay mula sa kamatayan.

C – Confess
Ipahayag na si Jesus ang Panginoon at Tagapagligtas
at imbitahan Siya sa iyong buhay.

“Kaya’t magsisi kayo at mag balik-loob sa Diyos upang


pawiin niya ang inyong mga kasalanan.” - Gawa 3:29

“Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay


Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y
muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat nananalig
7
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo’y


napawawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan
ng kanyang labi at sa gayo’y naliligtas.” Roma 10:9-10

PANALANGIN NG KALIGTASAN

Panginoong Jesus,
Tinatanggap ko po na ako‟y makasalanan.
Pinagsisisihan ko po ang lahat ng aking mga maling
nagawa. Naniniwala po ako na sa iyong pagkamatay,
pagkalibing, at muling pagkabuhay, nilinis Niyo po ang
aking mga kasalanan.
Binubuksan ko po ang pinto ng aking buhay ay
iniimbitahan po kita upang aking maging Panginoon at
Tagapagligtas.
Salamat po sa regalo na buhay na walang
hanggan at sa pagbabalik sa akin sa piling ng Diyos.
Tulungan niyo po akong mamuhay ng ayon sa inyong
pamamaraan mula sa araw na ito.
Mula ngayon, sa inyo na ang aking buhay.
Amen.

PAGPAPALALIM

1. Naramdaman mo ba ang dalisay na


pagmamahal ng Diyos sa iyong buhay? Sa
papaanong paraan?
2. Napagtanto mo ba na ikaw ay makasalanan?
Paano?
3. Ano ang iyong naramdaman nang tinanggap mo
si Jesus bilang iyong tagapagligtas?

8
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

4. Malaya ba sa iyong kalooban na sumunod sa


Kanya buong buhay mo? Paano?

NOTES

9
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Aralin 2: ANG BIBLIYA AT DEBOSYON

“Lahat ng kasulata‟y kinasihan ng Diyos at


magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa
pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa
likong gawain at sa pag-akay sa matuwid na
pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay
magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.” –
2 Timoteo 3:16-17

Ang Bibliya ay napakahalaga sa mga taong nais


maging tunay na tagasunod ni Jesus. Ang pagiging isang
anak ng Diyos ay hindi natatapos sa pagiging ligtas,
paglaya sa impiyerno, at pagpunta sa langit. Hindi lamang
ito pagiging mabuti at mabait.

Bagkus, ang pagiging isang anak ng Diyos ay


pagkakaroon ng malalim na pagnanasa at pagkauhaw sa
salita ng Diyos. Ang iyong mga mata ay nabuksan para
magbasa ng Bibliya. Ang iyong utak at pag iisip ay inihanda
para tumanggap ng kung ano ang sasabihin sa iyo ng
Diyos. Ang iyong katawan ay nakahanda sa paggawa, at
ang iyong bibig ay handa para magsalita at
magpalaganap ng salita ng Diyos sa iba.

Sa pamamagitan ng pagsasabing ang lahat ng


kasulatan ay kinasihan ng Diyos, hindi ka na maaaring
mamuhay at mabuhay nang wala ang Bibliya. Ang Bibliya
ay mahalaga sa ating buhay at pinatunayan ito nang
sabihin ni Jesus sa Mateo 4:4 “…Hindi lamang sa tinapay
nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi
sa bibig ng Diyos.”
10
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Ano ngayon ang kamangha-mangha tungkol sa salita


ng Diyos? Bakit importante at makapangyarihan ito? Narito
ang apat na pahayag na nakapagbabago ng buhay mula
sa 2 Timoteo 3:16-17.

1. PAGTUTURO
„Lahat ng kasulata‟y kinasihan ng Diyos at
magagamit sa pagtuturo ng katotohanan…‟

Nagbibigay ang Bibliya ng kumpletong katuruan kung


paano tayo dapat mamuhay. Bawat kagamitan o
kasangkapan ay may manual o gabay na nagtuturo kung
paano ito gamitin. Kapareho rin nating mga tao; ang
Bibliya ang ating gabay. Tinuturuan tayo nito kung paano
mamuhay nang ayon sa pamantayan ng Diyos. Isinisiwalat
nito kung sino ang Diyos at sino tayo sa paningin Niya.

Ang katotohanan na matututunan natin sa Bibliya ay


patungo sa kaligtasan. Tuturuan tayo nitong tumuklas ng
kagila-gilalas na bagay tungkol kay Cristo at kung
paanong magpapasailalim sa Kanya. Sinabi ni Jesus sa
Juan 14:6a, “’Ako ang daan, ang katotohanan, at ang
buhay…” Si Jesus ang katotohanan dahil Siya ang Salita.

2. PAGPAPABULAAN
„Lahat ng kasulata‟y kinasihan ng Diyos at
magagamit sa pagtuturong katotohanan, sa
pagpapabulaan sa maling aral…‟

Ang nakakapagpaganda sa Bibliya ay ang


katotohanan na tinatama tayo nito at pinapakita sa atin

11
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

ang ating mga pagkakamali sa buhay. Ang isang bagay ay


katumbas ng maraming posibilidad. Ang isang kasalanan
ay magdudulot ng isa pa, ngunit ang Bibliya ay ihahayag
sa iyo ang mga bagay na mali at dapat mong pakawalan.

Ang mga nakatagong kasalanan ay haharang sa atin


at hahatakin tayo palayo sa ating paglalakbay kasama
ang Diyos kung hindi ito ihahayag sa atin. Ang Bibliya ang
magbubunyag ng mga bagay na ito sa atin upang ito‟y
mapatawad kapag ating pinagsisihan.

Ang pangunahing dahilan ng Bibliya ay upang


panatilihin tayong malinis and walang kapintasan para
tayo ay mamuhay ng banal. Ang kasalanan ay dapat
pinabubulaanan upang tayo ay mapalaya sa
kapangyarihan nito. Magiging maliwanag sa iyong buhay
ang kabanalan at pagiging maka-Diyos at magiging
kapurihan ng Diyos ang iyong pagkatao.

3. PAGTUTUWID
„Lahat ng kasulata‟y kinasihan ng Diyos at
magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa
pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong
gawain…‟

Isa ring adhikain ng Bibliya ay ituwid o itama tayo sa


ating mga nakagawiang pamumuhay. Bilang tayo ay
lumaki at nasanay na sa mga lumang gawi, magiging
mahirap na itama ang mga ito. Gayunpaman, kaya natin.

Tinatama ng Bibliya ang ating gawi, pagkatao, at pag-


iisip. Ituturo nito kung ano ang mali at tutulungan din tayong
alisin ang mga maling ito sa ating buhay. Ang adhikain ng
Bibliya ay tulungan tayong mapagtanto ng ang ating mga

12
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

kamalian at tuluyang itama ang mga ito. Ihahayag din nito


sa atin ang mga hindi magandang katangian sa atin at
bibigyan tayo ng oportunidad na magsimulang mamuhay
nang tulad ni Cristo.

4. PAGSASANAY
„Lahat ng kasulata‟y kinasihan ng Diyos at
magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa
pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong
gawain at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.‟

Kapansin-pansin na bawat maliit na bagay sa mundo


ay may kaakibat na pagsasanay. Halimbawa, ang isang
empleyado ay kailangang sumailalim sa pagsasanay bago
maging isang ganap na miyembro ng kumpanya. Si Manny
Pacquiao, isang sikat na boksingero, ay sumailalim sa
mahigpit na pagsasanay bago maging kampeon ng
walong „world title belts‟.

Katulad nito, ang pagsasanay na ibinibigay ng Bibliya


ay matutulungan tayong maging epektibo sa bawat
gawaing kabibilangan natin, at pupuspusin tayo ng mga
kakayahan para sa gawaing nais ng Diyos na gawin natin.

Ihahayag ng Bibliya ang mga natatagong talento at


kakayahang mayroon tayo at palalaguin pa ang mga ito.
Patuloy ito sa pag unlad habang patuloy ang ating
pagbabasa ng salita ng Diyos, upang maging handa tayo
sa mga gawaing magbibigay kaluwalhatian sa Diyos. Ang
mga taong nakasanayan nang magbasa ng Bibliya ay
natutunan nang hubugin at gamitin ng husto ang kanilang
mga kakayahan at naging matagumpay pa at
maimpluwensiya sa kanilang larangan.

13
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Ang iba nga ay nakapagpabago pa ng mundo


katulad na lamang nila Peter, Paul, Augustine, Marco Polo,
Martin Luther, and Billy Graham. Binago nila ang kanilang
henerasyon gamit ang pagsasanay na nagmula sa salita
ng Diyos.

ANO ANG PAGDEDEBOSYON


(DEVOTIONAL LIFE)?

Ang pagdedebosyon ay isang araw-araw na


gawain kung saan may natatanging oras kang nakalaan
para sa masidhing pakikipag-isa sa Diyos sa pamamagitan
ng pagbabasa ng Bibliya at pananalangin. Mahal ka ng
Diyos at nais Niyang magkaroon ng oras na kasama ka. Sa
pamamagitan nito, tunay na makakaranas ka ng pag
unlad sa iyong relasyon sa Kanya.

PAANO MAG-DEBOSYON?

a. Mamili ng tiyak na oras.


b. Humanap ng tahimik na lugar.
c. Kumuha ng Bibliya, kuwaderno, at panulat.
d. Magsimula sa „gospels‟ (Mateo, Mark, Lucas,
Juan)

SUNDIN ANG ISANG SIMPLENG PLANO

A. Magsimula sa labing-limang minuto at hayaan


itong magpatuloy.
B. Maging kalmado. Ihanda ang puso. Huminga ng
malalim at maghintay sa presensiya ng Diyos.
C. Magbasa. Simulang basahinang Bibliya mula sa
pahina kung saan ka huling natapos. Magbasa
lamang hanggang maramdaman na may nais

14
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

ipahayag sa iyo ang Panginoon. Kapag ito‟y


naramdaman, tumigil sandali at pag isipan ito.
D. Magbulay-bulay. Pag-isipan ng mabuti kung ano
ang nais iparating ng binasa sa iyong buhay. Isulat
ang iyong mga naiisip. Sumulat din ng bersikulo na
tumatak sa iyong isipan at subukan itong
memoryahin.
E. Itala ang mga sumusunod:
 Mensahe ng Panginoon sa iyo
 Kautusang dapat sundin
 Pangako ng Panginoon
 Kasalanang dapat iwasan
 Personal na pagbubulay-bulay
F. Humiling. Tapusin ang iyong debosyon sa
pakikipag-usap sa Diyos tungkol sa mga bagay na
inihayag Niya sayo. Humiling nang may
paniniwalang ibibigay ng Diyos ang mga
nakasulat sa iyong listahan.

PAGPAPALALIM

1. Kusang-loob ka bang magtatakda ng


pagdedebosyon para sa iyong personal na pag
unlad?
2. Ano sa tingin mo ang pinakamainam mong oras
at lugar kung saan ito makakagawa ng araw-
araw?
3. Ano ano sa tingin mo ang mga bagay na
kailangan mong isantabi upang ikaw ay
magkaroon ng makabuluhang pakikipag-isa sa
Panginoon.

15
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

NOTES

16
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Aralin 3: ANG PANALANGIN

Lucas 11:1-4 “Minsan nananalangin si Jesus.


Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga
alagad, „Panginoon, turuan po ninyo kaming
manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa
kanyang mga alagad.‟ Sinabi ni Jesus, „Kung kayo'y
mananalangin, ganito ang sabihin ninyo:

„Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.


Magsimula na sana ang iyong paghahari.
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-
araw.
At patawarin mo kami sa aming mga
kasalanan,
Sapagkat pinatatawad namin ang bawat
nagkasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na
pagsubok.‟

Ang halaman ay hindi kailanman lalaki nang walang


tubig. Maging ang tao man ay hindi mabubuhay nang
walang hangin. Katulad natin, hindi tayo lalago nang
walang panalangin. Ito ay mahalaga sa ating
pagpapaunlad ng espiritwalidad. Mismong si Kristo ay
nagbigay ng panahon at kalakasan sa pananalangin. Ang
panalangin ay dapat maging isa sa ating mga
pamamaraan, gawi, tradisyon, kultura, at nakasanayan.

Inihayag ni Jesus ang pamamaraan kung paano


manalangin sa ating Ama. Kung mayroong tamang

17
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

pamamaraan, siya ring masasabi na may paraang mali


ngunit hindi natin ito pag uusapan. Pag-aralan natin kung
paano nanalangin si Jesus sa Lucas 11.

1. PAGPUPURI
'Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.'

Ang tunay na panalangin ay nagmumula sa tunay na


dahilan ng pagsamba - ang Ama. Madalas nananalangin
ang mga tao sa mga santo, mga idolo, at mga hindi
kilalang diyos na walang napatunayang milagro. Ang ating
Ama ang lumikha ng buong kalawakan at Siya lamang ang
dapat pinatutunguhan ng ating panalangin. Ang
pananalangin sa Kanya ay dapat nanggaling sa busilak na
kagustuhan ng puso. Maituturing na pagsasayang ng oras
ang pananalangin sa ibang tao o bagay kung hindi para
Diyos.

Kaya ang unang paraan ng panalangin ay papuri at


pagsamba sa isang tunay na Diyos.

Maaari kang magsimula sa pagsasabi ng, 'Panginoon,


napakahusay mo at makapangyarihan sa lahat. Ginawa
mo ang lahat ng kamangha-manghang bagay sa aming
buhay. Tunay ngang ang iyong kagustuhan ay
nangingibabaw sa lahat ng bagay dito sa mundo.'

Magsimula ka sa pagsasabi ng mga katangian ng Diyos,


'Panginoon, kay buti mo, ika'y mapagmahal, mapagtiwala,
at mapagbigay.'

18
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

2. PAGHILING/PAGHINGI
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-
araw.

Ang susunod na paraan ng panalangin ay ang


paghingi o paghiling.

Ang paghingi ay ang pagsasabi ng mga


pangangailangan nang may pagpapakumbaba at
sinseridad sa Diyos na may kakayahang ibigay ang mga ito.
Lumalapit tayo sa Kanya nang may paniniwalang habang
sinasabi natin ang ating mga pangangailangan, ang mga
ito ay ibibigay sa atin. May kasiguraduhan tayong umaasa
na naririnig ng Diyos ang ating bawat paghiling. Alam mo
ang posisyon mo bilang anak, at alam mong Siya ay Ama
mo. Kaya, sa anumang paraan, ang iyong mga panalangin
at paghiling ay matutupad at mapagbibigyan.

Maganda na mayroon kang talaan o listahan ng lahat


ng iyong paghiling sa panalangin upang lagi kang
mapapaalalahanan ng mga bagay na kailangan mong
idulog sa Panginoon.

3. PAGHINGI NG TAWAD
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
Sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala
sa amin

Isa pang paraan ng panalangin ay ang paghingi ng


tawad. Kaakibat ng paraang ito ang malalim at tunay na
pagsisisi. Sa paraang ito natin ilalabas ang laman ng ating
puso sa pamamagitan ng paghahayag nito isa isa sa Diyos.
Nahaharangan ng kasalanan ang ating mga nasagot na

19
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

panalangin, na dapat ay nakamtan na natin. Hindi tayo


maririnig kung tinatago natin ang mga kasalanang ito sa
ating puso. Dapat ay isa-isahin nating itong ihayag sa Diyos.
Ang pangako sa 1 Juan 1:9 'Kung ipapahayag natin ang
ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa
atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating
kasamaan sapagkat Siya'y matuwid.

Isang bahagi ng paghingi ng tawad ay ang


pagpapatawad sa mga kasalanang ginawa ng ibang tao
sa atin. Hindi tayo makakaranas ng kapatawaran kung
hindi tayo handang magpatawad.

4. PAGPAPALAYA/PAGKAKAADYA
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na
pagsubok

Isa ring bahagi ng panalangin ay ang panalangin ng


pagpapalaya. Sa pagkakataong ito, kailangan nating
hingin sa Panginoon ang Kanyang kapangyarihan upang
ilayo tayo sa gawa ni Satanas. Si Satanas ay may
kapangyarihang magnakaw, pumatay, at sumira ng buhay,
bilang nasusulat sa Juan 10:10.

Sigurado tayo na mas makapangyarihan ang Diyos


kaysa kay Satanas ngunit kailangan pa rin nating
manalangin ng taimtim upang ang kamay ng Diyos ang
iadya tayo sa masasamang gawa ng kaaway.
Mararanasan natin ang proteksyon ng Diyos kapag isinugo
Niya ang Kanyang mga anghel upang panatilihin tayong
ligtas.

Hindi kailanman papayagan ng Diyos ang demonyo


na makapasok sa atin nang basta-basta, gayunpaman,
20
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

kailangan nating magbigkas ng panalangin at siguradong


hindi Niya tayo bibiguin. Tuturuan tayo ng Panginoon kung
paano tumalikod sa temptasyon, mapagtagumpayan ang
kaaway, at maipakita ang daan tungo sa Diyos. Isang
nakatutuwang bagay ang malaman na kahit sa
panalangin ay may kaligtasan.

5. PASASALAMAT

Isang suhestiyon ay tapusin ang panalangin sa


pasasalamat. Ating pasalamatan ang Diyos sa pribilehiyong
ibinigay Niya na magkaroon tayo ng kapatiran kasama
Siya. Pasalamatan rin Siya dahil ang ating bawat
panalangin ay ay kaakibat na sagot, at higit sa lahat,
pasalamatan Siya para sa kapatawaran ng ating mga
kasalanan.

Magpasalamat dahil binigyan ka ng grasya na


magpatawad ng kapwa; magpasalamat sa mga bagay na
nangyayari sa buhay mo, sa iyong pamilya, at sa iyong
mga kaibigan. Tapusin ang panalangin nang may pusong
umaapaw sa pasasalamat at palagi itong tapusin sa
pangalan ni Jesus.

PAGPAPALALIM

1. Paano po ilalarawan ang iyong buhay-


pananalangin?
2. Mayroon bang mga bahagi na nahihirapan ka
habang nananalangin?
3. Ano ano sa tingin mo ang mabuting naidudulot ng
panalangin at paano nito mababago ang iyong
buhay?

21
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

NOTES

22
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Aralin 4: ANG CELL AT ANG SIMBAHAN


“At huwag natin kaligataan ang pagdalo sa ating
mga pag titipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi
palakasin ang loob ng isa‟t isa, lalo na ngayong
nakikita na nating nalalapit na ang pag dating ng
Panginoon” – Hebreo 10:25

Hindi tayo nilikha upang mapagisa. Nais ng ating


panginoon na makasama natin ang taong makakatuwang
natin sa pag lago o pag unlad. Sabi nga sa isang
kasabihan "No man is an island". Kailangan natin ng kasama
at may tao din na kailangan tayo.

Kung sa tingin mo na matapos na ikaw ay maligtas at


mapatawad ang ating diyos ay kailangan mong manati sa
loob ng iyong tahanan at manatiling mabait, nagkaka mali
ka

Ikaw ay tinawag ng diyos upang maging bahagi sa


isang malakas na simbahan na may layuning mahalin ang
dyos at ang kapwa; at ang tungkulin na mag ligtas ng
kaluluwa at gumawa ng mga disipulo.

Ipinaliwanag ito ni Dr. Ray Ortlund, pastor sa Tennesse.


Sinabi niya "ang kristyanong hindi sumasama sa mga
kapwa niya mananampalataya sa pagdarasal,
pakikibahagi at paglilingkod, para siya ay makilala, at para
bang kilala niya na ang iba, Ay hindi maituturing na
masunuring kristyano. Hindi ito ang kalooban ng Diyos.
Bagamat bulgar siya sa kanyang paniniwala, hindi parin
siya sumusuod sa ipinag uutos ng Diyos.

23
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Dapat ang kristyano ay may dedikasyon sa grupo ng


iba pang mananampalataya para sa pakikipag kapatiran
at paglilingkod. At doon i-bubuhos niya ang kanyang
buhay sa mga kapwa niya mananampalataya at sabay
sabay silang lalago at uunlad. Matuto sa ideya at patotoo
ng iba, manalangin para sa kanilang pangangailangan at
pag hihirap. Kung ito man ay mag papatuloy, sila ay
magiging hinog at kapakipakinabang sa pag lilingkod sa
Panginoon. At ito ay magiging isang patunay na sila ay
naligtas sa pamamagitan ng grasya ng panginoon.

ANO ANG CELL AT ANG SIMBAHAN?

Ang cell ay isang grupo ng tao na nag kikita kita o


nag tatagpo isang beses sa isang linggo sa isang tiyak na
oras at lugar para mapagtibay at palakasin ang loob ng ng
kapwa mananampalataya gamit ang salita ng Dyos at
panalangin. Ang simbahan naman ay isang malaking
selebrasyon kung saan ang mga cell ay nag kakatipon
tipon upang sambahin ang ating Diyos at tumanggap ng
Kanyang mga Salita.

SA ANO SILA MAG BIBIGAY DEDIKASYON?

 Sa Panginoon at sa kapwa nila mananampalataya.


 Sa kanilang pangarap at adhikain.
 Upang mag ligtas ng mga kaluluwa para sa
Panginoon.

24
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

BAKIT MAHALAGA ANG CELL AT ANG


SIMBAHAN?

1. Ako ay bahagi ng isang pamilya. - Iniligtas ka ng ating


panginoon upang maging parte o bahagi ka ng isang
malaking pamilya. Matapos mong kilalanin ang ating
panginoon at tanggapin si Jesus sa ating buhay, ikaw ay
magiging bahagi agad ng isang pamilya na mag aalaga
sayo. Pagkatapos isiliang ng isang babae ang kanyang
anak, inilalagay agad ng Doctor at Nurse sa Nursery para
sa tamang pangangalaga. Katulad ng sa iyo, Binibigyan ka
ng dyos ng groupo na iyong dadaluhan para sa
pangunahing pangangailangan bilang isang baging silang
na kristyano.

2. Ako ay may bagong kultura. - Ang cell at ang Simbahan


ay magiging iyong bagong kultura. Ang kultura ay ang
iyong pag kakakilanlan. Mabilis mo makikilala ang isang tao
sa pamamagitan ng kanyang kulturang nakasanayan. Ang
pag kakaroon ng bagong kultura ay nag sisimula sa pag
punta sa cell at simbahan at mag pakita ng kasiyahan sa
pag alam ng kung anu ba talaga ang gawain ng pagiging
isang anak ng dyos. Mag uumpisa ka sa pag awit ng
kanilang mga awitin, magsalita gamit ang kanilang mga
lengwahe, basahin ang kanilang mga libro, pag dadarasal,
at pag babahagi ng iyong mga karanasan sa kanila.
Tatawa at iiyak kasama nila. Mangangarap ka din kasama
nila

3. Upang palaguin ang ispiritualidad – Kailangan mo ng


taong pag titibayin ang iyong kalooban o tulungan mo ang
ibang tao na palakasin ang kanilang loob. Nasasaad sa
Hebreo 10:24 “ At sikapin nating ma pukas ang damdamin

25
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

ng bawat isa sa pag ibig sa kapwa, at sa pag gawa ng


mabuti”

Ang mga taong matagumpay sa buhay ay bunga ng


pag papatibay ng loob. Ang mga tao na kapaligid sa
taong matagumpay ay mga taong hindi nahihiya na mag
bigay ng supporta sa mga pag kakataon na kailangan mo
ng lakas ng loob. Sila ay nasa kanilang kinalalagyan
ngayon dahil din sa mag taong nag bibigay supporta sa
kanila gaya ng kanilang mga kaibigan o mahal sa buhay.

Kung kinakailangan mo ng lakas ng loob, mag tungo


ka sa iyong cell group at simbahan upang makaranas ka
ng mainit na pag mamahal na tanging kapamilya lamang
ng Dyos ang may kakayanang mag bigay.

4. Kailangan ko ng taong masasandalan – sinasabi sa


Kawikaan 27:17 “ Bakal ang nag papatalim sa kapwa
bakal”. Ang kapwa mo mananampalataya ang iyong
makakatulong sa papa lago ng iyong ispiritualidad.
Mahalaga ang taong masasandalan. Ito ay ang iyong
kaligtasan. Madali mo malalaman gawa at plano ng
kaaway kung ang iyong kapwa mananampalataya ay
maasahan at ganoon ka din sa kanila. Maari mo ibahagi
nag iyong kahinaan sa kanila at palitan ng kalakasan. Dahil
dito wla ng bagay nakatago sayo at maging sa iyong sarili.
Ikaw ay kahalintulad na ng isang librong bukas na handa
na upang basahin. Ang tamang pag aalaga at mga tulong
na iyong nakukuha ay maari mo ring gawin sa taong iyong
makakasama sa hinaharap.

PAGPAPALALIM
1. Nais mo bang maging bahagi ng cell at
simbahan? Bakit?

26
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

2. Meron ka na bang grupong nais na palooban o


salihan?
3. Nasasbik na ka bang mapabilang sa bagong
kultura? Bakit?

27
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

Aralin 5: PAGBABAHAGI SA IBA

“ Hindi ko ikinahihiya nag Mabuting Balita


tungkol kay Kristo, sapagkat ito ang
kapangyarihan ng Dyos sa ikaliligtas ng bawat
nananampalataya – una‟y sa mga Judio at gayon
din sa mga Griego” – Roma 1:16

Ako ay namangha kay Paul matapos niyang


makaharap si Kristo sa Gawa 9. Mabilis niyang ikinalat ang
salita ng Dyos at ipinahayag na si Jesus ay anak ng Dyos! Ito
ay resulta ng tunay na pakikipag harap kay Kristo. Si Paul ay
nag karoon ng “Paradigm shift” at pag babago ng
kanyang puso na naging dahilan ng kanyang lantarang
pag papahayag ng magandang balita ng wala ng halong
pag aalingan at pasubali. Ang mga tao ay nabighani na
isa sa mga umiisig kay kay Kristo ay isa na ngayong
tagapag hatid at taga pag turo ng salita ng Dyos.
Nangangahulugan lamang ito na kung ang iyong pag
babago ay tunay at buong puso. Maibabahagi mo agad
agad ang salita ng Diyos sa mga taonh nakapaligid sayo.

Ngayon, alamin natin kung anu ang ibig sabihin ni Paul


sa Roma 1:16

1. HINDI AKO NAHIHIYA

Kapag tayo ay ipinanganak ng muli, nalaman nating


kung anu ba ang mga bagay na dapat nating ikahiya at
mga bagay na dapat nating ipag malaki. Ang anak ng
Diyos ay hindi dapat nahihiya sa Salita ng Diyos. Noon,

28
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

nahihiya tayo sa mga banal na gawin ngunit ngayon ay


may bago na tayong kaisipan ukol dito – tayo ngayon ay
nahihiya sa ating mga nagagawang kasalanan hindi sa
salita ng Diyos. Katulad na lamang ni Paul na inihayag
agad ang salita ng Diyos matapos niyang makipag usap
ang Diyos. Maging tayo din, dapat nating ihayag ng
walang pag aalinlangan na patotohanan ang mga bagay
na ginawa ng Diyos sa mga buhay natin.

2. ITO AY KAPANGYARIHAN NG DIYOS

Bakit kailangan natin na mag pa totoo tungkol sa Salita


ng Diyos?. Simple lang, dahil ito ay kapangyarihan ng
Diyos.

Sa tuwing tayo ay nag tuturo ng salita ng Diyos. Ang


mga taong pinasukan ng Demonyo ay nakakalaya dito at
ang mga may mga sakit ay nkaka kuha ng milagro. Hindi
lang yan, ang tao ay alpas sa mahigpit na pag kakakapit
at sakit sa damdamin. Dahil dito, ang kasalan na lumantad
ay napatawad, inis sa sarili ay naalis at ang pang bibintang
ay nawawala. Ang tao ay nakakalaya sa kanilang pag
kakakakulong sa kanilang kaluluwa. May mga
magagandang bagay na nangyayari kapag ang salita ng
diyos ay naituturo dahil ito ay kapangyarihan ng
Panginoon.

3. KALIGTASAN PARA SA MGA


MANANAMPALATAYA

Ang dahilan kung bakit kailangan mong ikalat nag


salita ng diyos ay dahil sa kaligtasan – para maligtas ang
buhay ang mga nalihis ng landas. Kailangan mailigtas ang
tao sa pag punta sa impyerno dahil sa mga kasalanang
29
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

kanilang na gawa kung kayat bumaba dito sa lupa si Kristo.


Kung sino man ang tatanggap kay Kristo bilang
tagapagligtas at panginoon ay maliligtas. Mag pagamit ka
sa Panginoon upang makapagligtas pa ng mas maraming
buhay sa pamamagitan ng pagtuturo ng Salita ng Dyos sa
kanila. Ito ang pinaka magandang regalo na maibibigay
mo sa iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

PAANO KA MAKAKAGAWA NG PAG


PAPATOTOO

1. BAGO ANG KALIGTASAN (BEFORE)

a. Ang aking katayuan, kaugalian, at problema


bago ko tanggapin si Kristo

Halimbawa: Kakulangang ng kahalagahan, kakulangan ng


seguridad, kawalan ng Direksyon sa buhay. Atbp.

b. Ang buhay ko ay umiikot sa akin lamang at


nakakakuha ako ng kasiyahan at kasiguraduhan
sa

Halimbawa: pakikisalamuha sa iba, Droga at mga Bisyo,


Pera, Edukasyon. Atbp.

2. KARANASAN NG KALIGTASAN (HOW)

a. Anung nangyari matapos kong tanggapin si


Kristo?

b. Anung nagyari habang nakikipag harapan ako


kay Kristo?

30
Fishers of Men International Christian Ministries
FISH – ORGANIZE - MOBILZE

3. BAGONG BUHAY KASAMA SI KRISTO (AFTER)

a. Paano nabago ang aking buhay? Kailangan ko


napansin ang pag babagong ito?

b. Sino na ako ngayon?

c. Paano na ako nasisiyang gawin ang isang bagay?

PAGPAPALALIM

1. Nasasabik ka bang ikalat ang salita ng Dyos at


mag patotoo nito sa iba? Bakit?

2. Meron ka bang mga taong nais mong sabihan ng


Salita ng Diyos? Sino sino sila?

31
Fishers of Men International Christian Ministries

You might also like