Bagong Kritisismo
Bagong Kritisismo
Bagong Kritisismo
BAGONG KRITISISMO
Daloy ng Pagtatalakay:
Sa kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay sa Bagong
Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang sarili bilang tagapagsuri hindi
ng lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng ideolohiya, hindi ng manunulat kundi ng akdang
pampanitikan.
Sa makabagong pananaw, sa madaling salita, hindi na binibigyang halaga ang sumususnod
na mga element: ang may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang mambabasa. Walang
kabuluhang mabatid ang intensiyon ng may-akda sa kanyang paglikha sapagkat siya ay isang
indibidwal na pumasok sa sistema ng pagsulat na may kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso
ng panitikan.
Bukod rito, ang kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa lamang na
sagutin ang pangangailangan ng teksto bilang isang akda at hindi upang maging instrument para
ipahayag ang ideolohiya o pananaw.
Sa Buong Mundo
Sa Pilipinas
Ito ang konteksto ng pagpasok sa kritisismo ng isa pang grupo ng higit na nakakabatang
mga kritiko na mag-hudyat ng paghihimagsik na higit na matindi at polemikal kaysa sa
isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Kabilang sa grupo sina Virgilio S. Almario,
Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio. Magkaiba ang kanilang ginawang
paghahanda si Agoncillo ay isang historyador, samantalang si del Mundo ay isang kolumnista at
nobelista. Kung ihahambing, higit ang paghahandang akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa
nauna dahil may mahigit na antas ng pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Undos: Nagkamit
sila ng doktorado.
Simula ng Bagong Kritisismo
Sa Buong Mundo
Beginning in the 1930’s that was in the ascendancy for 30 years by Several American Critics
– and a few British(Boyd, Fordham University).
Sa Pilipinas
Sa pagpasok nina Almario, Rogelio G. Mangahas, Efren R. Abueg, Ave Perez Jacob at Rogelio
Sikat sa laranagn ng kritisismo, inangkin nila an gang puwang sa larangan ng kritisismo, inangkin
nila ang puwang sa larangang dati-rati’y pinamamayanihan ng mga matatandang kritiko.
(Kung ihahambing ang dalawang grupo ni Almario, maituturing na higit na ang paghahandang
akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa naunang uri, sa larangan ng kritisismo. May mga
tinapos na karera ang mga batang kritiko: ang ilan sa kanila ay may higit na mataas na antas ng
pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Unidos: nagkamit sila ng doktorado).
Magaganap ang simulain ng pagbabago kung sisikapin ng makata na sirain ang mga
pundasyon ng tradisyunal na panulaan. Kailangang wasakin ng makata ang mga karaniwang
balangkas ng pananalita upang siya ay makalikha.
Positibo
Maraming Kritiko ang tumanggap ng impluwnsiya ng Bagong Kritisismo sapagkat tunay
namang may pundasyon ang mga pormulang nagmula rito. Bilang praktikal na kritisismo,
makabuluhan ang kalipunan ng mga akdang nagamit na modelo sa pagsusuri ng ilang uri ng akda.
Negatibo
Sa di-kritikal na pagkakabain, hindi nasusuri ng mga kritiko ang likha at ang proseso ng
paglikha. Sa kakulangan sa wastong kaalaman, nasasadlak ang mga kritiko sa iisang tunguhin na
ang akda ay bunga ng isang serye ng pangyayari sa labas ng panitikan – sa kanilang paghahanap
sa kahulugan.
SAANMAN TUMITIG
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG-GUBAT
MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.
Gumamit ng Tayutay na Balintuna (irony), tayutay na sa pamamagitan nito, ang kahulugan patitik
ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na
sinasabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.
TALASANGGUNIAN