Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!
Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!
Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!
Ebook164 pages2 hours

Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Sa aklat na ito, ipinapakita ng manunulat sa mananampalataya ang isang pangunahing susi sa pagtanggap ng espirituwal, pisikal, pinansiyal at materyal na tagumpay!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986577
Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!

Related ebooks

Reviews for Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!!

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sabihin Ito! Angkinin Ito!! Kunin Ito!!! - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Pangunahing Susi Sa Tagumpay

    Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya...

    Hebreo 10:38

    Ano Ang Kahulugan ng Sabihin ito, Angkinin ito at Kunin ito?

    Sabihin ito, angkinin ito at kunin ito, ay terminong naglalarawan upang masanay ang iyong pananampalataya. Ang bawat Kristiyano ay nararapat na may pananampalataya at kailangan itong sanayin! Ang pananampalataya ang dahilan ng tagumpay at mga milagro sa ating buhay. Ang pananampalataya ang dahilan ng na mga kasagutan sa ating panalangin.Karaniwan na, ang mga taong mas may malaking pananampalataya ay mas masagana kaysa sa walang pananampalataya. Napansin ko ang kaibahan sa mga Kristiyanong lumalakad ng may pananampalataya at sa walang pananampalataya!

    Ang mga taong may pananampalataya ay nakararanas din ng dismaya, karamdaman at mga pagkukulang. Gayunman, napaka-karaniwan, ay napansin ko ang kalakaran ng mga pagpapala, kasaganaan at mahabang buhay ng mga naniniwala dito.

    Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ayb umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

    Hebreo 10:38

    Sinasabi ng Diyos na kapag lumayo ka sa pananampalataya, ay hindi Siya malulugod sa iyo. Marami ang nag-iisip na ang pananampalataya ay hindi ganoon kahalaga. Sila’y lumalayo sa mga mensahe ng pangaral at sa mga mananampalataya. Nararamdaman nila na mas nararapat bigyan ng diin ang patungkol sa pagiging matiisin, pagiging malumanay, at pagiging banal, at iba pa. Naniniwala ako na mahalaga ito at malaking bagay ito sa buhay Kristiyano. Ito, gayunman, ay hindi nangangahulugan na hindi natin bibigyan ng halaga ang pananampalataya sa buhay ng Kristiyano. Ang katotohanan na ang puso ay mahalaga sa katawan ay hindi ibig sabihing ang kidneys ay hindi kasing kahalaga nito. Pareho silang mahalaga at pareho silang may importanteng papel na ginagampanan.

    Ang pananampalataya ay napaka-espesyal na katangian na may pangunahing papel na gagampanan sa bawat buhay ng Kristiyano. Sinasabi ng BIbliya na kung walang pananampalataya ay imposibleng mabigyang ng kagalakan ang Diyos.

    At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa Kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayng may Diyos, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.

    Hebreo 11:6

    Kawili-wiling tandaan na ang Salita ng Diyos ay hindi nagsasabi na kung walang pag-ibig ay imposibleng malugod ang Diyos. Hindi sinasabi ng Bibliya na kung walang katahimikan ay imposibleng malugod ang Diyos.

    Ang Bibliya ay napaka-liwanag sa katotohanang ito: KUNG WALANG PANANAMPALATAYA AY IMPOSIBLENG MAGALAK ANG DIYOS!

    Ang pananampalataya ni Abraham sa Diyos ay itinuring na gawang makatuwiran. Si Abraham ay naniwala na si El’ Shaddai ay nagawang bigyang siya ng anak sa kanyang katandaan. Si Abraham ay may mga pagkakamali din. Nagsabi siya ng kasinungalingan patungkol sa kanyang asawa at ibinigay niya ito ng dalawang beses sa di-mananampalatayang mga hari para sa kasiyahan nito.

    Sa kabila ng kanyang pagsisinungaling at kaduwagang asal, Ang Diyos ay lubos na nalugod kay Abraham dahil sa kanyang pananampalataya sa Kanyang mga kautusan.

    Marahil para sa iyo, si Abraham ay hindi maaring makapasa. Marahil sa iyong opinyon, si Abraham ay hindi dakilang tao. Subali’t siya ay dakilang tao sa pangngin ng Diyos. Ang kanyang kadakilaan ay bunga ng kanyang pananampalataya.

    At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon. Dahil dito’y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.

    Mga Taga -Roma 4:21,22

    Mahal kong kapatid sa pananampalataya, Ang Diyos ay nagagalak, humahanga at nasisiyahan kapag naniniwala ka sa Kanya. Kapag naniniwala ka na bibigyang ka Niya ng kagalingan, ang Diyos ay nasisiyahan!Kapag naniniwala ka na bibigyan ka ng kasaganaan ng Diyos, pinapa-saya mo Siya. Kapag naniniwala ka na parating na ang tagumpay sa iyo, lubos ang kasiyahan ng Diyos. Kapag may paniniwala ka na bibigyan ka Niya ng mahabang buhay, Siya ay nahihimok na pahabain ang iyong buhay.Kapag naniniwala ka na bibigyan ka ng Diyos ng karagdagan at kasaganaan, pinapasaya mo ang malalim na bahagi ni El’ Shaddai. Ipinauubaya mo sa Kanya na buhusan ang iyong buhay ng Kanyang gatas ng pagpapala.

    Nakikita kitang lumalakad sa dakilang pagpapala ni Jehovah! Nakikita kitang natutuwa sa masaganang buhay na ibinigay ng Diyos! Nakikita kitang ligtas sa mga sakit at karamdaman! Nakikita ko ang kapangyarihan ng sumpa ay nawasak sa iyong buhay! nakikita ko na nagagalak ang Diyos dahil sa iyong paniniwala sa Kanya!

    Simula ngayon, huwag pagdudahan ang anumang bahagi ng Salita ng Diyos. Tanggapin na ikaw ang tagumpay na Kanyang tinutukoy. Sumabay ka sa mensahe ng kaginhawahan , kagalingan at kasaganaan. laging alalahanin na ang Diyos ay nagagalak kapag naniniwala ka sa Kanya!

    Ang Diyos ay hindi Diyos ng kahirapan. Mula nang makilala ko ang Panginoon ay hindi akoa nagkulang sa anumang paraan. HIndi ako nagbabasa ng kakulangan, pagkatalo, suliranin at mga limitasyon sa Bibliya. Nakikita ko lamang ang ang kasaganaan, promosyon at pagkakalaya sa aking mga kalaban. Nakikita ko na itinataas ako ng Diyos sa araw araw! Hindi ka dinala ng Diyos kay Kristo para pababain at bigyang ng kahihiyan. Dinala ka NIya kay Kristo upang itaas at patatagin ka sa masaganang buhay. Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at amagkaroon ng kasaganaan nito. (Juan 10:10)

    Pinagpala ni Hesus ang mga Taong Nananampalataya

    Sa ilalim ng ministeryo ni Hesus, may mga taong nakaranas ng mga personal na tagumpay. Sino sino sila? At bakit nila nakamit ang mga mirakulong ito?

    Maaalala mo ang sinabi ni Hesus patungkol sa babaeng may problema sa dugo. Ito ay isang babaeng nagdusa ng labingdalawang taon at hindi nagkaroon ng katagumpayan. Lumapit siya kay Hesus at tinanggap ang isang kakaibang himala. Ano ang sikreto ng kanyang tagumpay? Ibinigay ni Hesus ang kasagutan sa Marko 5:3.

    ...Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo...

    Marcos 5:34

    Nagbalik ang paningin ng bulag na si Bartimeo nang dahil sa himala. Siya ay maingay na tao at umabala sa serbisyo. Subali’t napansin siya ni Hesus at pinagaling. Ano ang kanyang sikreto? Ang sikreto niya ay ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Nagkaroon siya ng kagalingan noong sinabi niya ito, angkinin ito at kunin ito! Tingnan ninyo ang sinabi ni Hesus kay Bartimeo:

    ...pinagaling ka ng IYONG PANANAMPALATAYA...

    Marcos 10:52

    Ang makasalanang babae na nagbuhos ng unguento na nasa kahon ng alabastro ay tumanggap ng himala na kapatawaran. Bakit siya pinatawad ni Hesus? Sinabi ni Hesus sa babae:

    Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa.

    Lukas 7:50

    Sampung ketongin ang pinagaling at isa lamang ang bumalik upang magpasalamat. Ang isang bumalik ay binuo. Bakit ang isang ketongin na ito at tumanggap pa ng karagdagang pagpapala? Ganoon din ang sinabi ni Hesus sa kanya.

    ...yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng IYONG PANANAMPALATAYA...

    Lukas 17:19

    Dalawang bulag na lalaki ang lumapit kay Hesus at humiling ng awa sa Diyos. Hinipo sila ni Hesus at pinagaling. Bakit ang mga magagandang bagay na iyon ay nangyayari sa ibang mga tao? Ano ang Kanyang mga salita para sa dalawang lalaking ito?

    ...Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.

    Mateo 9:29

    Napansin ninyo ba na hindi sinabi ni Hesus, Ang iyong pag-ibig ang nakapagpabuo sa iyo?

    Hindi sinabi ni Hesus, Ang iyong kabanalan ang nakapagligtas sa iyo.

    Hindi niya sinabi. Naaayon sa iyong pasensiya, ay siyang mangyari sa iyo.

    Bakit hindi sinabi ni Hesus, Ang iyong kabutihang asal ang nakapagpa-buo sa iyo?

    Pakiusap na huwag sana kayong magkamali ng pag-unawa sa akin! Hindi ko sinasabi na ang mga katangiang ito ay hindi mahalaga! Sinasabi ko na ang pananampalataya ng tao ang nakapagpahanga kay Hesus. Ipinakikita ko sa inyo na binigyang diin ng paulit ulit ni Hesus na ang kanilang pananampalataya ang nagbigay ng katagumpayan. Kaya nga sinasabi ng Bibliya na kung walang pananampalataya ay imposibleng magalak ang Diyos.

    Naisip mo ba yung mga lalaking lumusot sa bubungan ng bahay ng ibang tao para lamang dalhin ang kanilang paralisadong kaibigan kay Kristo? Marahil na sila’y matatagal nang magnanakaw na sanay na basta na lamang papasok sa ibang bahay. Marahil na sila’y mga lalaking sanay na mandaya sa pila at nang-aagaw ng tamang puwesto ng iba. Subali’t sinasabi ng Bibliya sa atin na binigyang pansin ni Hesus ang kanilang pananampalataya at kaagad tumugon sa kanilang mga pangangailangan.

    At PAGKAKITA SA KANILANG PANANAMPALATAYA ay kanyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.

    Lukas 5:20

    Hindi nakita ni Hesus ang kanilang mga pagkakamali ng pandaraya sa pila o pagtanggal ng tisa sa bubong ng ibang bahay. Nakita Niya ang kanilang pananampalataya! Nakikita ng Diyos ang iyong pananampalataya! Oras na para bumangon at paniwalaan ang mga bagay na nakasulat sa Salita ng Diyos. Alinsunod sa iyong pananampalataya, ay mangyayari sa iyo!

    Kabanata 2

    Pagtitibay ng Tunay na Pananampalataya

    Noong ako ay bata pang Kristiyano, ang konsepto ng pagkakaroon ng pananampalataya ay parang imposible sa akin. Sa katunayan parang hindi makatotohanan na utusan ang bundok na lumipat sa dagat. Sinong makapag-iisip ng ganoong bagay? Maging si Hesus ay hindi inilipat ang mga bundok sa paligid ng Herusalem at sa ibang lugar.

    Ang pananampalataya ay mistulang isang bagay na para lamang sa mga taong napaka-emosyonal. Ito ay parang isang bagay na para sa mga taong di- praktikal at mapagkumbaba. Kung minsan, ang pananampalataya ay katulad ng isang tamad na Kristiyano na ayaw magtrabaho at humihiling lamang na mangyari ang ang mabuting mga bagay na parang isang magic. Nguni’t ang pananampalataya ay wala sa mga ito.

    Ano ang Pananampalataya?

    Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

    Hebreo 11:1

    Ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na iyong inaasahan.Depende sa iyong pinanggalingan, ang pananampalataya ay maaaring tutuo o hindi. Kung lumaki ka sa isang kritikal at walang Diyos na lipunan, magkakaroon ka ng kaunting pananampalataya sa mga himala. Sa kabila nito, kung ikaw ay isang born again na Kristiyano, ikaw ay binigyan ng kaukulang pananampalataya ng Diyos.

    ...ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Diyos sa bawat isa.

    Mga Taga-Roma 12:3

    Ang ibig sabihin nito, ang lahat ay may kaukulang pananampalataya. Maaaring sabihin mo,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1