Aralin 4 5 Dokumentaryong Pampelikula Pangwakas Gawain

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

BANGHAY ARALIN FILIPINO 8

GRADO 8
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.4
Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-
unlad ng Kulturang Pilipino- Dokumentaryong
Pampelikula
Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
Bilang ng Sesyon: 8

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN-IIIg-h-31


 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at
pananaw ng nagsasalita

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB-IIIg-h-32


 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: (1)paksa/tema
(2)layon (3)gamit ng mga salita (4)mga tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIg-h-32


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo
ng pelikula

PANONOOD (PD) F8PD-IIIg-h-32


 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang
isyung mahihinuha sa napanood na pelikula

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIg-h-33


 Naipaliliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa
napanood na pelikula sa pamamagitan ng mga
komunikatibong pahayag

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIg-h-33


 Nasusulat ang isang suringpelikula batay sa mga itinakdang
pamantayan

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIg-h-33


 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas,
baybay, magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat
ng isang suring- pelikula

Ikatlong Markahan | 67
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) F8PD-IIIg-h-32


 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood na pelikula.

II. PAKSA

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang


Pilipino - Dokumentaryong Pampelikula
Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. Proseso ng Pagkatuto

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang-aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Dokumentaryong Pampelikula


Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag

AKTIBITI
3. Pagbuo ng Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : KARATULA-NONG
Isulat sa mga karatula ang mga tanong na nais bigyang
kasagutan sa araling tatalakayin.

Ikatlong Markahan | 68
tanong tanong tanong

tanong

tanong tanong

POKUS NA TANONG NG ARALIN


 Bakit mahalagang pag-aralan ang dokumentaryong pampelikula?
 Nakatutulong ba ang may kaalaman at kahusayan sa paggamit ng
gramatikal sa pagsusuri ng dokumentaryong pampelikula?

4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : SCRAMBLED PICTURE
Paunahan ang bawat pangkat sa pagbuo ng larawan ng mga
pelikula na kinagiliwan ng mga kabataan sa bagong henerasyon.

Bride for Rent A very Special Love Private Benjamin

One More Chance Ang Diary ng Panget That Thing Called


Tadhana

Ikatlong Markahan | 69
 Pag-uugnay sa aralin.
 Pagpapanood ng mahahalagang bahagi ng pelikulang
"Anak".

ANAK – VILMA SANTOS & CLAUDINE BARETTO

https://youtu.be/VMgXz23IioE?list=PLfCYcy7JaL_1TUofUHb2H83DQGL7
YxRQC

ANALISIS

1. Ano-ano ang mga isyung panlipunang may kinalaman sa problemang


kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyan ang binibigyang- diin sa
pelikula? Masasabi mo bang laganap pa rin ang mga problemang ito
sa ngayon?
2. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong
magulang? Ipaliwanang.
3. Kung ikaw ay magkakaroon ng sarili mong pamilya, ano-anong mga
bagay ang gagawin mo o ipatutupad mo sa iyong sambahayan upang
manatiling masaya at buo ito?

 Pagbibigay ng Input ng guro.

ALAM MO BA NA…
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong
pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay
impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago
ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong
biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.
Maaga ng taong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
dokumentaryong pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang
pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba't ibang mga eksena sa
anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang
"aktwal na tanawin o eksena". At sa patuloy na pagdaan ng panahon,
naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng
"travelogue", "newsreel tradition" at "cinema truth".
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

Ikatlong Markahan | 70
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : WORD CONNECT
Bumuo ng konsepto mula sa araling tinalakay sa pamamagitan ng
pagkonek ng magkakaugnay na salita mula sa film strip.

Pelikula telebisyon kaisipan


lipunan nagiging magpamulat
magpabago dokumentaryo
sapagkat pampelikula
impormasyon manghikayat
magbigay layunin

Ang mga pelikula ay nagiging dokumentaryong pampelikula sapagkat layunin


nitong magbigay impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga
kaisipan at magpabago ng lipunan.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : CINEMA POSTER
Gumawa ng cinema poster o sariling orihinal na pelikula na ang paksa ay
sumasalamin sa katotohanan at repleksyon ng realidad ng buhay.

IV. KASUNDUAN

1. Maghanap ng mga larawang ng mga sumikat na pelikula noon hanggang


ngayon.

2. Magbahagi ng mga pelikulang naghahatid ng kamalayang panlipunan at


malaki ang naiambag bilang isang bahagi ng kulturang popular at
panitikan ng mga Pilipino.

Ikatlong Markahan | 71
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN-IIIg-h-31


 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at
pananaw ng nagsasalita

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB-IIIg-h-32


 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: (1) paksa/tema (2) layon
(3) gamit ng mga salita (4) mga tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIg-h-32


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula.

II. PAKSA

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang


Pilipino - Dokumentaryong Pampelikula
Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

AKTIBITI

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang-aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Dokumentaryong Pampelikula


Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag

Ikatlong Markahan | 72
3. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya : Name That Volcano!


Pahuhulaan sa mga mag-aaral ang pangalan ng bulkan na nasa larawan.

SAGOT : Bulkang Pinatubo


Sanggunian: (larawan) http://volquake.weebly.com/uploads/2/4/2/2/24227416/1382341875.png

 Pag-uugnay sa aralin at paglalapit sa pelikulang papanoorin.

 Pagkilala sa director ng pelikula (Brillantes Mendoza).

 Panonood sa dokumentaryong pantelebisyon.

https://youtu.be/KLXTvH7b1hI

 Pangkatang Gawain

1 2 Mungkahing Estratehiya
Mungkahing Estratehiya
FACE TO FACE NEWS REPORTING
Suriin ang paksa at tema ng Suriin ang layon ng napanood na
napanood na pelikula. pelikula.

Ikatlong Markahan | 73
3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya
GAME SHOW
INTERBYU Bigyang kahulugan ang mga salitang
Ilahad ang inyong sariling pagkiling tungkol ginamit sa mundo ng pelikula. (Kamera,
sa interes at pananaw ni Jonalyn tungkol sa Musika, Disenyong pamproduksyon
pagtulong sa kanyang mga katribo. ,Sinematograpiya
Iskrip)

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating ang
at Organisasyon ng naipahatid ang ang nilalaman naiparating nilalaman o
mga Kaisipan o nilalaman o o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraang pangkat sa
ginamit ng pangkat sa ginamit ng presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Pangkat Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas ng
o Kooperasyon nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas pagkakaisa ang
(3) ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro
ang bawat miyembro sa ang bawat sa kanilang
miyembro sa kanilang miyembro sa gawain (0)
kanilang gawain (2) kanilang
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Tungkol saan ang napanood?


2. Paano tumutulong si Jonalyn sa kanyang kapook?
3. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang nangibabaw?

Ikatlong Markahan | 74
4. Anong pangyayaring inilahad ang nagaganap sa kasalukuyan? Ipaliwanag
ang sagot.
5. Kung ikaw si Jonalyn,paano kaya magiging makabuluhan sa iyong
pamilya at kabarangay?

 Pagbibigay ng input ng guro sa Dokumentaryong pantelebisyon.

ALAM MO BA NA…

Sa pamamagitan ng gumagalaw na mga imahe at naririnig na mga


tunog na bunga ng makabagong teknolohiya, maari itong maghatid ng iba’t
ibang kaalaman. Nagkakaroon ng mga kabatiran sa kapaligiran sa
pamamagitan ng panonood ng pelikula. Nailalantad ang katotohanan at
realidad upang makabuo ng kwento mula sa imaheng nilapatan ng tunog at
musika.
Sa dokumentaryong pampelikula, maaring makunan ang iba’t ibang
aktwal na tanawin maging ang mga aktuwal na tao ay maari ring gumanap
na artista. May mga elemento ang pelikula na siyang higit na
nakapagpapaganda ng mga sineng ating napapanood tulad ng: nilalaman,
sinematograpiya, tunog, musika, Disenyong Pamproduksyon, pag-eedit at
pagdidirehe.
Sanggunian: K12 Grade 8 Teacher’s Manual

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: KONSEP-TREN


Samahan si Jonalyn na isakay sa bus ang wastong pagkakasunod-sunod
ng konsepto ng araling tinalakay.

1 2 3 4

Mabisa itong Mahalagang Ng Ang doku-


instrumento pag-aralan pagkataon at mentaryong
sa pag-unlad pagbabagong pampelikula
C A panlipunangD B

Ikatlong Markahan | 75
Pagsagot sa Pokus na Tanong: Mahalagang pag-aralan ang
dokumentaryong pampelikula sapagkat mabisa itong instrument
sa pag-unlad ng pagkatao at pagbabagong panlipinan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ISKIT A MINUTE!


Bumuo ng isang minutong skit na may kaparehong tema/ paksa sa
dokumentaryong pampelikulang napanood. (Manoro)

EBALWASYON

Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang


kanilang Apo Bisen,..mahabang paglakad na tila isang walang
katapusang paglalakbay.,..paglalakbay para sa katuparan ng hangarin.

Alin sa mga sumusunod na paksa ang tema ng binasang talata?


a. Paghahanap sa nawawala
b. Paglalakad ng malayo
c. Paglalakbay para sa kinabukasan
d. Pagsasakripisyo

2. Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa


paligid. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay:
a. Minamasdan
b. Tumitingin
c. Naghahanap
d. Nakita

3. Sino ang kinakitaan ng pagpapahalaga sa karapatang pantao sa


pelikulang tinalakay?
a. Apo Bisen
b. Mang Edgar
c. Aling Carol
d. Jonalyn

4. Tumutukoy ito sa matapat na paglalarawan ng buhay ng pelikula.


a. Diyalogo
b. Iskrip
c. Kuwento
d. Cinematography

Ikatlong Markahan | 76
5. Alin sa sumusunod ang naghahatid ng pinakamensahe at nagsisilbi ring
panghatak ng pelikula?
a. Pamagat
b. Tema
c. Kuwento
d. Diyalogo

SUSI SA PAGWAWASTO
1.C 2.B 3.D 4.D 5.A

INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

IV. KASUNDUAN

1. Magbigay ng mga halimbawa ng dokumentaryong pampelikula na


napapanood.Gayundin ang mga kilalang dokumentarista nito.

2. Ítala ang iba’t ibang bantas at ang mga gamit nito.

Ikatlong Markahan | 77
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIg-h-33


 Naipaliliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood na
pelikula sa pamamagitan ng mga komunikatibong pahayag

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIg-h-33


 Nasusulat ang isang suringpelikula batay sa mga itinakdang
pamantayan

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIg-h-33


 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,
magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring-
pelikula

II. PAKSA

Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag


Kagamitan : laptop, projector, pantulong na biswal

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral
2. Presentasyon ng Aralin
Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MOVIE FLASHBACK
Pagbabalik gunita sa ilang bahagi ng mga pelikulang tagalog. Sabihin ang
hindi akmang pangyayari o kontradisyon sa sine o pelikula.

Ikatlong Markahan | 78
 Pag-uugnay sa aralin.
 Pagpapabasa ng lunsarang teksto.

Eksena 5 - Simula sa isang malayong paglalakad

(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung


saan naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn) "Yu nid to fill-up aplikey-
shen form to your job… (ibig sabihin ay kailangan nitong magpasa ng
aplikasyon para sa trabaho) (nagpasalamat ang mga ito)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at
magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras
‘yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kailangan ko na magfill-up ng
application.
(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang
kanilang Apo Bisen,..mahabng paglakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay.,..paglalakbay para sa kinabukasan.)
(sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba't ibang eksena,
ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila
humihiyaw ng kinabukasan… maalikabok ang tinatahak na landas. Ang
pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na
isang mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nitoang kanyang
mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa
kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng
ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong
nila si Apo Almario…)
Jonalyn : Apo Almario, nakita n'yo po ba ang aking Apo Bisen?
Apo Almario: Hindi. Hindi kami nagkita!
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.
Jonalyn: o sige po, salamat, bumoto ka bukas!
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. Al. p.432

Ikatlong Markahan | 79
 Pag-uugnay ng ginawang pagbasa sa aralin.

ANALISIS

1. Kung ganitong uri ng pelikula ang madalas na mapapanood ng


kabataang tulad mo, ano kaya ang maaaring mangyari o maidulot nito
sa inyo. Ipaliwanag ang sagot.
2. Ano-anong mga bantas ang ginamit sa iskrip? Saan at kalian
ginagamit ang mga bantas na ito?

1. Pagbibigay ng input ng guro

ALAM MO BA NA…
MGA BANTAS

Bukod sa bantas na tuldok, pananong, at padamdam na inilalagay


sa hulihan ng pangungusap ay may iba pang bantas na kailangan mong
matutuhan dahil sa mahalagang gamit nito.
Ito ay mahalaga mong matutuhan para sa malinaw na
pagpapahayag. Ginagamit ang mga Ito sa paghihiwa-hiwalay ng mga
pangungusap, parirala, at salita para sa nasabing layunin.
Narito ang ilang mga bantas na malimit ding gamitin sa pagsulat
at ang kanilang mga gamit.
- Wastong Gamit ng Gitling (ayon sa Ortograpiyang Pambansa,
Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyon 2013)
1. Sa inuulit na Salita

Halimbawa: ano-ano, ilan-ilan, iba-iba


a. Kung mahigit sa isang pantig ang salita,
ang unang dalawang pantig lamang ang
inuulit.
Halimbawa: suntok-suntukin, suri-suriin
b. Inuulit ang dalawang pantig kung may
dalawang pantig lamang ang salita. Ngunit
hindi inuulit ang panghuling katinig ng
ikalawang pantig ang salita.
Halimbawa: balik-balik, wasak-wasak,
bula-bulagsak
c. Ngunit kung may unlaping isinasama ito
sa unang bahaging inuulit.
Halimbawa: pabalik-balik, nagkawasak-
wasak, pabula-bulagsak

Ikatlong Markahan | 80
3. Sa Isahang Pantig na Tunog
Halimbawa: tik-tak, ding-dong, plip-plap

4. Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig --- Paghiwalayin ang pantig na


nagtatapos sa katinig at ang s sumusunod na pantig na nagsisimula sa
patinig.

Halimbawa: mag-aral, mag-isa, agam-agam


Ngunit ginagamitan ng gitling ang salita kahit nagtatapos sa patinig ang
unang pantig kapag pangngalang pantangi ang kasunod.

Halimbawa: pa-Mandaluyong ngunit pahilaga, maka-Filipino ngunit


makalupa
At kapag salitang banyaga at nasa orihinal na baybay ang kasunod

Halimbawa: pa-cute, ngunit pakyut; maki-computer, ngunit


makikompiyuter

5. Sa Pinabigat na Pantig - Ginagamit din ang gitling upang bigyan


ng bigat o diin ang kakaibang bigkas sa naunang pantig, gaya sa
matandang “gab-I” na kasingkahulugan lamang din ng makabagong
“gabi.”

6. Sa Bagong Tambalan- Ginagamit ang gitling sa mga bagong tambalang


salita, gaya sa sumusunod:

Halimbawa: lipat-bahay, bigyang-buhay, bagong – salita


Walang tiyak na tuntunin kung kalian inaalisan ng gitling ang tambalang
salita. May mga salitang gaya ng “kathangbuhay” para sa nobela
noong panahon ng Amerikano ang isinusulat nang kathambuhay
ngayon. May matandang palipad-hangin, basang-sisiw, at bunong-
braso na hindi pa rin inaalisan ng gitling. May bagong imbento naman ,
gaya ng balikbayan, na wala nang gitling nang unang ilathala. Mahirap
nang masabi kung kalian inaalisan ng gitling at pinagdikit ang pilikmata,
anakpawis, balinsuso.

7. Iwasan ang “Bigyan-“ – Magtipid sa paggawa ng tambalang salita, lalo’t


hindi kailangan. Halimbawa, isang bisyo na ang pagdurugtong ng
anumang nais sabihin sa bigyan- gaya sa bigyang-diin at bigyang-pansin.
Marami ang nagsasabing bigyang-pugay samantalang puwede naman na

Ikatlong Markahan | 81
mas maikli pa ang nagpugay; bigyang-parangal samantalang puwede
itong parangalan; bigyang-tulong samantalang higit na idyomatiko ang
tulungan. Kahit ang bigyang-pansin ay puwede nang pansinin.

8. Tambalan ang “Punongkahoy” – Dapat malinaw ang mga salitang gaya


ng punongkahoy at buntonghininga na likha mula sa dalawang salita:
puno + ng at kahoy; at bunton + ng at hininga. May bumabaybay sa mga
ito na “punungkahoy” at “buntunghininga” dahil sa arbitraryong pagsunod
sa o na nagiging u sa loob ng pinagtambal na mga salita. Ngunit ang
ganoong pagpapalit ay hindi na kailangan. (nasa tuntuning 7.5 ng
Ortograpiyang Pambansa). Nagkadikit man, wala naming bagong
kahulugang lumitaw sa pagdidikit. Bukod pa, madali ring makilala ng
mambabasa ang dalawang orihinal na salitang pinagsama sa
punongkahoy at sa buntonghininga.

9. Sa Pagsulat ng Oras - Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero


sa oras at petsang may ika- gayundin sa pagbilang ng oras, numero man
o binabaybay na ikinakabit sa alas - gaya sa sumusunod:

Halimbawa: ika-8 ng umaga ngunit ikawalo ng umaga, alas-12 ng


tanghali, alas-dose ng tanghali
Tandaan: Laging binabaybay ang oras na ala-una.

10. Sa Kasunod ng “De” – Ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping


de – mula sa Espanyol a nangangahulugang “sa pamamagitan ng” o
“ginagawa o ginagamit sa paraang…”

Halimbawa: de-kolor, de- mano, de-bola, de-lata , de-bote

11. Sa Kasunod ng “Di” – Ginagamitan ng gitling ang salitang


pinangungunahan ng di (pinaikling hindi) at nagkakaroon ng kahulugang
idyomatiko, tila kasabihan, malimit na kasalungat ng orihinal nito, at
malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na himig.

Halimbawa: di-mahapayang-gatang,di- mahipo,di-maitulak-kabigin,di-


maliparang-uwak.

12. Sa Apelyido-Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng nag-


sawa upang ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.
Halimbawa:Genoveva Edroza-Matute,Gilda Cordero-Fernando

Ikatlong Markahan | 82
Kapag ginagamit ang anyong ito sa lalaki,gaya sa kaso ni Graciano Lopez-
Jaena,ang apelyido pagkatapos ng gitling ang apelyido sa ina.Kung
iwawasto alinsunod sa praktikang Espanyol,ang dapat sanang anyo ng
pangalan ng dakilang propagandista ay Graciano Lopez y Jaena.

13. Sa Pagsaklaw ng Panahon-Ginagamitan ng gitling ang panahong sakop


o saklaw ng dalawang petsa.

Halimbawa: 1882-1903(Panahon ng Patinding Nasyonalismo)


23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903 (Apolinario Mabini)

Sa puntong teknikal, tinatawag itong en dash. Ang mahaba na


tinatawag na gatlang o em dash ay ginagamit kapag nawawala ang
pangwakas na petsa ng isang panauhan,gaya sa:
1870- (hindi tiyak ang petsa ng kamatayan)
Gatlang din,sa halip na gitling,ang dapat gamitin kapag ibinitin ang
daloy ng pangungusap at may idinagdag na impormasyon sa loob ng
pangungusap.

Halimbawa:
Napalingon ako- at nanlaki ang mata- nang Makita siya.
Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong -
pagkain,damit,higaan,malinis na palikuran,tubig, at iba pa.

Ang susunod na tuntunin sa pagbabantas ay mula sa


Ortograpiyang Filipino, 2009 ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Tanging ang bantas na gitling lamang ang nagkaroon ng pagbabago o
rebisyon sa inilabas na Ortograpiyang Pambansa 2013.

Kuwit(,)-Ginagamit ang Kuwit


Sa pagsulat ng kompletong adres-upang paghiwa-hiwalayin ang pangalan ng
gusali( kung mayroon),Kalye, Bayan,lungsod,lalawigan,bansa

Halimbawa: Watson Building,1610 J.P Laurel Street,San Miguel,Maynila


Sa dulo ng bating pambungad sa liham-pangkaibigan at ng bating
pangwakas ng ibat’ ibang uri ng liham.

Halimbawa: ng (bating pambungad): Mahal kong Generoso,(ng bating


pangwakas): Matapat na sumasainyo,

Ikatlong Markahan | 83
Sa paghihiwalay ng mga salita,parirala,atb.sa serye o sa isang
pangungusap
Halimbawa: Bibigyang-pansin ng kanyang administrasyon ang
pabahay,edukasyon,pagkain,at seguridad ng bansa.

Sa pagsulat ng kompletong petsa-sa pagitan ng araw at taon


Halimbawa: Mayo 11, 1998

Sa pagsulat ng buong pangalan kapag nauuna ang apelyido sa pangalan.


Halimbawa: Cruz,Juancho

Upang ihiwalay ang tuwirang sinabi ng nagsasalita na nasa loob ng panipi


Halimbawa:” Hindi ko kilala ang tinutukoy mo”,sagot ng matandang guro.

Sa pagitan ng mga sugnay sa isang pangungusap


Halimbawa: Gawa rin dito sa Pilipinas, aywan ko kung napansin mo,ang
mga damit ng binili mo sa Amerika.

Upang ihiwalay ang mga bulalas o kataga o pahayag sa iba pang bahagi
sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
A, Wala pa ring pagbabago sa set-up sa opisina.
Di bale,may iba pa naming pagkakataon.

Upang paghiwalayin ang dalawa o mahigit pang pang-uri na isa ang


binibigyang-turing
Halimbawa: Ano pa’t darating ang panahong yuyuko ang masasama,ang
mga palalong nilalang.

Upang ihiwalay ang katungkulan sa pangalan ng isang tao.


Halimbawa: Noong Disyembre 30,1937,nilagdan ni Manuel L.
Quezon,pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, ang kautusang
Tagapagpaganap Blg.134 na nagsaad na ang Tagalog ay kikilalaning
batayan ng Wikang Pambansa.

Tuldok-Kuwit o semicolon (;)-Ginagamit ang tuldok-kuwit o semicolon sa


pagitan ng malalayang sugnay na mahahabang tambalang pangungusap na
walang pangatnig na ginagamit.

Ikatlong Markahan | 84
Halimbawa: Sa pag-upo sa katungkulan ng bagong pangulo,unang
inaasam ng karaniwang mamamayan ang pag-angat ng kabuhayan ng
bansa; ito’y ayon sa pangakong binitiwan niya noong panahon ng
pangangampanya:trabaho para sa masa kontra pagtaas ng presyo; tiyak
na hihintayin at aasahan ng publiko ang pangakong ito.

Tutuldok o kolon (;) –Ginagamit ang tutuldok sa hulihan ang bating


pambungad ng pormat na liham

Halimbawa: Mahal na Punong Komisyoner:


Mahal na Senador Dela Cruz:

Sa pagsulat ng oras- sa pagitan ng oras at minute.


Halimbawa: Ika-5:00 n.g. 6:20 n.u.

Upang paghiwalayin ang lugar na pinaglathalaan at ang tagapaglathala o


publisista sa isang entri ng mga sanggunian
Halimbawa: Dayag, Alma G. Pinagyamang Pluma.
Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc., 2011

Sa pagbibigay ng halimbawa o paglalahad ng mga aytem sa isang serye.


Halimbawa: Mga dumalo: Punong Kimisyuner,Direktor IV, mga Puno ng
Sangay, at mga Puno ng Yunit.

Upang ipakita ang bilang ng talata at bersikulo sa isang sipi sa Bibliya.


Halimbawa: Juan 3:16, Samuel 16:7

Upang ihiwalay ang bilang ng tomo (Valume) sa bilang ng pahina sa isang


entri ng mga sanggunian.
Halimbawa: Philippine Journal of Linguistic 3:15-33

Upang ihiwalay ang taon sa pahina ng aklat/sanggunian na isinama sa


teksto o kapag ginamit na talababa sa isang sulatin.
Halimbawa: Ayon kay Pascasio 1984: 129
Mula kay Pascasio 1984:129

Gatlang(-)- Ginagamit ang gatlang


Upang ipakita ang sakop na bilang,petsa,oras

Ikatlong Markahan | 85
Halimbawa: 1991-1998 Oktubre 5-9

Pansinin: Karaniwang gatlang na en, mas maikli kaysa em, ang


ginagamit sa ganito.

Upang ipakita na wala pang tiyak na petsa kung hanggang


kailan,subalit alam kung kailan nagsimula.
Halimbawa: (1938-)(1998-)

Pansinin: Karaniwang gatlang na em mas mahaba kaysa en,ang


ginagamit sa ganito

Upang ipakita ang biglang tigil at maipokus sa dagdag na bagay o


kaalaman ang pahayag.
Halimbawa: Maaaring ang pinakaugat ng konseptong ito ay an
gating matandang sistema ng pagsulat- ang Alibata.

Panipi( “”Ginagamit ang panipi


Upang kulungin ang tuwirang sinasabi ng nagsasalita.
Halimbawa: “Magparaya! Isipin mo nalang na dumagsa ang kamag-
anak na buwaya,” wikang mahinahong ngiti ni Tandang Selo.

Upang kulungin ang pamagat ng isang artikulo o kuwento na hango sa


isang katipunan.

Halimbawa: Isa sa mga kwentong nakapaloob sa Umaga sa


Dapithapon at iba pang akda ni S.P. Bisa ay ang “Ulan”.

Pansinin: Ang tuldok ay inilalagay bago ang panghuling


panipi.(Gayundin ang kuwit,tandangpananong,tandang padamdam.)

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

Ikatlong Markahan | 86
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: CONCEPT PICTURE PUZZLE


Buoin ang puzzle upang makilala ang konsepto ng araling tinalakay.

Mahalagang matutunan

? ang paggamit ng
iba't ibang bantas sa
pagbuo ng pangungusap
!
“” upang maging
:; malinaw ang isang
pagpapahayag. ,.
Sanggunian:(larawan)
https://67.media.tumblr.com/08a380d55d197b73fc4a02ff0b617052/tumblr_nisly1j9vE1
trbagmo1_500.png

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2 - Mahalagang matutunan ang


paggamit ng iba't ibang bantas sa pagbuo ng pangungusap upang maging
malinaw ang isang pagpapahayag.

APLIKASYON

A. GINABAYANG PAGSASANAY
Mungkahing Estratehiya : USE _____ IN A SENTENCE!
Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mabubunot na
bantas mula sa fish bowl at isulat ito sa pisara.
! ? . , - : “”

B. MALAYANG PAGSASANAY
Mungkahing Estratehiya : SURELA (Suring Pelikula)
Sumulat ng isang maikling pagsusuri sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa napanood mong pelikula. Gumamit ng
wastong bantas at baybay.

Ikatlong Markahan | 87
EBALWASYON

Basahing mabuti ang talataan sa ibaba. Lagyan ng angkop na bantas ang


mga pahayag na matatagpuan dito. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang.

Ipinagmamalaki Kong Magiging Guro Ako

Masayang nagkita ___ kita uli ang magpipinsan upang dumalo sa pista sa
kanilang probinsya. Nagkumustahan sila habang nagkakatuwaan sa
pananghalian ___.
___ Kuya Daniel ___ anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo ___" ang
tanong ng sampung taong gulang na si Eunice.
___ accounting __ __ ang sagot ni Daniel ___
"Wow ___ ang galing mo siguro sa matematika ___ kuya Daniel ___ Ano naman
ang kursong kukunin mo ___ Kuya Nestor ___" ang tanong naman ni Ronnel sa
iba pang pinsan na katulad ni Daniel ay nagtapos ng hayskul noong Marso ___.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,Alma M. Dayag et. al

INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

IV. KASUNDUAN

1. Isulat ang buod ng paborito mong pelikula. Isaalang-alang ang wastong


gamit ng bantas sa bubuoing talata.
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula.
Isulat sa kwaderno.

Ikatlong Markahan | 88
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIg-h-33


 Nasusulat ang isang suring pelikula batay sa mga itinakdang
pamantayan

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.4


Kagamitan : Pantulong na visuals, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

A. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : ISKOR MO, SHOW MO!
Magpapanood ng isang napapanahong pelikula at pabibigyan
ng iskor na 1(pinakamababa) hanggang 10 (pinakamataas) at
ipaliwanag ang dahilan kung bakit mo ito ang iskor mo.

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.


 Paggawa ng isang suring pelikula.

B. Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S
GOAL- Nagagamit ang kahusayang gramatikal sa pagsulat ng isang
suring pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan.

Ikatlong Markahan | 89
ROLE- Isa kang kabataan na naatasang maging kabahagi ng MTRCB o
Movie And Televisionreview and Classification Board

AUDIENCE- Mga mag-aaral at mamamayan ng Batangas

SETTING- Ang gagawin mong pagsusuri ang magiging basehan


upang ikaw ay maging regular na miyembro ng MTRCB

PRODUCT- Paggawa ng rebyu ng isang pelikulang Pilipinong


napalabas sa mga sinehan mula taong 2010 hanggang
sa kasalukuyan na nagtataglay ng temang napapanahon.

S T A N D A R D - RUBRIKS SURING PELIKULA

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 0
Ang sinuring pelikula ay batay sa paksang
hinihingi.
Makatotohanan at kompleto sa aspektong
teknikal ang sinuring pelikula
Naipahayag nang malinaw ang kaisipan,
pananaw, at saloobin tungkol sa kabuoan ng
pelikula
Naipakita ang kahusayang gramatikal sa
pagsulat

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

1. Mahalaga bang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manonood?


Pangatwiranan.

2. Magsaliksik ukol sa mga hakbang sa pagbuo ng isang "social awareness


campaign" o kampanyang panlipunan.

Ikatlong Markahan | 90
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
GRADE 8
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.5
Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-
unlad ng Kulturang Pilipino- Pangwakas na Gawain
Bilang ng Sesyon: 8

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN-III-ij-32


 Naisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang social awareness
campaign tungkol sa isang paksa batay sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB-IIIi-j-33


 Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ayon sa binasang mga
.. impormasyon.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIi-j-33


 Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng
isang kampanyang panlipunan.

PANONOOD (PD) F8PD-IIIi-j-33


 Naipakikita sa isang powerpoint presentation ang mga angkop na
hakbang sa pagbuo ng isang. kampanyang panlipunan batay sa
tema, panahon at tiyak na direksyon ng kampanya.

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIi-j-34


 Nailalapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na binuo para sa
kampanyang panlipunan.

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIi-j-34


 Nakabubuo ang isang malinaw na (social awareness campaign
tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIi-j-34


 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo
ng isang social awareness campaign.

Ikatlong Markahan | 91
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIi-j-34


 Nailalapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na binuo para sa
kampanyang panlipunan.

II. PAKSA

Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-


unlad ng Kulturang Pilipino- Pangwakas na Gawain
a. Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan
b. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
(Kampanyang Panlipunan)
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
 Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan
 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
(Kampanyang Panlipunan)

AKTIBITI

3. Pagbuo ng Pokus na Tanong


Mungkahing Estratehiya : PUNO NG KATANUNGAN

Isulat sa puno ang mga katanungang nais mabigyang kasagutan sa


pagyabong ng ating talakayan.

Ikatlong Markahan | 92
tanong
tanong
tanong

tanong
tanong
tanong

Sanggunian: (larawan) http://www.deartamaqua.com/wp-


content/uploads/2016/06/studying-kids-printable-family-tree-az-coloring-pages.gif

Pokus na Tanong ng Aralin 3.5


1. Paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng kaalaman sa
pagsasagawa ng social awareness campaign sa paglulunsad ng mga
pagbabago at pagbibigay ng mahalagang impormasyon?

2. Bakit mahalagang malaman ang mga hakbang sa pagsulat ng


Social Awareness Campaign?

4. Pagbuo ng Pokus na Tanong


Mungkahing Estratehiya : EMOJI-MIN
Lapatan ng tamang damdamin ang mga sumusunod na pahayag sa
pamamagitan ng pagkapit ng angkop na emoji sa ibaba.

Sanggunian: (larawan) https://thumbs.dreamstime.com/z/various-simple-black-white-


emoticons-illustrations-35998495.jpg

Ikatlong Markahan | 93
Pagkagugol ng mga tao sa Pagwaksi sa racial / gender
social media at
pagkawala ng kanilang decrimination.
wastong asal at pag-
uugali.
Pagpapataw ng mataas
Pagsusumbong sa na buwis ng sigarilyo
awtoridad sa mga upang mabawasan ang
nambubugbog sa bata pagbebenta at paggamit
nito.
at kababaihan.

Paghihiwalay ng mga Talamak na patayan at


basura: nabubulok, di- krimen sanhi ng
nabubulok at recyclables ipinagbabawal na
gamot.

ANALISIS

1. Ano ang magiging damdamin mo tungkol sa mga napapanood sa


telebisyon o naririnig sa mga media sa nagaganap na kalamidad o
pangyayari sa bansa?
2. Paano mo hihikayatin ang mga kabataan na pangalagaan ang ating
lipunang ginagalawan?
3. Ano-ano pa ang mga tema ng kamalayang panlipunan sa bansa?

 Pagbibigay ng input sa mag-aaral.

Social Awareness Campaign


Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao.
Ang iba't ibang midyum nito tulad ng broadcast media na binubuo ng radio at
telebisyon, print media na kinapapalooban naman ng mga popular na babasahing
tulad ng pahayagan, magasin, komiks, kontemporaryong dagli; mga popular na
panitikan tulad ng patalastas, awit, rap, islogan, gayundin ang mga pelikula at maging
ang mga video technology ay nagsilbing mabisang mekanismo ng pagbabago ng
kulturang Pilipino sapagkat may kakayahan itong baguhin ang mga paniniwala, pag-
iisip, at pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan. Kaya naman sa
kasalukuyang panahon ang lahat nang ito ay magagamit na instrumento sa
kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social awareness campaign. Ang mga
kampanyang ito ay nakatutulong - upang mabigyang kabatiran ang mga tao tungkol
sa isang tiyak na isyung nagaganap sa ating lipunan. Nagagamit din ito upang
himukin ang mga mamamayang suportahan ang isang proyektong makatutulong sa
paglikha o pagsisimula ng isang pagbabago.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et.al

Ikatlong Markahan | 94
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : PICTO-MAP
Bumuo nga konsepto mula sa araling tinalakay gamit ang mga larawan sa
ibaba.

Pagsagot sa pokus na tanong 1. Makatutulong ang pagkakaroon ng


kaalaman sa pagsasagawa ng social awareness campaign sa pamamagitan
ng pakikiisa at pagsali at paghikayat sa mga kabataang tulad ko sa programa
ng gobyerno.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : COLLAGE
Gumawa ng collage na nagpapakita ng iyong kamalayan sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating lipunan.

IV. KASUNDUAN

1. Gumuhit ng poster na nagpapakita ng magagawa mo upang pangalagaan


ang ating lipunan/mundo.

2. Basahin ang “Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan”, humanda


sa talakayan sa klase.

Ikatlong Markahan | 95
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB-IIIi-j-33


 Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ayon sa binasang mga impormasyon

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIi-j-33


 Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan

II.PAKSA

Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-


unlad ng Kulturang Pilipino- Pangwakas na Gawain
A. Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan
B. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
(Kampanyang Panlipunan)
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal, aklat
Bilang ng Araw: 3 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PAINT ME A PICTURE
Iguhit ang mga dahilan, sanhi at kahulugan para sa iyo ng global
warming.

Ikatlong Markahan | 96
 Pag-uugnay sa aralin.
 Pagpapanood ng isang halimbawang social awareness
campaign.

SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN ni CJ ANGELES


https://www.youtube.com/watch?v=z0BhCeCsabY

ANALISIS

1. Anong mensahe ang ipaaabot mo sa mga taong walang pakundangan


sumisira sa kapaligiran?
2. Bakit kailangang magsaliksik muna ng mga datos bago simulan ang
isang campaign awareness?
3. Paano dapat ihatid ang mga impormasyon sa isang kampanyang
panlipunan? Anong mga salita ang dapat gamitin?
4. Mula sa napanood na social awareness campaign, ano-ano kaya ang
hakbang sa pagbuo ng isang tulad nito?

 Pagbibigay ng input ng guro.

Mga Hakbang Sa Pagsulat Ng Social Awareness Campaign

Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay


ng tao. Ang iba't ibang midyum nito tulad ng broadcast media na binubuo
ng radio at telebisyon, print media na kinapapalooban naman ng mga
popular na babasahing tulad ng pahayagan, magasin, komiks,
kontemporaryong dagli; mga popular na panitikan tulad ng patalastas, awit,
rap, islogan, gayundin ang mga pelikula at maging ang mga video
technology ay nagsilbing mabisang mekanismo ng pagbabago ng kulturang
Pilipino sapagkat may kakayahan itong baguhin ang mga paniniwala, pag-
iisip, at pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan. Kaya naman sa
kasalukuyang panahon ang lahat nang ito ay magagamit na instrument sa
kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social awareness campaign.
Ang mga kampanyang ito ay nakatutulong - upang mabigyang kabatiran
ang mga tao tungkol sa isang tiyak na isyung nagaganap sa ating lipunan.
Nagagamit din ito upang himukin ang mga mamamayang suportahan ang
isang proyektong makatutulong sa paglikha o pagsisimula ng isang
pagbabago. Sa pagbuo ng isang social awareness campaign mahalaga na
isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang:

1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang


social awareness campaign.

Ikatlong Markahan | 97
2. Tukuyin kung sino ang gruopo o pangkat ng mga tao ang nais
mong makabasa, makarinig, makakita o makapanood ng kampanyang
iyong gagawin.

3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa


isyu o paksang iyong nais bigyang pansin upang magkaroo ng sapat at
malawak na kaalaman hinggil dito.

4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa


pagsasagawa ng iyong kampanya. Maaaring gumamit ng broadcast media,
print media, video technology, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon tiyak na
papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ito ng social network
media tulad ng facebook, twitter, youtube, at iba pa.

5. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano


isakatutuparan ang pagbuo ng isang kampanya.

Malaking bahagi ng pagsasagawa nito ay ang pagbuo ng balangkas


ng isasagawang campaign material. Sa bahaging ito, mahalagang
makalikha ng sequence at dialog script na siya ninyong magiging batayan
para sa pangkalahatang proyekto. Narito ang ilang mahahalagang paalala
at hakbang sa pagbuo nito:

1. Tandaan na ang iyong bubuuing iskrip ay kailangang maging


makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.

2. Magbigay ng mga kongkreto o tiyak na halimbawa para higit itong


makahimok ng interes ng taong makakikita, makababasa, o makaririnig
nito.

3. Maging malikhain sa pagbuo nito.

4. Maging tiyak sa puntong nais bigyang diin sa isasagawang mga


diyalogo. Iwasan ang maging maligoy sa pananalita.

5. Maging tiyak kung sino ang partikular na tao o grupo ng tao na iyong
pinatutungkulan sa pagsulat ng diyalogo.

6. Gawing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na


maging mabisa ang iskrip.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

Ikatlong Markahan | 98
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: KONSTILASYON NG KAALAMAN
Piliin sa mga bituin ang mayroong kaugnay sa aralin.Matapos ay bumuo
ng pangkalahalatang interpretasyon o konsepto batay sa paksang
tinalakay. Ilagay ito sa constellation chart at pag-ugnay-ugnayin.

Makatutulong kaalaman

social mahalagang
awareness impormasyon
campaign

paglulunsad pagbabago

Pagsagot sa Pokus na Tanong - Makatutulong ang pagkakaroon ng


kaalaman sa pagsasagawa ng social awareness campaign sa paglulunsad
ng mga pagbabago at mahalagang impormasyon.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : LOVE KO ‘TO!
Lagyan ng puso ang mga larawan na nagpapakita ng kamalayang
panlipanan.

Ikatlong Markahan | 99
EBALWASYON
Isaayos ang wastong pagkakasunod sa pagsasagawa ng isang social
awareness campaign.

1. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isakatutuparan


ang pagbuo ng isang kampanya.

2. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang


social awareness campaign.

3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o


paksang iyong nais bigyang pansin upang magkaroo ng sapat at malawak
na kaalaman hinggil ditto.

4. Tukuyin kung sino ang gruopo o pangkat ng mga tao ang nais mong
makabasa, makarinig, makakita o makapanood ng kampanyang iyong
gagawin.

5. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa


ng iyong kampanya. Maaaring gumamit ng broadcast media, print media,
video technology, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon tiyak na papatok
sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ito ng social network media
tulad ng facebook, twitter, youtube, at iba pa.

SUSI SA PAGWAWASTO
1.E 2.A 3.C 4.B 5.D

INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

KASUNDUAN

1. Kung ikaw ay gagawa ng social awareness campaign, anong paksa o


isyu ang nais mong pagtuunan ng pansin? Bakit?

Ikatlong Markahan | 100


2. Alamin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan

Ikatlong Markahan | 101


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIi-j-34


 Nakabubuo ang isang malinaw na (social awareness campaign tungkol
sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIi-j-34


 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng
isang social awareness campaign

II. PAKSA

Pagsulat ng Output 3.5


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google, laptop,
projector, mga halimabawang kampanya
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 3 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang-aralin

2. Presentasyon ng Aralin

AKTIBITI
A. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : KAMPANYA-SERYE
Magpapanood ang guro ng iba’t ibang social awareness
campaign.

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.


 Pagbibigay ng input sa pagsulat ng Social awareness
campaign

B. Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

Ikatlong Markahan | 102


G R A S P S

GOAL- Makabuo ng isang malinaw na social awareness campaign


tungkol sa isang napapanahong isyung dapat pansinin ng mga
kabataan na isasagawa sa tulong ng multimedia gamit ang
angkop na mga komunikatibong pahayag.

ROLE- Isa kang kabataang may adbokasiyang mailahad ang


napapanahong isyu o paksa na dapat mabigyang-pansin ng
mga mamamayang Filipino.

AUDIENCE- Lahat ng mamamayang Pilipino lalo na ang mga


kabataan.

SETTING- Programa ng SSG( Supreme Student Government )sa


inyong paaralan.

PRODUCT- Pagbuo ng isang social awareness campaign na


nakabatay sa isang sequence dialogue script.

Halimbawa:

KOMIKS AWIT
Gawin ito nang mag-isa. Maari itong gawin nang mag-isa o
maghanap ng kapareha. Awitin ang
Ilagay ditto ang mga nabuong awit nang aktuwal sa klase.
paliwanag at impormasyon Ilahad ditto ang iyong damdamin tungkol
hinggil sa napiling isyu. sa isyu.

DOCUMENTARY CLIP PATALASTAS O COMMERCIAL


Gawin ito kasama ang 6 hanggang Gawin ito kasam,a ang 5 pang kamag-
7 kamag-aaral. Ilahad ditto ang aaral. Maari ito ay aktwal na ipakita sa
mahalagang impormasyon at mga harap ng klase o sa pamamagitan ng
solusyon sa inyong palagay ay video. Ilahad ditto ang inyong pananaw
makatutulong sa pagresolba ng hinggil sa isyu.
nasabing isyu.

DULANG PANRADYO
Isagawa ito kasama ang 5 pang kamag-aaral. Iparinig ito sa pamamagitan ng
radio o anumang audio gadget sa klase. Gawan ng lagom ang nabuong isyu at
saka magbanggit ng mga solusyong maaring gawin.

Ikatlong Markahan | 103


STANDARD–
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Ang nalikhang script ay makatotohanan
at kapani-paniwala.
Litaw na litaw ang tema/paksa at
nabigyang kaliwanagan ito.
Kaakit-akit at malakas ang dating sa
manonood.
Naipakita ang kahusayang gramatikal sa
pagsulat/pag-uulat gamit ang iba’t ibang
uri ng pahayag na tinalakay.
Ang akdang popular na napili ay
nakatugon sa lahat ng katangian nito.
Wasto ang aspektong teknikal, may
akmang estilo at mekanismo ang
nabuong gawain.
Nakagamit ng multimedia sa pagbuo ng
gawain.
5 – Napakahsay 2 – Di-mahusay
4 – mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

 Pagkuha/ Presentasyon ng mga awtput na ginawa ng bawat


mag-aaral.

IV. K A S U N D U A N

1. Bilang isang kabataang Batangueño, ano kaya ang magagawa mo


upang mapag-igting ang kanilang kamalayang panlipunan?

2. Muling balikan ang mga aralin sa Ikatlong Markahan, humanda sa


Yunit na Pagsusulit.

Ikatlong Markahan | 104

You might also like