Mga Positibo at Negatibong Epekto NG So

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“MGA POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-

AARAL NG GENERAL SANTOS CITY NATIONAL SECONDARY SCHOOL OF ARTS

AND TRADES”

Kabanata 1

Introduksyon

Panimula

Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan.

Kabilang dito ang facebook,twitter,instagram, tumblr, at mga laro tulad ng Dota,Clash of

clans at kung ano ano pa. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o

sa lahat ng mga to. Maraming kabataan na ginagawa ang mga social networking sites

na ito bilang libangan. Pero ano nga ba ang mga negatibo at pasitibong epekto ng mga

ito sa kabataan sa panahon ngayon? Unang bagay dito ay ang pagiging tamad ng mga

kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahati ang kanilang

atensyon. Mas marami pa silang ginugugol na oras sa pag access o paglalaro kaysa sa

pag aaral. Mas nagiging interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa

pagtyagaan ang mga aralin sa paaralan. Dahil din sa mga social networking sites na ito

ay nagiging aktibo ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung anong uso.

Nagiging ugali nila ang makiuso sa mga sikat na nagpapabago sa kanilang mga ugali.

Dahil din sa mga social networking sites marami kabataan ang nalalayo sa tamang

landas. Marami sa kanila ang nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pag

aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral makapaglaro


lamang ng mga Dota o clash of clans o di kaya’y magfacebook lamang. Marami din

kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga laro at napapanuod nila. May nga

naappektuhan ng mga madadahas na pamumuhay. May ibang kaso pa nga na

nakakapatay ang mga kabataan ng kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga laro.

Nagiging sanhi ito upang maging brutal sila at malulong sa madaming gawa. Ngunit sa

kabila nito ay nasa tao padin ang limitasyon ng bawa bagay. Kahit ano pa mang ibigay

ng buhay na ito ay dapat marunong tayong magkontrol sa mga ito. Dahil walang ibang

magiging responsibilidad sa ating sarili kundi tayo. Dapat may sapat na gabay ang mga

magulang sa kabilang mga anak.

Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang

kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang kakayahang maipaliwanag nang

buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama.Dito kusang umuusbong ang isang

matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas

ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan

ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa

maaaring dulot o epekto nito sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking

papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante.

Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay

gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag –

aaral.2 Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng

Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang

kagandang asal at disiplina sa sarili.


Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang positibo at negatibong epekto ng sosyal

medya sa mga mag aaral ng General Santos City National Secondary School of Arts and Trades:

1. Matukoy ang kahalagahan ng sosyal medya.

2. Ano-ano ang mga positibong epekto ng sosyal medya sa mga mag-aaral?

3. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng sosyal medya sa mga mag-aaral?

Balangkas ng pag-aaral
Kahalagahan ng pag-aaral

Malaki ang epekto ng sosyal medya sa mga mag-aaral ngayon. Maaring negatibo o positibo ang

dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,magsisilbing patnubay at

makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang

pananaw tungkol sa sosyal medya. Makatutulong din ito upang maimulat ang kaisipan ng mga

estudyante sa tamang paggamit ng sosyal media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang

sarili.

Sa mga guro. Upang bigyan-ideya ang mga guro tungkol sa sosyal medya na kadalasang

pinagtutuunang-pansin ng mga estudyante ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang napulot,

maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng

mga stuyante ang kanilang lubong na pagkahumaling sa sosyal medya.

Tagapangasiwa ng paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay

nakatutulong sa pagpapatupad ng mga programac proyekto, mga Gawain at iba pang mga hakbang

para makatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol

dito.

Sa mga Mananaliksik sa hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang

kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral ay may mapagkukunan sila ng mga

kaugnayan ng literatura at karagdagang kaalaman.

Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng

sosyal medya sa mga estudyante. Ang mga respondente sa mga pananaliksik na ito ay mga
estudyante na nasa unang taon at semestre taong 2017-2018 ng General Santos City National

Secondary School of Arts and Trades.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga studyante ng General Santos City National

Secondary School of Arts and Trades ng Tiongson St., Lagao General Santos City. Hinahangad din

ng pag-aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepesyon ng mga guro sa epektong dulot ng

sosyal medya sa mga estudyante.

Depinisyon ng mga Termninolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

kung paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito :

Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi

mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong

nasa malayong lugar.

Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng

pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech,mas

madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga

taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating

pagkakataong makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong

marahil ay bago para sa atin.

Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay

parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong

pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.


Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share

stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan

ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas,

magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga

kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o

madiskubre.

You might also like