1 Fil Thesis

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Central Luzon Doctors Hospital-Educational Institution


Romulo Highway, San Pablo, Tarlac City
A.Y. 2016-2017

Pagsusuri sa mga Piling Tula ni Virgilio


Almario Gamit ang Teoryang
Pormalismo
Ipinasa nina:
Bagusto, Kezia Phoebe L.
Balibat, Angelica Joy N.
David, Martin T.
Manguera, Anne Pauline S.
Prudencio, Alliah Kay C.
Quiambao, Cairo Arsenio G.
Serrano, Camille Anne C.
Sigua, Tiffany Anne S.
STEM - B

Ipinasa kay:
John Perry D. Canlas
Guro sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula
Si Virgilio S. Almario ay isang alagad ng Sining sa Panitikan na may sagisag-panulat na Rio
Alma, na nagmula sa kaniyang binaligtad na apelyido. Bukod sa pagiging makata, isa rin siyang
kritikot mananalaysay ng panitikan, dalubhasa ng wikang Filipino, at isa sa mga unang
kuwentista sa Pilipinas. Karagdagan pa, siyay naglingkod bilang dekano ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, at kasalukuyang Pangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino (Filipino Fantastic, 2014).
Sa loob ng 34 na taon, nakapaglathala si Rio Alma ng dalawampung aklat ng mga tula, na kung
saan ang kanyang boses ay maaring maging expresib, mapanuya, epiko, dramatiko, o ritwal,
gamit ang kaniyang maiging pagsusuri sa kaniyang sarili at sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Karagdagan pa, kahit na isa na siyang modernong manunulat, gumamit pa rin siya ang
tradisyonal na anyo ng tula. Ang pinakamahalaga niyang tagumpay ay ang pagpapakita ng
bukod-tanging mukha ng isang Pilipinong manunulat isa na determinadong ginagamit ang
panulat upang ilantad ang mga kasinungalingan, pagpapaimbabaw, at kawalang-katarungan sa
ating bansa (NCCA, 2015).
Sa pag-aaral na ito, susuriin ng mga mananaliksik ang sampo sa mga tula ni Almario gamit ang
Teoryang Pormalismo. Ito ang mga sumusunod: Ang Bungi ni Ani, Sari-sari, Isang Pasok
sa Pruterya, Katarungan, Sestina Sa Inaasahang Pagreretiro, Bakit Kailangan Natin ang
Himala?, Samantala, sa Tingin ni Narda, Paran, Sa Bayan ng mga Dakila, at Pastoral.

Batayang Teorikal
Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng Teoryang Pormalismo sa pagkrikritika ng mga piling tula
ni Rio Alma. Ang teoryang ito ay nagbibigay-diin sa mga porma ng isang teksto, at hindi sa
nilalaman nito. Ibig-sabihin, ang binibigyang atensiyon ng pananaliksik na ito ay ang kaayusan,
istilo o paraang artistiko ng isang teksto. Layunin nitong makatuklas at magpaliwanag sa
anumang anyo ng akda at naisin nitong iparating sa mga mambabasa ang tuwirang panitikan at
mga pisikal na katangian na ginagamit ng akda (Limbo, 2015).
Konseptuwal na Balangkas
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Kahalagahan para sa mga mag-aaral, Ang pananaliksik na ito ay magbibigay
impormasyon at kaalaman kung paano gagamitin ang teoryang Pormalismo. Gamit ang
mga tula ni Virgilio Almario ay maaring maging gabay sa kanilang pag-aaral at kung ano
ang epekto nito sa mambabasa.
Kahalagahan para sa mga mananaliksik, Ang pananaliksik ring ito ay magbibigay
linaw rin sa iba pang mga mananaliksik at maari ring silang makakuha ng kaalaman at
ideya sa mga susunod na pananaliksik. Maari ring maipakita at matutunan ang kultura
lalo na sa mga Tula ni Virgilio Almario
Kahalagahan sa mga Guro, Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa paraan
ng pag tuturo at sa pag aaral sa Teoryang Pormalismo.
Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay may layuning suriin ang mga piling tula ni Virgilio Almario gamit
ang teoryang Pormalismo. Ang pananaliksik na ito ay upang maunawaan at maipaalam sa mga
mambabasa ang pamamaraan at teknikong ginagamit sa larangan ng teoryang pormalismo.

Depinisyon ng mga Termino


Berdugo Pumapatay; Tagapatay na sumusunod sa legal na batas.
Hayok pagkakaroon o pagpapakita ng isang makasariling pagnanais para sa kayamanan
at mga ari-arian.
Hukluban pinahina ng edad at sakit dahil sa katandaan.
Igos isang pahaba o hugis peras na syconium, bunga ng isang puno (genus Ficus) ng
halaman ng Malberi Family.
Kalatas mensahe na nais iparating.
Karit isang kagamitan na ginagamit upang maka putol ng damo at madalas ginagamit sa
pag-aani
Kinakasi buong pusong prinoprotektahan ang isang tao.
Lunang Putik
Moog isang gusali o istraktura na karaniwang mas mataas kaysa sa kanyang diyametro
at mataas sa mga nasa kanyang paligid.
Pisa Winasak, Dinurog o Pinisa
Tinitistis Magsagawa ng operasyon.
Tupdin matupad o matapos
Uban kulay-abo na buhok

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Mga Kaugnay na Literatura
Mga Kaugnay na Pag-aaral
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPALIWANAG NG MGA DATOS
BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/national-artists-of-the-philippines/
virgilio-s-almario/
http://daigdig-ng-tula.tumblr.com/search/virgilio+almario
https://filipinofantastic.wordpress.com/2014/03/20/10-most-fantastic-rio-alma-poems/
http://www.merriam-webster.com/

You might also like