Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol
Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol
Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol
Ebook188 pages4 hours

Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Isang bagay lamang ang iyong maiisip kapag narinig mo ang salitang 'Pastol' - tupa! Ang mga tupa ay mga palaasang mga nilalang na nangangailangan ng mga pastol. Ang pastol ay isang maalaga at nagmamahal na gabay sa mga tupa. Sa Bibliya, itinuturing tayo ng Diyos na mga tupa sa pastulan ng Diyos.
Sinabi rin ni Hesus kay Pedro na alagad na pakainin ang Kanyang mga tupa upang patunayan ang kanyang pagmamahal sa Tagapagligtas. Ang pagiging isang pastol ay isang napakadakilang trabaho. Isang karangalan ang matawag ng Diyos upang maitala bilang Kanyang mga mangagawa at pangalagaan ang mga tupa.
Sa aklat na ito, si Dag Heward-Mills ay nag-aanyaya, nanghihimok at nagpapakita sa atin kung paano tayo maaaring makibahagi sa dakilang gawain ng pangangalaga sa mga anak ng Diyos. Huwag mapagiwanan ng magandang gawain na ito ng pagiging isang pastol!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986690
Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol

Related ebooks

Reviews for Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol

Rating: 4.4 out of 5 stars
4.5/5

5 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang Pastol - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ano ang isang Pastol?

    Datapuwa’t nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila, sapagka’t pawang nangahahapis at NANGANGALAT, na gaya ng mga tupa na WALANG PASTOR.

    Mateo 9:36

    Tayo ay hindi dapat na mahirapan pa sa kahulugan ng sino ang isang pastol. Ang isang pastol ay isang nagmamalasakit at nagmamahal na gabay sa tupa. Ang isang pastol ay isang taong tinawag ng Diyos upang alagaan ang tupa.

    Sa bibliya, ang mga anak ng Diyos ay tinatawag na tupa at itinataas Niya ang mga taong tinatawag Niyang pastol upang bantayan ang mga tupang ito. Hindi tayo nakikita ng Diyos bilang isang grupo ng mga ahas, butiki, pusa at aso. Hindi! Nakikita Niya tayo bilang isang grupo ng mga tupa na nangangailangan ng pagmamahal, pagmamalasakit at paggabay.

    Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.

    Sapagka’t siya’y ating Dios, at TAYO’Y BAYAN NG KANIYANG PASTULAN, at MGA TUPA NG KANIYANG KAMAY. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!

    Awit 95:6-7

    Isinulat ko ang librong ito dahil ako ay lubos na naniniwala na maraming tao ang maaring makibahagi sa pag-aalaga sa mga tupa ng Diyos. Panahon na upang tayo ay bumangon at maging bahagi ng pag-aalaga sa mga tao ng Diyos. Ang pagiging isang pastol ang pinakadakilang gawain dahil mahal ng Panginoon ang mga tao at nakikita Niya ang mga ito bilang mga tupa na nangangailangan ng pag-aaruga at paggabay. Ang pagiging isang pastol ay isang dakilang gawain. Ito ang dahilan kung bakit ito ang gawain na ipinagkaloob kay apostol Pedro, ang ulo ng simbahan. Tandaan! Sinabi ni Hesus kay Pedro na patunayan ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapakain at pag-aalaga sa mga tupa. Pedro, mahal mo ba Ako? Kung gayon pakainin mo ang aking mga tupa!

    Kaya’t nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.

    Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.

    Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

    Juan 21:15-17

    Mayroong dalawang uri ng mga tao sa bawat simbahan: ang mga pastol at mga tupa. Ikaw ay maaring isang pastol o isang tupa. Ang pastol ay isang pastor. Sa katunayan, sa maraming wika walang ibang salita para sa Pastol o Pastor. Ang parehong salitang gamit para sa isang pastol ay ang salitang gamit para sa pastor. Nais kong gamitin ang salitang pastol dahil natutulungan nitong maintindihan ng lahat ang gawaing kaakibat nito. Nais kong gamiting ang salitang ‘pastol’ dahil ito ang malinaw na kahulugan kung ano talaga ang isang pastor. Ang pagiging pastol ay nangangahulugan na nakikita mo ang mga tao bilang mga tupa at nakikipag-ugnayan sa kanila bilang isang pastol.

    Maraming mga kakaibang pagpapakahulugan ng salitang ‘pastor’ at ang lahat ay may kkanya-kanyang kaisipan kung ano talaga ang isang pastor o ano ang kanyang gawain. Gayunpaman, kapag sinasabi mong ikaw ay isang pastol alam mo kaagad na ang iyong tungkulin ay bantayan ang mga tupa. Kung ikaw ay isang pastol hindi mo mababantayan ang mga taong walang katangian ng pagiging tupa na hindi maaaring pangunahan, bantayan, turuan o pagmalasakitan. Sa wikang Ingles, ang salitang pastor ay karaniwang ginagamit upang sabihing ‘lingkod ng Diyos’ o kinatawan ng Diyos. Dahil dito, ang mga propeta, apostol , diakono at halos lahat ng kinatawan ng Diyos ay tinatawag na ‘pastor’. Ang isang pastol ay ang partikular na uri ng isang mangagawa na mayroong oras upang magmalasakit, oras upang magmahal, oras upang magpakain at oras upang tipunin ang mga tupa.

    Pansinin sa kasulatan sa itaas na ang mga tupa ay nagkalat dahil walang isang pastol. Ang mga tupa ay hindi nagkakalat dahil walang propeta. Ang mga tupa ay hindi nagkakalat dahil walang mangangaral ng ebanghelyo o diakono. Ang mga tupa ay nagkakalat dahil walang pastol. Ako ay mau lubos na paniniwala na maraming mga tao ang tinawag na maging pastol. Maraming tao ang maaaring magbigay ng kanilang pagmamahal, kanilang oras, kanilang lakas upang bantayan ang isang tao. Alam ko ito dahil karamihan sa mga tao ang nagiging nanay at tatay at mayroong natural na kakayahang mag-alaga ng kanilang mga anak. Ang pagiging pastol ay kinapapalooban ng malaking pagmamahal, pagmamalasakit at paggabay kaya’t tinatawag sila ng mga tupa na kanilang mga ama. Kapag ang isang tao nang mayroong pagtawag bilang isang pastol, ang mga tao ay nagtitipontipon sa kanya dahil ang lahat ng tao ay nangangailangan ng pagmamahal, pagmamalasakit at pag-gabay.

    Matutuhan na gamitin ang salitang ‘pastol’ sa paglalarawan ng mga taong nagmamalasakit sa mga anak ng Diyos at nagpapakain sa kanila, dahil iyon ay kung sino sila. Kapag inilalarawan mo ang iyong sarili bilang isang pastol, nakakatulong ito upang ikaw ay makatuon sa iyong gawain bilang isang pastol. Sa ngayon, marami ang mga taong dapat na nag-aaruga at nagmamahal at gumagabay sa mga tupa ang naging makamundong mga tao na mas nababagay sa isang pamantasan sa halip na sa simbahan.

    Kung nakita mo ang isang pastol na nakaupo sa likuran ng kanyang mesa sa isang bangko, mabilis mo siyang tanungin Saan mo iniwan ang iyong mga kambing at tupa? Ano na ang nangyayari sa kanila? Sino na ang nag-aalaga sa kanila? Sa ngayon, iniwan ng maraming mga pastol ang kanilang mga kambing at tupa at matatagpuan sa mga lugar na malayo sa pagpapastol. Tinalikuran na nila ang karangalan na ibinigay sa atin upang mag-alaga ng mga anak ng Diyos at magpakain sa kanila. Huwag mong itapon ang librong ito. Ang pagpapasatol ay isang napakahalagang tungkulin. Ito ay gawain ng Diyos. Tanggapin mo ito ng seryoso. Maaari kang maging isang pastol at mag-alaga ng mga anak ng Diyos. Maaari kang gumawa ng isang bagay para sa Diyos!

    Mayroong oras na tayo ay tumanggap subalit oras na para tayo ay magbigay! May panahon na tayo ay naturuan subalit panahon na upang tayo ay magturo! May panahon na tayo ay pinangunahan ng isang tao subalit panahon na upang tayo ang manguna sa iba! Ibigay mo ang iyong sarili para sa gawaing marangal na pagpapastol- pagmamahal, pagmamalasakit at pagtuturo ng mga tao. Ito ay isang karangalan. Kahit ikaw ay maging isang tao na nagtatrabaho at naglilingkod, maaari kang maging isang pastol. Maraming mga tao ang nagtatrabaho na nasa ministeryo. Ikaw ay maaari na maging isa mga ikinararangal na mga taong naglilingkod sa Diyos bilang isang pastol.

    Kung ikaw ay nasa ministeryo ng may kabuuang oras, isipin mo ang iyong sarili bilang isang pastol kaysa isang lingkod ng Diyos. Ito ay makatutulong sa iyo upang mas mabuti mong maunawaan ang iyong tawag. Dumaloy sa pagmamahal, pagmamalasakit, paggabay at ang pagtuturo ng mga regalo ng Diyos at ikaw ay magiging isang pastol sa mga anak ng Diyos. Alalahanin mo na mahal na mahal ni Hesus ang Kanyang mga tupa. Siya ay namatay para sa atin. Mayroon Siyang pagmamalasakit sa atin! Ang sinumang nagbabantay sa mga tupa ng Diyos aykumikilos patungo sa pagmamahal ng Diyos dahil mahal ni Hesus ang mga tupa at Siya ay namatay para sa mga ito.

    Kabanata 2

    Bakit Maaari Ka na Maging Isang Pastol

    Sa kabanatang ito, nais kong ipakita sa iyo na maraming mga dahilan na nababatay sa kasulatan kung bakit ako naniniwala na ikaw ay maaari na maging isang pastol. Naniniwala ako na sa isang punto ng iyong paglago bilang isang Kristiyano, sa isang antas ikaw ay maari na maging isang pastol. Itinuturo ng Bibliya mula sa maraming anggulo ang ukol sa iyong pagiging mabunga sa ministeryo. Ang Salita ay nagtuturo rin sa atin na marami at hindi kakaunti ang tinawag sa ministeryo.

    At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor [poimen] at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:

    Mga Taga-Efeso 4:11-12

    Ang karaniwang pagpapakahulugan ng Kasulatang iyo ay ang Diyos ay nagbigay ng natatanging tungkulin sa pang-miministeryo sa Simbahan dahil sa tatlong pangunahing mga kadahilanan:

    1. Upang pakaganapin ang mga banal.

    2. Upang maisagawa ang gawain ng ministeryo.

    3. Upang paghusayin ang Katawan ni Kristo.

    Totoo ito. Gayunpaman, dapat tayong magkaroon ng kamalayan na ang mga nagsalin ng Bibliya ay nagdagdag ng bantas, na minsan ay nagbibigay ng nakalulungkot na pagpapakahulugan ng teksto. Kapag tinanggal mo ang mga kuwit sa Efeso 4:12, ibinibigay nito ang ibang kahulugan, na sa aking pinaniniwala ay higit na tama. Tanggalin mo ang mga banta sa Efeso 4:12 at tingnan mo ngayon kung ano ang sinasabi ng berso na ito.

    At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor [poimen] at mga guro;

    Sa ikasasakdal ng mga banal sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:

    Efeso 4:11-12

    Ang sinasabi na ngayon ng kasulatan ay ibinigay ng Diyos ang mga apostol, propeta, mga mangangaral ng ebanghelyo, mga pastor at mga guro sa ikasasakdal ng mga banal sa gawaing paglilingkod.

    Sa madaling salita, ang mga natatanging tungkulin na pang-ministeryong ito ay ibinigay upang pakaganapin ang mga ordinaryong mga banal na tao upang bigyan sila ng kakayahan na isagawa ang gawain ng ministeryo. Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito na ang karaniwang mga banal na tao ay makagagawa ng mga gawain ng ministero. Nangangahulugan din ito na ang gawaing ministeryo ay hindi lamang para sa mga partikular na mga apostol at mga guro.

    Maisasakatuparan ng mga pastol ang malalaking bahagi ng ministeryo.

    Kapag ipinaliliwanag mo ang Efeso 4:11,12 sa ganitong paraan ibinibibay nito ang tungkulin ng ministeryo sa ating lahat at hindi lamang sa iilan na natatanging mga tao. Ito ang nararapat na mangyari, dahil ang Bibliya ay nagsasabi na marami ang tinawag!

    Hindi lamang tinawag ng Diyos ang iilan upang isagawa ang Kanyang gawain. Tinawag ng Diyos ang mas maraming mga tao kaysa sa mga tumugon.

    Kung ikaw ang Diyos at ikaw ay may malaking gawain na dapat matapos — ang gawain na mailigtas ang buong mundo, ikaw ba ay tatawag lamang ba ng iilang mga tao at ipadadala sila? Siyempre hindi!Tatawag ka ng mas maraming tao at ipadadala sila. Sa kasamaang palad, iilang mga tao lamang ang tumugon sa tawag, samakatuwid, iilan lamang ang sa kalauna’y mapipili upang maglingkod sa ubasan.

    Ganoon ba Kalaking Bagay ang Tawag?

    Ginawa natin na isang mistikong karanasan ang tawag ng Diyos na kinapapalooban ng pagkarinig ng mga boses, pagkakita ng mga pangitain, at pagkakaroon ng kagila-gilalas na mga karanasang espirituwal. Ito ay isang maling pagpapakahulugan. Marami ang tinawag subalit marami ang hindi pa nakakikita ng mga pangitain ni Hesus. Ang itinuturo sa atin ng Bibliya na tayo ay tinawag na maging mga banal.

    Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, TINAWAG NA MANGAGBANAL…

    Mga Taga-Roma 1:7

    Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga’y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, NA TINAWAG NA MANGAGBANAL…

    1 Mga Taga-Corinto 1:2

    Ang mga banal ang inaasahang gumagawa ng gawain batay sa Efeso 4:12. Ngayon maging tapat tayo. Sa ating tawag bilang mga banal, ilan sa atin ang nakarinig na ng hindi pangkaraniwan na mga tinig? Ilan na sa atin ang nagkaroon ng kulog at kidlat na tumakot sa atin patungo sa kaligatasan? Ilan na sa atin ang natapilok patungo sa Damasco? Kakaunting mga Kristiyano pa lamang ang nagkaroon ng ganoong dramatikong tawag mula sa Diyos.

    Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugan na tayo ay hindi tinawag na maging mga Kristiyano.

    Ang lahat ng mga Kristiyanong ipinanganak- muli ay mayroong higit sa karaniwang tawag sa kanilang buhay na maging mga banal. Ito man ay hindi kagila-gilalas, subalit ito ay tunay na higit na karaniwan. Kung tinatawag mo ang sarili mong isang Kristiyano, samakatuwid ay nakatangagap ka ng tawag kung saan ikaw ay tumugon. Ikaw ay aking pinapaalaman sa iyo kahit hindi mo man nalalaman, ikaw ay nakarinig ng tawag at ikaw ay tumugon sa banal na tawag.

    Ano iyong tawag na iyon? Ang tawag na iyon ay ang pananalig na dumating sa iyo ukol sa katotohanan ni Hesukristo. Ang pananalig din na ito ang nagdala sa iyo upang ibigay mo ang iyong buhay kay Kristo at naging sanhi upang ikaw ay maging isang Kristiyanong ipinanganak-muli.

    Minsan ang mga taong naghahanap ng mga kagila-gilalas na karanasan ang hindi nakakikita ng higit sa karaniwang pagkilos ng Diyos. Sa paraan din na tayo ay tinawag na maging mga Kristiyano, tatawagin ng Diyos ang marami sa atin na maglingkod sa Kanyang sa isang antas o mas mataas pa. Maaaring

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1