Ang Ating Kalayaan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TEKSTO: Juan 8:31-36 (Friday BS 3052021)

PAKSA; ANG ATING KALAYAAN

Paunang Salita
Noong huling Biyernes sa buwan ng Pebrero, natalakay natin ang tungkol sa
talukbong na sumasagisag o sumisimbolo sa mga utos ng Diyos na hindi pa
sinusunod o maaaring hindi na talaga ginagawa ng isang Kristiyano. Kung
susumahin ang gayung mga kalagayan ay may umaalipin pa rin sa kanya. Ang
salitang angkop sa gayung mga gawa ay “KASALANAN.” Ito ang sumasalamin sa
hindi natin pagtalima sa utos Niya.

Kung ang kanyang kasalanan ay hindi pa naisusukong lubos kay Cristo, ang
kasalanan na iyan ang kanyang patuloy na kilalanin bilang panginoon at aalipinin
siya nito habang-buhay. Ngunit kung siya naman --ang tao, ay pinanahanan na ng
Anak, ng Diyos na si Jesus, siya nga’y magiging tunay na malaya.

Juan 8:32,36 Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan, ang


magpapalaya sa inyo.” 36 Kung ang Anak ang magpapalaya sa inyo, kayo
nga’y magiging tunay na malaya.”

Sa aklat ng 2 Corinto ay ganito naman ang ating mababasa,


2 Corinto 3:16-17 16 Ngunit kapag lumapit ang tao sa Panginoon, naaalis ang
talukbong. 17 Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at kung
nasaan ang Espiritu ng Panginoon ay mayroong kalayaan.
Tayo ay malaya na sa ating mga nakalipas, o sa dating uri ng buhay at pamumuhay.
Malaya na tayo sa mga kasalanang nagawa natin o sa mga kahinaan na hindi natin
dating napagtatagumpayan.

Ang tunay na Kristiyano ay wala nang itinatago

Bukas na ang ating buhay dahil nakikita sa atin ang mga pagkilos ng Diyos. Hindi
tayo takot dahil tanging ang Panginonn--Kaniyang kaluwalhatian, ang nakikita sa
atin.
Ayon sa Galacia 2:20 “Hindi na ako nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang
nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang lupa,
mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at
naghanda ng kanyang buhay para sa akin.”

Ang tunay na Kristiyano ay malayang gumagawa ng mabuti.

1 Pedro 3:14-17
14 ”At kung uusigin kayo sa paggawa ng mabuti, pinagpala pa rin kayo.
Huwag kayong matakot sa kanilang pinangangambahan at huwag kayong
mabagabag. 15 Ngunit pakabanalin ninyo ang Panginoong Diyos sa inyong
mga puso. Humanda kayong lagi na sumagot sa sinumang magtatanong sa
inyo patungkol sa inyong pag-asa, na may kaamuan at
pagkatakot. 16 Magkaroon kayo ng magandang budhi upang mapahiya ang
mga naninirang-puri sa inyo na nagsasabing gumagawa kayo ng masama at
tumutuya sa inyong magandang pamumuhay kay Cristo. 17 Ito ay sapagkat
kung loloobin ng Diyos, higit na mabuti ang magdusa nang dahil sa paggawa
ng kabutihan kaysa paggawa ng kasamaan.”
Dahil hindi natin ikinahihiya ang ang ginagawa ng diyos sa ating buhay, nawawala
ngayon ang ating takot sa maaaring sabihin ng mga tao sa atin. Hindi na tayo inuusig
ng ating sariling budhi o ng Diyablo man. Pinalaya na tayo ng Diyos.

Ang ating paglagong Kristiyano

Ang isang tunay na Kristiyano ay nagtataglay ng kaluwalhatian (glory) ng Diyos. Ang


antas ng kabanalan na ito ay lumalago hanggang sa maabot ang katangian ng
Panginoon. Patuloy tayong binabago ng Espiritu ng Diyos na nasa atin hanggang
lubusan na tayong maging katulad ni Cristo. “At ang kaluwalhatiang iyan na
nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin
mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo’y maging kalarawan
niya.” 2 Corinto 3:18b.

Tanong sa talakayan:

1. Bakit may mga Kristiyanong takot magpatotoo sa iba tungkol sa ginawa ng Diyos
sa kanilang buhay?

2. Sa paanong paraan tayo naging malaya sa ating mga kasalanan sa nakaraan


dahil kay Cristo Jesus?

3. Ano ang mga talukbong na maaring tumakip sa patotoo ng iglesya? Paano aalisin
ito?

Mas mainam na ang mga sagot sa mga tanong ay manggagaling sa inyo. Pagbulay-
bulayan ninyo ang ating mga natatalakay sapagkat hamon po ito sa atin. Maaaring
ang mga tanong na iyan ay madadaanan natin sa mga sumusunod pang pag-aaral--
ang pagbabahagi ng EBANGHELYO. Basahin na ninyo ang Roma 10:8-17, at iyan
ang ating tatalakayin sa susunod nating pag-aaral.

You might also like