Research Fil Group8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Ang Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-aaral,

Ika-11 Baitang ng ICCT Taytay Campus

2019-2020

Ipinasa nina:

Ryan Arienda

Corpin Estrada

Jellzone Lintac

Eravelisa Pakingan

Michelle Riomalos

Academic Strand, STEM Track

Ipinasa kay:

Gng. Riolie Guba

December 2019
KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay inirerepresenta ang Panimula o Introduksiyon,

Bakgrawnd ng Pag-aaral, Theoretikal Framework, Konseptwal Framework,

Paglalahad ng Suliranin, Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral, Kahalagahan ng Pag-

aaral at Depinisyon ng mga salita sa isinagawang pananaliksik.

Panimula

Isa sa mga nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante ay ang mga

estratehiya o paraang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo. Ang ilan sa mga

estratehiyang ginagamit sa pagtuturo ay paggamit ng visual aids, pagpapanood ng

may kaugnayan sa aralin, pagbibigay ng mga aktibidad upang lalong maging

interesado at makuha ang atensiyon ng mga estudyante. Kadalasan sa mga

aktibidad na pinapagawa ay dula-dulaan, pag-uulat, maikling pagsusulit at iba pa.

May pagkakaiba din sa pagtuturo ng mga guro kumpara sa noon at ngayon. Noon,

ang tinatawag na paraan ay spoon feeding kung saan bigay na lamang sa mga

estudyante ang mga aralin. Mayroon ding mga ginagamit na libro ang estudyante

kung saan dito pa sila nananaliksik ng mga kaalaman o mga asignatura. Sa

makabagong paraan ay karamihan na sa mga guro ay gumagamit ng mga

teknolohiya upang lalong mas maunawaan ng mga mag-aaral.

Layunin ng pananaliksik na ito ang malaman ang pinakaepektibong paraan o

estratehiya ng pagtuturo para sa mga piling mag-aaral. Layunin din nito na malaman

kung nakakaapekto ba sa kanila ang estratehiyang kanilang napili at ganundin ay


upang magamit ng mga susunod pang mananaliksik. Upang makalap ang mga

impormasyon ay gagamitin ng mga mananaliksik ang paraan ng pagsasarbey.

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Gaano nga ba ka epektibo ang ibat ibang paraan ng pagtuturo? Isa sa mga

tinitingnan na dahilan kung bakit mas mabilis matuto ang mga mag aaral at mas

magiging aktibo ang mga estudyante sa pag aaral ay dahil sa iba’t-ibang paraan ng

pagtuturo ng guro. Dahil sa mga estratehiya ay mas lalo pa silang nagpupursigi sa

pag aaral, dahil alam nila na lahat ng matutunan.nila.ay magagamit ng kanilang

pangkat o pag-unlad sa buhay. Sa pag aaral na ito ay mapapatunayan natin kung

anu-ano ang iba’t-ibang epektibong paraan ng pagtuturo at sa pamamagitan ng pag-

iinterbyu sa mga estudyanye.para mas mabigyang tibay ang mga datos na nilalaman

sa pananaliksik na ito.

Ayon sa ilang pag-aaral, kapag namimili nang alin mang estratihiya sa

pagtuturo dapat at mahalagang tandaan na hindi lang sa paggawa ng aktibidad,

paggawa ng visual aids,at iba pa natatapos ang isang pagtuturo kung hindi sa

pagsasaisip sa layunin sa paggamit ng isang partikular na nakasanayan o

pamamaraan. Mahalaga ring tandaan na kung wala ang Espiritu kahit ang

pinakamabisang pamamaraan ay hindi magtatagumpay. Ito ang iba’t-ibang

paghihinuha ng ibang riserters na mas marami at mas mahalaga pang materyales

ang pagtuturo ng isang guro at yun ang pagmamahal sa kanyang pagtuturo at

pagmamahal sa mga batang kanyang tinuturuan.


Theoretical Framework

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa teoryang Socialcultural ni Vygotsky

(1987), ang pag-aaral ng tao ay nag lalarawan ng pag aaral bilang isang social na

proseso at ang pinanggalingan ng karunungan ng tao ay ang lipunan o kultura. Ang

mga bata ay ipinanganak na may mga batayang biyolohikal na limitasyon sa

kanilang pag-iisip. Ang bawat kultura ay nagbibigay ng mga kagamitang intelektwal

na adaptisyon. Ang mga kagamitang ito ay nag papahintulot sa mga bata na gamitin

ang kanilang mga pangunahing kakayahan sa kaisipan sa isang paraan na

nakikibagay sila sa kultura kung saan sila nakatira. Ang konseptwal na batayan ng

pananaliksik na ito ay masisilayan ang linyang nag papahiwatig ng makabuluhang

ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di -malayang baryabol. Masasabing

ang pokus ng pag -aaral na ito ay alamin ang malakas na ugnayan ng dalawa sa

bawat isa. Ang estilo ng pagtuturo ng mga guro at ang aktibong motibasyon ng mga

mag -aaral. Ang estilo ng pagtuturo ng mga guro ay nagbibigay ideya at nakakakuha

ng atensyon sa mag -aaral, upang magkaroon ng aktibong mag -aaral sa

pamamagitan ng paggamit ng mga teknolohiya para mas maunawaan mabuti ng

mag -aaral ang tinuturo ng kanilang guro, Ang pagbibigay ng mga aktibidad at

pakikilahok sa kultura, lingguwistika na nakabantay sa paggamit ng teknolohiya para

mapabilis ang ating pagkatuto sa lahat ng bagay, upang magamit natin ang mga

natutunan ito sa kasalukuyan at sa susunod pang panahon na mag -aaral.


Konseptwal Framework

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Ano ang propayl ng

respondante batay sa:

1.1 Edad at;

1.2 Kasarian

2. Ano ang persepsyon sa Mabatid ang Epektibong

epektibong paraan ng Paraan ng Pagtuturo sa


 Survey questionnaire-
pagtuturo sa mga piling Piling Mag-aaral, ika-11
essay type
mag-aaral ika-11 baitang Baitang ng ICCT Taytay
 Talatanungan
ng ICCT Taytay Campus Campus.

batay sa:

2.1 Tradisyunal na

pamamaraan

2.2 Makabago

pamamaraan

Tugon/Fidbak

Pigura 1. Konseptwal Framework

Base sa teoryang naipresenta, anng balangkas na konseptwal ay nabuo sa

pamamagitan ng opinion ni Vygotsky (1987) na tinawag na sociocultural kung saan

ay naglalaman ng input, proseso at awtput. Ipinapaliwanag sa pag-aaral na ito kung

gaano kaepektibo ang paraan ng pagtuturo sa performans ng mga mag-aaral.


Ang unang frame ay naglalaman ng kasagutan ng mga respondante batay sa

edad at kasarian. Nilalaman din nito ang performans ng piling mag-aaral kaugnay sa

mga paraan ng pagtuturo.

Ang ikalawang frame naman ay ang proseso. Dito inilalagay ang

metodolohiya at paraang gagamitin upang malaman ang Epektibong Paraan ng

Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, ika-11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020.

Ang huling frame ay ang awtput. Dito isinasaad ang aksiyon kung nabatid ang

Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-11 Baitang ng ICCT

Taytay Campus 2019-2020.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nag lalayon na mabatid ang Epektibong Paraan ng

Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020.

Tinitiyak sa pag-aaral na ito na masasagot ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang propayl ng respondante batay sa:

1.1. edad at

1.2. kasarian

2. Ano ang persepsyon sa Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-

aaral, Ika-11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020 batay sa;

2.1. Tradisyunal na pamamaraan

2.2. Makabagong pamamaraan


3. Mayroon bang kahalagahan sa pag -aaral ng Epektibong Paraan ng

Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-11 Baitang ng ICCT Taytay Campus

2019-2020?

Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakasentro ang pananaliksik na ito sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo

sa mga estudyante sa pamamagitan ng panayam sa piling propesor ng

departamento ng SHS ng edukasyon at piling mag-aaral ng baitang 11 sa ICCT

Taytay Campus. Nababatid ang mga salik na susi tungo sa epektibong pamamaraan

ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng edukasyon. Ang impormasyong nakalap ay mula

sa karanasan, kaalaman at paliwanag na ito ang mga salik na mahalaga sa

pagtuturo ng mga estudyante na may kursong edukasyon. Sasaklawin din ng pag-

aaral na ito ang epektibong pamamaraan sa pagtuturo, kahalagahan ng mga salik

tungo sa mabisang paraan ng pagtuturo at kahalagahan ng mga ito sa pagkatuto ng

mga estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang impormasyon ay magbibigay ng ideya sa mga mag-aaral

upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman. Makatutulong din sa kanila ang

pag-aaral na ito upang malaman ang iba’t-ibang paraan ng pagtuturo na


nakaaapekto sa kanilang performans. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring

makatulong sa kanila lalo na sa mga may kursong konektado sa pagtuturo.

Sa mga guro. Magkakaroon sila ng kaalaman kaugnay sa paksa nang sa gayon ay

malaman niya kung ano ang nais na paraan ng kaniyang mga estudyante at mas

mapabuti niya pa ito.

Sa mga magulang. Magkakaroon sila ng ideya at mas maiintindihan ang tungkol sa

kalagayan at performans ng kanilang anak.

Sa mga administrasyon. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay bibigyan sila ng ideya

at kaalaman kaugnay sa paksa at maaari ding payuhan ang mga guro.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Maaaring maging karagdagang

impormasyon ang pag-aaral na ito sa kanilang ginagawang riserts.

Depinisyon ng mg Salitang Ginamit

Upang higit na maunawaan ang mga nakapaloob na termino sa pananaliksik

na ito, binigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita:

Spoon Feeding - Isang paraan ng pagtuturo noon kung saan binibigay na lamang

sa mga esytudyante ang aralin.

Intelektwal- Kritikal na pag iisip o tinatawag ding pagsusuring kritikal ay ang

malinaw at makatuwirang pag iisip na kinasangkutan ng pag puna.

Sociocultural- teorya kung saan ang pag aaral ng tao ay isang social na proseso at

ating pinanggalingan ng karunungan ng tao ay ang lipunan o kultura.


Estratehiya- paraan na nakahihikayat o nakakukuha ng atensiyon ng Isang tao.

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literaturang Panglokal

Ayon sa lathala ni Maria Merlisa V. Manuel (2012) na pinamagatang Guro:

Tagahubog ng Kinabukasan ng Sambayanan, malaki ang impluwensiya ng mga

guro sa kaniyang mga estudyante maging sa personal na buhay man ito o

kinabukasan. Kaya naman, nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kaniyang

propesyon hindi lamang bilang isang trabaho kundi isa ring misyon na may

kaugnayan sa kinabukasan.

Ang kaugnay na literatura ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral

na may pamagat na Ang Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-

11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020 dahil isa sa layunin ng pag-aaral na

ito ay malaman kung paano nakakaapekto sa performans ng estudyante ang paraan

ng pagtuturo ng isang guro. Tinalakay dito ang iba’t-ibang gampanin ng guro sa

harap ng mga estudyante at ayon sa literaturang ito ay hindi mababahagi ng isang

guro ang isang kaalaman ng walang lubusang kaalaman kaya’t kinakailangan ang

pangangalap ng isang guro hindi lamang kung ano ang kaniyang natutunan kung

hindi mangalap pa ng panibagong mga impormasyong kagigiliwan pa ng mga mag-

aaral.
Kaugnay na Literaturang Pambanyaga

Batay sa lathala ni Gregorio Herman C. na pinamagatang Principle and

Methods of Teaching (1976), may dalawang uri ng estratehiya o pamamaraan na

ginagamit ng mga guro sa pagtuturo; Tradisyunal na Pamamaraan at Makabagong

Pamamaraan. Ang Tradisyunal na Pamamaraan ay isang na pagka-organisa na

“subject matter” sa pamamagitan ng pagsasanay, pagbabalikbalik at

memorasisasyon at “fixed” na kurikulum na binuo ng mga matatanda. Kalakip nito

ang istriktong pamamalakad sa paaralan, pormal na mga “pattern” na instraksyunal

at “fixed” na “standards” gamit ang proseso ng kompulsyon, makitid na pagkontrol,

pormalidad, takot at pangamba. Nakabase ito sa konsepto na ang edukasyon ay

isang paghahanda para sa darating na buhay ng tao, isang disiplina sa pag-iisip, ang

paglipat ng kahusayan, naghahanap lamang ng karunungan para sa “compliance”,

at higit sa lahat ay ang pamamaraan na ito ay “Teacher-dominated activities”.

Ang Makabagong Pamamaraan/Metodo naman ay nakabatay sa pilosopiya ni

John Dewey na ang eduaksyon ay buhay, pagsulong o paglaki, rekonstraksyon ng

mga pantaong karanasan kung saan ay may interaksyong nagaganap sa pagitan ng

mga mag-aaral at guro na proseso. Mas binibigyan ng pansin nito ang pag-iisip

kaysa ang pag-alala, pag-uunawa kaysa pangangalap ng impormasyon, at higit sa

lahat ang totoong interes at hindi lamang para sa “compliance”. Ang pamamaraan na

ito ay hayagang nagmumungkahi ng kalayaan, naghihikayat sa maikling

pagpapahayag, ang pagkilala sa mga karapatan ng bata bilang isang malayang

katauhan sa isang makatotohanang sitwasyon.

Ang kaugnay na literatura ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral

na may pamagat na Ang Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-


11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020 dahil isa sa layunin ng pag-aaral na

ito ay malaman ang pagkakaiba ng tradisyunal at makabagong pamamaraan ng

pagtuturo para sa mga estudyante at upang malaman kung ano mas higit na

magandang estratehiya para sa kanila. Tinalakay din sa literaturang ito ang mga

halimbawa ng estratehiya sa tradisyunal at makabagong pamamaraan tulad na

lamang ng Mga Lektyur at Presentasyon, Diskusyon, at Pagsasalaysay (Recitation)

sa Tradisyunal na Pamamaraan at Pang-Akademikong Laro o Kompetisyon,

Brainstorming at Pagsasadula sa Makabagong Pamamaraan.

Kaugnay na Lokal na Pag-aaral

Ayon sa isinagawang pananaliksik nina Cuadra (2011) ukol sa pagtermina ng

mga paraan ng pagkatuto ng mga piling mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo sa

pamamagitan ng sistemang Vark ay naglalayong malaman kung anu-ano ang mga

paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral, particular sa kursong BSA at BSBA-MA.

Ang mga mananaliksik aay nagpamigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral

ukol sa sistemang Vark, isang kilalang sistema sa internet na ginagamit ng

nakararami upang madetermino ang kanilang paraan sa pagkatuto. Ang mga tanong

ay idinikteyt at ang iba naman ay pinasagutan sa mga mag-aaral. Ang mga resulta

sa bawat seksyon ay sinuring mabuti at ipinagkumpara upang matermina ang

pinakaangkop na paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang kaugnay na pag-aaral ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral

na may pamagat na Ang Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-

11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020 dahil isa sa layunin ng pag-aaral na

ito ay malaman ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa tulong ng mga guro.
Kaugnay na Pambanyagang Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Bagatsolon (2000) na “Effect on the College of

Education Faculty Members Teaching Strategies on the Academic Performance of

Students”, ang mga istratehiya ay kailangang epektibong maisagawa sa

demokratikong lugar ng klasrum. Ang mga mag-aaral ay binibigyang pagkakataong

makapagpahayag ng kanilang saloobin, personal na pananaw, unawa at ugali sa

paksang tinatalakay. Kinakailangang maging maganda ang kalalabasan ng isang

aralin. Sa paggawa nito’y kailangang madebelop ng guro ang kahandaan ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng tamang motibasyon sa simula at kahit saang parte ng

aralin.

Ang kaugnay na pag-aaral ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral

na may pamagat na Ang Epektibong Paraan ng Pagtuturo sa Piling Mag-aaral, Ika-

11 Baitang ng ICCT Taytay Campus 2019-2020 dahil isa sa layunin ng pag-aaral na

ito ay malaman ang interaksyong nagaganap sa loob ng klasrum.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito inirerepresenta ang Disenyo ng Paglalahad, Populasyon,

Respondante, Instrumento ng Pananaliksik, Prosidyur sa Pangangalap ng Datos,

Istatistikal Tritment ng Datos sa isinagawang pananaliksik.


Disenyo Ng Paglalahad

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaarang

kwalitatib na pananaliksik na gumamit ng talatanungan (survey questionnaire-essay

type) para makalikom ng mga datos. Nagtatangkang itala at bigyang pahalaga ng

pag aaral na ito ang mga opinyon ng mga piling mag-aaral, ika-11 baitang ng ICCT

Taytay Campus, ukol sa epektibong paraan ng pagtuturo ng guro sa mga mag aaral.

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa pananaw ng mga estudyante sa

pagtuturo ng mga guro bilang suporta sa isang mainam na pag aaral. Ang pag-aaral

ng mga datos ay mula sa mga respondante na magagamit at makakatulong sa

nasabing pag-aaral.

Populasyon

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralan ng ICCT Colleges Taytay

Campus. Gumamit ang mga mananaliksik ng ramdom sampling na respondate

upang magkaroon ng representasyon ng mga datos. Ang mga respondenteng napili

ng mga mananaliksik ay kasalukuyang nasa ikalawang semestre na ng

akademikong taong 2019-2020. Pumili ang mga mananaliksik ng dalawampung (20)

mag-aaral mula sa ika-labing isang baitang upang makakalap ng mga kasagutan sa

katanungan ng mananaliksik at bigyang katuparan ang mithiin ng pag-aaral.


Respondante

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa

paksang ‘epektibong paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral’ ginamit ang simple

random sampling kung saan ang pagpili ng respondante ay malaya. Ang

mananaliksik ay kumuha ng dalawampung respondante na nagmula sa ika-11

baitang ng ICCT Taytay Campus. Labing isang lalaki at siyam na babae ang mga

nagging respondante sa isinagawang pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire-essay

type bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa

pag-aaral. Ang talatanungan ay may dalawang katanungan. Ang sarbey ay

humihingi ng opinyon patungkol sa isang tanong na kanilang papalawakin gamit ang

kanilang obserbasyon.

Pangalan: (opsyonal) Kasarian: Seksyon: Edad:

1. Ano ang mas epektibong paraan ng pagtuturo para sa iyo, “Tradisyunal o

Makabagong pamamaraan”?

2. Paano nakaapekto sa iyong pag-aaral ang napiling estilo?

Prosidyur sa Pangangalap ng Datos

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawa ng

talatanungan at sinundan ng pagsasaayos sa intrumento para maiwasto ang


kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga

problemang nais lutasin.

Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa bawat sumagot ng sarbey.

Personal na pinamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga

talatanungan sa bawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang

makuha ang nararapat na tugon. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling

oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga

nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas

makapagpahayag ang mga mag-aaral. Pagkatapos makalap ang mga instrumento

ay inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula ng Nobyembre hanggang Disyembre

ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay sinagawa ng isang araw kung

saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.

Istatistikal Tritment ng Datos

Ayon kina M. Caras, I. Gumboc, L. Salamat et al. sa librong “Statistics and

Probability A Simplified Approach”, “the expression of data in terms of percentage is

one of the statistical device used in the interpretation of numeric data”. Sa pag-aaral

na ito ang Percentage Technique ang ginamit para malaman ang mga porsyento ng

mga tagatugon sa kabuuang bilang ng mag-aaral. Ang pormula ay ginawa ng mga

mananaliksik:

- P = b1/b2x 100

kung saan:

P= ang bahagdan
b1= bilang ng tagatugon

b2= kabuuang bilang ng mga mag-aaral

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang ipresenta

ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito

ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling maintindihan ang mga datos

sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ng talaan gaya ng talahanayan gayon din

ay may pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na

maintindihan para sa mga mananaliksik ay ang paggamit ng talahanayan at graphs

kung gayon ay magiging epektibo ang Descriptive Statistical Analysis sa pag-aaral

na ito.

KABANATA IV

Presentasyon at Interpresentasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng

mga datos na nakalap tungkol sa propayl, opinion at obserbasyon ng mga mag-

aaral. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga

katanungan sa unang kabanata.


Kasarian ng Kalimitan Bahagdan (%) Rank

Respondante

Lalaki 11 55% 1

Babae 9 45% 2

Kabuuan 20 100%

Mula sa talahanayan, ang kabuuang bilang ng sumagot ay dalawampung (20)

mag-aaral mula sa ika-11 Baitang ng ICCT Taytay Campus. Ayon sa kasarian ng

mga tagasagot, labing-isa (11) ang sumagot na lalaki at siyam (9) naman ay babae

kung saan ay mas mataas ang bilang ng mga lalaking sumagot sa isinagawang

sarbey.

Edad Kalimitan Bahagdan Rank

15-16 11 55% 1

17-18 8 40% 2

19-20 1 5% 3

Kabuuan 20 100%

Ayon sa talahanayan, ang kabuuang bilang ng mga sumagot sa sarbey na

isinagawa na may edad 15-16 ay labing-isa na may 55 porsyento. Ang kabuuang

bilang naman na may edad 17-18 ay walo na may 40 porsyento habang ang may

edad 19-20 naman ay isa na may 5 porsyento. Maipapakita na mas mataas ang

bilang ng mga sumagot na nasa edad 15-16 na sinundan naman ng nasa edad 19-

20.
Suliranin 1. Ano ang mas epektibong paraan ng pagtuturo para sa iyo?

Pamamaraan Kalimitan sa Kasarian Porsyento

Lalaki Babae Lalaki Babae

Tradisyunal 4 4 36% 44%

Makabago 7 5 64% 56%

Kabuuan 11 9 100% 100%

Ayon sa talahanayan, ang kabuuang bilang ng mga lalaking pumili sa

tradisyunal na pamamaraan ay apat na may 36 porsyento at pito naman na may 64

porsyento naman ang pumili ng makabagong pamamaraan. Ang kabuuang bilang

naman ng mga babaeng pumili ng tradisyunal na pamamaraan ay apat na may 44

porsyento at lima naman na may 56 porsyento ang pumili ng makabagong

pamamaraan. Maipapakita sa talahanayang ito na mas higit na nais ng mga piling

mag-aaral ang paraan o estratehiyang makabago dahil sa iba’t-ibang kadahilanan at

ito ay makikita sa talahayan 4.

Suliranin 2. Paano nakaapekto ang tradisyunal na pamamaraan sa iyong pag-

aaral?

Dahilan Kalimitan sa Kasarian Porsyento

Lalaki Babae Lalaki Babae

Mas 2 2 50% 50%

naiintindihan

Hindi sagabal 1 0 25% 0%


ang

teknolohiya

Naituturo ang 0 1 0% 25%

aralin ng mas

maayos

Mas 1 1 25% 25%

napapalawak

ang kaalaman

Kabuuan 4 4 100% 100%

Ayon sa talahanayan na ipinapakita ang mga dahilan kung paano nakaapekto

ang tradisyunal na pamamaraan sa kanilang pag-aaral na nanggaling din sa mga

sumagot ng tradisyunal, ay mas mataas ang bilang ng mga may dahilan na

naiintindihan ang araling naituturo. May apat na kabuuang bilang: dalawa sa lalaki at

dalawa rin sa babae na may kalahating porsyento. Ang ilan pa sa mga dahilang

kanilang ibinahagi ay dahil sa hindi nagiging sagabal ang teknolohiya sa pag-aaral,

naituturo ang aralin ng mas maayos at mas napapalawak ang kaalaman sa tulong

mga guro (na ikalawa sa may mataas na bilang). Ang dahilang ito ay may dalawang

kabuuang bilang: isa sa lalaki at isa din sa babae.

Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay

nakapokus sa guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa

guro ang responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa

pagtuturo sa kanyang mga estudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang


posibilidad na maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galing o talent ng

mga estudyante sapagkat nasu-subaybayan sila ng tama ng kanilang guro.

Maipapakita na may iba’t-ibang dahilan at opinyon ang mga mag-aaral na

ukol sa tradisyunal na pamamaraan kung kaya’t may mga pumili ng estilong ito.

Suliranin 3. Paano nakaapekto ang makabagong pamamaraan sa iyong pag-aaral?

Dahilan Kalimitan sa Kasarian Porsyento

Lalaki Babae Lalaki Babae

Mas 1 2 12.5% 50%

naiintindihan

Mabilis ang 1 0 12.5% 0%

pagdagdag sa

kaalaman

Natututo ng 1 0 12.5% 0%

maayos

Mas madali 3 1 37.5% 25%

Paggamit ng 1 1 12.5% 25%

teknolohiya

Kapag hindi 1 0 12.5% 0%

nakakasabay

sa diskusyon

Kabuuan 8 4 100% 100%


Ayon sa talahanayan na ipinapakita ang mga dahilan kung paano nakaapekto

ang makabagong pamamaraan sa kanilang pag-aaral na nanggaling din sa mga

sumagot ng makabago, ay mas mataas ang bilang ng mga may dahilan na mas

mapapadali ang pagkatuto sa aralin at pag-aaral. May apat na kabuuang bilang: tatlo

sa lalaki at isa sa babae na may 33 porsyento. Ang ilan pa sa mga dahilang kanilang

ibinahagi ay dahil mas naiintindihan (na ikalawa sa may mataas na bilang). Ang

dahilang ito ay may tatlong kabuuang bilang: isa sa lalaki at dalawa sa babae. Ang

iba pang dahilan ay mabilis ang pagdagdag sa kaalaman, natututo ng maayos,

pagiging malaking tulong ng pagkakaroon ng teknolohiya, at isang kalamangan

kapag hindi nakakasabay sa diskurso.

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay mga

paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating

panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa iba’t-ibang pilosopiya na nagtataglay ng

pangunahing kaisipan na ibang-iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasa’y

nagkakaroon ng mga kaisipang political, pilosopikal, at akademikong kasanayan ang

mga mag-aaral sa estilong ito. Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung

paano tutuklasin ng mag-aaral ang kaniyang kakayahan o angking galing na

nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kaniya. Sa panahon ngayon ay

mayroon ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa dimension ng pagtuturo.

Dahil na din sa nasa makabagong panahon na tayo, naniniwala ang mga eksperto

na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na mabagal

o mahina sa pagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004), naisasakatuparan ng Multiple

Intelligence ni Dr. Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na

magpahalaga at magtamo ng kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga


saloobin, kuro-kuro at damdamin ganun na din sa mga ideyang mayroon sila base

sa kanilang mga nalalaman na naitulong ng teknolohiya.

Maipapakita na mas higit na nais ng mga napiling mag-aaral ang estilong

makabago kaugnay sa pagsasabuhay ng mga aralin, pagbibigay ng sariling saloobin

at opinyon sa kanilang mga pag-aaral.

KABANATA V

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epektibong paraan ng pagtuturo sa piling

mag-aaral, ika-11 baitang ng ICCT Taytay Campus. Napili ang paksang ito ng

mananaliksik upang mapalawig ang kaalaman ng mga mag-aaral kung saang estilo

ng pagtuturo sila magiging komporatable gayundin sa mga guro na magsisilbing

gabay sa kanilang pagtuturo ng sa gayon ay makuha nila ang atensyon ng kani-

kaniyang mga estudyante. Sa kabuuan ng pananaliksik na isang kwalitatib ang

ginamit ang metodolohiyang sarbey (essay type) ay mas nakakakuha ng atensiyon

para sa dalawampung estudyante ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa

dahilang mas naiintindihan ang aralin.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga

pagpapatunay ng mga kongklusyon.


Sa isinagawang sarbey ng mga mananaliksik napag-alamang ang

demograpiyang propayl ng mga respondante ay 15-16 pinakamaraming respondante

at sumunod ang 17-18 habang sa kasarian naman ay mas marami ang lalaking

nakuhanan ng opinyon kaysa sa mga babae.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng mga

mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:

 Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magkaroon ng interaksiyon sa pagitan

ng guro at klase nang sa gayon ay malaman ang kinakailangang madebelop.

 Ang guro ay kinakailangang hingin ang opinyon ng estudyante sa oras ng

diskurso.

 Bilang nasa henerasyon tayo ng paggamit ng teknolohiya ay kinakailangang

maging responsable at alamin ang limitasyon sa paggamit ng gadgets sa oras

ng pag-aaral. Gawin itong istrumento sa pag-aaral upang magkaroon ng

sapat na kaalaman.

You might also like